CHAPTER 16

Natapos na agad ang isang buwan na kami ay kasal ni Sky. Pagkatapos noong kunwaring honeymoon namin ay naging busy na kami ulit sa kanya-kanya naming mga trabaho. Sa isang buwan na yun naging routine na ang lahat sa amin. Madalas pang-umaga ang duty ni Sky kaya madalas pagkagising ko ay wala na sya, pag-uwi naman nya ng hapon ay nasa kwarto ako at busy pa ako sa trabaho ko at ang segway na panonood ng kdrama sa phone ko. Pagdating naman ng gabi ay nauuna akong kumain dahil sya naman ang busy sa computer nya sa kwarto nya, alam ko kasi isang beses niyaya ko sya na kumain pero busy pala sya. Kapag afternoon shift naman sya gabi na sya nakakauwi at tulog na ako, usually kapag afternoon shift sya kakagaling nya lang ng night shift kaya yung rest day nya tulog lang sya. Kapag night shift sya, doon lang kami nagkikita at nagkakasabay kumain sa umaga at tanghali, isama na rin kapag sabado at linggo dahil kapag ganyang araw buong araw akong walang trabaho.

Sa isang buwan naming mag-asawa ay wala namang naging problema, siguro kasi hindi nga kami madalas nagkikita sa bahay. Pero kapag nakikita ko naman sya dahil panggabi sya o rest day nya na hindi galing panggabi, parang narerecharge ulit ako sa mga araw na hindi ko siya nakikita. Katulad ngayon, rest day nya at saktong sabado kaya makikita ko sya buong araw.

"Saan ka pupunta?" tanong ko nang makita ko syang nakabihis ng pang-alis.

"May appointment ako sa dentist. Alis na ako, malalate na ako. Text mo ako kung may papasabay ka ipabili kasi mag-grocery ako after. Bye!" Tuloy-tuloy niyang sabi habang papalalabas hanggang sa makalabas na sya ng pinto.

Kasasabi ko lang sa utak ko na buong araw ko sya makikita tapos ganito nangyari.

Kanina pa ako nakaligo kaya napagdesisyunan ko na lang na maglinis ng bahay habang hinihintay si Sky na bumalik. Naiinis din kasi ako kasi gusto ko maging clingy sa kanya pero hindi ko magawa kasi bakit ko naman gagawin maweweirduhan lang sya. Hindi ko rin alam pero ngayon lang talaga nangyari sa buhay ko na ginusto ko maging clingy sa isang tao, never nangyari yun kahit sa mga kaibigan ko, kay Sky lang tapos hindi ko pa magawa!

Nang matapos ako maglinis ay biglang may nag-doorbell kaya lumabas ako para makita sino ang nag-dodoorbell sa gate.

Binuksan ko ito at nakita ko ang dalawang matangkad na lalaki, ang isa ay naka long sleeve polo shirt na white at maong pants, at yung isa naman ay naka gray shirt at white shorts.

"Hi, I'm Marky." pakilala ng nakaputi.

"Sean." maikling sabi ng nakagray pero naka ngiti naman.

Parehas din nila akong kinamayan.

"Ikaw siguro si Cordelia, nandyan ba si Sky? college friends nya kami." sabi ni Marky.

Hindi naman nila sinabi pero may pakiramdam ako na gay rin sila, dahil kung paano umakto si Sky ay ganoon rin sila.

"Ah, wala pa sya eh, pumunta siya sa dentist nya tsaka sabi nya dadaan din sya sa grocery. Pasok muna kayo." sagot ko naman sa kanila.

Pagkapasok sa loob ay binigyan ko sila ng maiinom.

"We're going to our college friend's birthday party at BGC, which Sky may have already told you. You should come!" sabi ni Sean na may paghawak pa sa dalawang kamay ko out of excitement.

Sa totoo lang, wala naman talagang nasabi si Sky tungkol dito.

"Thank you sa invite pero siguro 'wag na, party nyo kasing magkakaibigan yun."

"Uy ano ka ba, ayos lang." sabi pa ni Marky.

Sasagot na sana ako pero dumating na si Sky.

"Uy what are you guys doing here? I thought doon na tayo magkikita." Sabi ni Sky habang binababa ang susi nya at mga pinamili nya sa kitchen counter.

"Dinaanan ka na namin para makapaglunch pa tayong tatlo at mukhang marami ka pang ikwekwento." sabi ni Marky sabay tayo at hampas sa balikat ni Sky.

"Alright! magbibihis lang ako.." pagtapos ni Sky sa usapan.

Pagkapasok nya sa kwarto nya ay nagkwentuhan naman si Sean at Marky kaya pumunta muna ako sa kusina para tignan kung anong maluluto ko.

Biglang tumunog ang phone ko at nakita ko na galing iyon sa group chat namin nila ate at kuya.

"Cordelia, mahuhuli lang kami ng isang araw para sa death anniversary nila mama." chat ni kuya.

Hindi na ako nagreply at tinaob na lang ang phone ko.

Napalingon ako nang lumabas si Sky sa kwarto nya na naka army green na long sleeves polo shirt na naka naka tupi hanggang siko ang manggas.

"Let's go, let's go!" sabi ni Sky sabay labas ng bahay, sila Marky naman at Sean ay kumaway sa akin.

Hindi ko alam kung saan ako mas maiinis, sa kinalimutan nyang magpaalam bago umalis o sa hindi nya man lang sa akin sinabi na may lakad sya. Alam ko naman wala akong karapatan na mainis o magtampo kaya mas naiirita ako sa sarili ko kasi nararamdaman ko 'to.

Nang marinig ko na naka alis na sila ay nagluto na ako ng pagkain ko na instant carbonara. Nang matapos ko itong maluto ay inilipat ko na sa bowl para makain ko na. Pasubo na sana ako nang biglang may nagdoorbell na naman kaya tinakpan ko muna ang pagkain ko.

Pagbukas ko ng gate ay bumungad ang mommy ni Sky na hawak-hawak sa kamay ang triplets ni Helena.

"Nako pasensya ka na hija biglaan..." sabi ng mommy ni Sky sabay tuloy-tuloy na naglakad papunta sa main door kaya sinundan ko sya hanggang makapasok kami sa loob ng bahay.

"Biglaang kinailangan si Helena sa Singapore kaya iniwan nya muna yung triplets sa akin. Kaso hija may kailangan din akong puntahan ngayong araw..." paliwanag nya.

"... Kaya pwede hija ikaw muna tumingin sa mga pamangkin mo? ngayong araw lang." duktong ng mommy ni Sky.

Wala naman akong magawa kaya pumayag na lang ako. Pagkaalis ng mommy ni Sky ay nakita ko ang mga bata na nakahiga sa sahig kaya dali-dali kong binuhat sila isa-isa at dinala sa kwarto para doon sila humiga.

Iniwan kong nakabukas ang pinto ng kwarto ko para makita ko sila. Pumunta na ulit ako sa may dining table para kainin ang carbonara ko. Pasubo na sana ako pero nakita ko na lumabas ang tatlong bata.

"Mamam!" sigaw nilang tatlo.

Mamam, gatas siguro, kaya tumayo ako para pumunta sa bag nilang tatlo. Kinuha ko ang lalagyan nila ng gatas at tsaka nagtimpla sa bottle nila. Akala ko after noon ay tapos na pero hindi pa pala, dahil hindi pala ganoon kadaling patulugin ang mga batang 'to. Never pa akong nakapag-alaga ng mga bata kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Habang nadede silang tatlo ay lakad sila ng lakad, kahit ilagay ko sila sa kama ay bumababa ulit sila.

"Help me Lord!" sigaw ko sa kawalan.

Natapos na lang silang dumede ay hindi pa rin sila nakakatulog. Kaya ang ginawa ko na lang ay binuksan ko na lang ang TV at nilagay sa youtube para manood sila ng DORA.

Akala ko makakakain na ako pero sabay-sabay silang lumapit sa akin at hinihila ang t-shirt ko.

"Poop." sabi ng isa.

Hinawakan ko silang tatlo sa kamay at tsaka dinala sa banyo.

"Kuha lang diaper si tita ah." sabi ko sa kanila at tsaka isinara ang pinto ng banyo.

Kumuha ako ng diapers, pulbos, baby wipes nila, pamalit na rin na damit dahil pawis na rin sila, salawal, at mga bimpo. Bumalik ako sa banyo at isa-isa ko silang hinugasan ng pwet at pinalitan ng diaper, damit at salawal. Nilagyan ko na rin sila ng bimpo sa likod. After ko silang mabihisan ay nakita ko na sa mga mata nila na inaantok na sila kaya dinala ko na sila sa kwarto ko at inihiga. Humiga muna ako sa gitna nila at salitan kong hinahaplos ang buhok nila, lumingon ako sa orasan at hapon na pala pero hinayaan ko na lang sila dahil inaantok na sila dahil sa pagod.

*

"Hey." nagising ako ng may marinig akong boses.

"Nakauwi ka na pala." napalingon akosa gilid ko pero wala na ang mga bata.

"Bakit nandito ang triplets?" tanong nya kaya napabangon na ako.

Hindi ko alam pero ang sakit ng ulo ko.

"Iniwan sila ng mommy mo, wala daw kasi magbabantay." sagot ko, tumayo ako at iniwan siya sa kwarto para pumunta sa kitchen para uminom ng tubig.

Naramdaman ko naman na sumunod sya sa akin.

"Sana tumanggi ka na lang, kung walang magbabantay I'm sure iiwan naman sya ni mommy sa mga maids, kaya sana 'di ka na lang nangealam." sabi nya.

Nakatalikod ako sa kanya habang may hawak akong baso. Narinig ko naman na umalis siya sa likod ko.

"Common kids, it's time to sleep." sabi nya.

Nang marinig ko na wala ng ingay, ininom ko na ang tubig ko tsaka pumunta ng kwarto at kumuha ng damit para maligo, nakita ko rin na ten na pala ng gabi.

Habang naliligo ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nya. Gusto kong isipin na na-misinterpret ko lang yung sinabi nya pero hindi ko rin maaalis sa sarili ko na masaktan sa sinabi nya.

Nang matapos ako maligo at magbihis ay lumabas na ako ng banyo. Nakita ko si Sky na nakatingin sa tinakpan kong carbonara kanina. Lumapit ako sa kanya at nang maramdaman na nya ang presensya ko ay tumingin sya sa akin.

"You didn't eat?" tanong nya sa akin.

Umiling ako.

"Bakit hindi ka kuma--" hindi niya natapos ang sinasabi nya.

"Sorry... sorry kasi nakialam ako... hindi na mauulit." mahinang sabi ko bago ko sya nilagpasan at pumasok sa kwarto ko.