Chapter 9
Clovett Salmigan POV
Madaling umaga pa lang nagising na ako para magluto ng agahan para kay mama. Nagluto ako ng sinangag, itlog at bacon para naman ganadong kumain ang mama ko. Umuwi ako at tulad sa nakasanayan ko na, ay hindi na niya ako pinapalayas sa bahay dahil nag bigay ako sa kanya ng pera.
Hindi ko binigay lahat para naman kinabukasan ay may maiabot ulit ako.
Ngayon ang unang trabaho ko bilang hindi Yaya…Yaya? Hay ang laking tao na yun gusto pang magkaroon ng Yaya. Anong silbi ng kanyang kamay at paa na hindi niya ginagamit ang mga ito.
Mas mabuti pa pala ang mga may kapansanan man sila ay hindi hadlang sa kanila ang mga gawain o tuparin ang mga pangarap nila pero ang iba dito ko sinasabi na si boss Carlos ito pero parang ganun na nga.
Hay ang kulot na 'yon.
Dahil narinig ko ng may lalabas sa kwarto ni mama kaya dali-dali akong lumabas ng bahay para diligan ko muna ang mga halaman ko sa bakuran para habang kumakain si mama ay may ginagawa ako.
Saka pa ako aalis kapag nahugasan ko na ang mga plato na pinag gamitan niya.
"Ano kaya ang magiging kapalaran ko sa mga kamay ng bagong amo ko?" Hmmm.
"Pahingi ng bulaklak mo rosas ha, wag kang magtampo na kinuhaan kita ng isang kaibigan."
Kakatapos ko lang magdilig pero alam kung nasa loob pa ng kusina si mama dahil minsan naririnig ko ang ingay ng mga plato at kutsara kahit plastic naman ang ginagamit namin. See ganado kumain ang mama ko ngayon dahil masarap ang ulam niya.
Umupo ako sa bato na kasya ang pwet ko. Tinititigan ang rosas na nasa kamay ko.
"Ang ganda naman ng kulay mo, kasing ganda kita, tama?" hindi pa naman ako baliw pero minsan kinakausap ko ang mga halaman dahil pakiramdam ko ay naririnig nila ako, naiintindihan nila ang mga sinasabi ko dahil ang ganda lagi ang kanilang mga bulaklak. Laging blooming.
Pinitas ko isa-isa ang mga petal, nagsimula ako sa ilalim, "masungit. friend. masungit. friend… "bilang ko sa mga petal na pinitas ko sa stem niya.
Hanggang umabot na ako sa pinaka last.
"O no... masungit. Friend.. ma. sungit." wala ng petal, so ibig sabihin magsusungit siya sa akin.
Tama nga ako dahil pagkarating ko sa bahay ni Carlos ay sinabihan ako ng guard na dumeretso sa taas at ligpitin ang mga kalat niya.
Pagkapasok ko sa kwarto niya ay hindi ko alam kung aalis na lang ako bigla o ipanghahampas ko ang lalaking ito na nasa harap ko na at nakapamulsa.
"G. good morning sir," saad ko.
Hindi siya ngumiti o sumagot man lang sa akin at bagkos tiningnan niya muna ako sa sa mga mata, papunta sa ilong, mga labi at bumaba pa ang kanyang talukap at sa dibdib ko na punta ang mga mata niya.
Binaba ko rin ang ulo ko para matingnan kung ano ang tinititigan niya.
"Yan ang isusuot mo?" aniya sa malalim na boses.
Medyo kinabahan ako dahil baka mamaya magsesante agad ako na kabago-bago pa lamang.
Suot ko kasi ay black round t-shirt at pantalon.
"H. hindi naman, may pamalit po ako nasa bag ko pa po, magbibihis palang ako."saad ko. Sa tingin niya ba kaya kung kumilos na nakapantalon lang, baka mamaya saang sulok ako nito makakarating sa paglilinis.
"Then do it now then after mong magbihis ay pakilinisan ang kwarto ko. Magjojogging lang ako sa labas at sana matapos muna ang ginagawa mo." aniya kaya tumango ako.
Hala bigla na lang siyang nag-iba. Biglang nagsungit, daig pa ang may regla. Kung ako may regla iwan ko na lang sa'yo baka maitapon ko pa ang lahat ng kalat kapag ako rin ang nagsusungit.
Pagkatapos kung mag bihis ay agad kong kinuha ang mga kakailanganin na gamit panglinis. May naglilinis naman sa kanila pero M, W, F lang daw. Yan ang sabi ni sir Hardin sa akin . Bakit kaya? Pero in fairness malinis at walang alikabok nga ang area o buong bahay. Kung sa ganun bakit pa niya ako pinapunta o kinuha na ok naman pala.
Kasi nga yung lalaki ang aalagaan mo Clovett, remember… Yaya ka, babysitter pero sa isang damulag.
Para ba talaga sa kanya ang pag-aalaga ko?
"Clovett isipin mo kung bakit ka gustong magtrabaho kaysa magreklamo ka diyan," bulong ng isipan ko.
Dahil high tech ang kwarto niya at may pa card pa para makapasok ka sa loob kaya ganun nga ang ginawa ko at pina swipe ko lang ang card at okay na agad. Bumukas na ang pintuan ng kanyang kwarto.
Wala na ang amo ko na masungit ko dahil nagjojogging kaya nakaramdam ako ng kaginhawaan. Dahil hindi ko kaya yata ang presensya niya kung nagbabantay siya sa mga gawain ko.
Ang sarap magmura kung tutuusin, yung abot hanggang kapitbahay dahil sa nakita ko pagkapasok palang sa loob ng kwarto ng lalaking iyon.
May dumaan ba na bagyo sa kwartong ito at ganito ito kakalat? Jusko kung saan-saan na napupunta ang mga kalat ng papel, minsan damit, medyas at kung ano-ano pa, yung iba nasa kama niya.
Bigla yatang nagsisi akyatan lahat ng dugo ko ngayon. "Kalma Clovett…kalma…kaya mo yan." kausap ko sa sarili ko.
Wala na akong karapatan para magreklamo kaya sinimulan ko na agad ang paglilinis.
Sinimulan ko sa kama, ang mga tissue na hindi na nakarolyo ay nilagay ko na sa garbage bag, marami naman silang pera para pambili ng mga ito. May mga damit rin na alam mong hindi pa nagagamit sa buong araw dahil nandoon pa kumakapit ang bangong fabric at walang kusot .
Parang nasa mall lang ah at nagfifitting ng damit kung kasya ba o hindi ang nabili.
Sinunod ko ang nasa cofa at may nakita pa akong wala ng laman na beer. Hindi ko talaga alam na makalat ang lalaking iyon. Pero kung maka porma ay hanep ang dating.
Pinilig ko ang ulo ko dahil naiisip ko siya, bahagya akong tumawa dahil hindi ko ma imagine na habang nag jojogging siya ay
natipalo siya dahil binanggit ko ang pangalan niya.
Dahil may vacuum sila kaya madali na lang maglinis, tinuruan naman ako ni sir Hardin kung paano gamitin at nagawan ko naman ng paraan.
May ladder kaya doon ako umakyat para abot ko naman kahit papano sa katulad ko na hindi pinalad sa katangkaran .
Nasa tapat ako ng pinto dahil pilit kong inaabot ang nasa kisame. Nakatingala ako habang hawak ang host ng vacuum.
At ng makuntento na ako sa ginagawa ko at malinis na siya ay binaba ko na ang kamay ko kasama ang vacuum host sa pagkahawak.
Ngunit yun na lang ang pagkagulat ko na nakatayo sa tapat ng puson ko ang mukha ng lalaking laman ng isip ko kanina. Umangat kasi ang damit ko kaya yun ang tinititigan niya at pagkatapos kung mag accum ay hindi pa niya nilulubayan sa kakatitig doon.
"Waahhh, bastos… bastos… ka!" sigaw ko sa kanya. Bababa na sana ako ng hagdan habang minumura siya ngunit bigla na lang dumadaos-dos ang kanang binti ko deretso sa baba at hindi agad ako nakapatong sa step ng hagdanan.
Expect ko na, na sa sahig ako mahuhulog kasama ang hagdan, kaya tinanggap ko na at pinikit na lang ang mga mata pero sa isang matigas na katawan pala ako bumagsak. Dinilat ko ng unti-unti ang mga mata ko at tinitigan ang lalaking nasa harap ko.
"Damn!"
Nakahiga si Carlos habang nakadagan ako sa kanya. May ngiti ang mga labi niya habang nakatitig sa akin.
"Gotcha miss, I already catch you now." aniya na sobrang lapad ang mga ngiti. Kanina ang suplado nito tapos ngayon nakabungisngis na. Iba rin, agad nagbago ang pakikitungo na ganito ang posisyon naming dalawa.
Bigla akong natauhan baka mamaya ay sobrang bigat ko na. Bigla kong inangat ang katawan ko pero agad ding bumalik agad sa kanya ang buong bigat at dahil nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko.
Nagkasalubong na ang mga dibdib namin, naririnig ko na ang bawat tibok ng puso naming dalawa. Nagkakarerahan.
"Bitawan mo ako!" banta ko sa kanya habang malapit pa rin ang ngisi niya. Nag-eenjoy yata sa kalagayan ko na ito.
"Ayoko nga.. ang sarap pala na may kayakap eh, ang mga kaibigan ko nakahug na may kiss pa, sayang hindi man lang nagkasalubong ang mga labi nating dalahsjsj–," hindi na niya natuloy kung ano pa ang sasabihin niya dahil tinakpan ko na agad ang bibig niya gamit ang kanang kamay ko.
"Ang bastos mo talagang lalaki ka, baka nakalimutan mo na katulong ako rito… " paalala ko sa kanya. Mas hinigpitan pa niya ang pagkahawak ng kanyang braso sa bewang ko.
"And so… "
"And so, and so kapa diyan. Syempre ano nalang ang isipan ng daddy mo na nasa ganitong posisyon tayo kapag bigla yung umakyat lalo at shit… hindi mo sinarado ang pinto?" pagalit ko na tanong.
"Huh, why? Wala naman tayong ginagawang milagro ngayon miss, ayaw mo yun na malaman nila na nag loving lovin' tayo, ouch ang sakit nun miss!" reklamo niya. Paano kasi kinurot ko sa kanyang tagiliran.
"Ang bastos ng bibig mo, alisin mo nga ang mga braso mo dahil tatayo na ako, wala pa akong natatapos na trabaho tapos dumagdag ka pa. Alis!" sabi ko sabay banta.
" Alright dahil mabait ako na bata, o ayan na, malaya kana." Unti-unti niyang niluwagan ang pagkahawa sa bewang ko hanggang lubusan na itong natanggal.
Dali-dali akong tumayo at pinagpag ang damit ko at siya naman ay nakaupo na ngayon pero sa sahig pa rin. Inikot niya ang paningin niya sa buong paligid ng kanyang kwarto.
"Hindi pa ako natapos dahil marami pa akong nakitang kalat, ikaw talaga, bakit ka nagkakalat, ilang signal ba ang dumaan na bagyo at ganun ang nangyari sa buong kwarto mo?" tanong ko habang kinukuha ko na ang vacuum.
"May hinahanap lang ako na importante kaya yan nagkaganyan, sige tapusin mo na yan at maliligo muna ako." saad nito at nakatuon lang ang mga mata ko sa kanya hanggang hindi ko na nakikita ang imahe niya.
Napabuntong hininga ako dahil ngayon ko lang pala nailabas lahat ng hangin na kanina ko pa pinipigilan.
Nakakainis ang lalaking iyan, ang steady ng puso ko kanina ngayon naglulundagan lahat ng intestine ko sa loob.
Habang naririnig ko ang agos ng tubig sa banyo ay minadali ko na rin ang paglilinis ng kwarto niya para makaalis na ako rito.
Pero ang malas lang hindi pa ako natapos ay lumabas na siya, nasa limang minuto lang ba ito naligo? Ang bilis nga maligo ang mga lalaki.
Hindi ko siya nilingon dahil abala ako sa kakapunas ng bintana. Kahit wala namang alikabok na sumasama sa basahan ko ay hindi ako tumigil sa kakapunas dahil nandito lang siya sa kanyang kwarto at alam kong pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko.
Naiilang man ay nilampasan ko na lang ang loob ko dahil nga kailangan ko ng pera, baka kung makita niya akong nagtatamadtamaran ay baka masisante ako ng wala pang isang linggo.
"Kumain kana?" Napaigtad ako at bigla siyang nilingon dahil sa gulat na nagsalita siya malapit sa likuran ko. Bigla yatang nagsisitaasan ang dugo ko dahil sa lalaking ito. Nakahubad baro pa ito at tanging tuwalya lang ang nakatakip sa ibaba niya.
"O. opo sir," sagot ko habang binalik ko agad ang pagtitig sa mga mata niya baka ano pa ang isipin nito na sa ibaba ako nakatingin.
Pero lintik na tiyan na ito, kakasagot ko pa lang ay tumunog na ang mga bituka ko. Akala ko busog na sila sa dalawang tinapay at kape na kinain ko kaninang umaga.
"Hmm, pero iba ang sinasabi ng yung little tummy little miss." ani niya at binaba ang tingin sa maliit kung tiyan.
"Kumain na ako kanina, tinapay at kape." sige Clovett, ipaglaban mo pa.
"Kulang pa raw, narinig ko ang mga bulate mo sa tiyan, nagrereklamo sila na gutom pa raw, mag-oorder ako ng pagkain natin dahil wala si manong Har… I mean si dad," aniya.
" Hindi pa ako tapos at kaihsksb– ano ba?" ang sarap sipain ng lalaki ito dahil isinama ba naman ako sa paglalakad niya. Kamuntikan tuloy akong ma subsob sa carpet.
"Ako ang masusunod, kakain tayo, parating na ang inorder ko." pamimilit niya habang hawak parin ang dulo ng damit ko para maisama niya paglabas ng kwarto.
Wala akong magawa, dahil sa totoo niyan kanina pa ako nagugutom, dahil maliit lang na tinapay ang kinain ko kanina kaya ito nakarinig lang ng pagkain, nagsisitalonan na lahat ng mga bulate ko.
"Bakit kapa umorder, pwede naman kitang lutuan?" tanong ko, wait tanga mo naman Clovett, sana sinabi mo na hindi ka marunong para naman less ang trabaho mo, hay naku utak mo talaga hindi gumagana.
Saway ko sa sarili ko.
" Oh, alam mo paano magluto?"
"Bakit? Ano tingin mo sa akin walang alam sa gawaing bahay lalo na sa pagluluto?" tanong ko na nakataas ang kilay. Nakaupo na siya sa sofa habang ako nakatayo lang sa harapan niya dahil wala naman siyang signal na umupo rin ako.
"Then mas mabuti pala, timing yung binili ko-" naputol ang sasabihin niya dahil tumunog ang doorbell. "Yan kunin mo na," utos niya sa akin kaya pumunta na ako sa pinto, binuksan ko at nakita ang isang lalaki na nakatayo doon.
"Para daw po kay senyorito Carlos po!" saad ng food rider. Senyorito… tsk. Hindi bagay sa kanya ang tawaging senyorito.
"Thank you po, wala na pong babayaran?"
Umiling ang rider, "paid na po siya miss, kaya ok na po," sagot nito at nginitian ko lang siya at nagpasalamat.
Kinuha ko ang nasa supot at sinarado na ang pintuan. Naglalakad ako patungo sa sala at pinakita sa lalaking nakacross ang mga braso sa kanyang dibdib at nakakunot-noong nakatitig sa akin. Problema nito.
"Nandito na boss."
"Bakit ang tagal mo?" Huh?
"Matagal ba yon, hindi nga umabot ng 5 minutes. Isa ito na nga oh, kainin mo na," sabi ko sabay bigay sa kanya. Tinitigan niya lang ang supot na hawak ko.
"Cook for us," ano raw? Bakit pa ako magluluto na di ba nagpapa deliver siya. "Lutuin mo yan ayon sa gusto mo na luto," dahil sa sinabi niya ay saka ko pa lang sinilip ang naka plastic. Meron itong karneng liempo, at tilapiang isda. Wow naman, bigla yata akong natakam.
Tama nga siya na lulutuin pa nga 'yon. Akala ko ba ligtas na ako sa pagluluto pero bakit ganito pa.
"Nagpadeliver ka para sa ganito?" tanong ko.
Tiningnan niya ako sa mata at tumayo, dahil matangkad siya kaya dinungaw n'ya ako.
"Yes, dapat ang magmahal lang ay yung taong mamahalin mo hindi yung mga binibili mo, dahil mahal ang lutong ulam na kaya, hilaw na karne na ang pinabili ko, isa pa marunong ka naman do ba? Sabi mo kanina kaya go na at ipagluto mo na ako dahil gutom na ako, baka ikaw pa ang kainin ko, " inirapan ko siya at wala ng magawa kundi sundin ang utos ng lalaki ito.
"Eh di sana, umorder ka na lang ng lutong-ulam para hindi kana maghintay pa ng ilang minuto o kailan pa matatapos itong lulutuin ko. May mga affordable naman na ulam na pasok sa budget mo," reklamo ko.
Tumawa ang loko at gaya sa ginawa niya sa akin ay hinila niya ang dulo ng damit ko at isinama niya sa paglalakad papuntang kusina. Siya na ang nagdala ng supot na bitbit ko kanina.
Iba pala gutumin ang kulot na ito, nanghihila ng damit.