Chapter 11

— Dania —

Dalawang araw na ang nakalipas mula noong makalabas ako ng hospital. May peklat na 'ko sa tapat ng dibdib ko dahil sa tahi at okay na rin daw ako kaya nagpa-discharge na 'ko. Naglalakad ako ngayon sa tabi ng kalsada papuntang condominium ni Bhella. Hindi na rin ako umuwi ng bahay namin ni Cyrus, ayoko siyang makita.

Si Fred naman, lagi nang nakaaligid sa 'kin. Remember him? Si Mr. Rodriguez iyon noong nagpunta kami ni Cyrus sa welcome party niya. Ewan ko ba ro'n at lagi nang dumadalaw sa condo ni Bhella kung saan na 'ko nakatira.

May bumusina sa likod kaya napaharap ako ro'n. Tumabi ako kaya umusad ang kotse sa tabi ko. Pamilyar ang kotse, hindi ko nga lang maalala kung kanino.

Nang bumaba ang bintana ay nakita ko si Cyrus kaya napalakad agad ako paalis at iniwan siya ro'n pero sumunod pa rin siya dala ang kotse niya.

"Dania!" tawag niya sa 'kin pero hindi ko s'ya pinansin at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad.

Ayokong makita at makausap siya!

"Ano ba?!" inis na sabi ko nang hawakan niya ang braso ko. "Puwede ba, wala akong panahong makipag-usap sa 'yo," sambit ko at tumingin sa paligid dahil baka makagawa kami ng eskandalo rito.

"We need to talk," seryosong usal niya kaya tiningnan ko siya nang mabuti. "Makikipag-annul ako, hindi ba?" dugtong niya na ikinaiwas ko ng tingin.

Tama, 'yung annulment paper nga pala.

"Akin na. Dito ko pipirmahan." Hindi naman agad siya nakapagsalita sa sagot ko. Siguro nagulat siya dahil pumayag agad ako. Bakit? Napag-isipan ko na ang lahat ng 'to. "Asaan na?"

"Nasa bahay," tipid niyang sagot at hinila ako papasok sa kotse niya. Shit naman! Dapat pa ba niya 'kong dalhin sa bahay? Ayoko nang bumalik doon.

Sa front seat niya 'ko pinaupo, nang makaupo na rin siya ay pinaandar niya na ito kaya tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Napakatahimik ng byahe namin kaya naisipan kong magsalita.

"Hindi mo man lang daw ako dinalaw," natatawang sabi ko habang hindi pa rin siya tinitingnan.

"What for?"

Napangiti na lang ako nang mapait. Oo nga naman, para saan pa kung wala naman siyang pake sa 'kin?

"Nakakatawa lang dahil si Bhella at Fred lang talaga ang may pake sa 'kin," bulong ko.

Nangunot na lang ang noo ko nang biglang huminto ang kotse kaya napatingin ako sa kaniya. Salubong ang kilay at matalim niya 'kong tiningnan.

"Oh, bakit?"

"Fred?" Tumango naman ako. "Fvck! Bakit lumalapit ka sa lalaking 'yon?" galit at mariing tanong niya kaya inirapan ko siya.

Ayan na naman siya. Pagod na 'kong makipag-away.

"Ewan. 'Di ko alam. Pwede bang mag-drive ka na lang ulit? Nagmamadali ako," walang ganang sabi ko at nakipagtitigan sa kaniya.

Nang hindi niya nakaya ay hinampas niya ang manibela at nag-drive ulit. Tsk.

"Nagmamadali? Makikipagkita ka lang siguro sa Fred na 'yon," sabi niya kaya napangiti ako at tiningnan ulit siya.

Wala lang, nag-e-enjoy lang akong makita siyang ganiyan.

"Oo, bakit?" nakangiting tanong ko ulit. "Nagde-date na kami," dugtong ko pa, sakto namang nasa tapat na kami ng bahay.

Sorry Fred, I need to use your name for now.

Padabog niyang sinara ang pinto ng kotse kaya padabog din akong lumabas. Inunahan niya na 'ko sa pagpasok ng bahay kaya pumasok na rin ako at napangiwi nang makita ko ang bahay.

"Kapag wala pala 'ko ay ganito ang magiging buhay mo rito," natatawang sabi ko habang tinitingnan ang maduming paligid. "Huwag mong sabihing hindi kayang gawin ni Lyka ang ginagawa ko?" mapaglarong dugtong ko at lumapit sa kaniya.

"Tsk," 'yun lang ang nasabi niya kaya hinarap ko siya at kunwari'y inaayos ang necktie niya. Tinitigan niya lang ako hanggang sa ngitian ko siya nang tipid.

"Nasaan na? Pipirmahan ko na," tanong ko at lumayo sa kaniya.

Hinila niya naman ako paakyat kaya sumunod na lang ako. Pumasok kami sa kwarto niya, maayos naman ang kwarto niya pero 'yung living room talaga ang gulo-gulo!

May kinuha si Cyrus sa isang cabinet, brown envelope iyon at binigay niya sa 'kin.

"Ballpen?" tanong ko pero kibit balikat lang ang naisagot niya kaya lumakad ako papuntang study table niya at saka naghanap doon.

Habang naghahanap ako, may picture frame na nakataob akong nakita. Tumingin muna ako kay Cyrus pero nagkakalikot lang siya ng phone niya kaya kinuha ko ang picture frame. Muntik ko na 'tong mahulog nang makita ko kung sino ito.

"The fvck?! Bakit na sa 'yo 'to?" nanlalaki ang mga mata at malakas na tanong ko na ikinatingin niya sa akin.

Inagaw niya sa 'kin ang picture frame at hindi agad nakasagot. Nanginginig ang kamay ko habang nakatukod sa study table para hindi mawalan ng balanse.

"S-Sino 'yan? Daddy mo?" tanong ko kaya napatingin ulit sya sa picture at sa akin. "Shit." Napaupo ako sa upuan na nandito at tumingin sa malayo. P-Paanong—

"Oh? Bakit ganiyan ang reaction mo? Ngayon ka lang ba nakonsensya sa pagpatay kay Dad?" sarkastikong tanong niya sa 'kin kaya napailing-iling ako at hindi agad nakasagot.

N-No . . . This can't be! Hindi ko alam na, shit!

"Kaya ka ba galit na galit sa 'kin?" nanghihina ang boses na tanong ko at tiningnan siya.

Napaiwas naman siya ng tingin kaya napapikit na lang ako nang mariin.

"Yes because you killed my father!" Nagtaas siya ng boses.

Napapikit ako nang mariin saka tumayo at lumakad. Nilagpasan ko siya at napatingala para pigilan ang luha ko.

"Sana inalam mo muna kung ano ang totoong nangyari," sabi ko at haharap na sana sa kaniya nang bigla na lang niya 'kong tinabig at isinandal sa pader na ikinagulat ko.

Nanlalaki mata kong sinalubong ang masama niyang tingin. Halos habulin ko rin ang hininga ko sa kaba.

"Bakit? Ano ba'ng nangyari?" tanong niya at mas nilapit ang mukha niya sa 'kin.

See? He didn't know what happened.

"I'm not the one who killed your father, Cyrus!" I exclaimed.

"Then who?" tanong niya at inamoy-amoy ang leeg ko. Nagulat ako pero hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya.

"My parents."

Mas humigpit ang hawak niya sa 'kin kaya medyo nasaktan ako.

"Do you want to know?" Tumango naman siya kaya mapakla akong napangiti. Ire-reveal ko na nga ba ang pinakatinatago kong sikreto?

"My parents, they killed your father," sabi ko ulit.

Dinilaan niya naman ang leeg ko kaya napapitlag ako.

"Can I do this?" paalam niya at napatango naman ako, pinabayaan ko lang siya. Huling pagpapakita ko naman na 'to sa kaniya kaya papayag na 'ko. Mahal ko, e. "How did they kill my father and how come that you were there?" panibagong tanong niya habang pinagpapatuloy ang ginagawa.

"I don't know what is the real reason, Cyrus, but they used me to be the suspect," paliwanag ko. "And you accused me for being the killer of your father," dugtong ko at bumuntong hininga.

"Really?"

"Really," sagot ko at humawak sa batok niya.

Tumigil sya sa paghalik sa leeg ko at humarap sa 'kin. Mapupungay na ang mga mata niya pero nakikita ko pa rin ang galit doon.

"Galit ka? Dapat ka lang magalit," nakangiting sambit ko at hinalikan siya. Lumaban at tumugon naman siya sa 'kin.

Nang bumaba ang halik niya ay saka ulit ako nagkwento sa kaniya pero dinala niya muna ako sa kama.

"Nagulat ako niyon nang isama nila ako. Sabi nila, may pupuntahan lang daw pero nagulat ako nang sa isang bahay kami nakarating. Pumasok sila sa loob then iniwan muna nila ako sa loob ng kotse then mayamaya ay bumalik sila at hinila ako papasok ng bahay. I was surprised nang makita ko ang isang lalaking nasa sahig habang may nakasaksak na kutsilyo sa puso niya, lumuhod ako at sinubukang hugutin iyon nang may biglang batang lalaki na pumasok," pagkukwento ko hanggang sa mapagtanto ko na lang na nakahubad na kami pareho. "Ikaw ba 'yon?"

"Oo. Sigurado kang ayun ang nangyari?" tanong niya sa 'kin.

"Commonsense na para sa akin iyon, walang ibang tao sa bahay na 'yon kaya siguradong parents ko ang pumatay sa daddy mo, hindi ko nga lang alam kung bakit," sagot ko sa kaniya.

Hindi naman siya nakasagot at tinuloy niya lang ang ginagawa niya hanggang sa naramdaman kong nasa loob ko na siya. Mabilis siyang gumalaw habang malalim na nakatitig sa akin.

"If nalaman mo agad na ganoon ang nangyari, hindi mo ba ako sasaktan tulad ng ginawa mo dati? Magiging mabuting asawa ka ba sa 'kin?" sunod-sunod tanong ko, umaasang oo ang sagot niya.

“I don't know," tanging sagot niya at bumuntong hininga.

"I guess yes, sasaktan mo pa rin ako kasi hindi ako ang taong mahal mo." Natigilan naman siya sa sinabi ko pero tinuloy niya naman agad ang paggalaw sa 'kin.

Napangiti na lang ako nang mapait nang ma-realize ko ulit na katawan ko nga lang pala ang gusto niya sa 'kin. Katawan ko lang. Edi sige, ibibigay ko sa kaniya for the last time dahil sisiguraduhin kong pagbalik ko, hindi na 'ko magpapa-api.

"Idemanda mo ang parents ko kung gusto mo," sabi ko kaya napatingin siya sa 'kin.

"Hindi mo ako pipigilan?" tanong niya sa 'kin na ikinailing ko.

"Para saan pa? Wala na 'kong pakialam sa kanila. Total, wala rin naman silang pakialam sa 'kin. Ako pa ang magiging witness."

"So it means, wala ka na ring pake sa 'kin?" tanong niya at humiga sa tabi ko nang makapaglabas na siya ng init.

"Tinatanong mo ba 'yan dahil inaamin mong wala kang pake sa 'kin?" tanong ko, hindi naman siya nakasagot agad kaya inunahan ko na. "Well, yes."

After nito, wala na talaga akong pake sa kanila, lalo na sa kaniya.