Epilogue Shadow pov

Six months na ang nakakalipas simula nang nangyari ang lahat. Six months na rin na wala si Kairhara. And I missed her so much, sana nandito siya. Ang dami kong nalaman tungkol sa kan'ya, kaya pala laging may nagliligtas sa amin kase binabantayan n'ya pala kami. Tapos s'ya rin pala si Black Dragon, nalaman lang namin sa mga kaibigan n'ya. Ang daming nagbago sa loob ng six months. Ang tatlong kaibigan ni Mondragon nagbago na, hindi na sila bitchs. Ang mga kaibigan ko naman nalaman ko na may gusto pala sila kay Konaide. Nalaman ko rin na si Kairhara ang may ari ng school na pinapasukan namin. Hindi ko manlang gad nalaman ang lahat tungkol sa kaniya. Hay, namimiss ko na talaga siya, sana hindi niya ako iniwan.

Ngayon ang araw ng graduation namin, pero hindi namin kasama si Kairhara. Hays nasaan na kaya siya ngayon? Maayos kaya siyang nakarating sa paroronan niya? Hay.

"Hoy, Shadow! Graduation day na'tin, tulala ka?" ani Lay.

"Tch, paki mo ba? May iniisip lang ako eh!" inis na ani ko.

"Siya na naman ang iniisip mo, Bro hintayin mo na lang kasi ang araw na makakasama mo siya!" ani pa ni Lay. Hindi kasi nila ako naiintindihan eh.

"Alam mo Shadow, dapat maging masya ka ngayong graduation na'tin!" sabi naman ni Ice. Oo si Ice med'yo nakikipag-usap na rin, hindi tulad noon. Halos daigin niya ang yelo, sa sobrang lamig nang pakikitungo niya sa iba. Ako naman, hindi na rin gano'n kasungit. Si Clarnce naman, hindi na sinama ng Mommy niya sa ibang bansa para do'n mag-aral. Kaya naman dito pa rin siya mag-aaral ng college.

"Hey, Bro smile!" ani Clarnce at bigla akong pinityuran. Nandito kasi kami nakaupo na hinihintay na lang na matawag ang pangalan namin. Ang mga magulang naman namin nasa likod nakaupo.

"Bro, ang guwapo mo dito! Nakaka-inlove!" ani Clarnce kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Clarnce, mahiya ka naman ang ingay mo..." sawa'y ni Ice. Kaya natawa na lang kami, oo nga naman kailangan ko ring maging masaya.

"Tingin kayo rito!" sigaw ni Clarnce, kaya napatingin kami ng masama sa kaniya. Tapos ang loko nag-picture pa, nakakahiya siya. Kami lang kaya ang maingay dito.

"Antamatica, Ice Ginokhirl!" tawag sa pangalan ni Ice. Ngumiti kami rito, umakyat naman ng nakangiti si Ice Sinalubong naman ito nang kanyang Mommy. At kinuha ang diploma, ito namang si Clarnce tumayo pa at kumuha ng mga litrato.

"Montiverde, Layshin!" tumaas s'ya sa stage na nag-iisa. Walang ang mga magulang, nakulong na dahil nahulihan na nagda-drug.

"Monticello Clarnce!" si Clarnce naman ayun, sweet lover pa rin hindi pa rin nagbabago. Umakyat na ito at, dinaluhan naman ito ng kaniyang mommy. Si Lay naman ang kumuha ng mga litrato nito.

Natawag na ang lahat, ako na lang ang natitira. Kaya naman, nakaramdam ako ng kaba.

"Winstone, Shadow Demonic!" tumaas ako ng stage ng may lungkot. Sana nandito s'ya, sana sabay kaming nag-graduate. Tumingin ako sa malayo nang may mahagip ang mga mata ko. Ang babaeng kanina ko pa hinihintay. Napangiti ako rito, at pagkababa ko ng stage agad akong tumakbo at pinuntahan siya at niyakap ito.

"I missed you so much!" ani ko rito at mahigpit na niyakap ito.

"Tsk, sinabi ko bang yakapin mo ako? Tch, hindi pa tayo kaya hindi muna puwede ang yakap!" masungit na aniya, kaya bumitaw ako rito. Kahit kaylan talaga, masungit pa rin siya. Hindi pa rin nagbabago.

"Yakap lang naman eh, na miss lang kita eh..." aniya. Nanliligaw pa lang naman ako sa kaniya, pero ayoko nang mawala siya sa akin.

"Tch, you're busted..." aniya, kaya naman napasimangot ako.

"Kairhara naman, grabe ka..."

"Bakit sumusuko ka na agad? " tanong nito at ngumisi sa akin.

"Hindi, bakit ako susuko? Mahal na mahal kaya kita!" ani ko, at yayakapin sana ulit siya, nang bigla siyang umiwas kaya ayon. Nahalikan ko ang pader, grabe talaga siya.

Akala n'yo patay na si Konaide, hindi ah pumunta lang s'yang Japan kasi may aasikasuhin daw siya. Ayaw ko man pero ano'ng magagawa ko? Buhay niya 'yun, kaya hinayaan ko siya. Baka kasi isipin niyang, sobrang higpit ko.

*Flashback*

Nang kakalabitin na sana ng Tito ni Konaide ang gatily, nang paputukan ko ito ng baril sa ulo. Nahimatay naman si Konaide, kaya agad namin siyang sinugod sa hospital. Nang gumaling siya, umamin ako sa kan'ya at sabi ko manliligaw ako sa kan'ya. Mabuti at pumayag siya, kaya iyon ang isa sa pinakamasayang araw ko. Pero med'yo nalungkot ako nang malaman ko na babalik na siya sa ibang bansa.

"Totoo ba na babalik ka na ng Japan?" tanong ko, ibig-sabihin kasi malalayo siya sa akin.

"Yeah, I need..."

"Paano ako? Paano tayo?" ang drama ko no?

"Anong paano ka? Mr. Winstone? Fyi, wala pang tayu? Nanliligaw ka pa lang so? Anong sinasabi mo diyan tch, pupunta lang ako ng Japan kasi may dapat lang akong aasikasuhin do'n!" aniya at pinitik ang noo ko.

"Sige na nga, basta babalik ka ha? I love you..." ani ko at niyakap siya.

"Tsk, hindi na ako babalik..." seryosong aniya. Kaya para tuloy akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Kairhara naman eh, 'wg gano'n mamatay ako kakaisip sa'yo at sa pagkamiss ko sa'yo!" ani ko, habang gusto na tumulo ng mga luha ko.

"Just kidding hahah! I'll be back, don't worry..." aniya at tumawa ng malakas. Alam kong hindi 'yun peke, iyon ang araw na nakita ko siyang ngumiti for the first time.

*End of flashback*

Nandito na kami sa graduation party namin, bigla namang tumunog ang sweet dance. Kaya agad lumapit ang mga loko kong kaibigan at inaya si Konaide.

"Bro pwede isayaw si Konaide, my love?" tanong ni Lay, kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Can I dance you miss Konaide?" tanong ni ice at nilahad ang kamay kay Kairhara. Pati rin si Clarnce naglahad ng kamay, kaya naman hinila ko na patayo si Konaide at dinala ko ito sa gitna ng dance floor. Kaysa naman maunahan pa akong isayaw ang taong mahal ko ng mga gag*ng 'yon.

"Hindi ako marunong sumayaw..." bulong nitom

"I will teach you, don't worry..." bulong ko rito, nakita ko naman na med'yo namula ito.

"Marunong ka?" tanong nito, at ngumisi akin. Baka iniisip nitong bakla ako.

"Ako pa ba? Syempre basta makasayaw lang kita, gagawin ko ang lahat..." ani ko.

"Tch, ang korni mo!" aniya at biglang tumawa. Mas maganda talaga siya kapag tumatawa. " Sige na turuan mo na ako. Paano ba sumayaw kanina pa tayo dito eh!" angal nito.

"Ganito ilagay mo ang dalawa mong kamay sa batok ko..." sabi ko at ako na ang naglagay ng kamay nito sa batok ko at inilagay ko naman ang kamay ko sa bewang n'ya. Sh*t biglang uminit ang buong mukha ko.

"Cupcake namumula ka yata?" tanong nito at hinawakan ang pisngi ko. Na lalong nagpainit sa mukha ko, gosh.

"Hindi ah!" pagtanggi ko.

"Halata naman!" aniya at pinagtawanan ako.

"Hindi nga sabi!" ani ko pa.

"Sus, kinikilig ka no?" tanong nito at kinindatan pa ako. Grabeng, babaeng ito pinapakilig ako.

"Hindi nga!" kinulit ako nito, hanggang sa sumuko na lang ako.

"Oo na!" ani ko, kaya tumwa pa ito.

Habang nagsasayaw kami nilapit nito ang mukha sa akin, at ginawaran ako ng isang matamis na halik.

"Congratulations, Mr. Winstone..." bulong nito sa akin, ako naman hindi na nakasalita. My god, sobra na ang ginawa niya hindi ako handa. Sh*t.

The end!