(Amara)
She is shocked! Baliw talaga ang ex IBBf niya! Hindi ba ito nakakaintindi? Hindi ba sabi niya ayaw na niya? At ngayon anong pinagsasabi nito? He wants to marry her daw?
Look Amara,! He is such a stubborn and insane man that’s why he chooses to not listen or understand! She told herself.
She saw her father furrowed his brows as he looks at her then at Brad. Ang magaling na lalaki naman nakatiim-bagang habang nakatingin sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito.
Isa ang sigurado siya.
Seryoso ito sa binitawang salita.
"Fucking hell?! " Hindi pasigaw ang mura daddy niya, bagkus puno ito ng pagtatanong at pagkagulat.
Doon naman sumulpot Si Hope at ang mommy niya.
"Honey?" nalilitong tawag ni Stacey sa asawa habang sa kanila naman ni Brad nakatingin si Hope.
She wonders where their kuya Kurt is.
"Sorry sir but I am dead serious. " sabi na naman ni Brad.
"Amara?! What is happening? " Tanong ng ina sa kanya habang nakahawak ito sa braso ng daddy niya.
Wala naman siyang maisagot dahil siya din hindi pa naka-recover sa sinabi ni Brad.
"What the fuck are you talking about young man?! Kahapon sabi mo liligawan mo ang anak ko at ngayon papakasalan mo na?! Are you high on drugs?! Fucking hell!" mataas na ang boses ng ama .
Galit na isinuklay nito ang kamay sa buhok bago nagbuga ng hangin palabas ng bibig nito.
Napaawang naman ang bibig ng pinsan niya at mommy. Siya naman nagbaba ng tingin. Kagat niya ang ibabang labi habang nakatingin sa sahig. She can't bear to look at her family and she doesn't want to see Brad's face. Hindi niya alam ang sasabihin o gagawin.
"I don't do drugs sir at wala akong plano. I might look like this but believe me, my father will send me or any of my siblings in a rehab or worst behind bars if we ever touch illegal drugs. " Brad said in a cold but serious voice.
"Oh my God uncle! You can't have him planning such things! You can't let Ara be with him!" Hope said in a shrill voice because of disbelief.
She on the other hand saw Brad's eyes went to her cousin when he turned his head. A muscle is jerking in his left jaw. She is positive that he is trying very hard to control his temper.
Her dad is breathing shallowly so she knows he is also controlling his anger. Her mom raised her other hand to hold his. She tugged on it as she tilts her face and he leaned his head down a little. May ibinulong ang ina sa daddy niya.
Naramdaman niya na kailangan na niyang magsalita.
"Daddy, Hope is right! I don't want to be with him!" she suddenly said and all eyes went to her.
She jutted her chin and glared at Brad. His eyes are on fire.
Bumuntung-hininga ang daddy niya bago nagsalita ulit.
"You heard my daughter. I think that is enough reason for you to stop wooing her. So your wanting to marry her is out of the question." He said.
Siya naman nagtaas ng kilay nang marinig ang daddy niya. Tama ang desisyon niya na sabihin ang totoong nararamdaman. Tila naman lalong nag-apoy ang mga mata ni Brad. Naglababan sila ng tingin.
Ngumiti siya ng ngiting tagumpay dahil suportado siya ng ama. This crazy badass can't do anything now because her father had spoken.
"You can leave now." sabi pa ng daddy niya while Brad's eyes are still on hers.
She didn't want to break the stare so she continued to glower at him.
"Narinig mo ang sabi ng daddy ko. Umalis ka na." sabi niya na may inis sa tono.
Mukha kasing walang balak kumilos ito.
She couldn't help but swallow when she saw his expression slowly changed. A moment ago, his face looks grim, but now it brightened and his eyes glinted. She felt her heart beat faster. She is now holding her breath as she awaits for something that she knows might happen. Ramdam niya, base sa expression nito na may papasabugin ito to get back to what she said. Nakita niya na may sumilay pang ngiti sa mga labi nito.
"Maybe it's time to tell that..." he began but she interrupted him.
Mabilis siyang tumingin sa mga magulang na nakatingin lang sa kanila.
"I changed my mind dad. .." she said hastily.
Napaawang ang bibig ng mommy niya at ni Hope. Ang daddy naman niya nagmura ng malutong.
“Are you fucking sure?” kunot na kunot ang noo ng ama na tinanong siya.
Gusto man niyang bawiin ang sinabi pero tumango lang siya. She can’t let Brad tell them the truth. Without looking at any of them, she said she needs to go up her room. Sabi niya may nakalimutan siya.
She heard her father told Brad to stay so they could talk when she turned her back but she is past caring. Ang importante napigilan niya ito at sigurado siya na tatahimik ito. He got what he wanted again.
Hindi niya napansin na nanginginig pala siya. Dumiretso siya sa kwarto niya at ini-lock ang pintuan. Tila pagod na pagod siyang napa-upo sa kama. Kung kanina nagmamadali siyang pumasok sa eskwelahan, ngayon alam niya kailangan niya ng oras para kumalma.
***
Mabuti na lang pagdating niya wala na siyang nadatnan na mga guro lalo na si Iris dahil late na siyang nakapasok. May klase na ang mga ito. Ilang beses siyang tinatawagan ni Brad pero hindi niya sinasagot. Hanggang ngayon hindi pa din siya maka-recover sa muntik nang sabihin nito. Kung hindi niya binawi ang sinabi kanina, alam niya sasabihin nito ang totoo na may nangyari na sa kanila.. na nakuha na nito ang pagka-birhen niya. Hindi niya hahayaan ito na sabihin ang lahat sa pamilya niya lalo sa daddy niya. Natatakot siya na hindi lang ito ipapabugbog ng ama baka pumayag pa ito na magpa-kasal siya sa baliw na lalaking yun. Mahigpit ang daddy niya pero ano pa ang magagawa nito kung nakuha na ni Brad ang pagkababae niya? Kahit gustuhin mang patayin nito sa galit si Brad, alam niyang hindi yun gagawin ng ama. Wala silang lahi ng mamamatay tao. At kung ipapagulpi naman ito ng daddy niya, baka ano pa ang gawin ng mga Lopez dahil maimpluwensiya at mayaman din ang mga ito. Mukha pa namang bad boy din ang ama ni Brad. Mas matindi ito sa daddy niya. Ayaw niyang magkagulo ang mga pamilya nila.
Dahil sa hindi tumitigil si Brad sa pagtawag, napagdesisyunan na sagutin ito. Pero hindi niya ito hinayaan magsalita dahil inunahan na niya.
"You scored this time but I will never come willingly to you! I am not one of your bitches and I refuse to be touched by you ever again!"
Galit na binagsakan niya ito ng telepono. Isinubsob niya ang mukha sa braso na nasa lamesa niya. Akala niya makakawala na siya ng tuluyan dito pero mukhang gagawin talaga nito ang lahat para hindi sila maghiwalay. Totoo nga na hindi ito papayag na makipagbreak siya dito.
She sighed then straightened her back. She made up her mind. Kung ayaw nito ng break then magtiis ito. She will give him a dose of his own medicine. Kakaibang Amara ang makikilala nito.
She got her phone and dialed Hope's number.
(Brad)
He can' stop smiling. Things turned to his favor after all. At ngayon wala nang magagawa ang nobya niya. Her father told him to take it easy with her. Hahayaan daw siya nito na dalawin ang anak twice a week ng tig-isang oras. When he said he wants to take her out, Amara's dad refused his wife talked to him for a few minutes. When he came back, he said that he can take Amara out once a month with a chaperone and a bodyguard. He just nodded.
Wala namang problema dahil madami namang paraan para mas mapadalas o mas madagdagan ang oras na magkasama sila nito. Makakagawa naman siya ng paraan para masolo ito.
Ngayon niya naisip na alam siguro ng mga magulang nito na baka mas malala ang gawin niya kapag pinigilan siya ng mga ito na makita si Amara. Maaring ramdam na ng ama nito na walang makakapigil sa kanya. Kapag pinagbawalan siya, mas manggigigil siya.
Basta masaya siya. Nasa kanya ang alas. Hindi pwedeng makipaghiwalay sa kanya si Amara. Pinalampas na lang niya ang pagbagsak nito ng telepono sa kanya kani-kanina lang. Naiintindihan naman niya na nagulat ito sa mga nangyari. She didn’t expect that he still has the upper hand.
He grinned while looking at some of the new designs of one of his tattoo artists. Ganado siyang magtrabaho. He will call her again later . Hayaan muna niyang magpalamig ito ng ulo. Ilang sandal pa siyang nagpaka-busy nang marinig niyang nag-riring ang cp niya. Mas lumapad ang ngiti niya dahil mukhang hindi nakatiis ang gf niya.
Leaning on his chair, he took the call.
“Babe… “ he drawled.
“Mag-usap tayo. Sa Kent’s place. Just google the location.” Malamig na sabi nito.
“I know the place babe. What time?” tanong niya.
Isang tagong café ang lugar kaya gusto din niyang pumupunta dun. Nakagat niya ang ibabang labi ng ma-imagine na makikita na naman niya ang dalaga. He misses her smell. He can feel his dick hardening.
“Between 5 to 5:30.” Maiksing sagot nito.
“Okay babe…” kumunot ng bahagya ang noo niya ng basta na lang nito ibinaba ang telepono.
Nangingiting nailing na lang siya. He sent her a message.
You hung up on me twice already babe.. don’t make a habit of doing that. Next time.. there will be a punishment..
He flexed his neck muscles and rubbed his nape. He is planning to make out with her later. He touched his bulge when it reacted again.
“You will taste her sweet lips and skin again later…” nakangising sabi niya dito.
***
Hindi na nabura ang malapad na ngiti niya kahit nang nakababa na siya sa sports car niya. Nakita niya si Cruz at ang driver ng nobya niya. They are leaning on Amara's car. Tinignan lang siya ng mga ito . He nodded at them.
Pagkapasok pa lang niya sa loob, nakita na niya agad ito. Nakaupo ito at si Hope sa isang sulok ng cafe. Nawala ang ngiti sa mga labi niya nang napagmasdan niya ang nobya ng mabuti.
He can see her right profile. He cursed under his breath when he noticed what she is wearing. He looked around and he saw some of the men looking at their table. Naramdaman niya na nag-init ang mukha niya. Pagalit na naglakad siya sa lamesa ng mga ito. Nang mapansin siya nito, tinapunan lang siya ng tingin at hindi niya mabasa ang expression nito. He gritted his teeth as he pulled a chair to sit next to her.
"Fucking fuck! What do you have on?!" he asked angrily.
He furiously pulled her chair closer to him which made her gape and Hope hissed his name but he ignored her. Galit na nakatingin siya kay Amara na mukha namang mabilis na nawala ang gulat sa magandang mukha nito. Naningkit ang mga mata niya ng ikutan lang siya ng mga mata nito. Sinibukan nitong ilayo ang upuan sa kanya pero mahigpit ang hawak niya dito.
Nagmura na naman siya nang tumayo ito para tumabi sa pinsan. Kung may jacket lang siya binalot na niya ang katawan nito. She is in a sleeveless blue top and a pair of tight fitting dark jeans. Hindi niya gusto na litaw ang makikinis at mapuputing braso. Hapit na hapit sa hubog nito ang suot.
"Don't piss me babe.." he warned her when she settled on the chair opposite him with a sexy smile.
Naikuyom niya ang mga palad. Hindi ito ang Amara niya. Mukhang matapang at palaban ang nasa harapan niya. Tinignan niya ng matalim si Hope. Alam niya na ito ang dahilan ng malaking pagbabago ng nobya.
"I want to talk to my woman alone Hope." he said in a chilly voice.
Ilang segundo na nakipaglabanan lang ng tingin ito sa kanya.
" It’s okay Hope. I can handle this." he heard Amara said which made him turn his head to her.
She is looking at her steadily. There is no hint of nervousness in her expression or her voice.
He leaned on the chair and crossed his arms on his chest. He doesn't like her attitude towards him but somehow, he wants to see how far her feistiness would go.
"Okay. Just holler if you need me." dinig nilang sabi ni Hope while they have their eyes at each other.
Tumango lang ang nobya niya.
He let out a sneer. " Okay babe.. let's do it your way for a while. This might be fun after all but I don't fucking like what you are wearing. Later.. may consequence yan." he threatened.
Tumaas lang ang isang kilay nito bago nagsalita. "
“Isusuot ko kung ano ang gusto ko! Hindi mo ako didiktahan mula ngayon! Wala kang karapatan..."
He almost lost it. He leaned forward and grabbed her hand and gripped it to pull her closer on the table .
Gritting his teeth he said," I am about to snap babe.. konting-konti na lang .. so don't fucking push it!"
Pinilit nito na bawiin ang kamay.
" Anong gagawin mo? Magwawala ka? Magbabasag ka? Go ahead! Hindi ka lang pala bayolente at magaling manakot! Manwhore ka pa!” she rasped.
Kahit hindi sila nagsisigawan, alam niya na nakatingin sa kanila ang mga tao sa loob pero wala na siyang pakialam.
Pagalit na nagmura siya ng mahina without releasing her hand.
" Don't make me do it babe... you know me.."
"Do I? Ang alam ko lang rapist ka at magaling mam-blackmail at manakot! Hindi ko lang sigurado kung pati ang ibang mga babae mo ganun mo din nakuha." she said sarcastically.
What she said made him blow his top.
"Fucking shit!" he swore angrily.
Pagalit na tumayo siya at hinila niya ang kamay nito. Dahil sa galit niya halos kaladkarin na niya itong palabas ng cafe. Hindi niya pinansin pag-angal at pagpilit nitong bawiin ang kamay. May mga waiter na lalapit sana para saklolohan ito pero sinamaan niya ng tingin kaya lumayo ang mga ito. Hindi din siya apektado na paglabas nila, makikita sila ng bodyguard at driver nito. Isa lang ang gusto niya, magusap sila ng maayos nito na walang ibang tao.
"Brad!" dinig nilang tawag ni Hope at kinuha nito ang isang kamay ni Amara.
Malapit na sila sa pintuan.
"Putangina! " galit na mura niya nang wala siyang nagawa kundi tumigil sa paglalakad dahil hawak ni Hope ang isang kamay ng nobya niya.
Galit na lumingon siya.
"Saan mo ba nabibili yang kakapalan ng mukha mo?! Ikaw itong kung ano-ano ang nakakadiring ginagawa and you still act as if you own me and the universe?! I swear a bullet will penetrate your thick skull if you passed on your STD to me! You are disgusting! Hindi ka pa nakuntento sa mga babae mo? Pati ako biniktima mo pa? You are a pig and I hate you!"" Amara hissed.
He clenched his teeth. Mas lalo siyang nagalit at naguluhan sa sinabi nito.
" Son of a fucking bitch babe! What the hell are you talking about?!"
She looked at the door behind him. He saw her eyes narrowed.
"She's finally here...." she said.
"Baby?" a husky female voice called which made him cursed under his breath.
Nakatalikod siya dito.
Wala siyang magawa kung hindi bitawan si Amara. Galit na nahilamos niya ang mukha ng kamay bago lumingon sa likod niya.
"What the fuck are you doing here Althea?!" he asked while gritting his teeth.
" You belong to her.. I am giving you back.." dinig niyang sabi ni Amara sa malamig na boses.