Chapter 4: The Noice from the Basement
Gusto ko sanang sabihin kay mama ang nangyari pero parang panaghinip lang lahat nang iyon. Ayoko ring mag alala si mama saakin lalo na't kapag nalaman niyang tumingin ako sa salamin. Totoo ba ang nakita ko sa salamin kahapon?
Pagdating ko sa school at nagtaka ako dahil maraming police sa labas ng gate.
"Anong nangyayari?" tanong ko sa hangin. Pinark ko na ang kotse at bumaba, nag lakad nako papasok. Halos walang studyante dito sa hallway, nasaan sila?
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa nangyari kahapon, baka may tatakip nanaman sa bibig ko tapos hahawakan nanaman ako sa mag kabilang braso at dadalhin sa abandonadong building at ikukulong sa Cr. Ayoko ng mangyari ulit yun, natatakot nako.
"Aurora?"
Napalingon ako ng may nag salita sa likod ko.
"Ali?" Ang nerd na naka sama ko kahapon.
"Ahh sorry, nagulat ba kita?"
Umiling ako bilang sagot.
"Maiba tayo, nabalitaan mo naba?" Napakunot naman ang noo ko.
"Nabalitaan ang alin?" takang tanong ko. Wala akong idea sa sinasabi niya.
"Ang nangyari kila Gina, nawawala daw silang tatlo at hindi mahanap ng mga police."
Bigla akong nakaramdam ng takot sa narinig ko. Yung panaghinip ko. Ang nangyari kahapon, totoo ba lahat yun? Pero bakit parang impossible namang nangyari yun?
"Kaya p-pala andaming police sa labas. Kailan pa daw sila nawawala?" Agad na tanong ko.
"Kahapon ng hapon, hindi daw sila pumasok sa last subject nila tapos hindi rin sila umuwi, kaya pinahanap na sila ng mga magulang nila."
Tumango-tango ako, ganun pala ang nangyari. Nag paalam nako sa kanya at pumasok na sa classroom. Pag pasok ko palang mga titig nanaman at mga bulungan ang tumambad saakin.
Umupo na ako agad sa upuan ko at pinilig ang ulo sa desk. Bumuntong hininga na lamang ako, may nangyayari na nga sa school ganun parin mga ugali nila. Tsk!
Napapitlag ako ng may kumalabit saakin. Napaangat ako ng tingin at nakita si Alvin. Parang nag slow mo ang paligid ko at bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko?
"You okay?" Tanong nito. Nagtaka pako dahil sa tanong niya
"Oo, o-okay lang ako." agad na sagot ko. Tumango ito at ngumiti saakin. Halos maglundag-lundag ang puso ko, did he really smiled at me? Parang matutunaw ako sa ngiti niya.
"Okay, good to know." sabi nito bago naglakad papunta sa upuan niya. Pumunta ba siya sakin para tanungin ako kung okay lang ako? Pero bakit niya naman ginawa yun?
Naramdaman ko ang mga matatalim na titig ng mga classmates kong babae, lalong lalo na si Vibian. Yumuko nalang ulit ako, ayokong tumingin sa kanila, hindi ko kayang salubongin ang masasakit nilang tingin.
Pagtapos ng pang umagang klase ay dumiretso nako sa cafeteria, tahimik lang akong kumakain. Dinaluhan ako ni Ali, masaya siyang nagkwekwento at nakikinig lang ako.
"Tapos nun sinapak ko siya. Akala niya siguro madadaan niyako sa ganun, pwes nag kakamali siya." Ipinakita niya pa ang maliit niyang kamao. Hindi ako maka pag salita dahil sa tawa, nakaka loka siya mag kwento.
"Buti nasapak mo. Haha buti kapa may lakas ka ng loob, samantalang ako...." ngumiti ako ng mapait.
Hinawakan niya naman ang kamay ko na nasa mesa,
"Wala yan sa lakas ng loob Aurora, kailangan mo lang depensahan ang sarili mo minsan." tumango ako sa sinabi niya. Taman naman siya.
Pagtapos namin kumain dumaan muna kami sa library, kumuha muna ako ng isang libro para basahin. Wala naman akong gagawin kaya sumama nalang ako sa kaniya para naman maka pag patunanaw narin ng kinain.
Binasa ko ang title ng libro na hawak ko, medyo makapal siya at mukang luma na rin.
"The Mirror"
Basa ko sa title, napataas ang kilay ko, ito pa talaga ang nakuha kong libro. Bumuntong hininga nalang ako at nag sinimulang basahin.
Naramdaman kong may umupo sa gilid ko. Nakabalik na pala si Ali.
"Ano bang kinuha mong libro?" tanong ko habang hindi parin siya nililingon, focus lang ako sa binabasa ko.
Ilang minuto na ang lumipas hindi parin siya nagsasalita, nagtaka nako.
"Ali bakit dika--" naiwan ang iba kong sasabihin nang hindi si Ali ang nasa tabi ko.
"Alvin? Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.
"Nagbabasa." Sagot nito habang hindi lumilingon saakin.
"O-okay." sabi ko nalang. Bumalik nalang ako sa pagbabasa at hinayaan siya, medyo naiilang ako.
Pasulyap-sulyap ako sa kanya, umiiwas naman ako agad ng tingin kapag lilingon siya sa gawi ko. Napaka perfect niya kahit naka tagilid siya saakin, matangos ang ilong, mahahabang pilik mata, maliit at mapupulang labi, adams apple tapos ang buhok--
"Baka matunaw ako." Biglang saad nito, nataranta naman ako at huli na para umiwas ako ng tingin. Nakangiti ito ng lumingon sa akin, kagkasalubong ang mga mata naming dalawa, biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Sorry natagalan anhirap kasi--" Napahinto si Ali. Umiwas nako ng tingin kay Alvin at ganun din siya.
"Sige, una nako." Paalam nito. Tumayo na si siya at naglakad papalayo. Tumingin naman ako kay Ali na may mga mapanuksong ngiti.
"Ikaw Aurora ha, hindi mo naman sinasabi saakin nagkakamabutihan pala kayo ni Alvin." nanunukso nitong sabi.
"Hindi ah, m-mali ang iniisip mo." depensa ko.
"Suss.... alam ko may gusto ka dun, wag kana mag deny." Napa tahimik naman ako sa sinabi niya. Tama naman siya gusto ko nga si Alvin.
"Sabi na nga ba eh, pero malay natin baka may gusto din sayo si Alvin." hindi parin nawawala sa boses nito ang panunukso.
"Ayokong umasa Ali, magbasa na ngalang tayo." Binalik ko na ang attention ko sa librong binabasa ko at hindi pinansin si Ali na may panuksong ngiti sa labi.
Pag uwi ko sa bahay ay wala pa si mama. Baka maya-maya uuwi nadin siya. Paakyat na sana ako sa hagdan ng may narinig nanaman akong kalabog sa pinto ng basement. Napakunot noo ako, bakit ba palaging may kumakalabog sa basement? Daga lang ba talaga ang mga gumagawa ng mga kalabog na yun? Pero bakit parang anlakas?
Hindi ko na mapigilan ang kuyosidad ko at nilakad ang iilang hakbang papunta sa pinto ng basement. Inilagay ko ang tenga sa pinto, wala na ang mga kalabog. Pinihit ko ang pinto at sumilip doon.
Madilim at wala akong makita. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nag bihis, kinuha ko ang maliit na flash light sa kabinet.
Nasa pinto na ako ng basement at binuksan ang flashlight na hawak ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ng maiigi ang pinto.