Chapter 51: Kabanata 50
Kumuha ako ng tubig at uminom ngunit napakunot ako ng aking noo.
“Walang lasa!” bulong ko at itinapon ang tubig.
Naghanap ako sa tukador at saktong may natira pang pagkain. Nang matikman ko ulit ang adobo'y umasim ang aking mukha at iniluwa sa lababo ang kinain ko.
“Buwesit!” mura ko.
Napasinghot ako nang maamoy ko ang isang mabangong putahe. Lumabas ako ng bahay at muling napasinghot. Inamoy ko pa ito nang husto hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa tagong hardin. Bumungad sa akin ang isang batang usa. Bigla akong napalunok at binasa ang aking labi. Bumigat ang paghinga ko at kitang-kita ng dalawa kong mata ang mga ugat at dugong dumadaloy dito.
Suminghot akong muli at mas lalong nanuot sa ilong ko ang bango nito. Iniyuko ko ng kunti ang aking katawan at humakbang ng marahan. Bigla nito akong natunugan kaya mabilis itong tumakbo. Sa isang pagkilos ko lang ay naharang ko ito at nahawakan sa paa. Ibinalibag ko ito sa malaking puno ng kahoy at nang mawalan ito ng malay ay kaagad ko itong sinunggaban sa leeg nito. Napapapikit pa ako habang nilalasap ang sarap nito. Hindi ko ito tinigilan hanggang sa ngumayayat ito at maubosan ng dugo.
Nang humiwalay ako'y gumaan ang aking pakiramdam at napadigay pa ako sa sobrang kabusugan.
“Catherine...” Narinig kong pagtawag ni Steffano sa akin. Nilingon ko siya at napatayo.
“Hmm?” ungol ko at pinahiran ang bibig ko.
“Ano'ng ginawa mo?” aniya at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
Agad siyang lumitaw sa harapan ko at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad.
“Kumakain ako. Ang sarap nga e. Naubos ko pa nga,” sagot ko.
Nailing naman ito.
Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinila ako papunta sa ilog. Nakita ko ang buong replika ko sa ilog. Ang mga mata ko'y kulay pula, ang mga kuko kong humaba at ang duguan kong itsura. Nagulantang ako sa nakita ko at napalunok. Nanginginig ang aking mga kamay at tuhod.
“Hindi!” tili ko at napaatras.
Ngayon lamang ako natauhan sa mga pinaggagawa ko.
“Mahal ko...” pukaw sa akin ni Steffano.
Nailing ako at napaatras. Natisod naman ako at natumba. Gano'n na lang ang takot ko nang makita ang patay na usa sa paanan ko. Kumawala ang mga luha ko sa aking mga mata at muling napatayo. Hindi! Isang calderita ang tingin ko sa usang iyon kanina! Hindi totoong nakapatay ako ng walang kalaban-laban na hayop.
Tumakbo ako palayo ngunit naabutan ako ni Steffano at ang mga bisig niya agad ang yumakap sa akin.
“Tahan na mahal ko. Huwag kang matakot, aniya. Napahagulhol akong muli.
“Hindi ko alam ang ginagawa ko!” Pagpupumiglas ko ngunit mas malakas kaya 'di ito natinag man lang.
“Magpahinga ka na...”
Kasabay nang pagkasabi niya'y nawalan ako bigla ng malay.
Nang magdilat ako kinaumagahan ay wala si Steffano sa tabi ko. Napatihaya ako at napapikit muli. Ang sama yata ng pakiramdam ko. Dahan-dahan akong bumangon at bumaba ng aking kama. Lumabas ako ng silid at pumanaog sa hagdan. Ngunit 'di paman ako nangangalahati ay napatigil ako. Muntik pa akong matumba, mabuti na lang at nakakapit ako agad sa hawakan ng hagdan. Dumako ang tingin ko sa aking mga pa. May mga kadenang nakakabit sa akin. Sa sobrang pagtataka at gulat ko'y napatili ako.
“Tiyang!” ang naisambit ko agad.
“Catherine, bakit?” Nagkukumahog pa ang tiyang sa paglapit sa akin.
“Ano 'to!?” tukoy ko pa sa mga kadenang nakakabit sa dalawang paa ko.
“E...” nag-aalangan pa ang tiyan.
Bumukas naman ang malaking pinto ng bahay at iniluwa nito si Steffano.
“Nely, ako na, aniya.
Wala namang nagawa ang tiyang kundi sundin ito. Kumunot ang aking noo at wala sa sariling tinabig ang hawakan ng hagdan, dahilan para matipak ito at mabuwal. Napatiim-bagang ako at bumalik nang akyat patungo sa aking silid. Napaluhod ako at napatanga habang nakatitig sa aking mga kamay. Ngayon ko lang napagtanto ang aking nagawa. Paano ko nagawa iyon?
“Catherine...” pukaw ni Steffano sa akin.
Napatayo ako at agad siyang niyakap. Nagsimula nang umagos ang aking mga luha.
“Bakit ganito ako!? Ano ba ang nangyayari sa akin!? B-bakit may mga kadena ako sa paa!” wika ko at napahagulhol muli.
'Di ko lubos maisip na magagawa kong tibagin ang sementong hawakan ng hagdan. Natakot ko pa ang tiyang. Kinarga naman ako ni Steffano at nang maupo ito sa kama'y kinandong lang ako paharap sa kanya.
“Hindi normal ang pagbubuntis mo, mahal ko. Wala ka bang maalala kagabi?” aniya.
Pinahiran ko ang aking mga luha kahit na panay pa rin ang pagtulo nito. Nailing naman ako dahil wala naman akong maalala.
“Ano ang ginawa ko? Bakit 'di normal?” naguguluhan kong tanong.
Niyapos niya ang aking tiyan na nakaumbok ng kunti.
“Pumatay at uminom ka ng dugo ng usa kagabi. Alam kong hindi mo ginusto iyon ngunit nagagawa na ni Cereina na kontrolin ang isipan mo. Ayaw niya nang tanggapin ang normal na pagkaing kinakain mo. May lakas ka na 'di kontrolado at dahil 'yon sa kanya. Patawarin mo sana ako, mahal ko, ngunit kailangan kitang itali rito sa bahay upang 'di ka makapanakit ng iba,” mahabang salaysay niya at tanging pag-iyak lamang ang nagawa ko. Hinagkan niya ang aking noo.
“Babantayan kita palagi.” Hindi ako kumibo, bagkus ay kumapit ako sa kanyang batok at niyakap ito.
“Para sa anak natin, gagawin ko,” buong tapang kong ani.
“Patawarin mo ako, Catherine, aniya. Nailing ako.
“Kung ito lang ang paraan para maging ligtas ako sa nakakarami ay gagawin ko. Hindi kita susuwayin.”
Pinagdikit ko ang aming mga noo at huminga ako ng malalim. Biglang bumigat ang aking pakiramdam at para akong nanghihina. Biglaang nanuyo ang aking lalamunan at nagsimulang lumabo ang aking paningin.
“Nagugutom ako...” naiusal ko.
Kinarga niya akong muli at ibinaba sa kama. Diretso akong bumagsak at napatihaya sa kama. Marahan akong napapikit at napahawak sa aking tiyan. Parang may kung anong gumagalaw sa loob nito.
“Steffano...” mahinang tawag ko at napalunok.
Bigla itong nawala at 'di ko alam kung saan ito naroon. Tumagilid ako at gumapang pababa sa kama. Diyos ko! May naaamoy na naman akong masarap! Gumapang ako palapit sa pinto at pilit na inaalis ang mga kadenang nasa paa ko. Ngunit laking gulat ko nang mapaso ako sa kadena. Mukhang may ginawa si Steffano rito. Napahiga ako sa sahig at hinahabol ko ang aking hininga. Daig ko pa ang kagagaling sa karera. Sa bilis nang tibok ng puso ko'y halos marinig ko na ito.
Bumukas naman ang pinto at pumasok si Steffano. Dali-dali niya akong binuhat at dinala sa banyo. Ibinaba niya ako at may kinuha saglit. Nang magbalik ito'y may dala siyang isang usa. Agad na nanuot sa ilong ko ang bango nito. Binasa ko ang aking labi at agad na hinila ito. Walang ano pa'y mabilis ko itong sinakmal sa leeg. Para akong idinuduyan sa sobrang sarap.
Nang matapos ako'y kunti pa akong napadigay. Busog na busog ang aking pakiramdam. Napasandal ako sa pinto at muli ay hinatak ako ng kadiliman.