Chapter 6

"Huh, nasaan na yung taxi na pinapahintay ko dito?" Naguguluhang saad ng dalaga. Medyo malayo pa naman sa kanto na may dumadaang taxi ang kinaroroonan niyang bahay sa ngayon.

'Kapagod pa naman maglakad ng nakaheels. Saka bakit umalis yun di pa ako bayad dun? Saka yung luggage ko andun.' Bigla niyang naalala na nandoon nga pala ang bagahe niya sakay ng taxi na iyon.

"Ahm miss. Hinahanap mo ba yung taxi na sinakyan mo kanina?" Isang tinig mula sa kung saan ang nagpagulantang sa kanya.

Nang lingunin niya ito ay mula pala yun sa lalaking nagbukas ng pintuan kanina na ngayon ay nakaupo sa may bench sa gitna ng hardin. Hindi niya namalayan ito kanina na naroroon kasi busy siya sa kakadutdot sa cellphone niya. Kailangan niyang mag update kasi sa mga magulang niya na nakarating na siya ng Pilipinas ng ligtas kundi ay mag aalala ang mga ito.

"Oo eh. Andun pa naman bagahe ko. Sinabi ko ng maghintay lang siya at kukunin ko lang susi ng bahay na iniwan ko sa bestfriend ko." Paliwanag niya dito.

"Naku, umalis na siya eh may emergency manganganak na yata asawa niya sinugod sa hospital. He left your baggage right there." Sabi nitong itinuro pa ang medyo may kalakihang baggage sa may bandang likuran ng pintuan ng gate na hindi niya agad napansin kanina.

" Ooh,! " Bulalas niya nang makita ang bagahe. Pagkuwan ay may naalala.

" Luh, di ako nakapagbigay ng pamasahe kanina kawawa naman si mamang driver. Does he left any number na puwede ko kontakin?"

"Nagkusa na ako kanina. Nagmamadali kasi si kuya kaya binayaran ko na lang metro mo. Kawawa naman kasi." Bigay impormasyon nito sa kanya.

Nagliwanag ang mukha ng dalaga nang marinig yun. Nakahinga siya ng maluwag.

"Ahm, here.." Akma siyang dudukot ng pera sa loob ng handbag niya nang tumayo ito at pumasok sa isang kotse na nakaparada sa garahe.

Nang mapatapat ito sa harapan niya ay nagbukas ito ng bintana para kausapin siya. "Pasensiya na nagmamadali kasi ako. Hinintay lang talaga kitang lumabas para sabihin sa iyong umalis na si kuya." Sabi nito.

"Ooh sorry i hope i didn't take much of your time. Magkano nga po yung binigay niyong pamasahe kanina sa manong driver?" Nagmamadali siyang dumukot ng isang libo sa pitaka. Iniabot niya ito dito.

"650 pesos lang naman yun." Sagot naman nito. "By the way, mahihirapan ka sa pagpara dito ng taxi. Minsan lang may dumadaan dito eh. Sabay ka na lang sa akin sa kanto." Alok nito sa kanya.

Sa narinig ay parang nabunutan ng tinik sa dibdib ang dalaga. Solve na ang problema niya kung paano makakarating sa may sakayan.

" Are you sure okay lang sayo? Medyo mabigat kasi itong bagahe ko tapos malayo pa ang gate ng subdivision niyo eh. Pagod na kasi ako maghintay pa ng may dumaan na taxi." Sabi niya dito.

"Palabas na lang din naman ako eh no worries." Sabi niya at lumabas na ng driver's seat para tulungan ang babae sa bagahe nitong maipasok sa kotse. Hinintay na muna niyang makapasok ito sa kotse bago niya isinarado ang pinto at bumalik sa driver's seat.

"Pakihatid mo na lang ako diyan sa may labasan ng subdivision. Sorry talaga sa abala." Nahihiyang paghingi niya ng paumanhin dito.

"Saan nga pala punta mo? Papunta ako sa bangko sa bayan baka dun din punta mo eh di sumabay ka na lang." Walang anumang alok nito sa kanya na sa tingin naman ng dalaga ay wala naman itong anumang ibig sabihin sa alok nito.

"Ahm actually diyan lang ako sa kabilang subdivision nakatira eh. Medyo malapit lang ng kaunti from here." Sagot niya na lang dito.

"Ganoon ba? Eh di daanan na lang natin. Malapit lang naman pala eh. Bigay ka na lang ng direksyon di naman pala out of the way eh." Sabi nitong deretso ang tingin sa daan na hindi man lang lumingon sa kanya. Sa tingin ng dalaga ay sincere ito sa pag alok ng tulong sa kanya.

" Kung di nakakahiya sayo.. " Sabi niya dito.

Tumango lamang ito bilang tugon.

" Ahm, here nga pala yung pamasahe ko kanina sa taxi." Iniabot niya dito ang isang libong buo. Nakita niyang sinulyapan nito ang perang hawak niya.

"Naku miss wala akong barya dito eh. Bigay mo na lang gcash mo sa akin at isesend ko na lang yung sukli mo." Sabi nitong inabot na ang pera mula sa kanya.

"No, keep the change na lang." Sabi niya dito pero mukhang nagkamali siya ng sinabi. He looks offended sa kanyang sinabi.

'Oh no! May ibang tao nga naman pala na naooffend pag feeling nila chinacharity mo sila. Lalo na dito na mukhang mas may kaya pa kaysa sa pamilya niya.' Narealize niya bigla ito sa isip.

"Ahm okay. Here's my gcash number." Sabi niyang dumukot ng calling card sa handbag na dala. "That's my personal number na din eh same lang sa ginamit ko sa gcash ko."

Paliwanag niya dito. Tinanggap nito iyon.

"Okay, i will send your sukli later." Isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa kanya.