ASHLEY
“ do you think na sex lang ang pakay ko sayo?? Manhid ka??”
“ why I am always there when you need me?? Why I am still here even you lied at me?? Why I am here facing you even im hurt” napalunok ako.
“ from the first time we encounter ashley, you got me already… ikaw na never tumingin saakin kundi bilang client lang”
“ pero ngayon malinaw na kasi hanggang ngayon hindi pa malinaw sayo kung ano ka saakin tapos sasabihin mo pang palipas?? Damn ashley! Mahal kita! Ung sex, iyon lang ang naiisip kong way para makasama ka kasi everytime na gusto kitang lapitan lumalayo ka…para akong may sakit na nakakahawa dahil lagi kang lumalayo saakin”
“ ung isang taon pinilit ko, pinilit kong kalimutan ka pero nakaka gago lang kasi ayaw ng isip ko at puso ko, kumbaga pagod na ung katawan ko pero ung isip at puso ko ikaw parin ang gusto”
“ im tired… im really really tired pero nananaig ung dalawa( puso at isip)”
“ kung pagod ka di sumuko kana, susuko din ang isip mo at puso mo…. Kasi ako hindi ko na kayang makasama pa ung taong dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko…. axe ung bayad mo na iyon na tumalbog ay para sa kapatid ko na naghihingalo”
“ kung mas maaga akong naka bayad doon maasikaso pa nila ung kapatid ko pero dahil kakahanap ko sayo dahil sa talbog mong bayad nawala na… namatay siya… alam mo ba kung ano sabi saakin, ayaw niyang mamatay kaya nga ako nangako sakanya na maghahanap ako ng pera para sakanya”
“ ung akala kong trabaho na magbibigay saakin ng malaking pera ay kasagutan sa problema ko, dumagdag lang pala sa problema ko”
“ sa tingin mo gusto kong andiyan ka lagi kapag kailangan ko ng tulong??”
“ sa tingin mo gusto kong mabuntis mo??”
“ sa tingin mo masaya akong mahal mo ako??”
“ hindi… hinding hindi!!!”
Hindi siya naka imik at naka tingin lang saakin habang ako pinipilit ko ang luha ko na hindi bumagsak dahil kapag ito bumagsak talo ako.
“ okay…. okay…. sorry kung ganun ang nangyari pero naniniwala akong hindi talbog ang tseke na binayad ko sayo pero sige ganito na lang…. lets end this”
“ so… I’ll go ahead first, don’t worry about the bill. Its my farewell treat for you” tumayo na siya at umalis, doon na bumagsak ang luha ko. Sumubo ako ng pagkain para mabaling sa iba ang nararamdaman ko pero mas tumulo pa ang luha ko.
Kapatid, naibigay ko na ang hustisya na para sayo sana masaya kana sa langit. Patuloy sa pag tulo ang luha ko…. kuko hindi lang sana nangyare iyon, hindi ako magpapatumpik pa na sagutin siya.
“ here” tumingala ako kung sino, its DREI.
---
TIM
“ axe tama na, nakarami kana.. halos ubusin mo ung stock nila” wala kaming ibang magawa kundi maawa sakanya, si rylene naiinis pero hindi naman niya kontrolado si ashley kaya naaawa na lang.
“ just let me drink please…. let me drink to forget everything…my life will will change tomorrow, let me drink and savor the moment that we have” ang gulo niya, gusto makalimot tapos gusto alalahanin ung mga nangyari…hayyy…he really love ashley.
“ ano ba ppinagsasabi mong magbabago ang buhay mo…. magiging mahirap kana” pangloloko ko, ngumisi siya.
“ not gonna happen” sagot niya, yabang parin.
“ so ano nga??”
“ tsismoso” natawa si rylene.
“ pakipot ka naman” bwelta ko, ngumisi siya.
“ ang tulad kong gwapo pakipot talaga…kaya ikaw na pangit hindi” ahy anlakas mang asar, akala ko ba broken hearted ito.
“ pero nasaakin na nga ang lahat hindi pa nagustuhan ng taong gusto ko” sumeryoso siya.
“ ganun talaga, hindi lahat papabor sayo maski nasayo na ang lahat” sagot ko naman.
“ yeah.. ganun ata talaga ang buhay” itinugga nanaman ang alak.
“ ohhh tama na… tara naat ihahatid pa kita” umiling siya.
“ like what I said… let me, let me enjoy this night” sabi niya.
“ hayaan mo na siya tim” sabi ni rylene kaya hindi na ako uimik at naka tingin na lang kami sakanya na umiinom.
--
DREI
“ so ganun pala ang mga nangyari” ikinuwento niya ang lahat saakin, malungkot ako dahil parehas naman pala sila ng nararamdaman pero dahil nga sa ganun ang nangyari nagpipigil si ashley.
“ nasayo parin ba ang tseke??”tanong ko.
“ hmm…” sagot niya.
“ May I see” akalain mo hanggang ngayon dala niya.
“ naging palamuti na siya sa pitaka ko” ibinigay saakinat tinignan ko, wala namang mali sa tseke at naka date siya kaya may pondo ito pero bakit talbog.
“ what if ipunta natin bukas??”
“ haha… naku istorbo lang yan, imposibleng magkamali ang banko” sagot niya.
“ lets try it” umiling siya.
“ sayo na kung gusto mo” tumayo na.
“ hatid na kita” sumunod ako sakanya.
--
Kinabukasan dumaan muna ako sa bangko para ipakita itong tseke, maaga kaya una ako. Tinawag na ako at ipinakita ko ung tseke.
“ sir i. d?”
“ ahhh that is not a bounce check?” tanong ko.
“ no sir” sagot niya.
“ pwede tawagan ko muna ung may ari niyan” tumango siya, tinawagan ko si ashley at mga ilang minuto ay dumating na siya.
“ miss the check” sabi ko.
“ ah yes sir… mam i. d niyo po” kumunot ang noo niya.
“ hindi talbog ang tseke” sabi ko.
“ pero sabi nong teller talbog at dito din ako pumunta noon” sabi niya.
“ sino ponv teller??” tanong nong teller.
“ hindi ko kilala pero sa---”
“ mam??! Mam… naku mam ikaw nga, mam sorry noon ah nagkamali ako. Bago lang kasi ako at lutang pa ako hindi ko dinoble check mam sorry talaga” biglang sulpot nong teller.
Hindi malaman kung ano sasabihin pero mukhang naguguluhan na siya, tuloy parin na ipinalit ung tseke at iniabot ang pera kay ashley.
Kinausap ko ung manager ng bangko at humingi din ng paumanhin kay ashley, hindi na nag salita pa at hinayaan na lang kasi nangyari na at lahat ng mga nangyari ay di na maibabalik pa.