Chapter Thirty
Binuhay niya agad ang makina ng kaniyang bagong sasakyan. Alam niyang hindi pa masyadong ma-traffic dahil maaga pa. Mabilis ang pagpatakbo niya ng kaniyang sasakyan. Habang minamaneho’t parang lumilipad sa bilis ang kaniyang sasakyan ay nagsisi-unang pumatak ang kaniyang mga luha. Warm tears seep through his eyes, parang bukal ang kaniyang mga mata at walang tigil ang luhang mula roon. He roughly wipes his wet eyes, nanlabo na kasi ang kaniyang paningin at baka madisgrasya pa siya. Dahil nga hindi pa ma-traffic at crowded ang road and his car freely snaked in expeditiously and his heart racing swiftly. Pounding hard in his chest and he could hear every beat of it. He was despaired and devastated and too exhausted.
Wala pang tatlong minuto ay nasa labas na siya ng bahay nila Theron. Tumingin siya sa labas mula sa loob ng kaniyang sasakyan, bukas ang gate ng mga ito pero parang walang tao sa loob, tahimik at kalumbayan ang temang naiisip niya. He heard no laugh, parang kay lungkot at walang kasigla ang tahanan nina Theron. Why? Kailangan pa ba niyang itanong ang tanong na ‘yon. Theron is going somewhere, hindi niya alam kung saan. Wala siyang ideya, umalis ba ito ng bansa? Kung alam lang niya ay susundan niya ito. Pero hindi, bakit hindi ‘yon binuksan ni Theron sa liham nito kung saan man ito pumunta.
He gave a long profound sigh bago nagawang buksan ang pinto ng driver side ng kaniyang sasakyan at lumabas. Mabilis pa rin ang tahip ng kaniyang dibdib, tambol ‘yon sa lakas. He inhales and exhales to make himself calm. Mabigat ang kaniyang mga hakbang papasok sa loob. Muli na namang uminit ang sulok ng kaniyang mga mata nang tumukso sa kaniyang isipan ang mga alaalang nabuo nila, mula sa kanilang pagka-kaibigan, sa alaalang nabuo nila sa Tarlac, at sa isang araw na naging sila na puno ng romantikong pagmamahal.
Ngunit nawala ang lahat ng ‘yon at pinutol ng panahon. He thought that they were always together, ang akala niya sa hapong hinihingi nito ang kaniyang pagmamahal at puso ay magkasama sila palagi. He thought the night that they made love from that time Theron will always be on his side, pero nagkamali pala siya. Iniwan na pala siya nito, paano na siya ngayon na wala na ito. If he only had an idea the day Theron asked him for his love, kung alam lang niya na iiwan siya nito sa huli ay malamang tinanggihan niya ito, kahit masakit ay hindi niya kayang ibigay ang ‘oo’ niya. Why it turns like a hell. Hurt like a hell.
Paano kung masaktan ulit kita at masugat ko ang puso mo katulad ng nangyari two years ago? Presko pa sa kaniyang isipan ang tanong na ‘yon ni Theron noong nasa Tarlac pa sila.
Hanggang kailan mo ba ako kayang mahalin? Walang katapusan. And he badly needs Theron now. Pero wala na ito.
Huminga siya ng malalim at pinahid ang basang pisngi niya bago siya kumatok sa pinto ng bahay nina Theron. He knocked there three times before the door opened wide for him. It was Jade who opened the door for him. No sound came from his parted lips, he walked in na nakayuko. Wala siyang balak magsalita dahil kung gagawin niya ‘yon ay iyak at hagulhol ang resulta. He wasn’t going to ask about Theron. Jade keep observing him while Kith sitting on the couch, he looks like he wasn’t himself. Despair and abandoned. Napailing si Jade.
“Kith?”
Lumingon siya sa tinig na tumawag sa kaniyang pangalan. Si Don Warren ‘yon. Hindi na niya napigilan ang ilang butil ng kaniyang mga luha. Napatayo siya at humakbang sa kinatatayuan ni Don Warren. Yumakap siya ng mahigpit sa matanda at tahimik na umiiyak sa balikat nito.
“You make yourself sick,” anito.
Inilayo niya ang sarili sa matanda at nakayukong umiiyak. “I’m so sorry Tito” hinging paumanhin niya sa basag na boses. He was feeling sorry. Alam niyang nag-iisang anak lamang si Theron and the latter is responsible na palaguin ang pamilyang Amherst and Kith feel that he pulls down Theron’s responsibility and he’s the hindrance of Don Warren’s goal to his son. “Mahal na mahal ko po ang naka ninyo and I feel so sorry about it. S-siguro po ay lumayo si Theron because he wants me to forget him. He wants me to completely forget him. Isang dekada Tito? Oo isang dekada at alam kong sa pagbalik niya ay may pamilya na si Theron. One decade is just an excuse, he really wants a family of his own. I didn’t blame him, pero bakit niya hinihiling ang ‘oo’ ko at mahalin siya, at naging kami? And the end is like this?” Puno ng pananakit ang naninikip niyang dibdib.
Huminga ng malalim ang Don. Parang wala itong masabi o masagot sa mga sinasabi ni Kith.
“I don’t know what am I going to do. If you ask me Tito to give up and let Theron go, and if you demand to renounce Theron. Please I’m asking you na hahayaan mo akong mahalin siya. Promise I will not give up my feelings, kaya ko Tito na makita siyang magmahal ng iba, na magmahal ng babae at magkaroon ng mga anak. Kaya ko na makita siya na masaya sa piling ng kaniyang asawa’t anak. Pero hindi ko po kayang lumayo siya. I will love him in my mind, heart, soul, and my dream.” His voice drops into a sob. “I will always love him no matter what, susuportahan ko siya at ang maging pamilya niya without causing trouble. I’m not asking that he loves me back if mayron na siyang pamilya.”
“I hate to see you suffer, Hijo”
“No Tito,” protesta niya. “Mas lalo akong nahihirapan ‘pag lumayo si Theron”
“That’s not I mean. Okay, Kith. You know I’m so happy the day that Theron mentioned na mahal ka niya.” Don Warren smiled. “In the first place I pronounce hate and Judgement against PPB and your Daddy but I was wrong and mistaken Kith. You’re a good human being just like your dad and I was so thankful sa lahat ng efforts mo. You’re like an angel that came from heaven. And I don’t want to see you crying and suffering that’s not good for you.”
Tumingala muna sa itaas si Don Warren at nagpatuloy. “I never asked Theron na bigyan niya ako ng apo, ayaw kong magalit ang anak ko sa akin tulad ng nagdaang buwan. I never asked him to give up on you, to unlove you. Hindi ko ‘yon ugali. I forced him instead to love you, to court you. Have your brother tell you something?” He asked tapping his head.
“Yes, Tito,”
“Ah, it’s about Theron and his whereabouts. Kung hahanapin mo si Theron dito ay hindi mo siya makita kahit saang sulok.” Tumawa ang Don na ikinagugulat na lamang niya. “Theron asked me na ‘wag ipaalam sa’yo kung saan siya pupunta.”
Tumingin siya sa mukha ng Don at nagmamakaawa. “Please Tito.”
“Do you love my son?”
“Yes I do”
“I feel relief hearing that. Okay, Theron is going to a place that’s familiar for you. The place where his love for you is developed.” Ngumiti ang Don at nagbulong ito sa kaniya. “Sa Paniqui Tarlac,”
Hindi siya makapaniwala. Pero pakiramdam niya ay may tinik na namang natanggal sa kaniyang dibdib at lalamunan. His tears of joy dripped again from his eyes. “Tito?”
“Yes, Hijo”
Muli niyang niyakap ang Don. Ngumiti namang nakatayo sa malayo si Jade at ang asawa nito. They’re accepting Kith for Theron. Noam is right love always wins no matter what. He feels like the happiest boy in the world. A ballad of rejoices tune in his head. Ang saya-saya nga niya.
“I will follow him now, Thanks Tito,” kumalas siya sa yakap at tumalikod na para umalis.
“Wait, Hijo. I’ll go with you,” sambit ni Don Warren na may malaking ngiti sa labi nito. Isang malaking ngiti rin ang nakaguhit sa kaniyang mga labi at lumabas na silang dalawa sa bahay na ‘yon.