Chapter 21 Half-Blood
Dawn’s POV
Nawalan na ng malay si Silver gaya nung una naming encounter. Hindi ako mapakali, habang tumatagal, yung cursed niya ay lumalakas din kaya wala na akong magawa kanina. Nagpalabas nga ako ng kapangyarihan kanina para mabawasan yung kati na nararamdaman niya pero parang walang talab sa kanya, hindi nga niya siguro namamalayan.
Nagtaka ako nung sinabi niyang sino ka, akala ko nakalimutan niya ako pero mukhang ang cursed niya ang nagpaparamdam sa kanya. Ano na naman kayang sinasabi nun kay Silver? Hindi ako sigurado kung buburahin pa ba nun ang mga sinasabi niya kay Silver or hindi na.
Tsaka bakit sa dami ng araw na magparamdam ang cursed niya ay ngayon na naman ulit? Mukhang mapapadalas na ang labas nito sa mga susunod na araw.
"Covenant." salita ko sa isip ko.
"Dawn" sagot naman nito.
"What's happening? Bakit nangyayari nato ngayon? Possible ba na makalabas sa mga susunod na araw ang cursed niya?" tanong ko dahil parang instinctually ganun ang nararamdaman ko. Parang ayaw nito na lalapit ako kay Silver or kung ano man ang intensyon nito.
"Possible. Hindi ko nga din inaasahan na makalabas yun ng isang araw eh. Pero mukhang wala naman siyang sinaktan."
"What about the prophecy? Nakasaad ba sa propesiya na makalabas ang cursed niya bago siya mag 18? Diba ang sabi mo sa akin na 18 pa mag activate ang kapangyarihan nito at maging isa sa cursed niya?"
"Tama. Yun ang alam ko, sa ngayon mukhang restricted pa ang kaya niyang gawin pero napapalabas niya ang sarili niya kung kinakailangan, hindi ko din alam ang dahilan o may mga triggers bah, but sa nakikita ko ngayon lumalakas ang cursed niya, possible enough na hindi mo kayanin balang araw Dawn."
"What could be the trigger?" tanong ko at napatingin sa mukha ni Silver.
"Maybe her feelings for you. You can expect na sa mga araw na magkasama kayo ay lalabas ito bigla. Sa ngayon ay hindi pa naman gumagawa ang cursed niya na nakakahamak sa ibang tao, bantayan mo lang ng mabuti Dawn. Aalis muna ako." hayyy, as the day goes by, ay napalalapit ang araw kung saan magwawakas ang propesiya. Although we still have enough time pa before our next birthday. Yes, magkapareho kami ng birthday ni Silver. But ngayon na mukhang magpaparamdam na ang cursed niya ay parang ang hirap lang sa situation namin bilang mag-girlfriend.
Tatawagin ko nalang si Annie, mukhang nandoon padin sa Southville sina Cher at Anna, pero si Annie lang muna ang tatawagin ko dahil may kailangan ako sa kanya.
Since water yung kapangyarihan niya, kaya ko din yung imanipulate para makausap siya. As long as it's nature, it's within may reach, kaya kong imanipulate ang nature. But I really feel bad if I'm not asking permission. Nature can actually communicate with me and vice versa. If nasasaktan sila, malalaman ko yun, pero paminsan minsan, pag tulog ako, hindi ko yun namamalayan.
Nagpaalam muna ako sa tubig bago ko ito sinabihan na pakirelay yung message kay Annie. Pinapapunta ko siya dito kasama ang mama ni Silver. Isang beses ko lang nameet yung mama niya nung pumunta ito sa palasyo but hindi kami nag usap. Siguro alam na nun kung sino ako at ang mga royal guards ko. Makwento si ama eh.
Habang wala pa sila ay tumabi muna ako kay Silver at natulog. Pagkagising ko, ramdam kong may mga tao sa kwarto ko.
What the heck?! Ang sabi ko yung mama lang ni Silver yung dalhin, bakit nandito ang buong barkada nila? Pati din ang mga royal guards ko except kay Hereum. Nagtatampo yun, kaya hindi ko din alam kung kailan yun babalik dito pero babalik yun. Hindi yun makatiis, eh ako ang may hawak ng break sa agreement na yun, kaya malamang guguluhin ako mamaya or bukas nun. Or kung nagtampo talaga siya, baka months pa.
"You're awake Dawn. Wag mo namang masyadong yakapin si Silver na parang wala ng bukas. Hindi yan nauubos hahaha" sino ba toh? brown-haired with brown eyes? Basta siya ang nagsabi dun.
"Ako nga pala si Mina, ito naman si Alex, yan si Rania, at si Mara naman, ang ina ni Silver." sabi nung browned-haired girl, okay I get it, yung black haired ay si Alex tsaka black lang din ang kulay ng mata. Itong mama ni Silver, ay black lang din ang buhok pero green ang mata gaya nung guard ni ama na si Lawrence.
"Annie." Tawag ko kay Annie na may pinaparating, dahil hindi siya tumapad sa usapan. Pero ang bruha, ningiti-an lang ako. Hayyy. Umupo lang ako sa kama ko habang nakatingin sa kanila.
"Mind explaining why you're hugging my daughter?" pagkarinig ko nun ay parang tumayo yata ang balahibo ko. She's not an Arklarian, iba ang aura niya. Parang conceal pero nung nagsalita siya, hindi niya natago. Tsaka okay lang naman siguro na umamin sa mama ni Silver noh na mahal ko ang anak niya at girlfriend ko na din ito.
Yumuko muna ako as a sign of respect tsaka nagsalita, "Mahal ko po ang anak niyo at..."
"girlfriend mo na?" cut off nito sa sinasabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan, ganito pala ang feeling ng pinakilala ka sa magulang ng taong mahal mo, ae no hindi pinakilala, naglakas lang ng loob umamin sa magulang. Gosh, pinagpapawisan yata ako.
Tumango lang ako bilang sagot at yumuko. Tapos narinig ko nalang na nagtatawanan sila. What the???
Tumingin ako sa ulit sa harapan at nakita kong tumatawa padin sila. Si Tita Mara naman seryoso lang.
"Dawn, you're aware of what's going to happen, right?" pagkasabi ni tita Mara nun ay tumahimik yung mga nandito sa room.
"Opo"
"Why? Ipaliwanag mo sa akin ng hindi ka nagsasabing mahal mo siya."
"I... I want to save her"
"Save her? How?"
"I.. don't know yet.. but I'll find a way..."
"Dawn.... you can only change the process but the ending would still be the same. You can't change the ending."
"I'll try" sabi ko habang nakatingin na kay Silver ngayon.
"Did you see her stomach and her back?"
"Ah, No."
"Hmmm... that's where the mark of her cursed lies. But nasa likod lang naman talaga yun nong una, pero ngayon nasa tiyan nadin niya ito kung hindi ako nagkakamali, at sa tingin ko lumalaki na ito ngayon." sabi ni Tita Mara at pumunta sa kay Silver para sana tingnan ito pero pinigilan ko siya.
Nagtataka naman siya sa akin kung bakit ko siya pinigilan. Kaya tumingin ako sa mga tao sa room, sinundan niya ang tinitingnan ko.
"They know. I already told them bago ka gumising. Besides wala ng dahilan para itago pa." sabi niya at akmang titingnan ang tiyan ni Silver pero pinigilan ko siya ulit.
"Bakit?" tanong niya na nakakunot ang noo.
Narinig ko nalang na tumatawa si Annie at sumunod yung iba.
"Seriously Dawn? May side ka pala na ganito? Hahaha don't worry Dawn, sa tagal na naming magkakaibigan, nakita na namin ang tiyan ni Silver, yung likod lang ang hindi hahaha" bwiset na Annie toh, tinatawanan talaga ako. Yung iba naman ay tumawa din, yung mga guards ko nagpipigil ng tawa. Nagtssk nalang ako, tsaka ako nagsign sa mama ni Silver na ipagpatuloy yung gagawin niya.
Nang medyo itinaas nito ang suot ni Silver para makita ang tiyan nito ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Itim na ang kulay ng tiyan niya at may mga violet na parang mga ugat pero para itong tumatakbo sa iba't ibang bahagi ng katawan niya.
"What's happening?" rinig kong tanong sa isa sa mga kaibigan niya.
"Haayyy, you can expect that in the incoming days, nagiging ibang tao siya. If ever gray ang mata ni Silver ay siya pa yun, pero pag violet ito ay ang cursed niya na ito, pero sa pagkakaalam ko mild palang ang violet na kulay, ibig sabihin may mga restrictions pa ang cursed niya. But pag ang kulay ng puti na part ng mata ay nagiging itim at parang may veins dito na kulay violet, tapos dark violet na ang kulay ng pupil ng mata niya, that's the time na... mahirap ng pigilan si Silver."
"If that's the case, bakit di nalang.... nevermind." sabi bigla ni Cher.
"I get what you're trying to say. Silver can't be killed dahil hindi iyon hahayaan ng cursed niya. Hindi rin siya makukulong dahil hindi din yun hahayaan ng cursed niya. At isa pa, ang covenant of love lang ang may kakayahang pumatay sa kanya. At hindi siya mamamatay hangga't hindi pa dumating ang araw na maghaharap ang dalawa." sabi pa niya.
"Besides I won't let anyone kill her." Natigilan kami doon. Ibig sabihin poprotektahan niya si Silver hanggang sa huli. Kahit kalabanin pa niya ang mga covenants.
"Bakit?.. Bakit mo yan gagawin kung magiging masama si Silver balang araw?"
"I have faith." sabi nito at kitang kita ko kung paano matigilan si Rania at tumingin ito sa akin tapos kay Silver. What's with her? Parang may pinaparating ang tingin na yon.
Yung iba hindi naintindihan kung ano ang pinaparating ni Mara sa sinabi niya. Hindi din ako sigurado sa pinaparating niya.
"Besides, she's a half-blood"