Chapter 9

Carlos Jasper Jr POV

Nakaupo ako ngayon sa side chair habang nilagay ko ang siko sa ibabaw ng lamesa.

Pinagmamasdan ko ang bagong Yaya ko na abala sa pagluluto, nakabun ang buhok at may mga nakalugay parin na hindi na niya tinatali, habang may apron na suot.

Naaaliw akong panoorin siya habang nagluluto. Marunong naman akong magluto pero gusto kong makita kung may alam din siya. Malay ko baka pwede siyang asawahin kapag nakapasa sa panlasa ang kanyang niluluto.

Shit! Bakit yan ang naiisip ko ngayon? Hindi ko nga alam kung anong nasa isip nitong little miss na ito habang kinakausap ko, lagi na lang nagtataray.

"Pakuha ng paglalagyan nito please," utos niya sa akin at dahil gutom na rin at isa pa naawa na rin ako sa itsura niya kaya sinunod ko ang utos niya.

"Ok little miss, coming up," saad ko. Tingnan mo umirap sa akin. Isang irap pa diyan at hahalikan na talaga kita. Tumayo ako at kumuha ng plato para sa liempo na piniprito niya. Ginawa niyang paksiw ang tilapia na pinabili ko kay pareng Vincent.

Pumunta kasi s'ya doon sa palengke kaya nakisabay na rin ako.

"Gago, ikaw ba ang kakain nito? Ang dami nito ah," tanong ni pareng Vincent sa akin sa kabilang linya. Habang nag jojogging ako ay tinawagan ko ang loko kaya ayon, hindi ko na kailangan na pumunta pa sa palengke para bumili kung may pwede naman akong utusan.

"Oo nga, kaming dalawa ng asawa ko." asar ko.

"Asawa, kailan ka pa nagkaroon ng asawa? Saka pa alam niya ba na asawa mo siya?" maraming tanong ang gago ah, di porke't kasal na sila ng mga girlfriend nila ay binabalewala na lan ako, hay buhay.

"Basta, malalaman niya rin kaya nga nagpabili ako sa'yo ng uulamin mamaya dahil lulutuan ko siya," saad ko at nagmura na naman siya sa kabilang linya.

"Ay oo marunong ka ngang magluto, yung luto na hilaw ang kabila, sunog naman ang kabila, kapag ganyan wag ka na lang magluto at baka magkasunog pa yang kusina niyo," natatawa ako sa sinabi niya dahil tama nga naman siya. Para sa akin marunong ako magluto pero yun nga lang sunog na may hilaw nga.

"Basta, bilhan mo ako. Ikaw na ang pumili. Salamat pare," sabi ko at agad pinatay ang cellphone ko dahil alam ko na ang kasunod n'on.

Paniningil

Kaya panay mura niya sa akin dahil hanggang ngayon hindi ko pa siya binabayaran. May dalawang utang pa ako sa kanya na hanggang ngayon hindi ko parin pinapansin, bahala siya magmura at magparinig, love niya raw ako eh kaya anong silbi ng pagkakaibigan kung hindi nagbibigayan.

Magaling lang yata akong kumain eh, hindi sa pagluluto kaya salamat na lang na magaling magluto ang future wife ko na nasa harapan ko lang.

Pero secret lang muna sa ngayon, torpe kasi ako kaya hirap aminin baka magkaroon pa ako ng black eyes kapag binigla ko siya.

Hindi naman ako ganito dati na torpe sa mga babae lalo na yong nag-aaral pa ako ng highschool at college pero ngayon iba ang kamandag nitong babae na ito.

Masungit pero ang ganda parin.

"Narinig mo ba ako?" nakatingin ako sa kanya dahil sa nakatitig din ito sa akin.

"Huh? A. ano yon little miss?" nauutal ko na sabi. Sobrang lapit niya kasi, kissable lips pa naman at talagang hindi ako makapagpigil ay mahalikan ko ito pero kalma ka lang Carlos, nagtiwala siya sa'yo kaya marunong kang rumespeto.

"Sabi ko po, kumain kana. Luto na po ang ulam at kanin at nasa lamesa na lahat, ikaw na lang ang kulang." saad niya. Kumurap ako dahil sa boses niya. Tiningnan ko ang lamesa at kumpleto na nga ang nandoon.

"Then let's eat," sabi ko.

"Mauna kana." ani niya na napatigil sa akin.

"Huh? Bakit? Sabay tayong kakain little miss." saad ko, kaya ko nga siya dinala rito para kumain kaming dalawa na parang mag-asawa tapos ako lang kakain. No way.

"May gagawin pa ako, at isa pa wala naman sa kasulatan na makisabay ang katulong sa amo kung kakain." palusot niya pa.

"Saan mo naman natutunan yan? Dahil mali ang theory na yan. Na let's go, umupo kana," pangungulit ko.

"Pero… "

" Walang pero pero.. go sit down, sit," sabi ko at tingnan mo, kung makatitig sa akin ay parang gusto akong kainin ng buhay.

'"Pag tumawag ka sa akin para akong aso ah," tingnan mo. Nagsusungit na nga ang ganda talaga. Paano na lang kung ngumiti ito sa akin.

"May binanggit ba ako na aso? Di ba wala! Isa pa don't worry, for me hindi ka aso. Ikaw ay isang little kitten ko," saad ko pero mas nagalit pa yata kaya nag peace sign na ako.

Dahil effective ang ginawa ko kaya umupo na siya sa silya at sinamahan akong kumain.

Ang sarap palang kumain kapag kasama mo ang asawa mo. Aasawahin ko na kaya ang little kitten ko. Nasa tamang edad naman kaming dalawa kaya ayos na siguro. Kapag inalok ko siya ng kasal at mag yes siya ay agad-agad ko siyang papakasalan sa simbahan.

" Nasaan pala ang mga magulang mo?" narinig ko na tanong n'ya.

" Nasa states…"

"Huh?" shit lang.

"I mean nasa paper shit nila, ibig sabihin noon na lagi silang nakatuon sa mga papeles ng company kaya wala ngayon si Daddy H. h. hardin, yes, tama wala nga siya," ani ko. Sige Carlos kung ikaw mabuking malilintikan ka talaga.

Ang sarap, batukan itong utak ko. Muntik ko ng masabi na nasa states sila ngayon ni mommy at dad.

One year pa bago sila makauwi dahil nga sa business namin doon. Pinapili na nga ako kung dito o doon na ba ako titira pero dahil mas prefer ko ang Pilipinas kaya nandito ako, dadalaw lang ako doon kapag nabagot ako dito sa bahay at kung okay na ako ay babalik din naman agad sa bansang Pilipinas.

"Ok," tanging sagot niya.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko siyang maghugas ng mga pinagkainan namin. Hindi raw gutom pero naubos naman lahat na binigay ko sa kanya na ulam at kanin. Dahil ganado siya kahit hindi man ako ang nagluto ay masaya na ako dahil ako mismo nagpabili ng makakain namin kahit sa totoo niyan ay hindi pa ito bayad kaya panay tunog ng cellphone ko dahil sa ilang warning ni pareng Vincent sa umabot ng mahigit 500 pesos na karne at isda ang nagastos niya.

So bale ang kulang ko sa kanya ay nasa kalahating million kaya dadagdagan ko pa. Kulang pa ng 10, 000 pesos para sure na sure 500 thousand na. Mas mayaman naman siya kaysa sa akin kaya bakit pa ako magbabayad.

Anong magandang gawin ngayon para naman hindi puro kilos ang babaeng ito. Nahihilo na ako kung saan-saan na siya naglilinis. Sobrang sipag habang ako nakamasid lang sa kanya.

Total pinabakasyon ko muna si manong Hardin kaya wala siya ngayon sa bahay, kami lang dalawa ng asawa ko. May mga guard naman pero malayo na sila sa area, kaya kahit mag harutan kami dito ay walang makakarinig.

"Gusto mong mamasyal?" Tanong ko, kailangan ko pa ba siyang tanungin, hindi ba pwede na ako ang magdesisyon dahil ako ang amo? Tsk. Bahala na nga, nagtanong na ako eh.

"Mamasyal? Marami akong gustong pasyalan, pero dahil walang oras kaya bahay at trabaho na lang muna ang ginagawa ko, isa pa wala akong pera para mamasyal." So, sasama siya kung mamasyal nga kami. Yes.

Ok, sabi mo yan ha, let's go–"

"Saan?"

"Kung saan mo gusto, Ikaw ang bahala." bakit ako excited, hmm ma post ko kaya ito sa social media account ko.

Hashtags: My asawa

Tingnan natin kung paano wasakin ng mga messages ang group chat namin ng magkakaibigan.

Clovett Salmigan POV

Dahil Yaya niya ako kaya sunod-sunuran ako kung saan ang trip ng lalaking ito.

Sabi niya na diyan lang ang punta namin pero yun pala naging one hour pala ang biyahe namin. Nandito kami sa Dumaguete dahil may bibilhin daw siya at dito na rin maggogrocery. Sino ba naman ako para magreklamo eh sinasahuran lang naman ako.

Pero bago niyan, sumaglit muna kami sa Baywalk para maglakad-lakad. Magkahawak pa kami ng kamay niyan kahit anong piglas ko dahil pinagtitinginan kami ng mga nakakasalamuha namin sa daan ay ayaw niyang bitawan. Hinuhuli niya palagi ang pulsuhan ko.

Ang rason pa niya na baka mawala ako kapag hindi ako kumapit sa kanya. Hinayaan ko na kaysa naman ano pang isipin ng mga tao dito na nag-aaway kami na hindi naman kami magsyota.

"Smile Clovett in one two three good shot," napapailing na lang ako sa ginagawa niya sa akin. Ayaw niya kasing siya lang ang may post tapos ako wala, kaya kahit wala naman akong idea kung paano mag post kundi ang ngumiti lang sa camera, dahil yun naman ang sabi niya.

Nakailang shot yata kami bago kami natigil. Meron ding magkasama kaming dalawa habang nagseselfie. Kapag napagod na ay nagpapahinga sa semento na upuan na nandoon habang nakatingin sa asul na karagatan, daungan ng barko ang makikita sa kabilang side.

"For sure nakasakay kana ng barko, ano yung pakiramdam na wala ka sa land kundi sa dagat mismo? Hindi ba nakakatakot?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng ice cream na nasa cone.

Nilipat niya ang tingin sa akin at agad binalik sa karagatan ang mga mata.

"Masaya at hindi naman nakakatakot dahil may nakikilala kang ibang pasahero. Ang nakakatakot lang kung magbibiyahe ang barko na masama ang panahon ganun din naman sa pagsakay ng eroplano. Pero yun nga lang kung gusto mo agad na makarating sa paroroonan mo mag-eroplano ka na lang, at kung hindi naman at gusto mong makita ang tubig dagat then try mo ang ship."ani niya at napangiti ako doon sa sinabi niya.

Dahil balang araw kapag sapat na ang pera na maiipon ko ay ipapasyal ko si mama kung saan gusto niyang puntahan. Hindi ko alam kung kailan mangyayari yun, sana lang sana.

" Bakit gusto mo bang sumakay?"

Bumaling ako sa kanya at ngumiti habang tumatango, "Oo, kaming dalawa ng mama ko, pangarap ko kasi yun. Yung maipasyal ko siya kung saan man niya gusto." saad ko.

"What if isasama kita one day sa isa sa mga trip ko, ayos lang ba sayo?"

"Oo ba, pero saka na kapag may pamasahe na ako, pero sa ngayon yung utang ko muna sa'yo ang babayaran ko bago ang pag tatravel."

"Deal?" napapailing ako dahil may pa ganito pa siya.

"Deal Mr. Jasper."

Marami pa kaming pinag-uusapan like saan siya nakapagtapos ng pag-aaral at kung bakit huminto na ako sa pag-aaral. Sinabi ko sa kanya ang dahilan at ibang bagay. Hindi ko nga alam na sa kanya, kaya kung sabihin ang mga bagay na gusto kong sabihin, mga gusto at hilig ko, at mga favorite ko, samantalang hindi ko naman masabisabi sa mga kaibigan ko ang lahat-lahat sa akin.

Pero sa taong ito nasasabi ko sa kanya. Anong meron sa kanya na magtiwala ako sa ganito sa kanya?

"Let's go at pupunta na tayo sa mall para makapamili at bago gumabi ay maihatid na kita sa bahay niyo," Yaya niya.

Tumayo na kami pareho at pinagpag ang mga mga damit, hinuli niya ulit ang kamay ko at ngayon pinagsaklob ang mga daliri namin at sabay kaming naglakad para naman sa susunod na lakad.

Para yatang may kuryente ang katawan ko kapag ganito ang ginagawa niya. Feeling ko safe ako at walang mananakit sa akin ni kahit sino.

Bahay? After nito uuwi na naman ako ng bahay, na kung saan sarili ko lang ang kausap ko at tulala sa sulok ng maliit kong kwarto habang si mama ay hindi ko alam kung nasa bahay na ba ngayon o wala pa.

Kahit ganun pa man ay malaking pasasalamat ko sa taong ito na kahit masungit minsan ay maaari ko namang kausapin.

"Maraming salamat dito sa binigay mo na binili natin sa groceries kanina. Hindi na ako magkaka problema ng uulamin ng ilang araw dahil meron na nito. Salamat ulit at mag-iingat ka boss sa pag-uwi, " paalam ko sa kanya at nakatitig lang ito sa mga labi ko habang nagsasalita.

Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung bakit, namumula na yata itong mga pisngi ko kaya panay tingin niya sa mukha ko.

"Boss?" Untag ko sa sa kanya.

Tumingin siya sa mga mata ko, "okay see you tomorrow then, pagluluto mo ulit ako?" tanong niya at ngumiti ako ng malapad.

"Oo ba, iisipin ko pa kung anong pagkain ang lulutuin ko, gusto mo ng ampalaya na may itlog?" ngumiwi siya habang binabanggit ko pa lang ang gulay na yon.

"Ayaw ko niyan, iba lang, pait yan di ba? Ayoko.. iba lang."

"Ngee, masarap kaya yon, subukan mo lang, marunong akong magluto para hindi siya pumait." saad ko na talagang napangiwi ng mukha niya, bahala ka dyan magluluto parin ako at papakainin kita.

Gaya nga na inaasahan ko palagi na wala pa nga si mama, maaga ako ngayon nakauwi at baka mamayang alas otso o alas onse ang uwi ni mama kung saan na naman siya sumusugal ngayon.

Gusto kong sabihin sa kanya na tigilan na niya ang mga bisyo pero isang lagapak na palad lang ang matatanggap ko dahil sa pinapakialaman ko ang mga hilig niyang gawin.

Bakit ganyan ang mama ko? Bakit hindi ko man lang minsan maranasan na mahalin ng isang ina, simula pa bata ako, ang laging karamay ko lang ay ang Lola ko pero ngayon na wala na siya ay wala ng taong parating nandiyan para ipagtanggol ako kapag sinasaktan ako ni mama.

Bakit ganito na lang katindi ang galit niya sa akin? Anong nagawa ng papa ko para kamunghian ako ng sarili kong ina? Kasalanan ko ba kung bakit nabuhay pa ako at naging miserable ang buhay niya?

Kung hindi ba ako nabuhay habang nasa tiyan niya pa ako ay masaya kaya si mama? Kasi kung oo, di sana hindi na lang ako nabuhay, sana… masaya ngayon ang mahal ko na ina.

Nakatulugan ko ang pag-iyak, naalimpungatan ako dahil may maingay akong naririnig sa labas. Si mama na kaya ito at hinihintay niya lang akong lumabas ng kwarto para maiabot sa kanya ang pera?

Bumangon ako sa pagkahiga at nagmamadaling lumabas ng bahay ngunit may ibang tao akong nakita sa kusina habang nakatalikod. Alam ko na hindi ito si mama dahil ang tindig niya ay panlalaki.

Sino 'to? Bakit sya nandito at nakapasok sa loob ng bahay? Hindi kaya magnanakaw ito?

Dali-dali akong naghanap ng pamalo kung sakali man, nakita ko ang walis tambo malapit sa kwarto ko at yun ang kinuha ko. Naririnig ko ang ingay ng kaldero, bakit akala niya ba na nandoon nagtatago ang pera at diyan siya naghahanap, bobo naman.

Bukas ang isang ilaw namin na nasa kusina lamang kaya lakas loob akong naglakad sa gawi niya at bago pa siya lumingon ay pinalo ko na siya ng pinalo ng walis tambo.

"Magnanakaw! Magnanakaw! Hayop ka bakit ka nakapasok dito ha? Wala kang makukuha sa amin dito kahit isang butil ng bigas gago ka, itong sa'yo… ," galit ko na sabi habang walang tigil sa kakahampas ng walis sa ulo at balikat niya.

Wala na akong pakialam kung magkasugat ba siya kinabukasan o ano.

" Magnanakaw! Tulong! "

"Hoy! Babae ka!! Anong kagaguhan ang ginagawa mo!?" galit na boses ni mama ang nagpatigil sa akin.