Kabanata 51
Nang magising akong muli ay halos wala na naman akong maalala. Lagi namang sinasabi ni Steffano sa akin ang mga nangyayari. Simula nang magkaproblema ako sa pagbubuntis ko'y nanatili lamang ako sa aking silid. Nakakabagot man ngunit laging gumagawa ng paraan si Steffano na 'di ako maburyo sa loob ng bahay. Ilang linggo na rin akong umiinom ng dugo ng hayop sa tuwing ginugusto ng anak ko ang kumain.
“Catherine...” Nilingon ko si Steffano.
“Sa susunod na linggo ay magpapakasal na tayo, aniya.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa kandungan nito. Umayos pa ako upang 'di maipit ang aking tiyan na may kalakihan na rin.
“Talaga? Sayang at wala ako para pagkaabalahan 'yon,” panghihinampo ko pa. Nailing naman ito at kinantilan ako ng halik sa aking labi.
“Maselan pa ang kalagayan mo... aniya.
Inihilig ko ang aking ulo sa kanyang dibdib.
“Alam ko naman iyon, kaya nga 'di na ako nagpumilit pa.” Kinarga niya ako at dinala sa banyo.
“Papaliguan pa kita...” Pilyo pa itong napangiti. Napanguso ako at sinapo ang aking tiyan.
“Matanda na po ako,” sabi ko pa.
Malutong naman itong napatawa at bigla akong kinabig nang marahan. Sinimulan na naman niyang pinunit ang aking suot na bestida. Nang tuluyan niya itong mahubad ay bahagya pa siyang napatitig sa aking tiyan.
“Nagugutom ba siya?” nag-aalala kong tanong. Nailing ito at bahagyang yumukod upang halikan ang aking tiyan.
“Kalmado siya ngayon, aniya.
Nakahinga ako ng maluwag. Inalalayan niya naman akong makapasok sa malaking batya na may lamang maraming tubig, saka rin siya sumunod sa pagpasok at halos umapaw ang tubig.
“Kailan kaya siya lalabas?” Puno ako ng pangamba.
“Malapit na mahal ko.” Napatango ako.
Napasimangot ako bigla nang maramdaman ko ulit ang pagsakit ng aking tiyan. At heto na naman ang pakiramdam na parang araw na nang kapanganakan ko. Napahawak ako sa mga balikat ni Steffano at huminga ng malalim.
“... ah!” daing ko.
“Huminga ka ng maayos, Catherine.” Mas lalong humigpit ang pagkakakapit ko sa kanya.
“H-hindi... Ako... Ma... Makahinga! Ho!” Bigla namang hinawakan ni Steffano ang tiyan ko at pinigilan ang pag galaw ng anak namin.
“Nolite nocere tuo mammam, puer, quaeso...” sambit niya at 'di ko na naman naintindihan 'yon.
Nagulat pa ako nang tumigil sa pagsakit ang aking tiyan. Nahampas ko siya sa kanyang balikat.
“Nakakainis ka! Sa iyo lang nakikinig ang anak mo, hinihingal ko pang sambit.
“Matigas din ang ulo niya, aniya at napatawa.
“Patawad mahal ko, ngunit namana niya yata ang katigasan ng ulo niya sa iyo.” Napanguso ako.
“Hindi a!” depensa ko pa kahit na aminado ako sa sinabi niya.
“Nagugutom ako...” Namumungay pa ang kanyang mga mata. Iniabot ko sa kanya ang aking kanang kamay.
“Pagtiyagaan mo muna.” Napabungisngis ako.
“Ayaw mo na bang magpakagat sa akin? Masarap naman ako kumagat.” Napahagalpak ako nang tawa.
“Sinabi ko ba 'yon? Hindi kaya,” sagot ko at lumapit nang husto sa kanya. Inalis ko ang mga buhok kong nakatakip sa aking leeg.
“Kain ka na, alok ko pa.
Hindi ito nagdalawang isip na sakmalin ang aking leeg. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi nang maramdaman ko ang pagdiin ng kanyang mga pangil. Napangiti ako at kumapit sa batok niya. Ilang linggo rin siyang 'di nakakainom ng dugo mula sa akin. Masyado kasing maselan ang pagbubuntis ko at ayaw niyang dagdagan ang mga aalahanin ko. Sana sa darating na susunod na linggo ay maging maayos ang aming kasal.
Epilogue
Makalipas ang isang linggo...
Ilang minuto na akong nakatitig sa harapan ng malaking salamin sa aking silid. Mataman kong pinagmamasdan ang aking replika dahil hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwalang aabot ako sa ganitong sitwasyon.
“Kaya mo iyan, Catherine... wika ko sa aking sarili.
Bahagya pa akong napatagilid nang tayo upang pagmasdan ang nakaumbok kong tiyan. Isang buwan na ito ngunit parang kabuwanan ko na sa pagluluwal sa anak ko.
“Cereina, kapit ka lang kay mama, ha?” Napapangiti pa ako habang kinakausap ang aking anak. Kinuha ko na ang belo at isinuot ito.
“Handa na ako.” Lumabas na ako ng aking silid at agad na lumabas ng bahay.
Bahagya ko pang iniangat ang aking suot na trahe de boda upang hindi ko ito maapakan. Araw ng kasal ko ngayon kay Steffano at ayaw kong mabahiran ng katangahan ang araw na ito.
Sa paglabas ko'y bumungad sa akin ang isang may kalumaang kalesa. Luma man ang mga disenyo nito at angkop sa sina-unang panahon ngunit halatang matibay naman ang pagkakabuo nito.
“Sumakay ka na Catherine, gayak sa akin ni tiyang at kay lapad nang ngiti nito sa akin. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit.
”Maraming salamat po sa lahat tiyang,” maluha-luha kong wika. Kumalas ito sa aking yakap.
“Ikaw ang dahilan kung bakit narito pa rin ako Catherine kaya't ako dapat ang magpasalamat sa iyo, aniya. Nailing ako.
“Kahit na ho...” pilit ko pa.
“Nako, ikaw talaga. Malilintikan ako ng alaga ko nito kapag napuna niyang lumuha ka na naman, biro niya pa. Bahagya akong napatawa.
“Heto na ho, hindi na iiyak, biro ko rin pabalik.
“O siya, sumakay ka na, anito kaya't napatango na lamang ako.
Inalalayan niya akong makasakay sa kalesa matapos ay lumakad na kami. Kumaway lang ako kay tiyang at matamis na ngumiti sa kanya. Muli akong napaayos sa aking kinauupuan. Kinakabahan ako, na hindi ko mawari kung bakit. Bakit kasi sa ibang kalesa pa sasakay ang tiyang gayong maluwag pa naman itong sinasakyan ko. Mariin akong napakapit sa aking suot na pangkasal upang maibsan ang kakaibang nararamdaman ko.
Makalipas yata ang ilang segundo ay napatanaw ako sa labas nang dinadaanan namin at bahagya akong natigilan. Diyos ko! Bakit ibang daan yata ang tinatahak namin.
“Manong! Mali ho ang daan na ito,” sabi ko pa ngunit parang bingi yata ang nagpapatakbo ng kalesang ito.
“Manong!” pasigaw ko nang tawag dito ngunit wala pa rin itong imik.
Mas lalong bumilis ang takbo namin at pakiramdam ko'y ganoon din kalakas ang pagtahip ng aking dibdib. Diyos ko! Napatayo ako at pilit na inaabot si Mang Isko mula sa maliit na bintanang nasa likuran lamang nito. Nang makapa ko ang balikat nito'y bahagyang nanlamig ang kamay ko. Hinugot ko itong muli at laking gimbal ko nang makita ang aking kanang kamay na maraming bahid ng dugo. Ang kanina'y kamay na malamig, ngayon ay buong katawan ko na.