CHAPTER 5 FIRST MET

Maaga ako nagising ngayong umaga dahil na rin sa lamig. When Nana came into my room in the morning and noticed the electric fan still spinning, she was shocked. Dumagdag pa ang fogs na nanggagaling sa labas. I believe that the clouds' thickness, which blocked all surrounding visibility, caused them to descend. Sinabi lang ni Nana na mawawala din ang mga yan kapag nagpakita na ang araw.

Nang mamulat ang mga mata ko kanina ay hindi pa rin ako makapaniwala na nalampasan ko ang isang araw sa ganitong sitwasyon. Hiniling ko nalang na sana ay bibilis pa ang mga oras na dadaan. I think I can't act like everything is perfectly alright to Nana any longer.

"Brielle, anak! Halina kayo, kakain na." agad naman akong napatayo kasama ang kambal. Nang makarating sa kusina ay agad na nanuot sa ilong ko ang bango ng niluto ni Nana.

Napatingin naman ako sa hinanda niya. I gulped when I noticed the tiny fried fish contained in a relatively small bowl. Umuusok pa ito dahil sa init. Sa gilid naman ay fried egg at hotdogs. Agad namang gumaan ang pakiramdam ko. Buti nalang may hotdog and eggs. I doubt I'll be able to consume those tiny fried fish. Baka masasabit lang iyon sa lalamunan ko.

"Maupo na kayo. Tatawagin ko lang si Clyde at Tatay niy— oh! Ayan na pala sila eh." napatingin naman kami sa bagong pasok na sina Clyde at Tatay. They are both sweating at basang basa ang damit.

"Magbihis muna kayo, naliligo na kayo sa mga pawis ninyo eh." saway ni Nana sa kanila.

"Wow, Nay! Ang sarap naman niyan." Clyde exclaimed as his eyes widened looking at the food on the table.

"Magbihis ka muna," Nana stopped him when he was about to approach us.

"Oo nga kuya, mahabo kana." biglang sabat ni Zoe. I giggled while keeping my mouth shut.

"Narinig mo ang kapatid mo, sige na." Wala namang nagawa si Clyde kundi ang mapakamot sa ulo at sumunod na rin.

Sinabi ni Nana na galing daw ang mga ito sa pagsisibak ng kahoy and I don't know what that means kaya tumango at ngumiti na lamang ako sa kaniya kahit na wala naman akong alam doon.

I offered to wash the plates for Nana after breakfast. Feel ko kasi ay parang wala na akong silbi dito sa loob ng bahay kung hahayaan ko lang sila na gumawa ng mga household chores. Ang kapal naman ng mukha ko diba.

"Maghuhugas ka ng pinggan?" pang-uulit pa niya sa sinabi ko. Despite not knowing how, I nodded firmly. I have never experienced washing dishes in my entire life. We have maids at nilalagay ko lang kasi ang pinggan ko sa lababo tuwing matapos akong kumain.

"Yes, Na. I volunteer." Agad naman siyang natawa habang napapailing.

"Alam kong hindi mo kaya 'nak. Sige na, ako na diyan." pamimilit niya pa but I'm very consistent with my decision. Finally, I was able to convince her to accept my offer to do the dishes. Magpapaturo lang ako maybe, kay Clyde. Umalis kasi muna si Nana saglit dahil papaliguan niya daw muna ang kambal.

"Which one should I do first, Clyde?" tanong ko sa kaniya na ngayo'y nasa lamesa pa rin habang kumakain ng saging. Inaya pa nga niya akong kumain ng ganiyan kaso tinanggihan ko. I'm already full. Nana convinced me to taste 'Dilis'. It's the name of the small fried fish kanina.

I was reluctant to eat it at first due to how it smelled, but as soon as I tasted it, my appetite appeared to boost. Palagay ko nga ay tataba ako nito dahil ang dami ko ng kinakain.

"Huwag mo munang sabunan. Tanggalin mo muna yung mga natirang kanin diyan sa pinggan." Napangiwi naman ako sa sinabi niya. With what?! I looked again at the dishes na may mga kanin at mantsa ng ulam na nakadikit.

"Seriously, Clyde? I don't know if my hand can handle them." I complained. Napakamot naman siya sa ulo dahil sa pagkayamot.

"Akala ko ba marunong ka? Nagpresentang maghugas, hindi naman pala kaya." Napanguso naman ako. But I just want to help. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon muli ang atensyon sa mga pinggang naghihintay na malinisan.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Clyde na banlawan muna ito bago hugasan. I obliged even though it went despite my moral ethics. Ginusto ko to eh, may magagawa pa ba ako?

CLINKKK!!!!!

Agad akong napatakip sa bibig nang bigla ko nalang nabitawan ang isang baso and it ended up breaking into pieces. Lumikha ito nang malakas na ingay kaya dali daling lumapit si Nana. Habang si Clyde naman na nasa harapan ko lang ay pasipol sipol lang habang nakatingin sa kung saan na para bang nang-aasar.

"Anong nangyari dito?" Bungad na tanong ni Nana Carmen nang makarating sa kusina.

"I-im sorry, Na. It suddenly slipped on my hand." I was unable to look at her while I was speaking. She let out a little sigh that I overheard

"Clyde, linisin mo yang bubog." She looked at Clyde, whose expression had abruptly changed. "Halika muna dito, Brielle. Hayaan mo na siya diyan."

"Nay naman! Siya ang nakabasag eh." I went after her and gave Clyde an uneasy smile.

I dropped the last dish just as I was going to place it in its receptacle. It appears that I used too much dishwashing soap. Hindi rin naman ako pinabayaan ni Clyde sa mga ibang steps sa paghuhugas ng pinggan.

Kaya ngayon, for the first time ay alam ko na rin paano ito gawin. But it's frustratingly difficult. But since you're only playing around with water and soap, it's enjoyable.

■■■■■

"Where are we going?" medyo may kalakasang tanong ko kay Clyde. Lulan kami ngayon ng tricycle. Since this tricycle makes a lot of noise, it sometimes appears like we can't hear each other's voices when we're speaking.

"Sa Casa Vicente," simpleng tugon niya. I frowned.

"Casa? Does it have anything in common with the farm?" tanong ko. He nodded. Tumingin ulit ako sa daang tinatahak namin. Medyo malubak na ng konti ang daanan pero kaya pa naman ng tricycle.

Bale kaming dalawa ni Clyde ay nasa unahan. Ang kambal naman ay nasa likuran at si Nana ay naka upo sa likuran ni Tatay Paeng. There were undoubtedly many fruits there, and they were still in satisfactory quality, so I felt a little enthusiasm once more. Nakapunta na ako sa farm before— of Dad's. I remember when I was a kid, he once brought me and mom to our farm together with my sisters nung mga panahong kumpleto pa ang pamilya namin

I'm going to harm my own thoughts and emotions once more by thinking back on the past. Iyong tipong bumibigat na ang emosyong nararamdaman mo dahil sa isiping ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon.

"Nandito na tayo," saad ni Tatay Paeng. We all got down from the tricycle. Nang mailibot ang tingin sa paligid ay agad akong napanganga sa nakita. Napaka relaxing sa pakiramdam at mata ang paligid.

Mula sa aking kinatatayuan ay makikita mo na agad ang corn field na sobrang lawak. Nakikita ko rin sa paligid ang mga matataas na puno ng niyog na kung saan ay makikita kong may iilang taong umaakyat doon.

The extensive plantation of banana and pineapple trees also did not escape my gaze. Pansin kong maraming tao ang nasa paligid ay halos nakasuot ng trousers at farmers hat. I can conclude in my mind that they might be harvesting today. Ngunit bigla na lamang naagaw ng atensyon ko ang kakaibang bunga ng mga punong tinitingnan ko ngayon.

"Clyde, what's that spiky fruits? Makakain ba yan?" nagtatakang tanong ko sa kaniya habang hindi pa rin inaalis ang tingin doon. But Nana responded to my query rather than him.

"Durian iyan, anak. Masarap iyan, gusto mo?" Mabilis akong napailing sa kaniya. Itsura pa lang ng prutas na iyan ay nakakatakot na paano pa kaya kung kainin. To be really honest, I've never seen a fruit with prickly skin before, therefore it's uncommon for a fruit to have that feature.

"Arte naman neto," I heard Clyde whisper. Kahit na mahina lang ang pagkakasabi niya nun ay hindi pa rin iyon nakalampas sa pandinig ko. At kanina ko pa napapansin ang mga kakaibang kinikilos niya. Today he even beat the girl with mood swings like she was on her period, unlike yesterday when he was so enthusiastic and he consistently smiled in front of me.

"Ate Brielle," I turned to face Zoe, who was tugging at the hem of my dress and gazing up at me. "Gusto niyo pong pumunta sa rainbow plawer?" dagdag pa niya.

Kumunot naman ang noo ko. "You mean rainbow flower?"

She nodded. "Nay, pwede po ba?" baling niya kay Nana Carmen.

"Oo naman basta huwag kayong lalayo ah. Mabuti na rin iyon at para mapasiyal rin ang ate Brielle niyo." tumango tango naman ang dalawa.

"Where are you going, Na?" I queried her because she is donning a farmer's hat, just like the farmers I frequently see around. I'm at a loss for words to explain what she is wearing. She's wearing a loongsleve tshirt na medyo kupas na ang kulay at trousers. Ganun din si Tatay Paeng at Clyde na hindi ko namalayang nagbihis pala.

"Ay oo nga pala. Magha-harvest muna kami ng Durian. Si Tatay Paeng mo naman at Clyde ay doon nakatoka sa site ng mga tubo." paliwanag niya habang nagsusuot ng Gloves at boots. And yes, I understand. Para itong nagsisilbi nilang protective gear sa kung ano man ang gagawin nila ngayon.

"What's tubo?" I asked curiously. Ako na nga itong nahihiya sa sarili dahil sa dami ng tanong. Well, hindi ko naman kasing maiwasang lamunin bigla ng kuryosidad sa mga bagay bagay na nasa paligid ko lalo na't first time ko rin sa lugar na ito.

"Sugar cane, anak." napatango naman ako. Oh, yun pala ang tagalog nun. This is the source of sugars.

"Alis muna kami, Brielle. Babalik din kami. Basta huwag kayong lalayo at huwag niyong bigyan ng sakit ng ulo ang ate Brielle ninyo," Paalam ni Tatay Paeng. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango. Ganoon din ang ginawa ko kay Nana. Samantalang humalik naman sa pisnge at nag-mano sina Zoe at Alexander.

We watched how they turned their backs away from us. Ngunit pagbaling ko sa gilid ay nakita si Clyde na seryosong nakatingin sa akin. The sensation that swept through my body caused me to reach for my chest at once.

"Damn it, Clyde! You scared me. Why are you still here?" Kunot noo naman siyang napakamot sa ulo.

"Zoe, Xander. Yung sinasabi ko palagi ah, huwag na huwag kayong lalampas sa puno ng Narra kung magagawi kayo doon sa rainbow flower. Nagkakaintindihan ba tayo?" Baling niya sa dalawang batang katabi ko. Masunurin namang tumango ang kambal. He eventually turned his attention to me.

"Sundin mo rin yung sinabi ko ha," I rolled my eyes and didn't look at him anymore. He let out a deep breath and put on the farmer hat he was holding.

"Aalis na ako, babalik din kami." Huling saad niya bago kami tuluyang iniwang tatlo. Napanguso naman ako at tumingin sa paligid. So, what now? Ako naman ang magiging baby sitter ng dalawang 'to?

"Halikana ate ganda!" Sabi ni Xander na bakas sa mukha ang excitement. Right!

"Sundan mo lang kami ate ah?" Tumango naman ako at ngumiti kay Zoe. When comparing the two of them to her brother, I can say that Zoe is like a positive person who can't help but grin in the face of difficulties, while Xander is the kind of kid that enjoys interacting with new people and situations, whether they are challenging or not.

While following the two children in front of me, we also pass other farmers who are working tirelessly. Hindi pa naman masiyadong maanit dahil sa pagkaka-alala ko ay nakaalis kami sa bahay bandang mga alas sais pa lang. Medyo nilamig nga ako kanina nang ginising ako ng maaga ni Nana.

"Oy, iha!" Rinig kong sigaw ng kung sino. I turned in the source of the voice. When I saw the elderly man who Clyde and I had encountered on the road yesterday, my eyes immediately widened. He's here too!

Kumaway ito sa akin na ginawa ko rin sa kaniya. Binigyan ko na lamang siya ng tipid na ngiti at ipinagpatuloy na ang paglalakad.

Nadaanan pa namin ang mga puno ng Durian. This fruit is really creeping me out at saka mula sa kinatatayuan ko ay may bigla akong naamoy na mabaho. Para na akong masusuka because it smells like shit kaya mas binilisan ko na ang paglalakad ko. I turned to face the two kids in front of me. They are moving straight, so they must have learned where we are heading.

After some time, I heard a group of men talking quietly and whistling nearby. I saw an amazements and admirations based on their expressions na ipinapakita. Sa tingin ko ay nagtatrabaho rin sila dito pero hindi gaya sa iba dahil nakasuot ang mga ito ng Men's Bib Overall. Inirapan ko sila at hindi pinansin.

I'm currently wearing a plain T-shirt at shorts na pagmamay-ari ni Clyde since Nana insisted me to wear this nang makita niya ang mga dala kong damit. Even though I kept reminding her that I wear it whenever I stay at home, she claimed that it is all for rambling. I had no choice but to borrow Clyde's clothes as she had instructed in the end. Sinabi ni Nana na mag-ukay ukay na lamang daw kami bukas. Kahit na hindi ko naintindihan ang sinasabi niyang ukay-ukay ay tumango na lamang ako.

Medyo naiilang nga ako sa suot ko dahil ang laki ng t-shirt ni Clyde. Halos abutin na nito ang tuhod ko. His shorts contrast with my cycling shorts. Therefore, the majority of my leg hits are now rather obvious.

Pansin ko na wala ng masiyadong tao sa palagid. Napatingin naman ako sa dalawa na patuloy pa rin sa paglalakad. Suddenly I was terrified when I heard nothing but the sound of the wind in the surrounding trees and the sound of footsteps of the three of us.

“It’s so scary here,” I muttered while glancing around. The wind was so strong that I had to continue holding my hair back. Namamangha nga ako dahil sobrang lakas ng ihip ng natural na hangin. Hindi gaya sa cities na halos usok lang ang makikita.

“Hey, kiddos! Malayo pa ba tayo?” Tanong ko sa kanilang dalawa. Tumingin naman sila sa akin nang may ngiti sa mukha at ngumiti.

“Ayun na Ate Ganda oh!” Zoe stated and pointed to a sizable field not far from where we were standing. We must be close since I can see out some colour scheme. I sensed some exhilaration.

“Okay, Let’s go then.” Ngunit nang sabihin ko iyon ay bigla na lamang silang kumaripas ng takbo. Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

“Ang mahuli taya!” Sigaw ni Alexander habang humahalakhal papalayo kasabay ni Zoe. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanila. A short while later, I hurriedly rushed after them. Who knows what else might occur to the two of them. Because Nana Carmen ordered me take care of these two kids, it is also my duty to do so.

“H-hey! Come back here!” sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo. Napapikit ako at hinihingal na tumigil. The rapid heartbeat makes me feel as though my heart might explode. Ang bibilis naman kasi nilang tumakbo.

Gamit ang aking mga palad ay pinunasan ko ang mga namuong pawis sa aking noo. Nang makarekober sa pagod ay unti unti kong iminulat ang aking mga mata. My eyes became broader as the vibrant assortment of flowers began to show.

“Si Ate Ganda ang taya!” Napabalik ako sa ulirat nang marining ang bungisngis ni Zoe. Lumapit naman ako sa kaniya saka kinurot ang pisnge nito. Tinawanan naman siya ni Alexander.

“Palagi ba kayong naglalagi nandito?” tanong ko sa dalawa habang hindi pa maalis alis ang tingin sa paligid. The scenery's beauty truly astounded me. Dumagdag pa ang iba’t ibang klaseng halimuyak ng bulaklak na nanunuot sa aking ilong.

Tinanguan naman nila ako. “Opo, pero minsan ay hindi kami pinapayagan ni Nanay kapag nandiyan si Señorito.”

Nagtataka naman ang mukha kong tumingin sa kaniya. “Who’s Señorito?”

“Yung boss nila dito. Anak po ni Gob. Hindi niyo po ba siya kilala?” I made an attempt to smile at Alexander. Since I didn't understand what he was saying, I refrained from asking him.

Masaya kaming naglibot libot sa paligid. Different types of flowers are visible to my eyes. Hindi ko na alam kung nasaan na ang kambal pero sinabihan ko naman silang huwag lalayo. Nandito ako ngayon at nakaupo sa isang damuhan. I have never in my life been able to unwind like this.

I turned to face my sunlight-exposed, smooth, and white legs. Nakalimutan ko rin kasing dalhin ang phone ko. Hindi tuloy ako nakapag picture.

I was currently releasing my spirit from the new experiences around me when I suddenly heard footsteps coming toward me. Umangat ang aking tingin at nakita si Alexander at Zoe parehong nasa likod ang mga kamay na para bang may itinatago.

Natatawa ko naman silang tiningnan. Inosente lang ang mga itong nakatingin sa akin. “Hey, what are you holding behind?”

Hindi sila nagsalita bagkus ay tumingin sa isa’t isa at sabay na tumango. In contrast, I simply scan them from side to side. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka kung ano ang gagawin nila.

“Surprise/ surprise po!” They said together. Nakita ko naman ang bugkos ng mga bulaklak na hawak nilang pareho. Hindi naman ako nakapagsalita dahil sa gulat na naramdaman.

“Para sayo, Ate Ganda.” Zoe remarked with a smile on her lips. I was compelled to give them both hugs. They almost made me cry, yet receiving flowers from someone has its own special emotion.

“O-oh my! Thank You so much, Kiddos. You make me fluttered at the same time.” Aniko sa kanila. Kita ko ang pagtataka sa mga itsura nila. Hinalikan ko na lamang sila sa noo.

These two is so sweet. Pinapagaan nila ang loob ko nang hindi nalamaman. Parang unti unti nga nilang binubura sa aking isipan ang pagsisisi na nakarating ako dito.

Finally, we made a decision to return. The two are also a little worn out dahil sa walang tigil na habulan.

Ngunit sa kalagitnaan ng aking paghakbang ay may nakakuha agad ng aking atensyon. Napahinto ako sa paglalakad at kuryosong tumitig sa malaking puno. The Narra tree is most likely what Clyde was alluding to previously. If you take a close look, this is the largest tree in the area. He had warned the kids to stay away from that spot. My curiosity increased even greater. What possible justification could he have for opposing our going there? Ano kaya ang dahilan niya kung bakit ayaw niya kaming papuntahin doon?

Naging matagumpay naman ang paglaban ko sa sarili. I need to be more disciplined since I could make a mistake and someone else could hurt us. Hindi ko na iyon binigyan ng pansin ay nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Hawak ko ang magkabilang kamay ng dalawa kaya paniguradong nalilito sila kung bakit ako pahinto hinto sa paglalakad.

"Meow,"

"Meow,"

The sound of a cat meowing startled thethree of us. Zoe turn her head sa likod namin. Sumunod naman kami.

“Itim!/ Si itim!” Halos magkasabay na sigaw nila Alexander at Zoe. Nakita ko naman ang sinasabi nilang pusa. Kulay itim ito na maliit at nakatingin lang sa amin.

“Halika, kunin natin.” Alexander's hand immediately released from my grip. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sa kanila. Nasa likuran lang kasi ng pusa ang malaking puno ng Narra.

“Alexander, no!” pigil ko sa kaniya. Hindi pa man ito nakakalayo ay bigla itong huminto sa pagtakbo ng walang pag-aalinlangang lumayo ang pusa at tumungo doon sa may puno ng Narra. The cat just runs straight ahead, therefore I'm unsure if there is a passage on that side.

I gasped when I saw his disappointed face when he finally faced me. Lakad takbo ang ginawa kong paglapit sa kinaroroonan niya. Sumunod din sa aking likuran si Zoe.

“U-uh, hey, stop crying na.” I consoled him because he's still crying. Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at ipinatingala sa akin. Lumambot bigla ang tuhod ko sa nakita. I hate seeing a kid crying in front of me.

“Si I-itim, kunin n-natin siya.” Mahinang saad niya habang umiiyak. I took a deep breath.

“I'll get that cat, you two will stay here. Understood?” Tanging kisap mata lang ang natanggap ko mula sa kanilang dalawa. I want to slap myself for being so stupid. Peke naman akong tumikhim.

“I-I mean, manatili muna kayong dalawa dito.” Tumango naman sila. Mukhang naintindihan na yata nila ang sinasabi ko. “Me, ang kukuha kay Itim. Get it?” sabay turo sa sarili.

“P-paano po? Sinabi ni kuya na bawal daw pong lumapit sa Narra.” May halong dismaya na sabi niya. I resisted from letting his emotions get to me.

“BDO,” nakangisi kong saad. Inosente lang ang mga itong tumingin sa akin. “We’ll find ways,” dagdag ko.

“Gagawa ako ng paraan. But you will have to promise me na dito lang kayo. Okay?” Niyakap ko silang dalawa bago ako tuluyang lumapit doon sa puno ng Narra. I stepped closer to the cat's route even though I was afraid due to the atmosphere around me.

Hinawi ko ang nagsisitaasang damo na humaharang sa akin. I was slowly moving while holding on to the tree's large branch. Hindi ko aakalaing ganito pala kalaki ang punong ito sa malapitan. Naalala ko ring ito ang national tree ng Pilipinas kaya no wonder na malaki ito. I noticed the twins looking at me intently when I turned to face them. To indicate that everything was in right, I gave them the thumbs up.

My face was being obstructed by some hair, which I combed and put behind my ear. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa bigla na lamang akong madapa.

Napangiwi ako sa sakit ng pagkakatumba ko. Napatingin ako sa maliit na bato na siyang dahilan kung bakit natisod ako. Naiinis ko iyong sinamaan ng tingin.

Pinagpagan ko ang sarili ko sabay tayo. “And where are… we.”

The moment I finally looked up, it seemed as though I had been immobilized. I was facing a large, tall wall. It is painted gray.

“Meow,” Mabilis pa sa isang segundo kong nilingon ang pinanggalingan niyon. The black cat that led me here was apparent to me right away. I sat up gradually and waved my hand as if to summon it.

“Kitty kitty kitty~,” Tawag ko dito. “Come here, kitty.” Dagdag ko pa ngunit parang wala lang itong narinig at basta na lamang ako tinalikuran.

Napasapo naman ako sa noo. “Not again,”

Wala na akong nagawa kundi tumayo at sundan ulit siya. Nakita kong lumiko ito ng direksyon at pumasok sa isang malaking gate.

Lumaki naman ang aking mga mata at saka dali daling lumapit din doon. Napalunok ako nang makita ang isang malaking gate nga na bukas. I didn't stop observing what was inside. Parang gusto kong nalang bumalik sa dalawang bata pero hindi pwede dahil may kailangan pa akong kuhanin.

Kahit na kinakabahan ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili na pumasok sa loob. Naramdam ko ang basa ko ng mga palad. Beads of sweat were also dripping from my forehead. I shook my head.

“Oh shit, this is really a trouble.” Bulong ko. I just hope I get Itim. I mustered up the courage and went inside.

Ganun na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita ang iilang kabayo sa paligid. May mga iilang tao rin nandidito ngunit ni isa ay wala akong makitang babae. Bumalot naman ang pangamba sa aking sistema. This is literally crazy!

“Hoy! Anong ginagawa mo?!” I bit my lip and fiercely closed my eyes. I regarded the surprised-looking man with a brow furrowed in fear.

“U-um, I j-just want t–“

“Bawal ang babae dito ah!” Maangas na sabi niya. Rinig ko ang mga baritonong bulungan sa paligid. Nakasuot silang lahat ng polo na walang sleeves, pantalon, cowboy hat at boots.

“M-may kukunin lang ako,” I tried to control my utterance despite the conflicting emotions I was experiencing.

“Huwag mo nga ka—”

“Hayaan mo na pre, baka isa yan sa mga babae ni boss. Lagot talaga tayo.” Pigil sa kaniya ng isa sa mga kasamahan niya. Kita ko ang pagtango ng iilan na para bang sumang-ayon sa kaniyang sinabi.

The man who came to me did nothing but sigh. “Sige na sige na, pumasok kana. Nandun si boss M. sa kuwadra.”

I'm not sure if I'll be pleased that they finally allowed me in or angry that he claimed I'm one of the girls they allege is their boss.

“A-alright,” Pinal na saad ko bago sila tinalikuran. Muntik na iyon.

Ang ganda niya pre ‘no?

Galing talaga ni boss pumili.

Parang pamilyar nga siya eh.

Rinig kong bulong nila. Hinayaan ko nalang ang mga ito. Even though I was in a rush and wanted to punch them, I refrained since I didn't want to cause a disturbance.

Nang tuluyang makalayo ay lumingon ulit ako sa paligid. Nasaan na nga ba ako?

“W-where the hell is that cat?!”

“Meow~,” The moment I heard the sound of the cat, I was ecstatic. Once more, I saw him walk into a little wooden house.

Para akong maiyak sa inis at frustration. Not again. Papasok na naman ako sa lugar na hindi ko na naman alam ang kahahantungan. It took me a while to get up the guts to follow the cat.

Unti unti akong lumapit doon at nang tuluyang makapasok ay halos aatakihin ako sa puso dahil sa sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Ramdam ko ang pamumutla ng aking mga labi at hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Ilang beses ang ginawa kong pagkurap dahil parang hindi ko yata ito kakayanin. A man bathing a horse approached me from behind while wearing no shirt. Then I was stunned by his muscular back. His shoulder and bicep muscles bulge. Mula sa mga ugat niya sa kamay hanggang sa makakapal nitong buhok ay sumisigaw ng kakisigan at nagbibigay sa akin ng kakaibang kaba.

Naningkit bigla ang mata ko nang mapabaling kay Itim na simple lang na nakaupo habang dinidilian ang kaniyang paw sa may bandang gilid sa likurang bahagi pa rin ng lalaki. He couldn't notice it since he was focused on what he was doing, which made me happy.

“You can do this,” Saad ko sa isip. Para sa kambal, I know you can do this self. This is just a piece of cake kaya wala kang dapat ikabahala.

Labis ang panginginig ng aking mga paa habang papalapit kay Itim. I prayed in my heart that he wouldn't see us. Kapag nangyari yun ay hindi ko na talaga alam ang gagawin.

Ngunit nang nasa pangatlong hakbang na ako ay agad akong nanlamig nang marinig ang baritonong boses ng lalaki. I felt a shiver down my spine right away.

“What are you doing?”

Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon?

Mabilis kong kinuha si Itim at niyakap ito sa aking mga kamay. Dahan dahan akong humarap sa lalaki at nakitang nakatalikod pa rin ito. Ano ba ang magandang paliwanag para dito?

“I-I just want to take my cat back,” Kinakabahan kong sabi. I've swallowed a number of times. I only know that I have to leave this place. What comes next I don't believe I can bear. Sa unang tingin palang kanina sa lalaking ito ay parang hindi ko na matatagalan ang kaniyang presensiya.

“Cat huh?” When he shifted his gaze to me, it seemed to proceed slowly. Bahagyang umawang ang aking mga labi nang masilayan ang gwapo at perpekto nitong mukha. I can tell he is so exquisite by his thick eyebrows, pointed nose, blue eyes, and red lips.

“You’re really a nymphomaniac,” Naiiling nitong sabi. I fisted tightly. My initial uneasiness was replaced by frustration and rage. Kita ko ang pagsuri niya ng tingin sa aking kabuuan at pagkat niya ng labi. Kinilabutan naman ako. "And a trespasser too,"

“How dare you?! Hindi ako ganon!” Histerikal na sabi ko. Ramdam ko ang pag-init ng magkabila kong pisnge.

“Then why are you drooling at my body?” Napalunok ako. Oh shit!

“H-hindi ah,” saad ko saka iniwas ang tingin. Ang hangin naman ng mukha ng lalaking ‘to. He then let a small chuckle.

“Mmm, really? I know you're lying,” Tinaliman ko naman siya ng tingin. I saw him take a towel and wipe it on his wet hand.

“Paano mo naman nasabi?” I questioned, raising an eyebrow. I'm not sure how I had the courage to respond to him in this manner.

“Your lips are shaking nonstop, therefore I understand that you're lying,” nakangisi niyang saad. Agad nalukot ang mukha ko. I know I’m guilty pero hindi ko iyon pinahalata. I need to get out in here.

"Even though you illegally entered my land, you are still quite upset. I had no idea who you were." I was suddenly taken back. Hindi ko naman kasalanan kung bakit pinapasok ako ng mga lalaki kanina ah.

“I need to go,” I saw him lick his lower lips bago ko siya tinalikuran. Bastos!

I held Itim in my arms as I made my way out of this place. Ang tanging alam ko lang ay nandito ako para kunin ang pusa pero hindi ko alam na aabot sa ganito. I sincerely hope that I won't cross paths with that man ever again. It's just now that I find talking to other people so nerve-wracking.

Pero sa kabila ng aking iniisip ay may bigla namang umusbong na ideya sa aking isipan. I come to the conclusion that the man they claim to be their boss may be the one I met earlier. I breathed deeply. All I had to do now was return to the twins. I’m really hoping na sana ay hindi malaman ni Clyde ang lahat ng ito.