Kabanata 54

“Tara na, mahal ko,” gayak niya sa akin. Napatango ako at lumakad na sa gitna na kasama siya.

Hindi nagtagal ay umabot na kami sa harap ng altar.

“Ah...” ani pa ng padre.

Halata sa mukha nito ang pagkagulat sa itsura namin.

“Mawalang galang na padre Ben, maari bang ang huling parte na lang ang sambitin niyo. Nagmamadali ho ako,” ani Steffano.

Wala pa sa sarili kong nahampas siya sa kanyang balikat. Inismiran niya lang ako. Napatikhim naman ang padre.

“Kayo ho ang bahala, Ginoong Zoldic,” ani ng padre.

“Cedrick talaga o! Panira ng kasal,” iritado pang sambit ni Mocha.

“Simulan na natin...”ani ng padre.

“Kayo ay inaanunsyo ko bilang tunay at lihetimong mag-asawa. Maari mo na siyang halikan,” ani ng padre.

Hindi pa man ako nakakaayos ay agad na niya akong ginawaran ng halik at kinarga.

“Oras na...” aniya nang humiwalay ang labi nito sa akin.

Bumaling naman ito kay Mocha at sa kapatid niyang si Zairan. Nagtanguan ang mga ito at agad na sumunod sa amin.

“Darating siya mamaya...” ani Steffano habang karga ako.

“Sino?” naguguluhan ko rin namang tanong.

“Si Mattheaus...” Napasinghap ako.

Gulo na naman ito! Mabilis ang naging pagtakbo nila hanggang sa marating namin ang tagong bahay na regalo sa akin ni Steffano.

“... aah!” daing ko nang maibaba ako ng asawa ko.

Kumirot bigla ang aking tiyan. Sa sobrang kirot at sakit ay muli na naman akong napaluhod. Puna kong inilagay ni Zairan sa gitna ang kama. Agad din naman akong binuhat ni Steffano at maingat na inilapag sa kama.

“Hawakan niyo,” utos ni Steffano kay Mocha at Zairan.

Agad din naman silang tumalima. Mahigpit nila akong hinawakan sa kamay at binti.

“Teka...” akmang protesta ko.

Hindi ko alam kung ano ang balak nilang gawin sa akin ngunit parang may pinaghahandaan sila. Pabalik-balik nang lakad si Steffano. Parang may hinihintay siyang darating.

“... ah!” daing kong muli. Kung kanina ay nakakaya ko pa, ngayon ay parang gusto ko na ang mamatay.

Unti-unti na namang nagbabago ang anyo ko. Kumakalat na naman sa buong katawan ko ang mga marka.

“... ugh! Ah!” Pilit akong nagpupumiglas sa pagkakahawak nila sa aking ngunit masiyado silang matibay.

“Cedrick! Nasaan na siya!” ani Mocha.

Bago pa man makasagot ang asawa ko'y bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mattheaus.

“Ang tagal mo...” ani Zairan.

Napakunot ako ng aking noo. Ano ang ibig sabihin nito? Nagkabati na ba sila?

“... ahh!” muling daing ko.

Halos pasigaw na ito at mas lalo akong nakakaramdam ng matinding sakit. Puna kong pumuwesto ang asawa ko sa aking paanan at pinunit ang aking damit–sentro sa aking tiyan. May iniabot na punyal si Mattheaus kay Steffano. Iba ang punyal na ito, sa punyal na sumugat sa aking kamay.

“... ah!” sigaw ko nang malakas kasabay nang pagbalibag ko kay Mocha.

Diyos ko! Kinukotrol na naman ako ng aking anak. Muli akong pinigilan at si Mattheaus na mismo ang humawak sa akin. Halos hindi na ako magkamayaw sa pag-iyak at pagsigaw dahil sa sobrang sakit.

“Ngayon na!” ani Mocha.

Walang pag-aalinlangang itinarak ni Steffano sa tiyan ko ang punyal. Napasinghap ako at tomodo sa pagdaing. Kitang-kita ko kung paano niya hugutin sa loob ng sinapupunan ko ang aming anak.

“... Ah!” Kasabay nang pagdaing ko ay ang pag-iyak ng anak kong si Cereina.

Bumalik muli sa dati ang aking anyo. Nanlalabo man ang aking mga mata ngunit nakikita ko ng kunti ang mga ngiti sa aking kabiyak– masaya siya. Mariin akong napapikit at inalalayan nila akong makaupo. Napatitig ako sa aking sugat sa tiyan. Unti-unti na naman itong nagkukusang gumaling. Marahan namang naupo si Steffano sa akin at ibinigay sa akin ang anak ko.

“Cereina...” naisambit ko't tuluyang naglandas muli ang aking mga luha sa mata.

Umiyak ito, 'pag kuwan ay ngumiti ng kunti. Masuyo ko siyang dinampian ng halik sa kanyang noo.

“Te amo...” ani Steffano.

“Te amo, mahal ko.” Tugon ko naman.

Muli kong pinagmasdan ang ganda ng anak ko. Laking mangha ko nang dumilat ang mga mata nito at kitang-kita ko kung paano nagbago ng kulay ang kanyang mga mata– naging kulay pula ito. Walang duda, isa nga siyang Zodic–Cereina Erine Zoldic, ang pinakamamahal kong prinsesa.

Matapos kong mailuwal ang anak kong si Cereina ay halos 'di ko mailarawan ang mukha ko, kung gaano ako kasayang masilayan siya rito sa mundong ibabaw. Malawak na ngiti ang aking pinakawalan. Simula nang maipanganak ko ang anak namin ni Steffano ay napagpasyahan naming tumira pa rin kasama ang tiyang Nely at ang mama Carissa sa iisang bahay. Ayaw kasi ni Steffano na wala akong kaagapay sa pag-aalaga kay Cereina, lalo pa nga't hindi naman ito isang normal at musmos gaya ng ibang mga bata.

Bigla namang bumukas ang pinto ng aking silid. Iniluwa nito ang asawa kong si Steffano habang karga ang anak naming si Cereina.

“Nagugutom ba siya?” tanong ko at lumapit sa mag-ama ko.

Kinuha ko sa kanya si Cereina at walang ano pa'y mabilis na lumapat ang bibig nito sa aking leeg.

“Matakaw din siya.” Napatawa pa ako ng marahan.

“May kahati na pala ako.” Napangiti ako sa kunwariang pagtatampo nito.

“Dito ka sa kabila.” Siya naman ang napatawa at hinapit ang aking baywang.

Hinagkan niya ang aking noo.

“Hindi ka ba lalabas? Hinahanap ka nila sa ibaba.” Ngumiti ako nang malapad.

“Pagkatapos nito.” Itinuro ko pa ang anak kong si Cereina na abala pa sa aking leeg.

“Ikaw ang bahala mahal ko,” aniya at lumabas ng aking silid. Napuna ko namang napatigil na ang anak ko sa pagsipsip sa aking leeg. Masuyo kong hinaplos ang kanyang buhok. Ilang araw pa lamang siya ngunit kay bilis nang paglaki niya.

“Mahal na mahal kita, Cereina,” bulong ko sa tainga nito. Gumalaw lamang ito at ngumiti sa akin. Marahan ko lamang na hinaplos ang kanyang likod at lumakad na palabas ng aking silid. Nang makaabot ako sa labas ng bahay ay nabungaran ko ang isang masayang piging. Ayaw ko naman na sana ng ganito pa ngunit nakasanayan na sa tradisyon ng mga Zoldic ang ipagdiwang ang bawat pagsilang ng isang sanggol sa pamilya nila.