CHAPTER 28
(Last P. O. V. of Sky)
Kinailangan kong umalis agad noong tinawagan ako ni Kyle, noong nagkita kasi kami ni Kyle sa party ay pinakiusapan niya akong maging pansamantalang personal nurse ng mommy niya, bukod sa close kami ng mommy niya, ako lang din daw kasi ang pinagkakatiwalaan niya. Hindi niya ito magawa sa ngayon dahil tinutulungan niya ang fiance niya na mag-asikaso ng kasal nila, buntis rin kasi kaya kailangan niyang alalayan..
"Anong nangyari tita bakit po kayo nahulog?" sabi ko habang inaayos ang higaan niya.
"May inaabot kasi ako, pasensya na ah, pumunta ka pa tuloy." sagot niya.
Wala namang kaso sa akin dahil yun din naman ang napagkasunduan namin ni Kyle, kailangan ready ako anytime, babayaran niya daw ako kahit sinabi ko na 'wag na dahil alam niyang kailangan ko pang umabsent dahil dito.
"Ayos lang po, gusto niyo po ba ng tubig?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya.
Pagkakuha ko ng tubig ay inabot ko ito sa kanya ito, bigla naman niyang hinawakan niya ang kamay ko.
"May problema ba?" tanong niya.
Parang nanay ko na rin ang mommy ni Kyle, noong mga panahon kasi na kami pa ni Kyle, sobrang bait na ng mommy niya sa akin at sa kanya ko totoong naramdaman ang pagtanggap kaysa sa totoo kong nanay.
"Pakiramdam ko po kasi may problema po kami ng asawa ko pero hindi ko naman po alam kung ano." napabitaw siya sa akin at tumawa.
"Diyos ko, problema rin yan ng asawa ko noon." napatingin siya sa bintana sabay balik sa akin.
"Ang hindi kasi alam ng mga lalaki, simple lang naman ang mga babae, mapapasaya niyo kami sa maliliit na bagay at masasaktan niyo rin kami sa malilit na bagay." Hinawakan niya ako sa balikat.
"Minsan yung maliit na yun, grabe namin isipin kaya nasasaktan kami.." Nakangiti nyang duktong.
"Maaayos niyo rin yan, may habang buhay pa naman kayong pagsasamahan." binitawan niya ang kamay ko bago sumandal sa inuupuan niya at pumikit.
Madaling araw na ako nakauwi dahil sinugod ang mommy ni Kyle sa hospital dahil sa hindi siya nagigising at patuloy lang sa paghihilik. Sa ibang hospital siya naisugod dahil puno na sa hospital namin kaya sumama ako sa paglilipat sa kanya.
Nang makarating ako sa bahay ay madilim na sa loob kaya naisip ko na tulog na si Cordelia pero pagpasok ko ay nakita ko na gising pa pal si Cordelia.
"Bakit gising ka p-" hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.
"I love you..."
Agad ko siyang hinalikan matapos kong marinig sa kanya na mahal na rin niya ako. We kissed passionately until we found ourselves lying on my bed, I want her now but I don't want to take advatage of her, I want to do it right... I want to start again, kaya tumigil ako at niyakap na lang siyang mahigpit
"Bakit ka huminto? kasi hindi ako si Kyle?" Bago pa man ako makapagexplain sa kanya ay bumangon na siya at lumabas na ng kwarto.
.
Maaga akong umalis kinaumagahan dahil inuwi na raw ni Kyle ang mommy niya pero may mga kasamang aparato dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. May sakit sa puso ang mommy ni Kyle at kailagan niya ng heart transplant pero mahirap makakuha at masyado ring mahaba ang pila.
Lumapit ako kay Kyle habang inaayos ang kumot ng mommy niya,
"Tingin mo, 'wag ko na muna kayang ituloy yung kasal? kailangan ako ngayon ni mommy." sabi niya sabay halik sa kamay ni tita.
"Sa tingin ko, she'll be more happy if her son is happy." hinawakan ko siya sa balikat.
"She's a strong woman, she's going to be fine."
Late na naman akong nakauwi mula sa bahay nila Kyle dahil late na rin umuwi si Kyle dahil sa traffic. Nasa labas pa lang ako ay nakita ko na bukas na bukas pa rin ang ilaw sa loob at nang pagpasok ko ay nakita ko na ang daming kalat sa sala. Sakto rin naman na lumabas si Cordelia sa kwarto niya at nasilip ko na nandoon si Aster.
"Kaya ko." sabi niya nang akma ko siyang tutulungan.
Pero dahil nahihilo na talaga siya ay natumba siya at parang nasusuka na kaya binuhat ko na siya at dinala sa banyo.
"Magpahinga ka na, ako na magliligpit." sabi ko sa kanya habang pinupunasan ang mukha niya pagkatapos sumuka.
"Sky, can you please stop... stop being nice to me."
I haven't really explained myself to her since last night, which is why she probably thinks I haven't moved on from Kyle and that I'm still into him, so I need to clear things up with her before it gets worse.
"I can't stop being nice to you because... I'm in love with you." I confessed.
That morning, we were happy and okay, but now I'm cofused... why is she running away?
I keep calling her but she keeps on running away. I don't know what's going on, but right now, ang tanging iniisip ko ay kung anong nangyari sa kanya. Is she hurt? Did someone hurt her?
"Sky calm down, just give her time. I'm sure pupunta siya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya." tinapik-tapik ni Kyle ang likod ko.
"It's all my fault, tumatawag siya sa akin pero hindi ko nasagot..." I cried.
"I don't want to lose her, Kyle." I covered my face.
"No, you won't lose her, just give her time." he comforted me.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pagkaalis ni Kyle at nagising na lang ako na umaga na pala, my whole body is aching because I was lying on the floor the whole night. Inabot ko ang phone ko to check if there's a text or missed calls from Cordelia pero wala. Ilalapag ko na sana ang phone ko nang biglang tumawag si Aster kaya agad ko itong sinagot.
"How is she? is she okay? parang may sugat siya sa mukha kagabi, anong nangyari? did someone hurt her?" tuloy-tuloy kong tanong sa kanya.
"She's okay now... pero pwede ba tayong magkita? may kailangan kang malaman." seryoso niyang sagot.
Dali-dali akong pumunta sa location na tinext ni Aster, sa pagmamadali, nakalimutan ko pang magpalit ng damit na suot ko pa kahapon. Medyo traffic ngayon dahil malakas ang ulan, kaya naisip ko na dumaan na lang sa alam kong shortcut para makarating agad.
"Hi, ano yung kailangan kong malaman?" sabi ko sabay upo nang makarating ako sa isang coffee shop.
"Okay ka lang ba? Gusto mo ba magtubig muna?" tanong niya.
"No, I'm fine. So what is it?" I gasped.
Hindi siya makasagot agad at halata sa kanya ang kaba.
"Cordelia was almost..." biglang nanginig ang kamay niya at nakita ko na pinipigilan niyang umiyak.
"Was almost what?"
"She was almost raped by a guy named ... J-Jacob... Ayaw niya ipasabi sa'yo pero naisip ko na kailangan mong malama-- Sky! saan ka pupunta?"
"I'm going to kill that fucking guy!" I told her before leaving the coffee shop.
Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa lakas ng ulan pero wala na akong pakealam, dahil ngayon, ang iniisip ko na lang ay kung paano papatayin ang taong yun dahil sa ginawa niya akay Cordelia.
Nang makita ko na nag-green na ang stop light ay agad akong umandar, pero may malakas na busina akong naririnig at paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko ang isang truck na papalapit sa akin.
Naging mabilis ang mga pangyayari, nang sumalpok ang truck sa sinasakyan ko ay unti-unti ko nang narinig ang mga ambulansya na paparating... kaya pinilit kong hindi pumikit habang hinahabol ang hininga.
"Sir.." pinilit niyang ibukas ang mga mata ko at tinapatan ng flashlight.
"... can you hear me sir?" dahan-dahan akong tumango.
"I want you to stay awake sir, can you do that sir?" tumango ulit ako.
"My... my wife... call... her..." nanghihina na ako.
Ibinigay niya sa akin ang phone para i-dial ang number pero bago ko pa man maabot yun ay dumilim na ang lahat sa paligid ko...