Chapter Twenty Eight
"Alam nyo bang dito nagtatrabaho ang tatay nitong babaeng ito?" Sigaw ng lalaking may hawak ng bag ko.
Kakapasok ko pa lang ng gate ng school ay ito na kaagad ang bumungad sa akin. Hinarangan ako ng dalawang lalaki at sapilitan na kinuha ang dala kong sling bag. Nag- simula naman kaagad na mag- umpukan ang mga estudyante sa paligid namin. Nagbasbas na naman ng lagim ang dyosa ng mga tsismosa at mapang- husga.
"Ibalik mo yan sa akin, ano ba?!" Sigaw ko.
Dahil matangkad ang mga ito ay hindi ko maabot ang bag ko. Pilit nila itong itinataas.
"Nagtatrabaho bilang manggagawa ang tatay ng malanding ito dito sa GU. At nandoon sya sa likod sa ginagawang bagong building." Dagdag naman ng kasama nyang lalaki.
"Kaya pala ang lakas makakapit sa mayaman." Natatawa namang segunda ng lalaking may hawak ng bag ko.
Umugong naman ang tawanan mula sa mga naka- palibot sa aming mga estudyante. Pagkatapos ay sabay- sabay nila akong binato ng papel na nilamukos habang sinasabi ang mga katagang "Gold digger" at "Bitch". Isinangga ko naman ang mga kamay ko sa ulo at mukha ko. Baka kasi hindi lang papel ang ibato nila sa akin. Mahabaging mga dyosa, kailan nyo ba ako lulubayan?
Tumigil lang ang mga ito ng tumunog na ang bell, hugyat na magsisimula na ang klase. Isa- isa nila akong iniwan sa gitna ng malawak na daan. Dito lang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Bakit pa ba ako pumapasok? Wala din naman akong natututunan dahil hindi naman nagtuturo ang mga guro namin. Busy sila sa pag- aayos ng issue tungkol kay Jem, Mrs. Himala, Shellarina at Edson. Nagsampa na ng kaso ang mga magulang ng kaibigan ko dito sa school at sa balyena. Patuloy namang hinahanap ng pulisya si caterpillar at nalugi na ang negosyo ng mga De Torres. Pero heto pa din ako miserable. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako o hindi na. Gusto man ng utak ko na um- attend ng klase pero ayaw naman humakbang ng mga paa ko. Hindi din tumitigil ang mga luha ko sa pag- agos.
"Hey, current girlfriend!" Boses mula sa may likudan ko.
Kilala ko kung kanino nagmula iyon. Dadagdag pa din ba sya sa mga pasakit ko ngayon? Pinunasan ko ng palad ko ang mukha ko at pinilit na humarap sa may gate. Nakita ko naman ang super model na naka sandal sa magara nyang kotse.
"I guess you're having a hard time. Wanna go somewhere?" Sabi nya.
"H- hindi na. Salamat." Sagot ko naman.
"Hindi ako tumatanggap ng hindi. Tara na. I'll help you to wash your stress away." Naka- ngiti nyang saad.
"Papasok pa ako, Marise." Ani ko.
"Sigurado ka ba na gusto mo pang pumasok sa lagay mong iyan?" Balik nya.
Napahinga naman ako ng malalim. Ayaw ko din namang pumasok so, why not? Gusto ko din naman na makatakas sa problems ko kahit sandali lang. Kaya naman, nilunok ko ang hiya ko at pumayag sa alok nya. Kinuha ko ang bag ko na nasa semento at tsaka naglakad papunta sa direksyon nya. Sinalubong naman nya ako ng matamis na ngiti. Sinenyasan nya ako na pumasok na sa shotgun seat na ginawa ko naman. Pumasok na din naman sya at nagmaneho palayo ng GU.
"So, anong nangyari sayo? Para kang... hmm.. no offense pero you look like a trash." Sabi nya habang nakatuon sa kalsada.
"Pinagkaisahan ako sa school." Tugon ko naman.
"Ohh... Its about the issue of Eddie and you. Hindi pa din ba tapos? Nasaan ba ang boyfriend mo at pinabayaan kang ganyan." Litanya nya.
Hindi ko pa nga nakikita si Ed. Simula noong nagpaalam sya kahapon na may pupuntahan ay hindi pa sya nagpaparamdam.
"He's busy at work." Tugon ko.
"Well, ano pa nga bang bago Kay Eddie. Simula pa noon, work lang ng work ang inaatupag nya. Masanay ka na, girl." Sabi pa nya.
"He needs to." Anas ko.
"Hindi na maaalis sa kanya ton, girl." Pasiring nyang bitaw.
Hindi na ako sumagot pa. Bukod sa naiilang ako ay hindi ko alam kung paano kami humantong na dalawa dito. Ang awkward kaya ng ganito. Ex- girlfriend sya at ako naman ay Edison's current girlfriend. Tapos ito kami, nag- uusap na parang mag- kaibigan lang. Hanggang sa matauhan ako at mapansing hindi na pamilyar ang daang tinatahak namin.
"Saan tayo pupunta, Marise?" Tanong ko.
Ngumiti lang sya pero hindi tumitingin sa akin. "Somewhere na makakapag relax ka."
Napakunot ang noo ko. "Bakit mo ito ginagawa?"
Napatawa sya. "Because you're like a crampled paper na basa. Para kang kawawang bata."
Wala din palang filter ang nito. Naalala ko tuloy si Jemimah. How I wish na nandito sya ngayon. I need and I miss her. Hindi na naman ako nagkumento pa. Hinayaan ko na lang na tangayin nya ako sa kung saan. Wala naman siguro syang gagawin na masama sa akin. So, bahala na si bathalang embre.
Sa haba ng byahe ay hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng may bigalang sumampal sa akin. Mahina lang naman iyon na more on pagyugyog lang. Kaagad naman akong gumising at tumambad sa akin ang naka- ngiting si Marise.
"Sorry. Nakatulog pala ako." Nahihiya kong saad.
"Obviously, oo. Bumaba ka na dyan dahil nandito na tayo." Sabi nya.
Napa- ayos naman ako ng upo. Wala na nga sya sa driver's seat dahil nandito na sya sa may gilid ko. Bukas na ang pinto ng kotse at ako na lang ang nandito sa loob. Upang mabawasan ang kahihiyan ko ay bumaba na nga ako ng sasakyan. Napalinga naman ako sa paligid. Mapuno ang lugar at tahimik. At sa banda doon ay may cliff na tanaw na tanaw ang karagatan.
"Tara. Dito ako napunta sa tuwing may problema ako. You know, i love the sea. Pero hindi ko kayang lumapit doon. I cant swim nor touch it." Sabi ng katabi.
Naglalakad na kami papunta sa may bangin. "Bakit?" Nagtataka kong tanong.
She shrugged. "I dont know. Basta gusto ko ang dagat. Pero sa tuwing lalapitan at gusto kong magtampisaw dito ay naninikip ang dibdib ko."
"Baka may phobia ka or something." Suhestyon ko.
"I dont know. Teka, bakit ako ang taya dito? Ikaw may problema 'di, ba?" Balik naman nya.
Oo nga pala. Napa- ngiti naman ako. Hindi naman pala masama ang ugali ng isang ito. Nadala ako ng inis at selos. Ano ba yan, Lexshawna? Sinabi ng don't judge the book by its cover, ehh. Tsk. Tsk. Tsk.
Napaka- ganda nga ng lugar na ito. Mula dito sa taas ay kitang- kita mo ang buong karagatan. Pero kung takot kayo sa mataas na lugar ay hindi pwede ito sa inyo. Kung kakalkulahin mo kasi ang taas nito ay parang isang daang palapag na ng isang gusali. Idagdag nyo pa ang lalim ng dagat sa baba.
"How's the case about that crazy girl?" Tanong ng katabi ko.
"Nakatakas sya. Tinulungan siguro sya ng kuya nya." Sagot ko.
"Well, hindi ko sya masisisi kung bakit patay na patay sya kay Eddie. Your boyfriend is a godlike creature." Saad nya.
Napatango ako. "Yes. Hindi ko nga alam kung bakit sya nagka- gusto sa akin, ehh."
"Exactly. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit nahumaling sya sayo. No offense pero, you're just an ordinary girl. Poor and not so beautiful." Anas pa nya.
Hindi ako naka- imik. She's right. I'm not the kind of girl na basta na lang magugustuhan ng kung sinomang gwapong mayamang lalaki. Siguro ay nabagok ang ulo ni Ed sa delikadong trabaho nya kaya nahulog sya sa akin. Walang- wala kasi talaga ako kumpara sa babaeng katabi ko ngayon.
"Magkasama pala kayo." Boses na mula sa may likudan namin. "Ang bago at ang lumang babaeng minahal ni Edson."
Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Bakit ba hindi ko naisip na pwede syang lumitaw na lang basta sa kung saan at kailan nya gusto? Ngayon pa na pareho kaming walang laban nitong kasama ko. Mahabaging mga dyosa, pinapahabol nyo ba talaga ako sa kamalasan?
Sabay kaming umikot at humarap ni Marise sa higad. Bumungad naman sa amin ang naka- ngisi nitong mukha. May hawak syang baril at nakatutok ito sa gawi namin.
"Rina, pwede bang itigil mo na ito? Makukulong ka sa ginagawa mo." Saad ko.
Napatawa sya. "As if naman na mahuhuli nila ako."
"What brings you here? Akala ko nagtatago ka?" Bato naman ng katabi ko.
"Nabalitaan ko kasi na magsasama kayong dalawa. So, pagkakataon ko na ito para patayin ko kayo." Sagot naman ng caterpillar.
"Nagpapatawa ka 'di ba? Hindi naman ako kasali sa bangayan nyo." Ani naman ni Marise.
Tama sya. Hindi sya kasali. "Ako na lang, Rina. Hwag mo idamay si Marise."
Tumawa naman ng malakas ang queen wanna be. "You don't know who's that girl beside you, Lexshawna."
"Kilala ko sya. Sinamahan nya lang ako dito para mag- relax. Wala syang kinalaman dito." Pagta- tanggol ko kay ex- girlfriend.
"Bakit, akala mo ba na naaawa lang sya sayo kaya ka nya sinamahan. Ano sa tingin mo ba ay mag- kaibigan kayo ganon?" Singhal nya.
"Mabait si Marise." Sambit ko.
"Sigurado ka ba dyan? Baka sabihin ko sayo, iyang babaeng katabi mo ay ang may pak-...."
Hindi na naituloy ni Rina ang sasabihin nya ng may biglang pumutok na baril. Nang laki ang mga mata ko ng bigla na lang syang nabuwal at natumba sa lupa. May dugo na kumakalat sa may noo nito. Tiningnan ko naman ang paligid only to found out na ang babaeng katabi ko ang may gawa noon.
"M- marise?" Sambit ko.
"Chill, girl. I have a license to use gun. Celebrity ako and kailangan ko ito for protection. Ako na ang gumawa ng trabahong hindi magawa ng mga pulis." Mahaba nyang litanya.
Bakit parang ayaw kong maniwala? Baka naman kasi sa dami ng taong trumaydor sa akin ay hindi ko na kayang maniwala pa sa iba. Nagulat ako ng biglang tumunog ang Cp ko na nasa bulsa. Kinuha ko ito at sumenyas kay Marise na sasagutin ko. Tumango naman sya at ngumiti. Humakbang ako palayo sa kanya pero hindi nawawala sa kanya ang paningin ko.
"Ariella nasaan ka? Sino kasama mo?" Tanong ni Ed mula sa kabilang linya.
"I was with Marise dito sa may.. ahh.. hindi ko alam kung saan ito ehh." Naguguluhan ko namang sagot.
"Listen, baby. Don't hang up the phone. Marquez will going to trace you. Just act like tapos na ang usapan natin dito sa call. Magagawa mo ba yon, Ariella?" Tanong nyang muli sa akin.
"O- oo naman. Ano ba nangyayari? Shellarina is here. Patay na sya at si Marise ang may dahilan noon." Anas ko.
"Don't come near her. Please, baby act like nothing happened." Bitaw nya.
Bigla akong nakaramdam ng kilabot at kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko. Imposible. Hindi pwedeng mangyari iyon. Pero.…
"Edson...." Tawag ko sa pangalan nya.
I can hear his deep sighed mula sa kabilang linya. "Yes. She is. So, please, stay safe. I love you, baby. Act like nothing happened. Don't hung up."
"O- okay..." Sambit ko.
Kagaya ng sinabi ng mahal ko ay nagkunyari akong tapos na ang tawag. Inilagay kong muli sa bulsa ko ang Cp ko na hindi ito pinapatay. Pagkatapos ay naka- ngiti akong lumapit kay Marise. Hawak nya pa ang baril sa kanan nyang kamay. Pinapaikot- ikot nya ito na para bang bihasang- bihasa sya dito.
"Who's that?" Pang- uusisa nya.
"Its Ed. Tinatanong nya kung nasaan ako. Sinabi kong kasama kita." Sagot ko.
"What did he tell you?" Tanong nya pa.
I shrugged. "Sabi nya ingat daw. Kung gusto ko daw na sya ang maghatid sa akin sa bahay nina Jemimah."
"How sweet. Ganyan din si Eddie sa akin noon. Speaking of your friend. Miss mo na sya?" Balik nya.
"Oo naman. Magkaibigan na kami since we're a kid." Sagot ko naman.
"Ang lungkot siguro nyan, nuh? But, dont worry, may alam akong sulusyon dyan." Naka- ngiti nyang ani.
"Ano naman yon, Marise?" Anas ko.
"For you to die." Sabay tutok ng baril sa akin. "Did you see how good i am in guns? I shot that crazy girl's head perfectly."
Napa- atras ako palayo sa kanya. "B- bakit? Akala ko si Rina ang may kagagawan ng lahat."
Natawa sya. "Iyan ang alam nyong lahat. I planned everything. Umuwi ako dito para bawiin si Eddie. But, inagaw mo na pala sya sa akin. Until i discovered Shellarina. She has a mental disorder. Ginamit ko sya para patayin ka. Pero, wala din palang silbi ang babaeng iyon dahil buhay ka pa hanggang ngayon."
"Iniwan mo sya, Marise. Ikaw ang bumitaw sa relasyon nyo ni Ed." Sabi ko.
"That is gor our future you idiot! Ginawa ko lang yon para sa kanya, sa amin." Galit na nyang bato sa akin.
"No. Ginawa mo iyon for your own sake. Kaya ka nyang buhayin kahit wala kang income at pera, Marise. Makasarili ka lang talaga." Singhal ko.
"How dare you?! You, shut up! Mamamatay ka na ngayon. Susunod ka na sa pakialamera mong kaibigan!" Malakas nyang sigaw.
Ikinasa nya ang baril at itinutok sa akin. Nagsimula na din syang maglakad palapit. Umaatras naman ako palayo sa kanya. But, talaga nga sigurong hinahabol ako ng kamalasan. Dahil hindi ko na magawa pang lumayo. Narating ko na ang dulo. Isang hakbang pa patalikod ay mahuhulog na ako sa bangin. Mahabaging mga dyosa, gusto nyo na ba akong mamatay? Grimm reaper, galit na galit ka yata sa akin. Ayaw nyo akong lubayan. Hinahabol na ako ni kamatayan.
Huminto si Marise, few steps mula sa akin. "Wala ka ng pupuntahan pa."
"Pag- usapan naman natin ito. Hindi ikaw yan, Marise. Ayaw mong masira ang mga pinaghirapan mo, 'di ba?" Pangungumbinsi ko dito.
Napangiti sya. "Pero wala naman makakaalam na pinatay ko kayo. Itatapon ko lang kayo dyan sa karagatan and viola! Wala ng ebidensya."
"Maawa ka, Marise." Pakiusap ko. "Gusto ko pang mabuhay."
Umiling- iling sya. "Hindi ako naaawa. Good bye, Lexie."
"Rodie, stop!" Umalingawngaw ang sigaw ni Edson.
Napangiti ako. Nandito sya. Hindi pa din sya pumapalya na iligtas ako.
"Ibaba mo ang baril, Rodelia." Pakiusap ng mahal ko.
Napalingon si Marise sa gawi nina Ed ng may malaking mata. Halata sa mukha nya ang gulat at takot. Pero multi syang humarap sa akin at ngumiti. Isang ngiti na nakakakilabot. At parang nag- slow motion ang lahat. Ang pagputok ng baril, ang pagtakbo ni Ed papunta dito at ang pagka- out of balance ko. Alam nyo ba yong mga nasa pelikula na dahan- dahan ang pagbagsak pag nahuhulog sa bangin? Ganoon ang pakiramdam ko ngayon. Masakit ang dibdib ko, dulot marahil ng tama ng bala and at the same time ay bumubulusok ako pababa.
Hanggang dito na lang ba ako?
Ohh , my, goddesss, tinatapos nyo na ba ang mga paghihirap ko?
Siguro ay mali na umibig ako sa lalaking never kong maaabot. Pinagtagpo kami pero hindi kami bagay na magsama. Ipinipilit namin ang ayaw ng lahat. I'm sorry. Patawad kung nagmahal ako.
And the cold splash of the water engulfed my entire body. Naramdaman ko na ang malamig na karagatan. Kitang- kita ko kung paano ako lumubog pailalim. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. At kaunting minuto pa ay kakapusin na din ako ng hininga.
I guess this is a goodbye? Hindi ko man lamang nakilala ang totoo kong pamilya. Hindi man lamang ako nakapag- paalam kina Mama. Hindi ko pa din nasasabi kung gaano ko kamahal si Edson.
Umiiyak ako. Pero kinakain at humahalo lang sa malamig na karagatan ang mga luha ko. Then, all of my happy memories flashback on my mind. Napa- pikit ako at hinayaan na ang dagat at ala- ala na tangayin ako.
"Prinsesa, ipinaghanda ka namin ng paborito mong pagkain." Naka- ngiting sabi ni Papa.
"Kain na tayo, Ate." Bitaw naman ni Ella.
"Nako, madami na namang nakakain si Ariella." Natatawang ani ni Mama.
They're not be my true family but I love them. Nagpapasalamat ako sa kanila sa lahat ng pagmamahal at pagtanggap na ibinigay nila sa akin. Utang ko ang buhay ko sa kanila.
Mama, Papa, at Ella. Thank you and I love you. Pinatunayan nyo na hindi lang ang mga kadugo ang pwedeng maging pamilya.
"I may not be perfect, Ariella. Pero susubukan ko para sayo. Mahal ba mahal kita." Naka- ngiting ani ni Ed.
"Alam kong hindi maganda ang mga nangyayari sa ating dalawa. You didn't know me either. But..." Hinawakan nya ang dalawa kong kamay. "Can you accept and give me another chance? This time, I'm going to show you the real me."
"Hindi ako mangangako pero, sisikapin kong sabihin sayo lahat. Only that details na hindi mo ikapapahamak."
"Lexshawna Ariella Delfin, please be my girl, my baby, my girlfriend and soon my wife."
"Lexshawna Ariella Delfin, I love you." Naka- ngiti nyang sambit.
Ipinaramdam mo sa akin ang says at kilig na sayo ko lang nahanap. Minahal mo ako ng walang kapalit. Pinasaya mo ako ng labis at tinuruan mo akong umibig.
Edson Santiago Bayer, my baby, my boyfriend and ... not to be your wife.. I love you so much.
"Im your only best friend kaya."
"Umayos ka, Shan- shan kun'di ay kukurutin ko singit mo."
"Ipagtatanggol kita at sasamahan kita palagi."
"Mahal kita, Shan."
Mahal din kita, jemimah. Paano ba yan, best friend, magkikita na tayo kaagad. Hindi nga yata tayo mapaghi- hiwalay, ahh. Susunod na yata ako sayo.
Mahirap man naging takbo ng buhay ko simula noong nakilala at pumasok si Edson ay wala akong pinasisisihan. Naging masaya at memorable naman naman ang bawat detalye noon. Nagulo nga ang buhay ko pero may kulay at meaning pa din. Kaya naman, masaya at nagpapasalamat ako sa lahat.
Mahabaging mga dyosa, thank you.
Good bye, world.
Kasabay ng huling pag buka ng bibig ko ay ang pagpasok ng tubig sa buong sistema ko. Hindi ko na maimulat pa ang mga mata ko at wala na din akong maramdamang sakit mula sa sugat ko. Unti- unti na ding nawawala lahat ng laman ng isip ko.
Then, the darkness overcome me.