Chapter 1
LEA’S POV
“Ano kaba Lea, hinay-hinay ka nga diyan sa pag-kain, di ka naman mauubusan ng pag-kain sa lamesa.” Sita ng kaniyang Mommy na kina-tigil ni Lea sa pag-kain. “Parati kanang lumalamon sabi sa akin ni Yaya Letty, na tumataba kana sa kakain mo eh. Juskong bata ka, kong my boyfriend ka lang, mapag-hahalataan na kitang buntis sa ginagawa mong iyan eh.” Natatawang biro ng kaniyang Mommy na biro lamang para sakaniya ang bagay na iyon. Pero hindi magandang biro para kay Lea ang sinabi ng kaniyang Mommy, na sinuntok ang dibdib ko sa sinabi nito.
Nawalan ng ganang kumain si Lea at nabalutan na rin ng kaba at takot ang kaniyang dibdib sa katagang binitawan neto. Napaka-lakas na rin ng pintig ng kaniyang puso na hindi mawari ang matinding kaba at nerbyos na lumukob sa kaniyang puso.
Mahigit dalawang buwan na ang nakaka-lipas simula no’ng may nangyari sa aming dalawa ni Kuya Mark, at hanggang ngayon hindi ko na muli siya nakita.
Hindi na rin ako pumupunta sa bahay ni Ivy dahil na rin sa masakit na nangyari na pinag-tabuyan niya ako ng gabing iyon, na sariwang-sariwa pa sa ala-ala ang sugat sa puso ko.
Iniisip ko ang pangyayari, lalo lamang ako nalulungkot at nasasaktan.
Nadapuan na rin ako ng hiya sa aking sarili na, matapos ang nangyari sa aming dalawa. Hindi ko alam kong makakaya ko pa ba si Kuya Mark na harapin at kausapin.
Siguro hanggang dito na lang kami. Ibabaon ko na lang sa limot kong ano man ang nangyari sa amin ng gabing iyon.
Malayang pinag-mamasdan ni Lea ang kaniyang Mommy na suot ng magara at mamahalin na kasuotan. Kahit may edad na ang Mommy niya, hindi pa din gaanong halata dahil na rin sa kaniyang itsura at napaka-ganda pa rin neto.
May kaya naman talaga ang aking pamilya. May sariling business na pina-pamahala ang kaniyang mga magulang, at kasalukuyan na tumutulong ang kaniyang Kuya sa kanilang company.
“Mam Lea. Pinapatawag ka po ng iyong Papa sa kaniyang study room.” Lumapit ang kasambay na, kinatigil ni Lea sa pag-kain. Ako?
Tinatawag ni Daddy?
Bakit naman kaya?
Labis akong nag tataka kong bakit pinapatawag niya ako ngayon.
“Sige na anak, at baka kailangan ka ng iyong Daddy doon.” Pag-papasunod ng kaniyang Mama. Tumayo na si Lea sa kaniyang kina-uupuan at nag lakad na siya patungo sa Study room ng kaniyang Daddy.
Tahimik siyang nag lalakad, at ang kaniyang mga mata naka-pako sa napaka laki at rangya nilang sala. Abala din ang mga katulong na kanya-kanya nilang ginagawa.
Inayos ni Lea ang suot na damit na kahit papaano maging presintable ang kaniyang itsura pag nag kaharap na silang dalawa ng kaniyang Daddy.
Palapit nang palapit si Lea sa study room, at doon na rin namuo ang matinding takot at kaba ba lumukob sa kaniyang dibdib na hindi niya mawari kong ano.
Nerbyos na nag-bigay ng matinding pawis sa kaniyang noo
Hinawakan ni Lea ang seradura ng pintuan at dahan-dahan tinulak iyon pabukas. Ayaw rin sa lahat ng kaniyang Daddy na maistorbo ito sa kaniyang ginagawa kaya’t iniiwasan niya talaga sa lahat, ang maka-gawa ng matinding inggay at maistorbo ito.
“D-Daddy?” Tinig ni Lea, at ginala ang kaniyang paningin para hanapin ito.
Napaka-laki ng study room ni Daddy na mayron iyon na napaka-rangya at mamahalin na gamit. Dito namamalagi si Daddy kapag hindi nito natapos ang kaniyang ginagawa sa kompaniya.
Sa isang tabi naroon ang black marble table ng kaniyang Papa at naka- patong doon ang laptop at mga paperworks sa ibabaw. Nag paagaw atensyon kay Lea ng makita ang kaniyang Papa na naka-tayo at nakatalikod sa akin.
Naka-suot ito ng disenteng damit.
Nag lakad si Lea palapit sa kaniyang Daddy, para tanungin kong ano ang kailangan nito sa akin.
He was Gabriel Tan Sandoval. When Lea as young she was afraid of her Dad’s presence because it was so strict. It doesn’t want you to make a mistake in every move and action. Saksi si Lea kong gaano ka-sam ng Daddy niya, na kahit ang mga Kuya niya walang magagawa kapag nag-patupad na ito ng desisyon na wala nang makapag-babago pa doon.
“Pinapatawag mo daw ako D-Daddy? Ano po iyon?” Hindi mapigilan ni Lea ang kabahan ng husto dahil sa takot na hindi niya mawari.
Humarap si Daddy sa akin, at sa pag-kakataon na ito sinalubong ako ang nag- babaga at nakakatakot nitong mga mata.
Nag lakad si Daddy papunta sa kinaroroonan ko, kahit hindi siya mag-salita. Ramdam na ramdam ko pa din ang kakaibang takot at sindak na lumukob sa dibdib ko ng sandaling iyon.
“D-Daddy ano po iyo---” hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng binigyan niya ako ng malakas at malutong na sampal, na labis ko naman kinabigla. Doon na kumirot ang aking puso, na hindi ko mawari kong bakit?
Anong nagawa kong pag kakamali?
Ano ang nagawa ko?
Labis pa din ang mga katanungan ni Lea, dahil hindi ko alam kong bakit niya ako sinampal?
Naka-hawak si Lea sa kabilang pisngi at dinarama ang labis na kirot sa balat. Bumaling ng tingin si Lea sa Papa at napaka-dilim ng mukha nito, na mistula na itong nakakatakot na nilalang, na manginig pa siya lalo ng husto. “D-Daddy.” Iyon na lamang ang kaniyang nabigkas sa pagitan ng napaka-bigat ng kaniyang dibdib.
Bakit?
“What the fuck is this huh?!” Nagulat na lang si Lea ng binato ng kaniyang Daddy ang pregnancy test sa harapan ko. Kahit hindi ko tignan kong ano iyon, alam ko sa sarili ko na akin iyon.
Uminit na ang sulok ng mga mata ni Leah at kakaibang takot sa dibdib, sabayan pa ng matinding panginig ng katawan, na maari nitong gawin sa akin. Natatakot din ako na baka saktan niya ako, kapag nag kataon.
Nag lalaro pa din sa aking isipan kong paano nila nakita iyon?
Paano niya nalaman iyon?
Sa pag-kakaalam ko, tinapon ko na ang pregnancy test, pero bakit nahanap niya pa din iyon?
Oo buntis ako.
Nag bunga ang isang gabi na nangyari sa aming dalawa ni Kuya Mark.
Pero nagawa kong manahimik at hindi sabihin sa aking mga magulang ang tungkol sa pag bubuntis ko dahil napaka-bata ko pa.
Alam kong magagalit sila sa akin.
Alam kong madi-dissapoint sila sa akin na mabubuntis at the age of 19
Ayaw kong masaktan sila.
Ayaw kong magalit si Daddy.
Pero wala eh.
Nalaman na niya ang sikreto ko.
“Could you fuck explain this to me Lea Kristine?!” Umalingawngaw ang malakas at nakaka- hindik na sigaw ni Papa na bumigat pa lalo ang kaniyang puso.
“Dadd—” nanginig kong tinig. Hindi pa din nag babago ang expression ni Daddy na nakakatakot. “K-Kasi Daddy, mag papaliwanag po ako sa’y---”
“Halika ka ditong bata ka!” Matinis niyang sigaw at marahas nitong hinawakan ang aking pulsuhan at kinaladkad palapit sakaniya. “Mag papaliwanag?! Sapat na kong ano ang nakita ko ngayon Kristine! Matapos ng lahat-lahat ng ginawa namin para sayo mag-papabuntis ka lang! Sino? Sino ang hayup na may gawa nito sa’yo ha? Sino!?” Lalong humigpit ang pag-kakahawak niya doon na alam kong mag-iiwan ng marka doon pag-katapos.
“Daddy, n-nasasaktan ako.” Impit kong daing at pilit na pumipiglas na maka-wala sa pag kakahawak niya pero hindi eh. Doon na rin bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. “D-Daddy please.” Patuloy kong pag-iyak, pero wala pa din akong nakuhang emosyon sa mga mata nito.
“Talagang masasaktan ka talaga sa akin kapag hindi mo sinabi sa akin kong sino ang may gawa nito sa’yo!” Anito.
“Daddy please.”
“Jusko Gabriel ano bang nang-yayari dito?” Tarantang tinig ni Mama na pumasok na rin sa loob ng marinig nito ang malakas na sigaw ni Daddy.
“Itong magaling mong anak! Nag pabuntis siya!” Matalim na tinig ni Daddy, at kasabay ang gulat na gumuhit sa mga mata ni Mommy.
“Kristine totoo ba ang sinasabi ng Daddy mo ha? Totoo ba iyon anak?” Tarantang tinig ni Mommy, at hinihintay nito ang magiging sagot ko.
“Mommy I’m s-so sorry po. I’m so sorry.” Iyan na lang ang aking nasambit dahil nahihiya na ako. Wala na akong mukhang ihaharap sakanila.
“Jusko.” Napa- tutop si Mommy sa bibig at kasabay ang gulat sa mga mata nito.
“Halika ka nga ditong bata ka!” Pag-titimping tinig ni Daddy at hinatak muli ako nito palapit sakaniya at dinuro. “Sino? Sino ang hayop na lalaking may gawa nito sa’yo ha? Sino? Mapapatay ko ang hayop na lalaking iyan!” Mag babantang titig ni Daddy, na mag pahagol-hol pa lalo ako ng pag-iyak.
Doon na ako natakot sa banta nito.
Kilala ko kong gaano kasama ni Daddy, na tutuhanin nito lahat ng banta at sinasabi nito.
“Hindi ko alam Daddy, h-hindi ko siya kilala.” Pag-sisinunggaling ko. Ayaw ko nang damayin pa dito si Kuya Mark
Alam kong mag-kakagulo ang lahat kapag sinabi ko sakanila kong sino ang totoong naka-buntis sa akin.
Ayaw ko nang dawatin si Kuya Mark sa gulong ito.
Isa lamang pag-kakamali ang nangyari sa aming dalawa.
“Putangina, hindi ka talaga aamin!” Dumaongdong ang sigaw ni Daddy tangka akong bibigwasan, ng mabilis kong hinarang ang aking kamay, para hindi lamang siya matuloy sa kaniyang ginagawa.
“Please. H-Huwag Daddy, hindi ko talaga alam maniwala ka sa akin.” Patuloy kong pag-iyak sa harapan nito. “Maniwala ka sa akin, hindi ko talaga siya kilala. Please Daddy, patawarin niyo na po ako.. A-Alam kong nag kamali ako. Alam kong binigo ko kayo, please.” Pag-mamakaawa ko sakaniya. Tinaga ang puso ko sa sakit dahil hindi pa din nag-babago ang kaniyang pag-titig sa akin.
“Putangina Kristine, hindi ka talaga aamin?! Sino? Sino?!” Malakas nitong sigaw at sa pag- kakataon na ito, tinulak niya ako ng malakas na sanhi mapa-salampak ako ng malakas sa tiles.
“Jusko Gabriel, tama na. Please. “ pag-mamakaawa ni Mommy at mabilis na tumungo sa direksyon ko para alalayan ako.
“Ginawa ko ang lahat para sa’yo Kristine! Binigay ko ang lahat ng gusto mo! Marangyang buhay! Tapos ito lamang ang isusukli mo sa akin?!” Malakas nitong tinig at tumigil si Daddy sa harapan namin. “I’m so very disappointed on you! Kong hindi mo sasabihin sa akin, kong sino ang lalaking naka-buntis sa’yo! Lumayas ka sa pamamahay ko! Huwag mo na rin aasahan na matatanggap pa kita bilang anak ko!” Bantang tinig nito.
Parang binagsakan ng langit at lupa ai Kristine sa katagang binitawan ng kaniyang Daddy.
Bakit kailangan pang humantong sa paraan na ganito?
Ganito na lang ba makasalanan ang maaga kong pag-bubuntis?
“P-Please Gabriel, huwag mo naman gawin ito sa anak natin. Nag-kamali lamang siya.” Impit na iyak ni Mommy, at patuloy na nag-mamakaawa sa harapan ni Daddy. “Bigyan mo siya ng pangalawang pag-kakataon. Alam kong may rason din ang anak natin.” Kinurot ang puso ni Kristine ng makitang umiiyak na rin ang Mommy niya sa tabi niya.
“You leave me no choice Rosinda!” Final na tinig nito. Nag-simula nang mag lakad si Daddy palayo.
Sa bawat hakbang nito palayo, nag bibigay sakit at kirot sa puso ni Kristine.
“Si Mark po.” Basag kong tinig, sa pagitan ng aking pag-iyak. Awtomatiko naman napatigil si Daddy sa pag-lalakad pero hindi niya pa din ako magawang harapin.. “Si Mark Samuel Montecillo po Daddy. Siya po ang naka-buntis sa akin” Kasabay ng pag-buwal ng pag-iyak ko sa harapan nito.
“Ano?! Ulitin mo nga ang sinabi mo Kristine?” At sa pag kakataon na ito, hindi na ang mga magulang ko ang nagsalita. Kundi ang bagong dating lamang.
Hinanap ko kong saan nag- mumula ang tinig at ganun na lamang ang gimbal na lumukob sa dibdib ko ng makita si Kuya Reynard, na naka-tayo sa isang tabi.
Lingid kasi sa ka-alaman matalik na kaibigan ni Kuya Reynard si Mark.
“Seriously? All of this people? Si Mark talaga?!” Mang-uuyam na tinig ni Kuya at kasabay ang pag kuyom ng mga kamao nito sa galit, na halatang narinig nito ang pinag-usapan naming dalawa ni Daddy.
Lalong naragdagan ang takot sa puso ni Kristine, dahil sa mag-kakapatid si Kuya Reynard sa lahat ang short-temper at mahilig makipag-basag ulo. “Papatayin ko ang hayop na iyon!” Tiim-baga nitong tinig, na nag pakaba pa nang husto sa dibdib ko.
“K-Kuya please. Don’t hurt him.. Kuya.” Nanginig ang aking mga paa na lumapit sa kapatis ko, at patuloy na nag-mamakaawa. “K-Kuya. Please Kuya, huwag po. Please.” Patuloy kong pag-iyak sa harapan ko, na wala na akong makuhang emosyon sa mga mata niya.
Nag martsang nag-lakad si Kuya Reynard palabas ng Study room na animo’y handang makipag-patayan. “Kuya! Kuya Reynard!” Habol kong tinig pero dire-diretso lamang siyang nag lakad palayo.
“Reynard, bumalik ka dito. Reynard!” Sigaw ni Mommy.
Kahit na-ngininginig ang aking mga paa, hinabol ko pa rin si Kuya Reynard dahil baka tuluyan nitong patayin si Mark kapag nag-kataon.
“Whoa, anong nangyari dito?” Bungad na tinig ni Kuya Glenard na halatang kakarating lamang, na pinigilan ako. “What happened sis? Bakit ka umiiyak?” Takang tinig ni Kuya at hinawakan ang balikat ko.
Siya lamang ang kakambal ni Kuya Reynard. Pero sa lahat, si Kuya Glenard lamang ang kasundo ko, dahil napaka-bait ito.
“K-Kuya Glenard, make Kuya Reynard stop p-please. Make him stop.” Taimtim kong pag- mamakaawa sakaniya sa pagitan ng pag-iyak, at wala lamang akong narinig na kong anong tinig dito. “P-Please Kuya.” Takang bumaling ng tingin sa akin si Kuya Glenard.
Make them stop.
Please.
Doon na humagolhol ng iyak si Kristine.