Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

CHAPTER EIGHT

PAKIRAMDAM ko ay biglang nagtaasan lahat ng dugo ko sa ulo. Nag-init din ang magkabilang pisnge ko, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa inis.

Nakaramdam ako ng pang-iinsulto sa sinabi nya. Anong tingin nya sa'kin, babaeng cheap? Two timer? Mahilig ba ako sa barbeque? Tho, I love that food, but I'm not what he think. Na tutuhugin ang magkakaibigan? Matapos magkagusto sa isa, sa isa naman tapos isusunod naman 'yung isa. Gano'n ba ang tingin nya sa akin.

Nabitawan ko ang braso ni Ella. At alam kong alam na nya kung anong naramdaman ko sa sinabi ni Glen.

I chuckled.

"Tinulungan lang ako sa punishment mong unfair, sa tingin mo may gusto na agad? Gano'n ba kababa ang tingin mo sa feelings na meron ako para sayo, Glen?" I said na hindi bumabaling sa kanya. Nakatalikod pa rin ako sa kanila.

Ayoko mang gumawa ng eksena dito lalo na at nakakahiya kay Kuya Mico, pero ang sama ng dating nang sinabi nya eh.

Kahit kailan ay hindi ako nagkagusto sa iba habang gusto ko sya. Kapag nagkagusto ako sa isang lalaki, sya at sya lang ang gugustuhin ko, kahit napakaraming mas deserving ng pagmamahal na ibibigay ko.

Kahit sobrang sungit nya, hindi ko naisip na palitan sya sa puso ko.

Sya ang tinitibok nito kaya bakit ako magkakagusto sa iba, kung kahit mismong puso ko hindi sya kayang tanggalin dito.

Kahit palagi nya ako tinutulak palayo, sa kanya pa rin ako nagkakagusto. Kahit suwayin ko man ang puso ko na h'wag syang gustuhin, hindi pa rin ito susunod, dahil kahit ako mismo hindi masuway ang sarili ko.

Humarap ako sa kanya, habang walang emosyong ipinapakita.

"Akala mo ba gano'n kadaling palitan ka? Oo nga at hindi mo ako pinapansin minsan at palagi pang sinusungitan. Pinagtatabuyan mo rin ako, pero hindi sapat na dahilan 'yun para mawala ang feelings ko sayo agad-agad. Hindi ako kasing babaw ng iniisip mo. Ikaw ang mababaw, Glen. Ang babaw ng pag-iisip mo."

Pilit na pilit na huwag akong pumiyok sa harapan nila. Dahil ayokong makita nila na umiiyak ako dahil lang sa kanya. Dahil lang sa lalaking napakahirap abutin.

Pagkatapos ay hinila ko na si Ella palabas ng restau. Leaving then shocked and speechless dahil sa nakakalokang confession ko in public.

Jusko! Sana lang ay walang nagvideo para hindi magtrending ang maganda kong mukha. Dahil kung mangyari iyon, mas gugustuhin ko na lang na magpalamon sa lupa.

Bwesit kasi eh!

Ano bang pag-iisip meron ang gagueng Glen na iyon? Pasalamat sya dahil mahal ko sya kahit na ganyan sya. PSH!

"Sa rooftop tayo maglunch mamaya. Marami kang ikukwento sa akin." Tinaas-baba pa ni Ella ang kilay.

"Oo na!"

"Bye, bespren! Btw... ang astig mo kanina." Kumindat muna ito bago kami tuluyang maghiwalay ng daang pupuntahan.

Remember, nasa Section A na ako. At sigurado akong makikita ko na naman si Glen doon dahil katabi ko lang naman sya. Haist!

Mukhang hindi ko nga talaga maiiwasang hindi sya makita. Naiinis pa rin ako. Pinagmukha nya akong cheap at two timer. GRRRR!

Pagpasok sa loob ng room ay nanlilisik na mga mata agad ni Bianca ang natagpuan ko. Inirapan ako nito na ipinagsawalang bahala ko na lamang at dumiretso na sa upuan ko.

Kinuha ko ang aking phone sa bag saka nagsuot ng earphone sa tenga. Shinuffle ko ang nasa playlist ko at nilagay sa full volume ang sound.

Ipinikit ko ang aking mga mata bago sumandal sa sandalan ng aking upuan. Hayyssss... Ang calming ng ara—

"Aywalanjo!" Bulalas ko nang may humila ng aking earphone dahilan para magulat ako. "ANO BA!!!"

Napatingin ako sa paligid at nakatingin din pala ang lahat sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at ibinaling na lang ang tingin sa lalaking nakaupo sa upuan ni Glen na syang naghila ng earphone ko.

"Hi, Erish!" Malawak ang nakapaskil na ngiti nito sa labi habang nakatagilid ang ulo paharap sa'kin.

Hinila ko ang earphone sa kamay nya. "Problema mo, Villaflor?" pagsusungit ko pa.

"Ay ang sungit naman pala. Penge number mo." Inabot nya sa akin ang kanyang phone. Tiningnan ko lang iyon bago ibinalik ang tingin sa kanya. "Number mo, pahingi ako."

"Number ko? Paano kung ayoko?"

"Pipilitin kita."

"Asa ka naman. Chupi nga dyan!"

Itutulak ko sana sya palayo nang bigla nyang hablutin ang cellphone ko sa aking kamay.

"H-Hoy!!!"

Nasaan ba ang hinayupak na kaibigan nito at sya ang nakaupo sa upuang katabi ko?

May kung anu-ano itong pinagpipindot sa phone ko pagkatapos ay ngiting nagwaging ibinalik sa akin iyon.

"Kinuha ko lang number mo, sinave ko na rin yung akin."

Tiningnan ko naman ang sinabi nya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalang niregister nya sa kanyang contact.

"Poging Josh?" basa ko sa pangalan. "Seriously? Do you think pogi ka sa lagay na yan? Ang lakas ng apog mo ah."

"Syempre pogi ako. Alangan namang si Glen lang pogi para sayo. H'wag kang unfair. Tsaka bakit si Glen lang may number sayo ah? Apakaduga mo naman."

"Bakit? Close ba tayo?"

"Paanong close ba kasi? Yung ganito?" Umabante sya palapit sa akin at inilapit ang mukha sa mukha ko kaya naman napaatras ako sa gulat.

Nagkatinginan kami saglit pagkatapos ay sya rin mismo ang umiwas kalaunan.

Mahina naman pala ang isang 'to eh! Pwee! Buti na lang wala syang impact para sa'kin, hindi katulad ni Glen na kapag magkatinginan lang kami ay ramdam ko agad ang pagkabog ng aking dibdib.

Ginulo nya ang kanyang buhok. "Ang hirap mo kasing pakiusapan, buti na lang dati akong mandurugas."

"Buti na lang din dati akong pulis. Hinuhuli kita sa pagkakasalang pandurukot ng cellphone."

"Pffttt... BWAHAHAHAHAHA!" Tumawa sya ng malakas. "Ang epic ng expression mo. Ikaw lang yung pulis na nakita kong nakapokerface kapag nang aaresto."

Kahit ako ay hindi rin napigilang hindi matawa. Nakakatawa kasi talaga yung tawa nya, pang-abno. HAHAHAHAHA!

"Bagay pala sayo maging clown eh," wika ko na tumatawa pa rin.

"Pwede naman. Basta ba exclusive lang para sayo eh," sagot nya sabay wink.

Napairap naman ako pero nakangiti pa rin. "Siraulo ka talaga."

Sakto namang dumating na ang teacher namin para sa first subject.

"Umalis ka na dyan. Doon ka sa upuan mo," pagtataboy ko kay Josh.

"Dito na lang muna ako. Wala naman si Glen eh."

Napansin ko nga na wala si Glen at Zander. Kaya naman hindi ko mapigilang hindi magtanong.

"N-Nasaan pala sya—I mean silang dalawa ni Zan?"

"Alam ko nang itatanong mo iyan. Perhaps nasa tambayan sila ngayon. Trip nila 'di pumasok eh."

"Eh bakit ikaw?"

"Goodboy nga kasi ako, ano ka ba?!"

Napailing na lang ako. Minsan umaayon din sa akin ang sitwasyon. Mas mabuting hindi ko muna sya makita ngayon dahil naiinis at the same time ay nahurt din ako sa sinabi nya.

Ang babaw talaga nya. Pati maliliit na bagay na binibigyan ng ibang meaning— wait! Hindi kaya.... nagseselos sya??? OMG!!

Asa pa more self! Hindi naman masamang mangarap ng gising eh.

Pagkatapos ng pang-umagang klase ay umalis din si Josh. Mukhang pupuntahan ang dalawa nyang kaibigan na hindi pumasok.

PSH! Vice Pres pa naman ang lalaking iyon pero nagka-cutting classes, nandamay pa sya ng isa nyang kaibigan. Naku, naku! Ang bad influence ah.

Hindi ko na sya crush... charot!

Ako naman ay nagtungo sa rooftop dahil doon namin napag-usqpan ni Ella na magla-lunch.

Paakyat ako sa rooftop ng building nang may ilang kababaihan akong nakasalubong.

"Hi, Margaux!"

"Ang cute mo talaga girl. Sana all maliit ang face."

"Nakita ko kayo kahapon ni Josh sa Gym. Anong meron sa inyong dalawa?"

"Uyy, bagay kayo ah!"

Sana all cute, diba? Bolera din ang isang ito eh. Kilala ko sila base sa kanilang mukha, pero hindi ko knows ang kani-kanilang names. Mga 2nd year students sila.

Wala naman ako naging reaction at komento sa sinabi nung isa about sa'min ni Josh. Ngumiti lang ako sa mga ito at nagpaalam nang mauuna na sa itaas.

Pagdating sa rooftop ay sinara ko na ang pinto para walang maingay. Minsan kasi ay tambayan talaga ito ng mga students na gusto ng katahimikan at yung ibang students na gumagawa ng kalokohan like yosi/vape, o di kaya ay nagka-cara.

Wala kasing pumupunta ditong teacher kaya hindi sila mahuhuli.

Nakita ko naman agad ang aking kaibigan. Nakaupo ito sa sofa habang nakataas ang paa sa maliit na mesa. Wow naman! Sitting pretty ang loka. "Ella!" tawag ko dito.

She waved her hand at me. Naglakad naman ako palapit sa kanya at umupo rin sa bakanteng upuang naroroon.

"May foods ka na? Binili mo rin ako?"

"Ofcourse my dear bespren! Kain na tayo, kanina pa ako nagugutom. Ang tagal mo kasing dumating eh. Ginulo na nga ako nung apat na babaeng mukhang mga manika kanina."

"Nakasalubong ko sila nang paakyat ako."

Binaba na nya ang paa pagkatapos ay "Ano sabi sayo?"

"The usual. Ang bago lang ngayon is yung about kay Josh."

Pumalakpak sya. "Make kwento na. DALI!!"

"Atat na atat?"

"Syempre. Chismis yun eh. HAHAHAHA!"

"Gaga! Wala namang maganda sa nangyari eh. Tinulungan nya lang ako doon sa apat na ugok—"

"Wait! May nangyaring hindi maganda, no?"

Wala akong nagawa kundi tumango.

"Hindi naman nila ako nasaktan—nasaktan pala. Tinampal ako at sinabunutan ng panget na iyon. Bwesit talaga! Kapag nakita ko ulit pagmumukha ng mga hampas-lupang nilalang na iyon, makakatikim na sila sa'kin. Pasalamat sila nanghihina ako kahapon."

"We need to report them to the Principal immediately."

"H'wag na! Ayoko lang ng maraming tanong tanong pa. Isa pa, nabugbog naman sila ni Josh kahapon eh."

Nagningning ang mga mata ni Ella.

"Wow! A knight in shining uniform! Emegedddd! Dapat nandoon ako kahapon para nakuha ko ang magandang moment nyo ni Josh. Omg!!! Tapos ibebenta ko ang hot photos ni Josh habang nakikipag-away. Sigurado akong kikita ako ng malaki. BWAHAHAHAHAHA!"

Sinapak ko sya sa ulo. "Minus points ka agad sa langit."

"Okay lang! Basta nagkapera ako dito sa lupa. HAHAHAHA! Uy, joke lang po Papa Jey Sus! Mabait po akong bata."

"Kumain ka na nga lang. Gutom lang yan."

Naglagay na ako ng kanin at ulam sa paper plate pagkatapos ay sumubo. Hmmm... Yummy, yummy! Favorite ko talaga ang chicken-pork adobo, lalo na iyong nanunuot ang lasa at sarap sa karne ng manok at baboy. Mas masarap din kapag sakto lang ang pagkakaluto sa karne, hindi matigas at hindi rin sobrang lambot.

"So, ano pang nangyari?" tanong pa ni Ella pagkasubo ng kanin.

"Tinulungan nya ako maglinis ng gym. Tinataboy ko na paalis pero ang kulit-kulit. Ako pa ang pinapauwi dahil sya na raw ang bahala gumawa ng punishment ko. Siraulo diba?"

Tumango-tango sya habang ngumunguya.

"Tapos?"

"Pagkatapos para mapaalis sya pumasok ako sa cr ng girls. BWAHAHAHAHA! Ang epic ng reaction nya nang marealize kung saan sya pumasok. Akala ko nga aalis na pagkalabas nya, pero hindi pa pala. Nakapaglinis nako ng girl's comfort room tapos paglabas ko nandoon pa sya. And guess what?"

"What?"

"May dala na syang plastic bag na may lamang tubig, chitchirya at bimpo. Sya na rin ang nagpunas ng pawis ko. Nagulat pa nga ako dahil akala ko kung anong gagawin nya. Ang—"

"Sweet diba?" May nakalolokong ngisi sa labing wika nya.

Natawa naman ako. "Sweet? Sweet ba yun? Ang tawag dun, caring!"

"Atleast sweet na caring, diba? At base sa pagkukwento mo, masaya ka. I smell something fishy here. Hhmmm..."

I made a face. Alam ko na kasi ang gusto nyang palabasin sa sinabi nya. Na may something sa amin ni Josh.

"Kung ano man yang iniisip mo, tigilan mo na. Isa lang ang gusto at kilala mo naman kung sino diba? Kung maging close man kami ni Josh ay labas iyon sa pagkakaroon ng romantic feelings sa isa't isa."

"Sinabi ko bang ikaw?"

"Eh anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba nararamdaman? Minsan kapag nakatuon lang sa iisang tao ang atensyon at paningin natin, hindi na natin nakikita ang ibang tao sa paligid. Hindi natin namamalayan na may mas deserving pala sa love na ibinibigay natin sa taong hindi naman tayo kayang mapansin."

"W-What do you mean?"

Naguguluhan ako. Ano daw? Wala talaga akong alam pagdating sa usapang love eh. Basta ang alam ko lang kapag tumibok ang puso mo sa isang tao, sya iyong para sa iyo.

Ayokong gawing komplekado ang lahat. Mahihirapan ka na, sasakit pa ulo mo kakaisip.

"Try to be observant, bespren. Kay Josh at kay Glen. Pagkatapos ay ireport mo sa akin kung anong napapansin mo sa kanilang dalawa towards you. Pagkatapos nun ay sasabihin ko sayo kung anong napansin ko, base pa lang sa kwento mo."

Chương trước