Chapter 20: Epilogue

Ali POV

It's been 10 years mula nang mangyari ang araw na yun. Halos hindi ko na nga matandaan. Pinipilit kong kalimutan pero mahirap.

Nag kikita parin kami ni Vibian kapag hindi kami busy sa kanya-kanya naming buhay at pamilya.

Nag ka tuluyan sila ni Edward ang classmate din niya noong college at ako naman ang katrabaho kong si Luis. May dalawa akong anak at kapag sineswerte ka kanga naman naging kambal pa. Dalawang babae ang anak ko, si Ara at Mia. 6 years old na sila at masaya silang nag lalaro kasama ng asawa ko. Ngayon lang ulit sila nag bonding.

Pumunta muna ako ng kusina at nag timpla ng gatas para sa kambal.

Hindi nanamin nakita si Alvin matapos ang araw na iyon. Nabalitaan nalang namin na pumunta na ito ng ibang bansa. Hindi ko maipag kakaila na na trauma ako sa nangyari saamin. Halos ilang buwan din akong tulala at palaging takot pag katapos ng nangyari.

Ngayon lang namin ulit dadalawin si Aurora. Ang huling balita ko sa kanya nag kasakit ito at patuloy paring pinapagaling ng mga doctor.

Susunduin ako ngayon ni Vibian para mag kasama kaming pumunta kay Aurora. Day off naman ngayon ng asawa ko kaya siya muna ang mag babantay sa mga anak namin.

Pag pasok ko si kotse ni Vibian, ngumiti ito at agad akong niyakap.

"Kamusta buhay nanay?" Natatawang tanong nito saakin.

"Heto okay naman. Ikaw ba kamusta na ang inaanak ko?"

May anak na rin siyang lalaki at 8 years old na ito.

"Ayun napaka kulit, minsan nga naiinis nako e. Hindi mapag sabihan." Reklamo niya.

"Ganun talaga pag lalaki,"

Nag kwekwentohan lang kami habang nasa byahe. Medyo malayo ang ospital kong nasaan si Aurora.

Halos dalawang oras ang byahe namin bago naka rating, nasa apat na palapag itong building.

Teka! ospital ito ng mga baliw. Paanong nandito si Aurora?

Napatingin ako kay Vibian at ganun din ang reaction niya. Napa kunot ako ng noo. Nabaliw ba ang kaibigan namin?

Bumaba na kami sa kotse at pumasok.

Nag tanong muna kami sa nurse.

"Nasaan ang kwarto ni Aurora Vazquez?" Tanong ni Vibian.

"Ahmmm.. wait lang po ma'am. Kaano ano po kayo ni Ms. Vazquez?" Tanong ng nurse.

"Mga kaibigan niya kami." sagot ko sa nurse. Tumango naman ito.

"Pa fill up nalang po ako ng mga pangalan niyo ma'am." Agad naman kinuha ni Vibian ang ballpen at papel. Pag tapos niyang isulat ang pangalan niya inilahad niya na saakin ang papel at ballpen, ako naman ang nag sulat ng pangalan ko.

May tinawag na isang nurse na lalaki ang nurse na nasa harapan namin.

"Paki assist nga sila sa Room 103."

Tumango naman ang lalaki. Nag pasalamat muna kami bago sumunod sa lalaking nurse.

Sumakay kami ng Elevator patungo sa 3rd floor. Naka sunod lang kami hanggang sa maka rating kami sa room 103.

May kinuhang susi ang nurse at binuksan ang pinto.

"Wag po kayong masyadong lumapit sa kanya." sabi ng lalaking nurse saamin. Tumango nalamang kami ni Vibian.

Pumasok na kami at agad namin nakita si Aurora na naka upo sa kama. Naka talikod ito saamin at parang may kinakausap?

"Miss Vazquez, may mga bisita ka." mahinang saad ng nurse.

Hindi parin lumilingon si Aurora. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ang kaibigan namin. Dahil siguro sa pag kaka kulong niya kaya nasira ang pag iisip niya. Naawa ako sa kaibigan namin, bakit humantong sa ganito?

"Aurora?" Tawag ko sa kanya.

"K-kami to, si Aliyah at Vibian." Dugtong ko.

Napahinto ito, at parang na istatwa.

Biglang lumingon ito saamin. Nagulat  kami ni Vibian.

Tinitigan niya kaming mabuti. At parang may binubulong. Masakit makitang ganito na si Aurora.  Ang mas ikinagulat ko ay may hawak itong salamin.

Tiningnan ko itong mabuti.

Ang mga mata niya halatang palaging kulang sa tulog. Ang buhok niya parang hindi nasusuklayan.

Naka tingin lang siya saamin. Napaka talim ng pag ka titig niya. Nasa mata nito ang poot at galit. Nakakatakot ang ibinabato niyang tingin, bigla itong ngumisi.

Napa hawak ako sa balikat ni Vibian dahil sa pag ngisi saamin ni Aurora. Ang mga ngipin niya itim at mukang natanggal na ang iba.

Pamilyar ang ngising iyon. Ganitong ganitong ngumisi ang sumanib noon kay Aurora. Napa takip ako ng bibig. Nagsimulang manginig ang mga tuhod ko. Bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari.

H-hindi kaya.... Hindi na ito si Aurora?

Hindi kaya bumalik ang kaluluwang yun sa katawan ni Aurora?

The End~~

----------------------------------

(A/N. Sorry for the ending. Bakit pa tatawaging thrill kung walang thrill right? Hehe charot lang. Pabitin yan para di kayo maka tulog sa kakaisip.

Have a great night/day ahead ❤️

Thank you to all the readers and supporters. I love you all =]