Epilogue
“Catherine!” Napalingon ako kay Mocha na masayang lumalakad palapit sa akin.
“Pakarga naman o.”
“Oo naman.”
Ibinigay ko sa kanya si Cereina.
“Ang ganda niya talaga, 'no? Mana sa iyo, Catherine.” Napatawa ako ng marahan.
“Hindi sa akin, kay Steffano.” Pareho kaming napatawa ni Mocha.
“Catherine?” Napabaling ako kay Mattheaus. Nakakailang man ngunit matamis pa rin akong napangitin sa kanya.
“Bakit Mattheaus? May kailangan ka ba?” Napatango naman ito. Bumaling ako kay Mocha.
“Iwan ko muna sa iyo si Cereina.”
“Ako ang bahala,” sagot din naman ni Mocha sa akin. Umunang lumakad si Mattheaus at alanganin pa akong napasunod sa kanya. Nahinto kami sa may duyan kung saan ako naglalagi kunwari para tumakas kay tiyang, mapuntahan lang si Steffano. Nauna itong naupo sa duyan at sinenyasan akong tumabi sa kanya. Akmang iiling ako ngunit nahila niya ang aking kanang kamay at umupo sa tabi niya.
“Ano ba'ng pag-uusapan natin?”
'Di ko maiwasang mailang sa kanya. Oo nga't kapatid siya ng asawa ko ngunit 'di naman naging maganda ang unang pagkikita namin.
“Gusto kong humingi ng tawad sa iyo, Catherine. 'Di ko sinasadyang paslangin ka. Puno lamang ako ng galit sa aking dibdib at naghahanap ako ng masisisi.” Bumuntong-hininga ito at tinanaw ang kabilugan ng buwan.
“Ang akala ko'y ang kapatid kong si Steffano ang pumaslang sa magiging kabiyak ko sana ngunit nagkamali pala ako.” Ramdam na ramdam ko sa kanyang boses ang matinding sakit.
“Kung 'di mo mamasamain ay maari ko bang malaman kung bakit si Steffano ang napagbintangan mo?” sa wakas ay lakas-loob kong tanong dito.
Pumaling ito sa akin at mapaklang ngumiti.
“Ayaw niya kay Alyana. Hindi ko alam kung bakit kaya nang mamatay ang aking nobya ay si Steffano agad ang una kong naisip na pumaslang kay Alyana. Ngunit gaya nga nang ipinakita sa akin ng salamin ay nagkamali ako.” Bigla naman niyang ginagap ang dalawa kong kamay.
“Patawarin mo ako Catherine.” Bakas sa mukha nito ang matinding sinseredad.
Kinuha ko ang mga kamay ko at hinaplos ang kanyang balikat.
“Naiintindihan kita.” Matamis akong ngumiti sa kanya at tumayo na.
“Mama...” Napasinghap ako at napalingon sa kinaroroonan ni Mocha.
Tinatawag ako ng anak ko.
“Maiwan na muna kita Mattheaus.”
Dali-dali akong umalis sa harapan nito at 'di man lang hinintay ang sagot nito. Biglang umusbong sa akin ang matinding kaba. Tinatawag ako ng anak ko at 'di
ko na ipinagtaka 'yon dahil isa siyang Zoldic. Halos napatakbo na ako para lang mapuntahan si Mocha.
“Mocha? Si Cereina?” Pumaling naman ito sa akin. Hindi na niya hawak ang anak ko.
“Ha? Kinuha ni–teka? Wala ka bang inutusan para kuhanin si Cereina sa akin?” Kumunot pa ang noo nito.
“Hindi!” Nailing ako at natutop ang aking bibig.
“Diyos ko!” muling nautas ko.
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko sa mata.
“Steffano!” malakas na tawag ko dahilan para lahat ng mga bisita ay mapatingin sa akin. Lumitaw naman agad si Steffano sa aking harapan.
“Si Cereina, nawawala siya!” Napahikbi ako ng matindi.
“Hahanapin natin siya, wika ni Steffano.
Lahat ng mga bisita namin ay nagpulasan para tumulong sa paghahanap kay Cereina. Iyak ako nang iyak. 'Di ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin siya. Inalalayan ako ng asawa ko at tinungo namin ang lihim na hardin.
“Cereina! Anak, pakiusap!” malakas na wika ko.
“Tahan na mahal ko, nasa malapit lang siya,” ani Steffano. Nailing ako at muling napahagulhol.
“Nawawala ang anak ko! Ang anak natin!” galit kong bulyaw sa kanya at lumakad upang hanapin ang anak namin.
Hindi ko kakayanin kapag nawala ang anak ko, ikamamatay ko iyon! Hinanap ko siya sa kabuuan ng tagong hardin hanggang sa napadpad ako sa bahay kubong iniregalo sa akin ni Steffano. Akmang lalapit sana ako ngunit bumukas naman bigla ang pinto at nagulat pa ako nang gumapang ang anak ko. Sa sobrang tuwa ko'y dali-dali ko siyang kinuha at pinuno ng halik ang kanyang mukha.
“Diyos ko, salamat po,” bulong ko sa kawalan habang mahigpit na niyakap si Cereina.
Mas lalong nag-unahan sa pag-agos ang mga luha ko sa mata dahil sa sobrang galak.
“Ano ba Cedrick! Bitawan mo ako!” Napalingon ako sa aking likuran.
Hawak ni Steffano si Akesha. Nagsidatingan din naman sina Zairan, Zsakae, Mattheaus at Mocha.
“Ilang beses ba kitang babalaan na huwag mong guguluhin ang pamilya ko!” Galit na galit ang anyo ni Steffano at alam ko na ang magiging kasunod nito. Mawawala na naman ito sa kanyang sarili at mahirap itong pigilan.
“Mattheaus...” Sumenyas ako sa kanya na kunin si Akesha mula kay Steffano. Tumugon ito at agad din naman niyang nakuha si Akesha mula kay Steffano.
Agaran din naman akong lumapit sa asawa ko upang pakalmahin ito.
“Cedrick, ako na lang mahalin mo, pakiusap! Ako na lang!” ani Akesha sa pagitan ng kanyang pag-iyak.
“Hindi ikaw ang mahal ko, Akesha. Zairan, gawin mo na, ani Steffano at inalis kami sa lugar na 'yon.
“Ano'ng gagawin nila kanya?” naguguluhan ko pang tanong. Kinuha niya sa akin si Cereina.
“Hindi lahat sa mundong ito ay nagtatagal mahal ko. Mabigat ang parusa sa sino mang magtangka sa buhay ni Cereina. Batas ay batas Catherine. Kadugo man o hindi, dapat maparusahan.”
Napaawang ang bibig ko.
“Alam kong tinangka niyang kunin ang anak natin ngunit kalabisan na 'yon Steffano!”
Hindi niya ako kinibo bagkus ay ipinasok niya si Cereina sa aming silid. Napapikit na lamang ako ng mariin at tinanaw ang kagubatan. Kitang-kita ko ang puting usok na sumisingaw sa nagkukumpulang mga sanga ng puno. Ginawa na nga nila. Nasapo ko ang aking dibdib at nailing na lamang.
Patawarin mo ako Akesha kung wala akong nagawa para iligtas ka.
Umakyat na ako sa silid namin at naabutan kong naglalaro ang aking mag-ama. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero sa kabila ng lahat nang nangyari ay wala akong naging pagsisisi na nakaabot ako sa ganitong estado. Mahirap man sa simula ngunit kalaunan ay nakasanayan ko na at masaya ako sa naging buhay ko.
Masaya ako dahil kapiling ko si Steffano, lalo na ang anak naming si Cereina. Alam kong di pa ito ang huling yugto ng buhay ko ngunit handa akong harapin ang panibagong iyon bastat kasama ko silang dalawa, lalo na ang pamilya Zoldic.
~Wakas~