Chapter 7: Strategy

"Thank you so much sa paghatid mo sa akin dito. I know malaking abala ito sayo but then inihatid mo pa talaga ako. I owe you one.." Nagpapasalamat na sabi ng dalaga sa lalaki.

"Just a cup of coffee will do. Medyo malamig kasi dahil umaambon na. Kailangan ko ng pampainit ng katawan."

Napaangat ang kilay ng dalaga sa narinig. Double meaning kasi ang sinabi nito.

"Wala akong coffee sa loob eh ilang buwan din kasi akong di umuuwi kaya siguradong wala akong grocery diyan sa loob. Iniiwan ko lang susi ko sa bestfriend ko para sa housekeeping. Maalikabok pa din kasi kahit walang nakatira." Paliwanag niya dito.

Ayaw naman niyang magtampo ito. Siya na nga ginawan ng pabor pero di man lang niya maalok ito ng kung ano. Pero wala siyang magagawa, totoo nga naman kasi na walang kalaman laman ang bahay niya ngayon kasinilang buwan niya itong inabandona dahil nagpunta siya ng states.

"Ahm, about that. I have my own coffee here. I just need hot water and also a mug." Sabi nitong dumukwang na sa loob ng kotse para ilabas ang instant coffee na palagi niyang dala. Marami rami na ding pagkakataon na nagamit niya ang props na iyon sa pangbababae. May iba kasing babae na hindi madadala sa isang kindatan. Kailangan pa ng mahaba habang dasalan. At mukhang isa ito sa mga iyon.

"Ohh, okay. Tuloy ka muna." Nasabi na lang nito saka isinuksok na ang susi sa kandado. Hawak niya ang handbag niya kaya nahirapan siyang ipasok ito kaya lumapit ang binata sa bandang likuran niya at hinawakan ang mga kamay niya na may hawak ng susi.

Hindi niya alam kung anong mahika ang mayroon ito at bigla na lang nag iba ang kanyang pakiramdam ng maramdaman niya ang singaw ng init na nagmumula sa katawan nito.

"Let me do it." Sabi nito na sa nakatigagal na dalaga.

Mabilis na umalis ang dalaga sa pagkakaipit between the door at sa binata. Para siyang napaso sa isang invisible na apoy na siya lang ang nakakaramdam.

"Upo ka muna while waiting for the water to boil ha. Bihis na muna ako. Kanina pa kasi ako naaalibadbaran sa suot kong damit." Sabi ng dalaga para lang magkaroon ng chance na maiwan niya ito sandali. Hindi kasi siya komportable na kasama ito. Ewan ba niya kung bakit basta hindi talaga siya mapakali sa oras na iyon.

" Okay, no worries. Take your time.. " Sabi naman nito na hindi siya tinitingnan. Abala ito sa patingin tingin sa paligid. May mga nakasabit kasi siyang mga picture frame sa wall ng bahay. Lahat ng lugar na kanyang napuntahan ay ugali na niyang kumuha ng pictures bilang memorabilia sa lugar na napuntahan.

Dali-daling pumasok ang dalaga sa silid niya. Kailangan na niyang umiwas sa lalaking iyon. May kakatwa siyang nararamdaman habang kasama ito na hindi niya mawari kung ano.

Inilibot ng binata ang mga mata sa mga nakahilerang pictures sa wall ng living room na iyon. Naamazed siya sa natuklasang side ng dalaga. Mahilig pala ito magtravel. At hindi lang basta bastang biyahe ha. Dahil sa nakikita niyang mga larawan ngayon ay parang nalibot na nga nito ang buong mundo sa dami ng mga larawan na kuha sa iba't ibang lugar sa buong mundo. May kuha sa isang beach sa hawaii na sumasayaw ito ng traditional na sayaw doon kasi nakasuot pa ito ng Hawaiian outfit. Lumapit pa siya ng bahagya nang makita ang isang larawan na kuha mula sa isang beach din sa bansang iyon kung saan naka 2 piece swimsuit ito at makikita niya sa background na may mangilan ngilang mga tao sa beach ang napapalingon dito. Kahit naman sino siguro ang makakita sa katawan nito ay mapapalingon talaga dito. Paano ba naman sa hugis ng katawan nito na perpekto mula sa balakang na mala europian ang hugis, maliliit na beywang at mayayamang mga dibdib ay napakaganda nito sa suot na bikini. Taglay pa nito ang napakagandang hugis ng mukha na kung titingnan ay napaka inosente.

"Bakit wala yatang syota na kasama sa picture?" Takang tanong niya kahit mag isa lang.

Natuwa siya sa naisip na baka kaya wala itong kasama sa mga pictures kasi wala talaga itong boyfriend.

"Eh paano kung ang cameraman ang boyfriend?" Sabi ng isang bahagi ng isip niya. Nainis siya sa naisip. Parang gusto niyang suntukin sa isip kung sino man ang kumuha ng mga larawang iyon.

"Di bale na, may jowa o wala, desidido na akong sulutin ang babaeng iyan." Ito ang namumuong ideya ng isip niya na head over heels sa kagandahan ng babaeng nasa loob ng silid na iyon.