RYLENE
“ invitation” nasa sala kasi si ashley.
“ invitation saan?” tanong niya.
“ tignan mo” pinulat niya at tinignan niya kung ano, naka tingin lang ako sakanya habang binabasa niya.
“ mmm.. best wishes sakanila” sabi niya.
“ ang bilis nga ih, mukhang ni ru-rush niya pa nga…. hayyyy kawawang axe” sabi ko.
“ ni ru-rush tapos kawawa??” tanong niya.
“ oo… ni ru-rush kasi broken hearted at diyan niya na lang binubuhos ung time niya maski ayaw niya kay rizi…. kawawang nilalang” tinitignan ko ang reaksyon niya.
“ hayaan mo na sila rylene, gumagawa ka lang ng iisipin mo” sagot niya.
“ sabagay.. ikaw kailan naman ang kasal niyo ni drei?? Halos mag kasama kayo araw araw”
“ walang kasal… kaibigan ko lang iyon” sagot niya.
“ ganun ba…sa tingin ko kasi kulang na lang kasal sainyo eh” kumunot ang noo niya at tinignan ako.
“ may problema ka ba saakin rylene?”
“ wala…meron ba ??” tumaas ang isang kilay niya.
“ parang wala lang sayo ih…nalaman mong hindi talbog ung tseke, andami mong sinabi na masasakit sakanya tapos sabi mo nahulog ka sakanya, ang gulo mo…kasi kung ako gagalaw ako hindi ung andiyan ka lang naka upo na parang wala lang”
“ nakita mo naman rylene diba ikakasal ung tao, ano gusto mo tawagan ko si axe at maki pag kita para maki pag usap???!!”
“ oo!! Iyon ang dapat mong gawin kaysa iniluloblob mo ung sarili mo kay drei at diyan sa pagkain ng marshmallow”
“ ashley kung ayaw mo na kay axe… okay, pero sana ibigay mo ug peace of mind na para sakanya, kausapin mo siya para na rin maka move on siya sayo”
“ tawagan mo…kahit iyon lang ashley”tumalikod na ko.
--
ASHLEY
Sa totoo lang hindi ko naman lagi kasama si drei, nirarason ko lang. nasa kwarto ako ngayon hawak ang phone at iniisip kung susundin ko ba ung sinabi ni rylene.
RING RING
“ hello?”
“ hi, ahm I just want to asked if you want to sell your ingredients of the coffee that you make, may gusto kasing bumili”
“ hindi lang naman ako ang gumawa non, ikaw kung gusto mo” sagot ko, si axe kausap ko.
“ im busy na kasi kaya hindi ko na maharap ang café maski si rizi so I need pwede namang ibenta total malaki ang offer” sabi niya, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib.
“ ahm…si-sige”
“ okay… come to my office tomorrow” binaba ang phone, umupo ako.
ibebenta na ung café pato na rin ung ingredients nong kape, iyon ang una naming ginawa na sobrang saya namin. Naalala ko, pagod akong kakagawa ng kape kaya naisipan kong mag pahinga kaya siya ang naiwan hanggang nagising ako na nasa sofa na.
he cares so much, aakalain mong jowa ko siya. Hindi siya nag dadalawang isip na tumulong saakin maski mapahamak pa.
Nag paalam ako kay tita na lalabas muna, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero napansin ko na lang na dinala ako ng paa ko sa sementeryo kung saan naka libing ang kapatid ko.
“ masaya ka ba diyan?? Ako kasi dito hindi, ewan ko ba” sabi ko, kailan ba ako tumawa?? Nong time na ginagawa namin ung kape doon lang.
“ Bro alam mo, may tao akong nasaktan”
“ nasaktan ko siya ng sobra sobra, tingin mo kausapin ko siya?” biglang humangin.
Mukhang sangayon din siya na kausapin ko, ilang minuto pa akong nag stay doon at nag paalam na. Bukas na bukas kakausapin ko na din siya para narin maging okay na kami.
--
MAaga akong naligo dahil pupunta ako sa kompanya ni axe, dumiretso na ako at saktong meron siya. Tumingin siya saakin at sinenyasan na maupo.
“ lets wait the buyer” sabi niya, tahimik lang akong nakaupo habang siya nag tra-trabaho.
Bakit ba ako kinakabahan??? Naghihintay lang naman ako, tinignan ko siya na busy sa mesa niya. Napa buga na lang ako ng hangin.
“ something wrong?” tanong niya.
“ hmm?? Wala” sagot ko.
“ you seems tensed, kung gusto mo aalis ako” umiling ako
“ okay lang… trabaho ka lang” sagot ko, sumandal ako at pumikit na lang para hindi siya makahalata.
--
Naka idlip ata ako…naramdaman ko na lang kasi na may sumasagi sa pisngi ko.
“ what happen to you?? Pumayat ka, ung kinang ng mga mata mo wala na, mukhang hindi ka pan ngumingiti simula nong kasama mo ako… what are you doing to your self ashley??” hinayaan ko lang ang mata ko na naka pikit.
“ is that because of me??”
“ sorry kung pinapahirapan ko ang buhay mo” dagdag niya, ung dibdib ko nasasaktan sa mga naririnig.
“ don’t worry this will be the last na makikita mo ako, ayoko sanang ibenta ung ginawang nating kape kasi iyon ang kaisa isang memory na napaka genuine ng ngiti at yakap mo saakin”
“ Pero mas okay iyon para maputol na ung mga memories natin…. i think its time to move on, its time to have our own path, its time na mag mahal naman ako ng iba” napakuyom ang kamao ko.
“ let me say this for the very first and last, I love you” hindi na mapigilan ng luha ko na tumulo, hindi ko parin minumulat ung mata ko.
Knock knock
“ sir andiyan na po ung buyer” tumayo na siya, ako na inimulat ung mata at pinahid agad ung luha ng pasimple tsaka umakto na kagigising lang.
“ sakto gising kana, andiyan na ung buyer” sabi niya.
“ huh??”
“ Bakit???”
“ Ma-masama kasi pakiramdam ko pwedeng tsaka na lang muna?”
“ talaga?? Do you need anything?” tanong niya.
“ wa-wala… mukhang kailangan ko lang ipahinga ito, okay lang ba?”
“ ahm… yeah, ako na lang bahala kumausap sa buyer”
“ oo paki sabi sa susunod na lang” pangrarason ko.
“ okay…gusto mo ba ihatid kita??” kita ang concern sa mukha niya.
“ kaya ko, pasensya na hah akala ko kasi kaya ko kahit masama pakiramdam ko”
“Its okay” sagot niya.