Last night....
(Brad)
"Fuck!" napamura siya when the knocks became louder and more frequent.
He doesn't like to be disturbed when he is talking to his Amara. Aminin man niya o hindi, baliw na baliw na siya dito. Kung pwede nga lang gusto niyang palaging kasama ito. But he had to stop their phone conversation to open the door. Walang patid ang pagkatok. Isa sa mga kasambahay pala nila.
“Sir asa baba ang kuya Noah at ate Angela niyo.” Sabi ni Tessa.
“Sige bababa na ako.” He said with a nod.
His woman has to wait for a few more minutes before he calls her back. Dumating na kapatid niya at asawa nito galing sa ibang bansa at susunduin ang pamangkin niya.
***
Lumapad ang ngiti niya ng makita ang kapatid at hipag. Pinupupog ito ng halik ni Josh. Ang mama naman nila nakangiti din na nakatingin sa mga ito.
“Brad!” tawag ng kuya niya ng makita siya.
Kumaway sa kanya ang hipag niya,
“Kumusta ang byahe?” tanong niya.
“Nakakapagod pero ayos naman.” Sagot nito.
“Maghahanda ako ng hapunan bukas ha? Maaga kayo. Ayaw niyo bang dito na matulog tutal babalik din naman kayo bukas? Para hindi na ibabyahe ang bata.” Sabi ng mama nila.
“Malapit lang naman, Ma. Babalik na lang kami. “ sagot ng kuya niya.
Have you been good Josh?” tanong nito snang hilahin nito ang kamay ng ama.
“Yes yes!” sagot nito.
“Sobrang kulit at adik sa games. Halos hindi na nga ibalik ang ipad ko.” sabi niyang natatawa.
Tumingin sa kanya ang pamangkin at dumila ito.
“I was good daddy but tito Brad was bad.” Matabil na sabi nito.
Kumunot ang noo niya at sinaway naman ito ng mama niya para hindi na magsalita pa.
“What do you mean?” tanong ng hipag niya sa bata.
“ Tito Brad made Miss Amara angry so she slapped him! Fack asyhol!” dagdag pa ni Josh.
Sabay na napa-what ang mag-asawa habang tinapik naman ng mama niya ang noo.
“May kausap akong importante bukas na lang ako mag-eexplain. “ mabilis na sabi niya bago tumalikod para umakyat na ulit.
Dinig niyang tinawag siya ng kapatid pero humiyaw lang siya habang paakyat.
“See you tomorrow!”
Baka humaba pa ang usapan at ayaw niyang paghintayin sa tawag niya si Amara. Bago pa man siya makapasok sa kwarto niya, he dialed her number again. Iimbitahin niya ito at ang mga magulang para sa family dinner nila bukas.
He has a wide smile as he waits for her to answer. Nawala ang ngiti sa mga labi niya dahil hindi pa siya nakaka-hello, nagsalita na ito sa malamig na malamig na boses.
"You got what you wanted from me so go back to your girlfiend and leave me alone. Don’t dare come in my room because I am staying in my parents’ room!”
"What the fuck..? Babe??!! " he cursed again when she hang up.
Sa galit niya, naihagis niya ang cellphone sa carpet ng kwarto niya when he tried calling her again pero unattended na ang cp nito.
He is furious.
Hindi niya alam kung sinong girlfriend ang sinasabi nito. Malinaw na malinaw na nakikipag-break ito at yun ang talagang nagpagalit sa kanya. He angrily pulled his hair with one of his hands while cursing repeatedly. No way na papayag siyang maghiwalay sila nito.
When he heard his phone ringing, he quickly got it only to be dismayed. Hindi ang nobya ang tumatawag kundi si Cooper. Kahit ayaw niyang sagutin, he did dahil hindi titigil ang gagong kaibigan niya kapag hindi niya ito kinausap. And worse, baka puntahan pa siya sa bahay. Wala siyang panahong makipagkulitan dito.
"Ano kupal?! I don't have time for your shit!" sabi niya sa kaibigan .
He was about to hang up pero humirit na ito.
" This is not about my shit kupal! Ikaw ang in deep shit! Nagpost ang pokpok mo sa social media niya! Tangna dude! Nakaka-el ang pictures!" sabi nito.
"What the fuck are you saying kupal ka?!" galit na tanong niya.
He has a pretty good idea that he is talking about Althea pero mula nung insidente sa kotse niya, iniwasan na niya ito.. Tama na yung natira niya ito ng ilang beses. His father is right, hindi girlfriend material ito unlike Amara. That thought made him say a bad word again nang maalala ang huli.
"Namputsa dude! Matindi si Althea! Patay na patay sayo! Nagpost ng selfie niya na halos luwa na ang dibdib t at ang matindi nasa background ka! Nagpapatigas….. ng muscle!”
Napamura siya sa sinabi nito.
“Naka-public eh! At ang lupit pa ng caption kupal! Parang dyowa mo talaga! May nag-comment sa pictures, actually hindi pala comment kasi tatlong question mark at tatlong exclamation point. Hulaan mo sino. " tila nakangising sabi pa ni Cooper.
Naningkit ang mga mata niya at napahigpit ang hawak niya sa cp.
"Pamilyar sayo ang pangalang Hope Acosta?" pangaalaska pa nito.
"Son of a....!" Galit na mura niya before he threw his phone against the wall.
***
Madaling araw pa lang nasa eksaktong pwesto ang kotse niya kung saan tanaw niya ang silid ni Amara.. Hindi din naman siya nakatulog dahil alam niya na galit ito sa kanya. Sabi nito hindi ito matutulog sa silid nito dahil siguro alam nito na aakyatin na naman niya ito out of desperation. Nung huling pag-akyat niya kung saan may nangyari na sa kanila, sabi ni Cruz na siguro naman daw bayad na ito sa utang na loob nito sa pamilya niya dahil dalawang beses na siyang nakapasok sa silid ni Amara. Even if he has to beg or blackmail the bodyguard again he will so he can be able to go up her room again. But seeing how dark her bedroom is, he knows she didn’t lie. She didn’t sleep in her room. His woman can't sleep with the lights out.
Hindi man niya nakita at nakausap ito kagabi, ngayong pagsikat ng araw, mageeksplika siya dito. He can't blame her for being angry after seeing what Althea uploaded. Kakausapin niya din ang babaeng yun pero ang nobya muna niya ang kailangan niyang ayusin.
He felt all the blood went up his head when he saw her talking to an asshole who seems to be enjoying touching her in such an intimate way.
(Amara)
"Huwag!" tili niya when Brad's fist hit Kurt.
Napasandal ang huli sa gilid ng kotse nito habang walang tigil sa pagsuntok si Brad na namumula ang mukha sa galit. Wala ding patid ang pagmumura nito.
"Help! Manong! Cruz!! Please stop him! " hiyaw niya habang napaatras siya malapit sa gate.
Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Ito ang Brad Lopez na kinatatakutan niya. Takot na takt siya na ilabas nito ang baril at tutukan o barilin ang kuya Kurt nila.
Mabilis namang lumabas ang mga bodyguard bago pa makaawat ang driver. Si Cruz at ang isa pang bodyguard ang naglayo kay Brad habang ang driver naman nila ang tumulong kay Kurt. Nagpupumiglas pa din ang una kahit hinaharangan na ni Pleyto at pigil-pigil ni Cruz ang mga braso nito. Nagwawala ito sag alit. Halos magkasing-laki na ang katawan ni Cruz at ang ex IBBf niya but due to his anger, he seems to be unstoppable kahit mga maskulado din ang umaawat dito.
"Ano to? Fucking hell! " dinig nilang mura ng daddy niya na kasunod ang mama niya at si Hope.
Sabay-sabay silang napalingon dito and fortunately tumigil na si Brad sa pagpupumiglas at pagwawala.
“I want to talk to you in my study now!” galit na sabi nit okay Brad.
Tiim-bagang lang na tumango ito sa daddy niya.
(Nick)
They are in his study. Gusto muna niyang makausap ng solo ito. They are both standing as they face each other. May tamang distansiya sa pagitan nila.
"What the hell were you doing out there?! Why did you beat up Kurt?" galit na tanong niya sa anak ni Brandon Lopez.
Diretsong nakatingin ito sa kanya and he can sense that he is still fuming.
"I saw him touching Amara sir. I didn't like it." simpleng sagot nito sa malamig na boses.
He narrowed his eyes. "What do you mean Kurt was touching my daughter?" he asked.
"He was tucking some of her hair behind her right ear. I don't like that sir." may diin na sabi nito.
He saw a muscle moved in his left jaw. Pamilyar sa kanya ang ganito. He can feel the younger man's rage He had been in this situation many times.
Brad Tanner Lopez is jealous as hell.
"Anong karapatan mong magalit? Hindi mo naman nobya ang anak ko." he asked sa tono na tantyado.
"Hindi pa siguro ngayon sir but I am willing to do anything so she will be my woman. I will also do my best para magustuhan niyo ako for your daughter." seryosong sabi nito.
"At paano ka naman nakakasiguro na kahit gawin mo ang lahat, I will approve of you?"
Brad's eyes became half slits and he saw his eyes glint.
"Hindi man ako sigurado but I am hoping that you will. You see sir, seryoso ako sa anak niyo. You may not like me for how I act or look like but I assure you, I will take care of Amara. I don't want any fucking assholes near her. No one can touch her. Sorry for my words and for what I did sir. I am just being me. Hindi ko maipapangako na hindi na mauulit ang nangyari dahil umaakyat talaga lahat ng dugo sa ulo ko kapag may mga gagong nasa paligid niya lalo na kung hahawakan siya.” amin pa nito.
He straightened and released a sigh Hindi man niya gusto ang lalakeng ito para sa anak niya pero meron dito na kahit papano gusto niya.
He can see himself in him. Pareho silang territorial.
"I don't want a repeat of what happened. You will apologize to Kurt. He is like family." sabi niya.
Kahit nakatiimbagang, and he sensed na galit pa din ang anak ni Brandon tumango lang ito.
"I will apologize to him sir. But though he is like a family to you , I hope he won't touch Amara again."
(Amara)
Although Cruz is standing a little far from them, she can't still believe how this insane badass was able to convince her father na hayaan silang magusap kahit 10 minutes lang. They are in the living room. He is looking at her with longing. Para itong maamong tupa.
What does she expect? Lahat gagawin nito para maamo siya. Pero naniniwala siya sa sinabi ni Hope na wala na itong pag-asang tumino. May tinanong si Hope na kasama nitong modelo kung kilala nito si Brad dahil minsan nagmomodelo din ito. Tinawagan ang modelo ng pinsan niya kagabi. At kagaya ng hula nila, kumpirmado nga.
Brad Tanner Lopez is a manwhore.
Halos lahat daw ng mga nakatrabaho nitong modelo or starlet, naka one-night stand nito.
"Who wouldn't say yes to such a yummy man? He is a beast in bed. Yung tipong titirik ang mga mata mo sa sarap! He is that great! " malanding sabi pa ng modelo na dinig na dinig niya dahil naka-loudspeaker ang usapan ng mga ito.
She almost uttered a bad word but nagpigil siya.
Brad? A beast in bed? All she felt was pain!
Be true to yourself Amara! Mahapdi oo kasi first time di ba? But you have to admit, tama ang babaing yan. He pleasured you too! A part of her brain said.
She shook her head a little para mabura ang naisip niya. Isa lang ang dapat niyang tandaan. Once a womanizer, always a womanizer. At kahit na ito ang nakauna sa kanya, ayaw na niyang maging sila. Tama na ang nakita at nalaman pa niya tungkol dito. Ito na din ang pagkakataon para kahit papaano bumalik sa normal ang buhay niya. She is free of him at hindi siya tanga para bumalik dito.
"Babe.."
"Don't you babe me! Hindi ba sabi ko.." She was cut off when he took his phone out of his pocket and hand it to her.
"Hindi ko girlfriend si Althea. Here. Take my phone. You can call my mother and ask her. O kung gusto mo naman kausapin natin si Althea. I will prove to you na hindi kami." Brad said in a surprisingly low voice.
"Save your breath. Ayaw ko na at hindi mo ako mapipilit. Hindi na din ako natatakot sayo or sa baril mo." she said na may diin.
She is saying the truth. She is past caring. Lalo kapag naalala niya ang mga pictures nito kasama ang iba -ibang magagandang babae. She saw him clamp his lips together. Naningkit din ang mga mata nito as he looks at her.
"Alam nating pareho na hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin babe." he said in a chilly voice.
Napadiretso siya ng upo. She had the sudden urge to hit his head with the vase on the table para naman matauhan ito. Kung patulan man siya nito mas maganda. Sirang-sira na ito sa daddy niya.
"I don't know what medication you are taking Brad but I think kailangan mo nang palitan. It's not doing you any good. It’s useless. Go talk to your doctor or shrink." kalmadong sabi niya.
Nagtagis ang mga bagang nito pero hindi nito inaalis ang mga mata sa kanya.
"Say what you want to say babe. Papalampasin ko. But remember.. akin ka and you will stay mine."
"Ang kapal mo.." ngitngit na sabi niya na pabulong pero naputol din.
"Ten minutes is up! Malalate ka na Amara!" her daddy said and she sighed in relief bago tumayo.
"Yes daddy. We are done talking anyway." nakangiting sabi niya sa ama.
Brad stood up too but his eyes are still on hers.
"You heard my dad. " sabi niya dito at ininguso ang ama na nasa may pintuan ng sala.
She bit her lower lip to stop herself from smiling. Wala nang magagawa ang ex IBBf niya. He has to go too.
Brad turned to her daddy na palapit na sa kanila.
"Sir, alam ko hindi pa panahon para sabihin ko ito but I want to tell you my intention.” Sabi nito sa kalmado pero seryosong boses.
Napatigil sa paglapit ang daddy niya at kumunot ang noo nito at siya naman kinabahan.
“What intention?” malamig na tanong ng ama.
“ Sir, I want to marry your daughter." sabi ni Brad in a steady voice which made her gape.