Chapter 16 Mortifer
Silver's POV
Nagising ako sa hindi familiar na lugar. Saan ba toh? Teka, di ba nandoon kami sa cursed creature territory? Ba't iba na ang aura ng lugar na ito kaysa doon?
Nandito kaya yung mga kasama ko? Asan sila? Iniwanan ba nila ako? Ba't ako lang mag-isa dito? Saan sila, ligtas kaya sila?
Tiningnan ko ang paligid tsaka ang hinihigaan ko. Bulaklak, wow pero kawawa naman toh, ang bigat ko pa naman, baka malanta siya kaya dali dali akong bumangon.
Pagtingin ko dito sa hinihigaan ko na mga bulaklak ay bumangon din ito. What? Buhay sila? At parang nagwawave. Is that their way of saying hello?
I wave my right hand in front of them and nagpasalamat. Tumingin ako ulit sa lugar, may naririnig akong agos ng tubig kaya naglakad ako sa kung saan ko naririnig iyon. Para din kasing may presence ng tao na nandito baka isa sa mga kasamahan ko.
Habang naglalakad ako, tinatawag ko din ang mga kasamahan ko, baka kasi nandito at iniwan lang ako o di kaya babalikan ako doon, tapos wala naman ako dahil umalis ako doon.
"Anna?"
"Emma?"
"Guys? Asan kayo?"
"Guys?"
Tawag lang ako ng tawag, wala namang sumasagot. Hayyy bahala na lang nga.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa dumating ako sa may falls, wow ang ganda dito. Parang gusto ko tuloy maligo.
Pumikit ako saglit at dinama ang hangin sa paligid at ang tunog ng tubig at kagubatan.
That's weird. I noticed that there's a presence of something or someone under water. Kaya pumunta ako sa may tubig, at tiningnan ang reflection ko. Is this water, safe? Tsaka mukhang malalim din. Para kasing presence ng tao eh ang naramdaman ko mula sa tubig nato. Ito nga yung naramdaman ko na presence simula pa kanina pero bakit nasa ilalim ng tubig?
Ilalagay ko na sana ang kamay ko sa tubig ng bigla may umahon mula dito. For a moment, para akong tinakasan ng dugo at dali daling tumalikod.
Shit, my eyes. Wala, wala akong nakita. Wala talaga huhu. Wala talaga
Weeeehhh talaga wala? Bwesit na isip toh. Di ko tuloy maiwasan na mamula. Kinakabahan ako sobra. Sino ba toh, wag sana siyang magalit. Hindi ko naman sinasadya.
"You're awake now, mukhang nakatulog yata ako dito sa tubig. Sorry" teka, familiar ang boses niya. Tsaka natutulog sa tubig?
"Nagugutom ka na ba?" shit, no, don't tell me si Dawn toh? Kaboses niya talaga eh. Pero yung presence is hindi ko pa maidentify dahil hindi ko pa naman masyadong nararamdaman ang mga aura ng tao nung napunta kami sa palasyo.
The thought na si Dawn toh tapos tapos.. basta.. jusko lupa, ilibing mo nako dali.
"Dawn?" tanong ko, just to clarify if siya talaga.
"Ako nga, why? Are you expecting someone else?" tanong niya at hindi pa din ako humaharap sa kanya baka ano na naman makita ko. Siya nga talaga, nakakahiya,, lupa lamunin mo na ko, hindi ako papalag huhu
"No, I just didn't expect na ikaw pala ang nandito. Akala ko kasi, isa sa mga kagrupo ko." sabi ko sa kanya. Kinakabahan talaga ako sobra pero buti di ako nautal, at parang hindi ko na yata siya matingnan ngayon. Pero yung mga kasama ko? Asan kaya?
"Teka nga pala alam mo ba kung nasaan na sila?" tanong ko sa kanya.
"I guess they're now back at Southville. I sent someone to help them get out of this place." sagot niya.
"Bakit ka ba nakatalikod? Don't worry, ulo ko nalang ang makikita mo" sabi nito na may kasamang tawa. My gosh, nakakahiya. Pulang pula na ako dito.
"Ano.. Princess.. Dawn. Saan pala ang lugar nato?" iniba ko nalang ang usapan, hiyang hiya na talaga ako at sobrang kaba pa.
"Still Northville. Just call me Dawn, Silver."
"Oh nga pala, may pagkain diyan sa ibabaw ng malaking bato. Kumain ka muna. Don't worry kanina ko lang yan niluto bago ako maligo dito." she knows how to cook? I mean, may mga tagasilbi at tagaluto siya sa palasyo, kaya para sa akin, surprising toh.
"Thank you.. Dawn.. Ikaw kumain ka na ba?"
"Busog pa ako.... kakaisip sayo." sagot niya pero hininaan yung salita niya sa huli kaya hindi ko narinig.
"Uhm, ano. Nakakahiya naman sayo Dawn, sayo kasi ang pagkain na yan."
"That's actually for you kaya wag kang mahiya."
"Sigurado ka hah? Kakainin ko yan."
"Hmmm." sagot lang nito. Ang hilig ni Dawn mag hmmm, as saying yes.
"Ah ano. Hindi ka paba aahon?" tanong ko naman sa kanya, kanina pa siya diyan eh.
"Maya na. Gusto ko muna rito. Pero kung gusto mong dyan ako sa tabi mo, mas mabuti" mahilig pala talaga siya sa tubig. Pero anong??? Dawn naman, hindi niya ba alam na hiyang hiya na ako at malaki pa ang epekto niya sa akin. Tapos ganito siya? Hindi ko tuloy maiwasan mamula.
"Pumunta ka na doon at kumain. Tsaka talikod ka ng talikod. I'm also guessing na nakapikit ka padin?" sabi nito at tumawa na naman ng kunti. Ano ba toh, hindi naman siya ganyan nung una kaming nagkita. Hahahuhu Ang pula ko na siguro.
"Well.. uhm.. yeah, ano... sige punta na ko doon." Bato hah kaya binuksan ko ang mga mata ko at luminga sa sinabing niyang bato daw. Sinigurado ko ding hindi ko siya makikita pero hindi maiwasan sa peripheral vision ko.
Kaya ng makita ko ang sinabi niya ay pumunta na ako doon ng mabilis tsaka kinuha ang pagkain tapos tumalikod sa may tubig. Yung hindi ko siya makikita kahit sa peripheral vision ko.
Hindi siya nagsalita habang kumakain ako. Siguro ayaw niyang disturbuhin ako habang kumakain.
Kain lang ako ng kain dahil gutom na talaga ako, nang biglang may sumulpot sa harapan ko. Isang babae na pula ang buhok, pula ang mata at itim ang kasuotan. The presence is quite uncomfortable. Kalaban ba toh?
"I don't like the smell of your blood." sobrang cold na sabi nito, at parang galit dahil nakita kong kumuyom yung kamay niya bago niya ito itinago sa likod.
I have a feeling, she's someone I don't want to mess with. Yes she's really scary sa aura, but I can’t deny that she’s really good looking. But why do I feel her hatred towards me?
"Hereum" rinig kong sabi ni Dawn. Magkakilala sila?
"Princess, I have a favor to ask." sabi nitong Hereum kay Dawn.
"Sure, what is it?"
"I want to go to Southville as a trainee." sagot nito, habang si Dawn naman ay hindi kaagad nakapagsalita kaya tiningnan ko siya. I really find it weird na kahit na basa yung buhok niya at naliligo pa siya sa tubig ay tinatakpan niya parin ang isang mata niya.
"Can I ask why?" tanong ni Dawn na parang nagtataka.
"I want to know someone." sagot naman ni Hereum na sa tingin ko ay kumalma bigla. I think Dawn noticed it too, yung spark sa mata ni Hereum pagsabi nito sa I want to know someone.
"I see. Sure. But know the do and dont's Hereum, since this is the first time na makikipagsalamuha ka na sa mga tao."
"Yes. Don't worry, wala akong gagawin. May gusto lang akong kilalanin."
"Okay." sagot naman ni Dawn.
"Aalis na ako." sabi ni Hereum at tumalikod para umalis na sana.
"Hereum" sabi ni Dawn at si Hereum naman ay nanatili sa pwesto niya na nakatalikod na kay Dawn.
"This is Silver.... don't..." Patuloy pa sana ni Dawn pero kinut-off siya ni Hereum.
"I know..... But her, a descendant of the creatures I hated the most.... you can't blame me for being disgusted Dawn, but I won't do anything as promised" sabi nito na nakatingin lang sa akin at biglang nawala.
I can't help but wonder about descendant of the creatures she hated the most? Who? Me? What kind of creature? I'm an Arklarian, does she hates Arklarians?
Wala akong maintindihan. Bakit siya galit sa mga tulad ko?
"Sorry about that. That's Hereum, my right hand." sabi ni Dawn sa akin na ngayon ay nasa tabi ko na at nakabihis na din. So, siya pala ang right hand ni Dawn, akala ko si Anna eh.
"What does she mean about the creatures she hated the most? Does she mean Arklarians? And hindi ba siya Arklarian?" tanong ko kay Dawn, nalilito ako sa sinabi ni Hereum kanina.
"No, she's not an Arklarian, Silver. Hereum is a level 5 demon." Level 5 demon? Hah? Demon? Tama ba yung narinig ko?
"Demon? Paano?" tanong ko sa kanya.
"Yes she's a demon and she's been here for almost 20 years. So you can consider that she's a citizen of Arklaria"
"But what does she mean about me being the descendant of the creatures whom she hated the most?" tanong ko tsaka yumuko. Si Dawn naman ay tumahimik muna saglit. Mukhang nag-iisip kung anong sasabihin sa akin.
"Hereum's family was killed when she was just a kid. She witnessed everything that day, and was the only one who survived in their family. From what I know was that someone saved her that day, and raised her as a good demon, but I can't blame her if there is still hatred that remains in her heart. After everything that happened to her at a young age, it must be so hard." sabi niya na halata sa boses na malungkot at nakatingin lang din ito sa malayo. Pero bakit niya sinasabi sa akin iyan?
"I'm sorry to hear that" sagot ko nalang, I know na hindi niya sinagot ang tanong ko. Tsaka is it okay to tell me things like that? I mean hindi kaya magagalit si Hereum pagmalaman niya? But I guess, she'll understand. Tingin ko naman ay malaki ang respeto niya kay Dawn.
"Mortifer" hah? Anong Mortifer ang sinasabi niya?
"Hah?" tanong ko.
"Creatures called Mortifer was the one who killed Hereum's family."
"Is that what she means about the creatures she hated the most?" tanong ko kay Dawn, nalilito parin ako kung bakit sabi ni Hereum sa akin ay descendant daw ng nilalang na pinakaayaw niya.
"Hmmm." sagot naman ni Dawn habang tumango ito.
"Why would she said that I'm a descendant of that creatures? Ngayon ko nga lang yan narinig" tanong ko sa kanya na nagtataka. Sa daming creatures na binanggit ng mga tao sa paligid ko, ngayon ko lang talaga narinig ang tungkol sa mga Mortifers. Ano naman kaya yan, ang dami namang creatures na hindi ko alam hayyy
"Hereum knows what creature you are based on how you smell, more likely she can smell your blood. As for your question about descendants, I don't know much, but I do believe that you're not an Arklarian, Silver, based on how you look." sagot niya sa akin. Hindi ko maintindihan, bakit hindi ako Arklarian? Eh dito naman ako ipinanganak at lumaki diba? or si mama, Arklarian naman siguro siya? or yung ama ko?
Come to think of it, wala akong masyadong alam kay mama pati nadin sa pamilya niya at sa ama ko at ang mga magulang nito o mga kapatid. It's like my whole existence is a mystery. Deserve ko ba toh? Ang dami kong tanong na sa tingin ko ay si mama lang din ang makasagot, pero hindi naman ako sasagutin pagmagtanong na ako.
"Silver, are you okay?" nag-alalang tanong ni Dawn sa akin. Tumingin lang ako kay Dawn bago ako nagsalita. For some reason, I'm sad today and nalilito din ako.
"I don't know." sabi ko nalang sa kanya. Naglakad siya papunta sa akin at niyakap ako. Nakatayo lang ako habang siya ay niyayakap ako.
"Whatever it is in your mind. Whatever creature you might be. I want you to know that I'm thankful. I'm thankful that you exist and I'm thankful that we get the chance to meet. I'm thankful that you're here, Silver." sabi nito sa akin habang nakayakap pa rin. Niyakap ko din siya pabalik. I like this feeling. I feel so safe when I'm with her.
I'm thankful too that I get to meet you, Dawn. And I can't deny the fact that you make my heart beat faster than usual. Is this even normal?