Chapter 21: Mark My Words

Silver's POV

I wonder kung anong nangyari. Kumakain kasi kami ni Dawn ng bigla siyang natigilan dahil may umaatake daw dito sa Northville. Kaya daw aalis muna siya para puntahan iyon. Eh hanggang ngayon di padin nakabalik. Nagpumilit nga akong sasama sa kanya pero sinabihan lang ako na mabilis lang daw siya.

Kaya di ko mapigilang magpabalik balik lakad dito sa may dining room. Asan na kaya yun? Wala sanang mangyaring masama kay Dawn, nakuuu lagot talaga sakin kung sino man ang manakit sa kanya kahit wala akong kapangyarihan, gagawan ko talaga yun ng paraan.

"Chill Silver, I'm here now." sabi bigla ng isang boses sa likod ko. Kaya dali-dali akong humarap sa kanya at naglakad palapit.

"Anong nangyari? May nakapasok bang kalaban dito?" tanong ko sa kanya kaagad.

"No. Just your friend and my right hand guard was fighting" sagot niya. Di ko maiwasang magtaka sa sinabi niya, sinong friend ko na nakipag away kay Hereum? Eh ang lakas kaya ng level 5 demon, tapos nakipaglaban doon? Kamangha friend hah. Tsaka wala namang troublesome sa friend ko eh. Kaya sino yun?

"Sinong friend? Tanong ko kay Dawn na ngayon ay hawak-hawak ako sa kamay at naglakad sa kung saan. Sumusunod lang din ako sa kanya.

" Si Rania" Oohhh? Talaga si Rania? Kailan pa yun nakipag-away? I mean, mahilig yung tumulong sa mga api, pero pag walang reason naman, hindi yun nakikipaglaban. Pero bakit yun nakipaglaban?

"Ba't sila naglalaban? May ginawa bang mali si Hereum? Sa pagkakaalam ko kasi kay Rania ay hindi yun nakikipaglaban kung wala namang dahilan." sabi ko sa kanya habang naglalakad padin kami. Saan ba ako dadalhin nito?

"Mukhang may nakapagsunduan silang dalawa. Pero bahala na ang dalawang yun, basta next time wag silang maglaban ng pinapatay ang kapaligiran." sabi ni Dawn, sensitive pala talaga siya pagdating sa nature. Kunsabagay parang may connection siya sa nature eh, nagawa nga niyang pasunurin yung mga halamang ginawa niyang bed para sakin dati. Pag-iniisip ko yun di ko maiwasang mamula, ang sweet kasi talaga nito

Huminto kami sa isang pinto. Normal lang siya tingnan pero may nakasulat na hindi ko mabasa-basa. Sasakit lang ulo ko pag pilitin ko yung basahin. Saan ba toh? Hindi naman ito ang kwarto niya dahil doon ako nagstay mula nong dumating kami dito.

Binuksan niya ang pintuan habang hawak-hawak padin ang kamay ko. Pumasok kami doon pero wala akong makita, ang dilim kasi.

Huminto si Dawn kaya huminto din ako. Di ko mapigilang pisilin yung kamay niya, medyo nakaramdam ako ng kaba. Anong meron dito?

Pansin ko biglang may nag glow na kulay blue, yun pala ay ang isang mata ni Dawn na palagi niyang tinatakpan sa buhok niya. Bakit naggo-glow yung mata niya? Ano kayang meron sa mata niya na yan?

Tapos biglang nagliwanag yung paligid. Natulala nalang ako sa aking nakikita, ang ganda, sobraaaa. Yung paligid na nakikita ko ay gawa ng crystal na kakulay ng mata ni Dawn, tapos sa pinakadulo ay may upuan doon na parang upuan ng isang reyna, tapos nakaukit sa upuan ay parang isang heart na may mga tinik at kulay red ito. Hah? Ba't red? Yan lang ang kulay na naiiba sa room na toh.

"Welcome Silver. This is my hideout, or should I say, my room as a covenant." sabi ni Dawn tapos ngumiti ng konti. Hindi ko alam pero parang malungkot talaga siya? o ako lang nag-iimagine na ganun?

"And that one" sabi niya sabay turo sa upuan na may symbol na heart na may mga tinik na nakaturok nito, "ay ang upuan ko bilang holder ng isang covenant. That's also the symbol of my covenant." sabi niya habang nakatingin doon. Tiningnan ko iyon ng mabuti, bakit may mga tinik yung heart? Ano ba yan ba't naman ganun.

"Bakit may mga tinik yung heart Dawn, tapos nagdurugo pa?" sabi ko sa kanya at ngayon naman ay siya na naman ang pumisil sa kamay ko. Oo nga pala, hindi niya parin ako binibitawan, pero okay lang yun basta siya lang hahawak hahaha

"It symbolizes pain." Pain hah? yeah sabagay, when you love, you have to expect that pain is a part of it. Tinitingnan ko ang symbol ng upuan niya, ba’t parang ang lungkot

"Are you in pain Dawn?" hindi ko alam pero ba't bigla kong nasabi yun? Ang insensitive ko sa part na yun, baka hindi comfortable si Dawn, hayyss sira ka talaga self.

Narinig ko siyang nag sigh, "Oo" sabi niya. Ang lungkot talaga ng mata niya, masyadong expressive si Dawn, madali lang basahin yung expression niya, hindi niya naman yata yan sinasadya. Parang genuine masyado, parang ganun ang katangian ni Dawn. Kahit magsinungaling pa yan, sa tingin ko malalaman mo agad na parang may mali o kung may tinatago siya parang ganun.

Gusto ko sanang magtanong sa kanya pero wag nalang. Sasabihin naman siguro niya kung gusto niyang sabihin. Ayokong napipilitang siyang sagutin ang mga katanungan ko and ayaw ko din nakikitang malungkot siya, nakasasakit yun sa damdamin ko. And I feel sad knowing that she's in pain to something I don't know about.

I hold her hand tight tapos pinaharap sa akin "What can I do to make the pain go away, Dawn?" sabi ko dito at lumapit sa kanya para yakapin siya.

Yumakap naman siya pabalik sa akin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Gesture niya talaga ang ganito noh, ang hilig niya sa yakap at pagsandal ng ulo sa balikat, pero okay lang talaga sa akin kasi gusto ko din naman ang feeling pag ganito siya sa akin. Pero siguradong hindi ko magustuhan ang feeling pag ganito siya sa iba.

"Let's just stay like this for now Silver." sabi nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin na para bang ayaw na ayaw ako nitong bitawan.

Hindi ako nagsalita at ganun lang din yung posisyon namin hanggang sa bumitaw siya.

"Thank you Silver. You don't know how happy I am na nandito ka." sabi nito na naluluha.

"Sabi mo you're in pain kanina tapos ngayon sabi mo you're happy pero naluluha ka naman. Parang alam ko na kung bakit ka holder ng covenant mo." sabi ko dito habang hinahaplos yung mukha niya at pinahid yung tumulong luha sa mata niya. Natawa naman siya sa sinabi ko. May nakakatawa ba doon?

"Dawn naman seryoso ako, bat mo ako tinawanan" sabi ko dito habang nakapout sa kanya.

"Seryoso din naman ako Silver." sabi nito na ngayon ay nakangiti na. Ang bilis naman magbago ng mood nito?

"Seryosong seryoso ako sayo Silver." sabi nito at unting-unti lumalapit sa akin habang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok, at bigla akong kinabahan. Unti-unti din akong umaatras tapos siya naman ay humahakbang palapit ng palapit sa akin.

Tapos bigla siyang tumawa "hahaha ang cute mo talaga Silver." pinagtritripan ba ako nito?

Mukhang nabasa niya yung expression ko, "Hindi kita pinagtripan, hindi ko lang talaga maiwasang tumawa at mapangiti ng dahil sayo. Tsaka hindi pa naman kita hahalikan hanggat walang permisyon mo." sabi niya at ngumiti na namumula, hindi ko din maiwasang mamula, ba't ganun yung sinabi niya? Alam niya bah ang epekto sakin nun? Ang bad niya huhuhu hindi ko tuloy maiwasan na mapatingin sa labi niya, kaya dali dali akong tumingin sa ibang direksyon.

Naglakad ako bigla palapit doon sa upuan niya, para makaiwas medyo sa kanya at sa nararamdaman ko ngayon. This is getting weirder habang tumatagal na kasama ko siya, parang may magnet na humahatak sa akin palapit sa kanya. At habang tumatagal, parang ayaw ko ng mahiwalay sa kanya. Ano bang nangyayari sa akin?

Hahawakan ko sana ang upuan niya ng biglang hinawakan ni Dawn ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya.

"Bawal Silver. Masasaktan ka pag hahawakan mo yan." sabi niya at pinisil pisil ang kamay ko at hinaplos haplos ito sabay ihip dito. Nakatitig lang ako kay Dawn. Kaya nga ako pumunta dito sa may upuan eh para medyo makalayo sa kanya pero bakit parang doon padin hahantong sa paglapitin kami ni Dawn. Tsaka ba’t niya inihipan ang kamay ko eh hindi naman yan nasaktan dahil kinuha niya agad. Si Dawn talaga.

Tumingin bigla si Dawn sa akin at ngumiti. Rinig na rinig ko ang heartbeat ko habang nakatingin sa kanya. Pumikit nalang ako at yumuko.

"Are you okay, Silver?" nag-alalang tanong ni Dawn. Naweweirduhan na siguro toh sa akin ngayon.

"Yeah, I'm fine." sabi ko sa kanya at ngumiti din pabalik.

"Uhm, Dawn."

"Yes?"

"Uhm, would it be okay if sasagutin na kita now?"

"Hah?" tanong niya at parang nagtaka tsaka hinintay yung kasunod kong sasabihin.

"Yes ang sagot ko. Sinasagot na kita." sabi ko sa kanya habang nakangiti. Si Dawn naman ay parang natigilan, at bigla nalang din ngumiti pabalik at namumula ang buong mukha hahaha kinikilig yata hahaha Ang cute sobraaa hahaha

Tsaka nagdecide nalang ako na ngayon siya sasagutin, dahil dun din naman hahantong yun, tsaka wala akong dahilan para hindi siya sagutin kaya ngayon na lang. Ba’t ko pa patatagalin kung pwede namang ngayon hahaha sasabihin ko nalang kay mama at sa mga kaibigan ko pagbalik ko ng Southville.

Natigilan ako bigla ng biglang kumati ang likod ko, kaya hindi ako mapakali, ang kati kati at parang tumatakbo pa papuntang tiyan ko. Pumikit ako dahil sobrang kati, sheeettt, ba't ngayon ulit nagparamdam toh. Mukhang namalayan ni Dawn na parang may mali sa akin.

"Silver are you okay? Silver?" Naririnig ko ang sabi ni Dawn, pero sa sobrang kati ng nararamdaman ko, parang ang hirap sumagot ng Oo.

"Ang kati, Dawn" sabi ko at binuksan ang mata ko, doon ko lang narealized na violet na yung paningin ko at sobrang kati pa ng katawan ko. Mukhang natigilan din si Dawn dahil nagbago ang kulay ng aking mata pero dali dali padin itong pumunta sa akin at akay akay ako.

"Hahahahahaha" may naririnig akong tawa, ang creepy pa, sino ba yun?

"Nabihag na ng tuluyan ng Love ang puso mo Silver sa kunting panahon lang. As expected kay Love, parang ang dali-dali lang talaga sa kanya na kunin ang gusto niyang kunin mula sayo. Alam mo ba kung anong ibig sabihin nito? Hahahahahahah" sino ba yun? Ba't ang ingay naman ng boses na yun. Tsaka anong sinasabi nun? Kaya tumitingin din ako sa kahit saang sulok nitong room nato habang akay-akay ako ni Dawn.

"Sino ka?" sabi ko doon sa boses, magkapareho nung napanagipan ko na boses dati na hindi ko maalala kung ano ang sinasabi, pero teka panaginip ba talaga yun?

"Ako toh Silver, si Dawn" sabi ni Dawn na walang ka-ideya ideya na iba ang sinabihan ko sa tanong na yun.

"Ang kati" sabi ko. Hindi yata mapakali si Dawn, kaya bigla kaming nawala sa room niya na yun at nandito kami sa kwarto niya. Dito niya ako dinala.

"Hindi ka dapat nagpapabihag sa taong kikitil ng buhay mo Silver. Naghuhukay ka ng sarili mong libingan." sabi ulit ng boses. Nakikinig lang ako sa kanya. Tsaka anong sinasabi nito? Taong kikitil ng buhay ko? Si Dawn? Impossible naman yata yun.

Si Dawn naman ay nararamdaman kung hinalik-halikan ako sa noo at ihiniga ako sa bed niya at hinawakan ang kamay ko. Ang kati talaga sobra, blurry nadin ang paningin ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Silver, stay strong. Okay? Nandito lang ako." Rinig ko ang boses ni Dawn. .. Dawn.. love.

Narinig ko ulit yung boses kanina na nagsalita, "I don't mean to sound harsh Silver, but at the end of the day, ako ang kakampi mo. The person holding the covenant of love is not someone you're meant to fall in love with nor someone you can trust, but an enemy that is designed to kill you when the time comes Silver. Mark my words" yun ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.