Chapter 6
" Ano ba naman yan, wag mo naman - " napahinto ako sa pagsasalita ng malingunan ko si
Tyger sa aking likuran. Bagong gising lang ito at magulo pa ang buhok ngunit ang labis kong
ikinagulat ay ang suot nito. Naka boxer lang ito at walang damit pang itaas. Mygod, ang sarap
naman na almusal nito, bigla akong nagutom. Ang lapad ng balikat nito at literal na may
pandesal ang tigre. Napababa pa ang tingin ko, at , shocks , partner ba talaga ang hotdog at
pandesal sa umaga?
" Enjoying the view, huh " napakurap kurap ako sa sinabi nito at mabilis na inalis ang tingin sa
kanyang baba. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pilyong ngiti sa labi nito.
" Ha? Ah - eh.. andyan ka na pala. Magdamit ka nga at baka sipunin ka naman nyan. "
natatarantang sita ko dito. Umalis ako sa harapan nito at kunwaring busy sa paghahanda ng
lamesa.
" I don't eat breakfast, kainin mo lahat yan" masungit na naman na sabi ni Tyger sa akin.
Napatigil ako sa paglalagay ng plato at muli itong hinarap pero ang loko at nilayasan na pala
ako. Bumalik na muli ito sa silid nito. Bahala ka kung ayaw mong kumain. Hanggang tanghali ko
na ito.
Ilang sandali lang at lumabas na muli ito ng kwarto, nakaligo na ito at nakabihis pang opisina.
Ang bango naman at talagang fresh na fresh ang lolo nyo.
" Sandali lang " humarang ako sa daraanan nito " saan ako pupunta maghapon ? Anong
gagawin ko?"
" Bahala ka sa buhay mo, i don't care. As long as hindi mo dudumihan ang apelyido ko."
Masungit na sagot nito sa akin at diretso ng lumabas ng pinto. Ano ba yan, anong gagawin ko
dito?
Pagkakain ng almusal ay saglit lang akong nagpahinga at naisipan ko na lang maglaba. Dahil
kaunti lang naman ang maruming damit ay maaga din akong nakatapos, naglinis na lamang ako
ng buong unit kahit wala namang dumi. Hindi ko kaya ang ganito araw araw, kailangan ko ng
trabaho.
Nang sumapit ang gabi ay maaga akong nagsaing para sa hapunan namin ni Tyger. Nagluto na
lamang ako ng sinigang, at hihintayin ko na lamang itong dumating. Ngunit sumapit na ang alas
otso ng gabi ay hindi pa ito umuuwi. O baka hindi talaga yun uuwi at hindi dito matutulog. Dahil
nagugutom na ay naisipan ko na lang kumain, iinitin ko na lamang ang ulam mamaya pagdating
niya. Naghintay pa ako ng ilang oras at ng makaramdam na ako ng antok ay nagdesisyon na
akong humiga sa aking higaan, sa sofa. Kinabukasan ay maaga akong nagising at agad na dumiretso sa aming silid. Wala pa rin si
Tyger, hindi ba ito umuwi o nakaalis na.? Nang makapag linis ng sarili ay pumunta ako ng
kusina, hindi nagalaw ang pagkain na itinabi ko para dito, ibig sabihin hindi siya umuwi kagabi.
Ininit ko na lamang ang nga natirang pagkain at kumain na. Balak kong umalis ngayong araw at
magtingin tingin ng trabaho na pwede sa akin.
Nakarating ako sa pinakamalapit na mall at agad akong nakakita ng hiring, isa iyong bookstore
at kailangan nila ng staff doon. Agad akong nag inquire sa loob at mabuti na lang at na hire din
ako kaagad. Tinanong ako kung pwede na akong magsimula ngayon at pumayag na rin ako
kaysa naman nakatunganga lang ako maghapon sa condo ni Tyger.
" Hi Pia " napalingon ako sa bumati sa akin. Isang maputing lalaki na nakangiti ang nakita ko.
" Hi, paano mo nalaman ang name ko?" Nagtataka kong tanong dito.
" Narinig ko lang kanina kay Mrs Ramos nung inoorient ka niya. Ako nga pala si Wendell. One
year pa lang ako dito " kwento nito sa akin.
" Nice to meet you Wendell " nakangiti kong saad sa kanya.
" Ngayon na rin ba ang start mo?" Tanong pa rin nito sa akin. Nakasunod ito hanggang
makapunta ako sa Stationary Section.
" Oo " maikli kong sagot dito. Magsisimula na ako ngayon, tamang tama, ang daming kailngan
ayusin sa side na ito. Ng hindi na ako umimik pa ay umalis na rin ito at bumalik sa kanyang
pwesto.
Naging maayos naman ang unang araw ko, mas maaga akong pinauwi, parang training pa lang
ang nangyari sa maghapon at bukas pa talaga ang totoo kong trabaho. Agad na akong
dumiretso ng uwi, baka abutin pa ako ng traffic at gabihin, kailangan ko pang magluto ng aming
hapunan.
Alas sais na ako nakarating sa condo at kahit na hindi ko pa naiibaba ang dala kong bag ay
diretso na ako sa kusina upang magsalang ng sinaing. Baka umuwi ang tigre na wala pang luto
na hapunan.
Ngunit hindi pa kumukulo ang sinaing ko ng marinig kong dumating na ito. Narinig ko itong
pumasok sa kanyang silid at ilang sandali lamang ay muli itong lumabas.
" I'm not going to eat here, kainin mo lahat yang niluto mo." Wika nito sa akin na agad kong
ikinalingon dito.
" Ha? Aalis ka ulit? " gulat na tanong ko dito.
" Any problem? Hindi mo kailangan umaktong totoong asawa kapag dalawa lang tayo. My life,
my rules. At labas ka na doon." Diretsong wika nito sa akin at pagkatapos ay mabilis na
tumalikod at malakas na isinarado ang pinto paglabas nito.
" Problema ng matandang yun?" Napapailing na lamang ako sa kasungitan nito. Mabuti at may
mga kaibigan pa ito, masungit na masama pa ang ugali. " kung ayaw mo kumain, eh di huwag "
pahabol kong sabi dito kahit nakalabas na ito ng condo.
Mag isa akong kumain ng hapunan at pagkatapos ay nagpahinga na, may trabaho ako bukas at
ayokong ma late. Napa Diretso ako ng upo ng maalala na hindi ko pala nasabi kay Tyger na
nagtatrabaho na ako. Pero ang sabi naman niya, wala daw pakialaman. Bahala siya. My life my
rules pa siyang nalalaman. Hanggang magising kinabukasan ay hindi niya naramdaman na
umuwi si Tyger sa condo. Saan ba ito nagpupunta at palagi na lang wala tuwing gabi, aswang
ba ito? Saan ito natutulog? Naghanda na lamang ako ng aking almusal at babaunin sa akingtrabaho at pagkatapos ay naligo na sa banyo sa silid ni Tyger. Pakanta kanta pa ako habang
naliligo ng maalala na naiwan ko pala ang aking tuwalya sa living area ng kunin ko ang
cellphone ko doon kanina. Mabuti na lang at wala akong kasama ngayon dito.