Chapter 12

— Dania —

Agad kong pinirmahan ang annulment paper nang makatulog si Cyrus. Nagbihis ako at mabilis na umalis ng bahay. Agad akong pumunta sa condominium ni Bhella.

Magpapa-book na 'ko ng flight papuntang London. Gusto kong mangibang bansa at kalimutan ang lahat ng naranasan ko rito sa Pilipinas at tatanggalin ang pake sa mga taong nang-api sa 'kin.

"Oh? Bakit ngayon ka lang?" tanong sa 'kin ni Bhella pagkapasok na pagkapasok ko sa condo unit niya. Humilata naman agad ako sa kama at minasahe ang sentido ko.

"Pinirmahan ko na ang annulment."

Napaupo naman siya sa tabi ko nang sabihin ko iyon. Tsismosang tsismosa ang dating.

"Really? Kailan?" tanong niya kaya palihim akong napairap. "Hoy! Nakita ko 'yung pag irap mo ah, so kanina lang?" tanong niya ulit na tinanguan ko lang. "Nice! Buti naman at nagising ka na sa katangahan mo," sabi niya sa 'kin kaya napatango-tango na lang ako.

"Oo na, Bhella. Magpa-book ka na ng flight papuntang London," utos ko na ikinalaki ng mata niya. "Sasama ka ba?" tanong ko naman.

"Really?! Pupunta ka ro'n?" gulat na tanong niya. "Sige sasamahan kita, syempre bestfriend kita. Hindi kita pwedeng iwan. Dadamayan at sasamahan kita saan ka man pumunta," nakangiting sabi nito.

"Salamat, bes," nakangiti ring sagot ko. "Dapat lang naman na sumama ka dahil ikaw ang gagastos," natatawang sabi ko kaya nahampas niya 'ko.

Wala naman kasi akong pera. Okay lang naman sa kaniya, for sure.

"King ina mo, Dania!"

———

After two days ay nag-impake na kami ni Bhella para sa pag-alis namin bukas, maaga pa ang flight namin bukas kaya nag-aayos na kami. Sa loob ng dalawang araw ay hindi kami nagkikita ni Cyrus at wala akong balak na makipag kita sa kaniya. Para saan pa? Para maalala ang mga masasakit at mga paghihirap na pinadanas niya sa ')in noong nasa puder niya pa 'ko?

"Dania! Tara dito," tawag sa 'kin ni Bhella kaya lumapit nga ako sa kaniya. "Tingnan mo 'to, engagement party pala ni Cyrus kagabi," sabi niya kaya napatingin ako sa mga pictures na nasa phone niya.

Nakita ko si Cyrus at si Lyka na magkasama at marami silang mga pictures. Marami ring tao sa venue at ang nakalagay sa caption is 'Engagement Party of Mr. Waston and Ms. Enriquez'.

Kumirot ang dibdib ko sa sakit pero hindi ko pinahalata kay Bhella. Sino namang hindi masasaktan kung kakahiwalay n'yo lang, may fiance na agad.

"Hayaan mo sila," sambit ko at nagpatuloy sa pag-iimpake.

"Okay," kibit balikat na sagot niya. "Tumawag nga pala kanina si Fred, hinahanap ka kaso tulog ka."

"Anong sabi? Bakit daw?" tanong ko naman.

"Niyayaya kang lumabas. Pasyal daw kayo bago ka umalis," sagot niya na ikinatango ko lang. "Payag ka?"

"Oo, para na rin maging mas close kami," nakangiting sabi ko at nilagay sa isang tabi ang nga maleta ko. "Anong oras daw ba?"

"Mamayang hapon daw siya pupunta." Tumango lang naman ako sa sagot niya at pumasok na ng banyo para maligo.

Mga 3:30 PM dumating na si Fred. Nagbihis lang ako saglit bago nagpakita sa kaniya. Nasa living room siya habang magkausap sila ni Bhella.

"Let's go?" sabi ko nang mapuntahan ko na sila.

Napangiti naman si Fred nang nakita niya ako. Tumayo na rin siya at tumingin kay Bhella.

"So, aalis na kami. Hihiramin ko lang ang bestfriend mo, ako na bahala sa kaniya," nakangiting paalam nito.

"Dapat lang," natatawang sagot ni Bhella at tumayo para bulungan si Fred na hindi ko naman narinig. "Ha!"

"Oo na," natatawang sagot ni Fred at tumingin ulit sa 'kin. "Let's go."

Tumango lang ako at sabay na kaming lumakad palabas matapos kong magpaalam kay Bhella.

Sumakay kami sa kotse niya at pinaandar niya naman agad ito nang mabilis. "Kailan na ba ang flight n'yo papuntang London?" tanong niya sa kalagitnaan ng byahe.

"Tomorrow."

"Seriously?" Tumango naman ako. "Aalis ka na talaga," sabi nya kaya napatango ulit ako. "Para kalimutan si Cyrus?" tanong niya na ikinatango ko ulit.

"Lahat," sagot ko.

"Even me?"

"Hindi naman. Saglit ka lang naman naging parte ng buhay ko at wala ka namang ginawang masama sa 'kin," nakangiting sagot ko. Napangiti na lang din siya nang tipid.

Huminto ang kotse sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Bumaba kami at pumasok na sa loob. May reservation table na pala kami kaya doon na kami umupo.

"Waiter!" Lumapit naman ang waiter sa amin. "Two slice of black forest cake, two overload frappe and give us the specialty of this restaurant." Sinulat naman agad ng waiter ang order ni Fred.

Pagkaalis ng waiter ay tumingin ulit sa 'kin si Fred. "Nabalitaan mo na 'yung about sa engagement party ni Cyrus at Lyka?" tanong niya sa 'kin na ikinaiwas ko ng tingin. Bakit ba kailangan niya pa i-open ang topic na 'yan sa 'kin?

"Yes," sagot ko. "Bagay talaga sila, 'di ba?" dugtong ko kaya napatitig siya sa 'kin.

"Siguro nga," kibit balikat na sagot niya. "Bata pa lang kami ay may gusto na talaga sila sa isa't isa. We're childhood bestfriends at witness ako sa pagmamahalan nila," natatawang sagot niya.

"So matagal na talaga silang magkakilala?" pag-confirm ko sa sinasabi niya na ikinatango niya naman. "Extra nga lang ako sa love story nila," dugtong ko.

Napatango-tango na lang ako hanggang sa dumating na ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain.

"Cyrus is kind, he always used to have outreach programs for kids," pagkukwento niya. "Mahilig talaga siya sa mga bata, nagdo-donate rin siya ng kahit anong gamit sa mga charities kaya nagulat na lang ako nang malaman kong sinasaktan ka pala niya." Napatango-tango naman ako. "Hindi siya gano'n sa mga babae, nirerespeto niya lahat at hanggat kaya niyang makapagpigil, hindi siya mananakit ng babae."

Napatawa naman ako nang pagak.

"Seriously?" natatawang tanong ko. "Kaya pala ganon niya 'ko saktan."

Sumubo ulit ako at tumingin sa malayo. Nang wala na 'kong ningunguya ay tumingin ulit ako sa kaniya at nakatitig lang naman siya sa 'kin.

"You're beautiful and kind," mahinang puri niya kaya kinunotan ko siya ng noo. "So how come na gano'n ka na lang itrato ni Cyrus? May iba ka bang nagawang hindi maganda sa kaniya?"

Napaiwas naman ako ng tingin.

"Mas okay kung hindi na natin 'yan pag-usapan," nakangiting sagot ko na lang.

8 na ng gabi ako nakauwi at gising pa naman si Bhella niyon. Ang sabi ko sa kanoya ay maaga kaming aalis bukas dahil 7:30 ang flight namin. Tumango naman siya.

Habang nakahiga ako sa kama, napaisip ako sa nga sinabi ni Fred kanina. Hindi na ako nagulat sa mga sinabi niya pero gusto ko pa rin magkaroon ng realization para pag-alis ko, hindi mabigat sa damdamin.

Yung tipong ako lang pala ang third party sa kanila ni Lyka. Siguro nga, sila talaga ang bagay sa isa't isa kaya bakit ako mag-i-stay pa rito sa bansang 'to, 'di ba? After all, baka nga hindi pa naniniwala sa 'kin si Cyrus at galit pa sa 'kin.

Even my parents, mga wala talaga silang kwenta. Paano ko kaya sila nasikmura dati? Gano'n ba talaga ako katanga noon?

Tinatanong pa ba 'yan, Dania?

Syempre oo. Sobrang tanga mo noon. Noon.