Chapter 50: FIFTY

Hindi ko kailanman inasahang magkikita pa kami ng ina. Wala ni isang lugar akong naisip kung saan marahil makikita ang babae. Hindi ko na nga ginustong makita pa siyang muli.

But after all that happened, alam ko sa sarili kong kailangan ko siyang magkita – ayaw at hindi man ako handa sa bagay na iyon.

Nang magsimulang humagulgol ang babaeng kaharap, nagtuloy-tuloy pa rin ang pagragasa ng mga luha ko. Gusto kong humingi ng tulong kaya lang hindi ko alam kung kanino. Gusto kong magsisisigaw, gusto kong magwala.

The woman behind all my sufferings is infront of me now.

Nakakatawa ang buhay, ano? Noong mga panahong gabi-gabi akong nag-aabang sa labas ng bahay namin dahil sa paniniwalang babalik ang ina ko at kukunin ako kila lola ay hindi siya nagpakita. Pero ngayong sirang-sira na ang buhay ko, ngayong nawala na ang lahat sa akin. . . ngayon niya ibabalandra ang pagmumukha niya sa harapan ko.

“Felicity. . .”

“Zion, bumalik ka sa park at makipaglaro ka muna sa mga kaibigan mo.”

Nangingiting sumunod si Zion sa sinabi ko. Namataan ko pa siyang kumaway sa babaeng kaharap bago umalis.

So, after all this time, nandito lang siya sa panig ni Cornell? Kailan pa?

“Ang lakas ng loob mong magtago habang nahihirapan ‘yung anak mo–” Pasimple akong napahawak sa bibig na parang ikinagulat ko ang sinabi. “Anak mo pala ako? I didn‘t know.”

Walang nakakaalam kung gaano ako nagpipigil ngayon kahit pa kumukulo na ang dugo ko sa sobrang galit.

“Anak. . .”

“Ang ayos ng buhay mo. Ang ayos-ayos ng buhay mo! Pero. . . hindi mo ba alam kung ilan na ‘yung namatay dahil sa‘yo? Hindi mo alam kung ilan ang buhay na naapektuhan dahil sa ka-selfish-an mo! You ruined me. . .”

“Hindi–”

“You shut the fuck up! Manahimik ka na lang ulit katulad nang pananahimik mo ng ilang taon.” Matalim kong tiningnan ang babae. Halos manlumo ito dahil sa mga salitang ibinabato ko sakanya. “Hindi ka na talaga nakuntento. Hindi ka na nakuntento noong iwan mo ako kaya hanggang ngayon ginagawa mo pa rin ang lahat para pahirapan ako! Para sirain ang buhay ko! Alam mo ba?”

Sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung ano talaga ang gusto ko. Gantihan ang ina? Parusahan? Isuko kay Zaccarias? Hindi ko alam! I was so occupied with the fact that I am hurt.

“Alam mo kung anong ginawa sa akin ng taong ‘yun dahil sa’yo? Alam mo ba kung ilang taon akong naghirap? Kung ilang taon ‘kaming’ naghirap? Hindi ka na nahiya kay Cornell! Sinalo niya lahat para sa’yo, hinding-hindi mo kayang tapatan ang lahat ng naging paghihirap ng taong ‘yun dahil sa’yo at anong ginawa mo? Tumawa? Magsaya? Magpakasarap sa araw-araw na ibinigay sa‘yo ng Diyos–”

Ilang segundo lang matapos ang napakalakas na sampal na ibigay sa akin ng babae ay nalasahan ko na agad ang dugong galing sa mga labi ko. Tinanggap ko iyon. Hindi dahil nagpatalo ako kundi dahil sa sanay na ako roon.

Ang sampal na iyon, walang-wala ang sakit sa lahat ng bagay na ipinaranas niya sa akin.

“Wala kang alam! Wala kang alam sa pinagdaanan ko!”

“The fact that you left me? Na hindi mo kayang panagutan ang batang mula sa’yo, dapat tinigilan mo na ako. Dapat pinutol mo na rin ang lahat ng ugnayan natin! Dapat–” Hindi nakatakas ang biglaang pagbiyok ng boses ko sa sigaw na iyon. “Dapat hindi mo na dinagdagan ang sakit. Dapat hindi ako kinilalang iyo dahil ginawa mo akong basura. . . na pagkatapos ng lahat, tinapon mo lang kila lolo at lola. Ang kapal ng mukha mo!”

Akmang sasampalin niya akong muli nang minabuti kong magsalita. “Sige, sampalin mo pa ako. Kahit ulit-ulitin mo pa. Pero. . . hinding-hindi nyan magbabago ang lahat. Hindi mababawasan ng sampal na ‘yan ang bilang ng buhay ng taong naapektuhan dahil sa’yo. You are superior? Malakas ka kasi nananakit ka? Gano’n naman talaga ‘yon. . . if you are self-centered, akala mo palagi lahat ng bagay iikot sa‘yo. Akala mo palagi, ikaw ang tama at iisipin mo lang palagi ang sarili mo. You left. Iniwan mo ako dahil sinasaktan ka ng Zaccarias na ‘yun noon? Tumakas ka, nakipaghiwalay dahil nabuntis ka ng ibang lalaki. Nanganak pagkatapos ay ibinigay mo kay Lola na parang tae sa diaper? Anong klase kang tao?”

“Nabuhay ako nang walang alam tungkol sa‘yo, nabuhay akong abang nang abang kung mayroong balita sa‘yo. . . kung uuwi ka ba, kung nasaan ka, KUNG BUHAY KA PA BA? Iniwan mo ako para mamuhay na parang dalaga. Iniwan mo ako para magpakasasa sa kung sino mang lalaki pa dyan, iniwan mo ako para tumawa at sumaya! Anong klase kang ina? ANONG KLASE KANG INA? SAGUTIN MO AKO!”

Alam kong malabo nang makakuha ng sagot sakanya ngayon lalo pa’t nabuwal na ito sa kinatatayuan. Binaba na ng luha ang mukha nito at kinakapos na rin sa paghinga.

“Pero pinalagpas ko ‘yun. Did you hear that? Pinalagpas ko ‘yun! Okay lang. . . ayos lang kung wala akong ina! Tangina!”

Hindi ko na makontrol ang sarili. Pakiramdam ko, kapag isinarado ko ang mga mata ay tuluyan na akong mabubuwal sa kinatatayuan at mahihimatay kaya hindi. . . patagal nang patagal mas lalo lang akong nagiging pursigidong ‘wag isarado ang mata. I need to say all the words that haunted me. Gusto kong ipamukha sakanya lahat ng kasamaan at pagkukulang niya dahil alam kong habangbuhay ako noong babagabagin.

“When I met Cornell, kinalimutan ko na ‘yun. Kinalimutan na kita. Nagsimula ako nang panibagong buhay. I was happy. It was the happiest time of my life pero anong ginawa mo? Ano na naman ang ginawa mo? Dahil sa‘yo. . . dahil sa‘yo! Nasira na naman ang buhay ko! Nasira ang buhay namin ni Cornell. Nasaan ka? Nasaan ka ng mga panahong ‘yun? Ni hindi na nga kita hinanap eh, pero para kang bangungot na paulit-ulit pumapasok sa buhay ko!”

Hindi ko na nagawa pang makontrol ang tuhod. Gusto kong lisanin ang lugar sa lalong madaling panahon pero alam kung hindi sasang-ayon ang mga binti ko.

Sa sobra-sobrang paghagulgol ay ramdam ko ang pagbigat ng mga mata. I am sick of these! Simula sa simula ako na lang ang palaging umiiyak. Why does it always have to be me?

Ano bang kasalanan ko sa mundo?

“Patawarin mo ako, anak–” Hindi niya nagawang ipagpatuloy ang sinasabi dahil sa malakas kong pagtawa. Nakakainsulto. . . Nakakainsulto para sa aking naghirap ng ilang taon.

“You are sorry, and then what? Umayos ba ang buhay ko? Nabuhay bang muli si Cornell? Si Zeina? Anong magagawa ng sorry mo?”

Ngayong mag-isa na lang ako. . . walang Marides, walang Kendall at Darius na kasama pati na si Tina, nalaman kong may mas ititindi pa pala ang saklap ng naging buhay ko dahil sa lintek na kasalanan ng babaeng kaharap.

“Buong buhay ko halos naghirap ako pagkatapos magpapakita ka at sorry lang ang sasabihin mo?”

Pinilit ko talaga ang sarili kong makatayo. Mas hindi ko ata kakayanin ang view kung kaharap ko mismo ang babaeng nakalupasay sa sahig.

“Tumayo ka r‘yan. Dadalhin kita kay Zaccarias para matigil na ang lahat ng kaputanginang ‘to. At baka. . . baka sakaling tanggapin ko ‘yang sorry mo.”

I know she was desperate. Alam kong sa sitwasyon ngayon, gagawin na nito ang lahat para mapatawad at tanggapin ko kaya ganoon na lang ang gulat ko nang mas lalo pa itong humagulgol at nagsisigaw. Hindi ko mawari kung nag-iinarte o talagang takot ang babae dahil sa biglaan kong kondisyon.

“Takot ka? Mas nakakatakot ang bangungot na pinaramdam niyo sa akin sa napakatagal na panahon–”

“‘Wag. . . ‘Wag, Felicity.”

“Ang kapal naman talaga ng pagmumukha ninyo, ano? Tumayo ka na! Kakaladkarin pa kita palabas!”

“Felicity, ‘wag. Ayoko. . . ayokong makita si Zaccarias.”

“At bakit? Natatakot kang pagbayaran ang mga kasalanan mo–”

“Hindi–”

“Tayo!”

“Binababoy niya ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya na akong ginahasa, pinagbuhatan ng kamay at binaboy. Natatakot ako, anak. Natatakot ang maulit ang lahat ng iyon ngayon.”

Nagmistulang napakalaking tipak ng salamin ang pumasok sa loob ng dalawa kong tainga kaya sa mabilis na panahon ay wala akong ibang narinig. Bago sa pandinig ko ang mga palahaw at pagmamakaawa.

Kahit pa nga ata ang bibig ko ay hindi na tuluyang gumana dahil hindi ko kayang lunukin kung ano man talaga ang katotohanan.