Chapter Thirteen
Mahimbing ang pagkatulog ni Kith nang pumasok siya sa loob ng silid kung saan niya huling iniwan si Kith. Hindi pa ito nagsuot ng short at magulo ang buhok nito. He was fucking messed up. Hindi niya alam kung matatawa o maaawa sa hitsura nitong parang sinalanta ng bagyo. Himbing na himbing ito sa pagtulog, may bahid ng lungkot ang maamong mukha ni Kith. Hindi niya alam kung bakit.
Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmamasdan si Kith. May kung pwersang humila sa kaniya para hagkan ang noo ni Kith, and Theron affectionately kissed him in his forehead. Napangiti siya na habang sinusuklay-suklay ng mga daliri niya ang buhok nito. Ang cute nito habang nakatulog, 'yon lamang ang pagkakataon niya na pagmasdanin ang binata habang natutulog dahil kapag gising na ito ay wala siyang tsansang pagmasdan ang mala-anghel na mukha nito.
Noong pumunta siya ng bayan kanina ay bigla niyang naalala si, Irvin. Tinanong niya ito sa ilang bagay na tungkol kay Kith. Sa kaniyang pagkamangha ay ibinalita nito ang mga bagay na ginagawa ni Kith sa France, he's spoiled pala. Lahat ng 'yon ay alam ni Irvin dahil ibinalita raw umano ni Kith ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi na siya magtataka ngayon dahil ang bagay na ginagawa nila ay hindi inosenteng bagay. Iyon ang naglalaro aa utak niya habang nilalaro ng daliri niya ang buhok nito.
Ngunit mabilis niyang binawi ang ginagawa niya ng kumilos ito, nagdistansya siya rito ng nagmulat ito ng mga mata.
Tinawanan niya ito "Good morning,"
"Ano'ng oras na ba?" Paungol na sambit nito.
"Gutom ka na ba?" Sa halip na sagutin ang tanong nito ay 'yon ang itatanong niya rito.
Tumango si Kith bilang tugon sa tanong ni Theron. Dahan-dahan itong bumangon at nagsuot ng short. "Anong oras ka ba dumating?"
"Kanina lang. May dala akong kwek-kwek," aniyang ngumingiti. Humkbang siya sa pinto and leaned himself there while looking at Kith na nag-ayos ng sarili.
"Kwek-kwek?" Tanong nito na sinabayan ng aksiyon ng kamay. "Ano 'yon?" Gulat na muling tanong nito. Nahahalata rin niya ng pagkagulat sa mukha ni Kith.
Lumapit siya rito at hinila palabas ng silid na 'yon. Hawak na hawak niya ang palad nito hanggang sa kusina. Inilabas niya ang paper bag na may lamang kwek-kwek at sauce he served it to Kith. Kith observed it for seconds at sinubukan 'yon.
"Oh, mukhang masarap," komento nito. "Parang siyang itlog, itlog ni—"
Nagsalita agad siya para pigilan ito sa sinasabi nito."Kung kanino mang egg ang sinasabi mo 'wag mo ng ituloy,"
Tumawa ito at sinubukang kainin 'yon. Napatango ito. "Ahmm, masarap may egg nga sa loob."
"Kwek-kwek nga," aniya
Umupo siya at sinabayan ito sa pagkain. He preferred the spicy sauce. Hindi mahilig sa maanghang si, Kith.
"Hindi pa ako nakakain nito," masayang sambit at paliwanag nito. "Masarap din ang sauce, not the spicy one" komento nito at binilisan ang pagkain. Masaya niya itong pinagmasdan.
"Dahan-dahan lang," tawang sambit niya. "Sabi ko naman sayo kanina diba sasama ka maraming street foods sa bayan, Kith," he smiled. Kitang-kita rin niya ang saya sa mukha ni Kith.
PAGKATAPOS nilang kumain ay nagyayang uminom si, Theron. Hindi siya tumanggi at tinanggap agad ang alok nito. Sa buhangin umupo ang dalawa at dinig na dinig ang tunog ng alon. Natahimik siya at hindi niya alam kung ano ang pag-uusapan habang nag-iinom sila.
Nang inabot siya nito ng isang bote ng beer ay bukas na 'yon. Nagpasalamat siyang tinanggap 'yon. Ang beer na 'yon ay binili ni Theron sa bayan. Blanko ang kaniyang isipan para simulan ang pag-uusap. Kung ang pag-iinom lang ang sadya nila sa tabing-dagat, sa ilalim ng maliwanag na buwan ay okay na siya roon. Pero kung may isiping nais niyang ilabas ay hindi siya komportable hanggang sa mailabas 'yon. Mayroon siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano simulan.
Sumulyap siya kay Theron. Napatingin din ito sa kaniya at ngumiti. Itinuon na lamang niya ang tingin sa magandang liwanag ng buwan. He peered up to heaven with bright stars. He had a sudden wish. But being with the man who smiled in a little distance pulled his wish back. Being with him is enough.
Hindi niya maubos ang isang bote ng beer. Itinabi niya 'yon. Kith lying in the sand and peered to the peaceful sky. A fool Kith trying to count stars. Napahigikgik na lamang siya ng marealized ang kalokohang ginagawa niyang 'yon kasabay ng pagpikit niya at ng muli siyang nagmulat ng mga mata ay mukha ni Theron ang sumalubong sa paningin niya. Natigilan siya and yet, he manages to look into Theron's eyes. Muli na naman niyang nararamdaman ang magaang pakiramdam. He feels he fell into soft grass and he's enraptured.
Nabigla siya ng ipinatong nito ang kamay sa kaniyang dibdib at binisita ang tibok ng puso niya. It was not a normal heartbeat. Dahil pabilis ng pabilis 'yon. Gusto niyang tumayo para iwasan ito pero napakalaking bahagi ng kaniyang puso ang tumututol na gawin 'yon.
Nanatili siyang nakatitig sa mukha nito. Si Theron ang bituin na hinahanap niya sa kalawakan. Ang ngiti nito ay magdulot ng kabaliwan sa kaniyang damdamin. He fell in love with Theron every second, minute, and hour, at halos sa lahat ng araw. Minahal niya ito at ang buong sistema niya ay mahal din si Theron.
Ipinatong nito ang ulo sa dibdib nito at pinakinggan ang tibok ng puso niya. Sinubukan niyang kumalma para bigyan ng magandang tono ang tibok ng puso niya, and he calmed. He wants Theron to listen for his heart rants, telling him he's the best man in the world. He's the perfect man, his favorite man in the world. Kith wanted his heart to whisper that to Theron's ears. Theron was listening, too cute when he's closed his eyes as if the beat of Kith's heart lulls Theron to sleep.
"Wanna hug me?" Theron whispered. "Feel safe and home, Kiddo"
Oh for how many times has he mentioned that friendship endearment this day? And he realized that he badly missed it. Kaya yumakap siya rito. He hugged him tightly. The warmth from their bodies vanquish the cold breeze. He was romantic. He was gentle. How could he refuse this man? Kith closed his eyes as he felt that Theron hugged him from his back too.
"Ther?" He whispered low and sweet. "Do you think this is the best scene if we have a movie? It's bitter about the fact that what we have here is part of a job," he said addressing the word job probably referring to Theron's role. "Pero katulad din ng pelikula na pawang di katotohanan at produkto ng script and yet, what they have shown on the screen is real. And here we are under the bright moon and stars. I'm holding you, we run to the world, we escaped the screen. It sounds bitter, but being with you for a moment like this ay isang bagay na aking uukitin sa aking pagkatao." Dagdag niyang sambahin ang bulong ng kaniyang damdamin. Namamasa ang kaniyang mga mata at hindi na niya pinasin 'yon basta ang mahalaga ay yakap din siya nito at ayaw pakawalan.
"And the actors can start a genuine love after their movie. Do you find it awkward?" He said and asked. "Love is the tender thing I have known so far, at gusto ko pa itong malaman kasama ng taong pangarap ko." Dagdag nito
Taong pangarap mo? Bulong niya sa sarili. May pangarap pala itong tao at dahil sa narinig at isiping 'yon ay bigla siyang nalumbay. Dahan-dahan siyang kumalas sa yakap nito at bumangon. Nagmulat ito ng mga mata at nagulat sa bigla niyang pagbangon. Muli siyang nag-bukas ng beer at iniinom.
Nakatingin lang ito sa kaniya habang inubos ang laman ng bote. Palagi siyang apektado kapag malamang may iba itong gusto. Dahil siguro 'yon sa pag-ibig niya kay, Theron. Mahal niya ito at natural na apektado siya, natural na masaktan siya. Sa ilang sandali ay muling nangilid ang mga luha niya mula sa kaniyang mga mata.
Hapdi at kumirot ang puso niya na dating sinaktan ni, Theron. Hindi man nito sinadya pero ang relasyon ni Theron kay Syd ay isang bagay na humila pababa sa kaniyang emosyonal na kakayahan. Ngayon, ay duguan naman ang puso niya. Pakiramdam niya ay naninikip ang dibdib niya. Hindi siya makahinga at tanging hikbi ng kaniyang puso ang tinig na kaniyang maririnig. He's listening to his heartbeat, at tanda 'yon na nasasaktan na siya.
He loves me not tanda pa niya ang linyang iyon, hindi nga ito nagsisinungaling. Ang larong 'yon at ang resultang palagi niyang nakuha ay tanda ng hindi pagmahal sa kaniya ni, Theron. Iniisip niya na hindi siya nito kayang mahalin kahit bilyonaryo pa siya at ang tunay na pagmamahal ay kailaman ay hindi nagdedemand. He loves me not, wind whisper with agony as Kith trembles under the bright moon. His soul was in torment. His heart ached. Kith cried silently and bite his lips in agony.
Tumayo siya at hindi na binalingan ito. Nagsimula siyang naglalakad nang tinawagan nito ang pangalan niya. Like a magic spell. Pero hindi na niya magawang lumingon pa. Naglalakad siya palayo, habang si Theron ay nakatingin lamang sa kaniya at may malayong iniisip. Tumayo na rin ito at iniligpit ang mga gamit na dinala nito.
You don't understand that after the film the actors can start love when they find that their feelings for each other developed, the feelings they show to the screen will take place in a real setting. Kith, you don't understand. Theron whispered and went home.