Chapter Twelve
Hindi makatingin ng diretso kay Theron si Kith nahihiya siya sa nangyari kanina at ang biglang pagyakap niya kay Theron sa loob ng banyo. Hindi naman siya nito itinaboy at wala naman itong sinasabi sa biglang pagyakap niya rito. Nakayuko siya na pumasok sa silid na kung saan nito inilagay ang mga kagamitang dala niya. Naka-upo ito sa isang upuan sa study table at nakatingin sa kaniya. Nakabihis na ito. Hindi niya alam kung paano kumilos ng pormal. Paano ba naman siya makakilos ng maayos at normal kapag nasa paligid lang ito at ang mga mata ay nakatingin sa kaniya. Tumalikod siya para itago ang pagkahiya sa mukha niya.
Pagbukas niya ng traveling bag niya kung saan niya na-impake ang mga gamit niya ay nakita niya ang cellphone niya sa loob. Napanganga siya ng makitang naka-ilang missed calls na ang kapatid niyang si, Noam. Napabuntong hiningang tinawagan niya ang numero nito. Napangiti siya ng agad sinagot ng kapatid ang tawag niya.
"Où diable es-tu? (Where the fuck are you?)"
"Vacances. Vous? (Vacation. You?)" mahinahong sagot niya sa kapatid. Nakatalikod siya sa kung saan naka-upo si Theron kaya hindi niya nakikita ang pagsisimangot nito dahil hindi nito naiintindihan ang pinag-uusapan ni Kith at ang kapatid niya.
"Vacances, mon cul. Je ne peux pas te voir à la maison. Je viens d'arriver cet après-midi. (Vacation, my ass. I can't see you at home. I just arrived this afternoon)" sambit nito mula sa kabilang linya. Nakahinga siya ng maluwag dahil naka-abot na rin ito. Hindi na siya mag-alala para sa kompanya at mga naiwang trabaho. Inilapag niya ang traveling bag sa kama at nagsimulang maghanap ng masusuot. Lumingon muna siya kay Theron at nakita niya ang pagkasalubong ng mga kilay nito.
"Mabuti. Ikaw na ang bahala sa kompanya, hah," aniya na patuloy kausapin si, Noam.
"Qui, (Yes)" masiglang sagot nito sa kabilang linya.
"I have some unfinished works, ask Andy, my secretary. Alam ni Andy kung saan ko nailagay ang mga mahalagang papeles."
"Roger ça, petit patron. (Roger that, little boss)"
Nag-paalam na siya total nasa Pilipinas na naman ito ay malaya na siyang gawin ang mga gusto niya at walang trabahong humila sa kaniya pababa at pagtuunan ng pansin ang trabong 'yon na nagbibigay ng kaba. Ngayon ay sa kay Theron na niya ibigay ang atensiyon niya at sulitin ang tatlong buwan na kasama si, Ther. Ibinaba niya ang cellphone niya.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong nito sa boses na may halong inis. Hindi niya alam kung bakit.
"Ah," paano ba niya masabi na wala siyang dalang brief. What an awkward scene. Ang akala niya ay nailagay na niya ang mga brief niya sa traveling bag na 'yon noong nag-impake siya. Kith was slowly red in the face.
"Bihis na, lalabas tayo. We have to go the publico mercado or sa department store, alam mo naman na wala akong stock na pagkain dito." Sunod-sunod na sabi nito.
"P-pero," Nauutal na sambit niya. paano ba niya 'yon sasabihin. Nahihiya siya. Una na lang niyang suotin ang T-shirt niya. Saka problemahin ang pang-ibaba niya, underwear. Alangan namang magsuot siya ng short na walang brief. No way, hinding-hindi siya sanay.
"Ano na, aalis na tayo." Nasa likuran na niya pala ito at nagulat si Kith. Malapit na malapit ito sa kaniya. Hindi siya makakilos. "Bilisan mo naman. 'Wag masyadong, sissy." Bulong nito sa tapat ng tenga niya.
Sissy my ass, Theron bulong niya at umikot para harapin ito para ipakita rito na hindi siya Sissy katulad ng sinasabi nito pero dahil malapit lang ito sa mukha niya, Kith's lips crashed into Theron's lips. Nakayuko kasi ito, dahil kung hindi ay hindi nangyari 'yon dahil mas matangkad pa ito sa kaniya.
Hindi siya makapaniwala sa sandaling 'yon. Pakiramdam niya ay tinukso siya nito and that makes Kith fall in love with Theron even more. His heart beat faster and faster and he could heard it in his ears. Kith stiffened holding himself tight, he was embarrassed he was supposed to distance himself the moment his lips crashed into this man's lips but he was not. Kith was a fool, and a fooled heart can never learn to distance for another heart that never loves him back.
Theron slowly distances his lips by standing straight. Nakatingin ito sa nakapikit niyang mukha. What makes him close his eyes? Kith was embarrassed again. He opened his eyes at nag-angat ng tingin sa mga mata ni, Theron. He noticed a small smile on Theron's lips.
He's distancing himself too from him at feeling pa-victim si Kith para takpan ang pagkahiya sa mukha niya pero nawalan siya ng balanse. Babagsak siya. Mabilis naman siya nitong sagipin pero nahablot niya ang kaliwang sleeve ng suot nito. Kaya tuluyan na siyang bumagsak sa kama at sumunod ang katawan nito. Nasa ibabaw niya ito and again this time Theron's lips crashed into Kith's lips. Mabilis ang naging tahip ng dibdib niya na kasabay ng muling pagpikit niya.
Nakakalibog ang puwesto nila. Ngunit hindi na niya ipasok sa isipan ang mga ganong klaseng puwesto kapag nagtatalik dahil maaring buhayin ng isiping 'yon ang kakambal niya lalo na't wala siyang suot na brief.
Nang umalis ito sa ibabaw niya at ibagsak ang sarili sa tabi niya ay tila noon lamang siya nakabalik sa tamang huwisyo, tila binuhusan ng malamig na tubig si, Kith. Pero halatang hindi naman 'yon kinontra ni, Theron. Alam niyang hindi ito makapag-reklamo dahil trabaho 'yon.
"Get dressed, we have to go now. There's no more shit like—"
"Okay," mabilis na sambit niya para putulin ang sinabi nito. "Wala akong dalang brief," halos pabulong na dagdag niya.
Bumangon ito mula sa pagkahiga. Tiningan siya nito at napadako ang tingin nito sa harapan ni Kith. "It won't surprise me if nabubuhay ang pagkalalaki mo kanina," he smirked.
"Fuck you," he cursed.
"If nga," anitong napatawa.
"Oh, yeah. My brain did functioning well." He laughed.
"Totoo ba?" Hamon nito. " Nah, a foggy brain with a chronological history like of Egypt. A Pre-dynastic Period up to late period. Still function, old man?"
Hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito. Nakakatawang nag-aral pala ito ng history ni minsan nga ay hindi niya ito nakikitang nagbabasa ng libro. Malay ba niya noong nasa France siya ay nagiging bookworm na rin ito.
"And, the fact is these dynasties are more developed than your brain. Your brain grand in foolishness than Great pyramid." Balik tukso niya rito sabay bangon at salubungin ang nandidilim na anyo nito.
"Shut the fuck up, gusto mo lagyan ko ng busal bibig mo?" galit na sambit nito.
Ah, napikon. Kung magplano namang maglagay ng busal sa bibig ko akala mo naman kung totoong abductor Bulong niya sa sarili habang nakatingin sa di maipintang mukha nito.
"Saka bilisan mo na magbihis. Time is gold ika nga nila. Arte ka pang bata ka. Kung ayaw mong itali kita sundin mo utos ko." Nagliliyab ang mga mata nito.
Biro niya lang naman ang sinasabi kanina tungkol sa utak nito. Hindi niya lubos maipaliwanag na ikinaiinis nito ang bagay na 'yon. Tumahimik na lang siya para hindi lalong mainit ang ulo nito. He was the Theron he met a years ago. Bad, tough, tactful at palaging nang-aaway. The version of Theron that Kith himself change.
Lumapit ito sa kaniya at inaasahan niyang sasaktan siya nito pero nagkamali siya. Tinanggal nito ang tuwalya ni Kith at walang kibong hinila siya nito malapit sa closet nito. Naghahanap ito ng brief na masusuot ni Kith. Nasa box pa ang brief na inilabas nito. Wala rin itong kibong ipinasuot sa kaniya. "Yan, okay na? Ikaw na bahala magsuot ng short mo," parang wala sa loob na sambit ni Theron. Hindi magaan ang pananalita nito at nagdudulot 'yon ng kakaibang feeling's kay, Kith.
"Bilisan mo," naiinis na sambit nito.
Nanatili siyang nakatayo sa tinatayuan niya. Hindi siya gumalaw gusto na niyang maiyak sa di alam ang eksaktong dahilan pero pinigilan niya ang mainit na likido ng kaniyang luha. "Dito na lang ako," aniya sa mahinang boses sapat na marinig ni, Theron.
"Are you sure?" Tanong nito.
Tumango siya bulong tugon sa sinabi nito.
"So? Ano ang bibilhin ko. Hindi ko alam ang mga gusto mo,"
"You know me," yon lang ang sagot niya at napakamot sa ulo si, Theron. Ang mga paborito niyang pagkain at libro lamang ang tanging bagay na alam o kabisado ni Theron kay Kith.
"Okay, aalis na ako," anito pero hindi pa ito lumabas sadyang gusto lang talaga nito maisama si, Kith.
"Okay," malamig na sambit niya.
"Tatagal ako ng halos isang oras o higit pa," anito
"Okay,"
"Okay, my ass. Pahabaan mo naman sagot mo!" Pagde-demand ng supladong binata.
"Okay," wala na siyang paki-alam kung muli itong mainis.
"Okay," sambit din nito. "Aalis na ako,"
"Sinasabi mo na yan kanina. Bakit hindi ka pa umalis."
"Ito na aalis na,"
"Okay,"
Narinig niya ang paghinga nito ng malalim.."Ano ba? Bakit pulos 'okay'?"
Napilitan tuloy siyang harapin ito. " Ah, ano ba dapat kong sabihin. Ang sige ingat ka, babalik ka agad hah, baby. Ganoon ba?"
Napailing at napangiti ito. "Sige aalis na talaga ako. Kapag wala kang magawa sa buhay mo rito na naghihintay sa'kin. May libro ako," anito sabay itinuro kung saan 'yon makikita. "Para hindi ka ma-bore sa paghintay sa akin at ng may mabasa ka,"
"Okay,"
Napakamot na lang ito sa ulo habang palabas ng silid at kinabig pasara ang pinto. Naiwan siyang nakatulala at binigyan ng daan ang mainit na likido ng kaniyang mga luha na kanina pa ay kumatok sa gilid ng kaniyang mga mata.
Umiiyak siya at hindi niya alam ang eksaktong dahilan, ang alam lang niya ay apektado siya sa sinabi nito na sinambit nito sa agresibo at hindi mahinahong pananalita. He's crying silently and wipe them roughly with the back of his hands. Pakiramdam niya sa oras na 'yon ay may kutsilyong biglang humiwa sa puso niya.
Ibinagsak niya ang sarili sa kama at nakatitig sa kisame. Kith feels so empty. Ang kasiyahang nararamdam niya kanina lang ay tila bolang naglaho. Ano pa kaya kung mawala na sa paningin niya si Theron pagtapos ng tatlong buwan na ayon sa pinag-uusapan nila. Dahil sa isiping 'yon ay muling nangingilid ang ilang butil ng luha niya. Hinayaan na lamang niya 'yon at saktan ang sarili sa pamamagitan ng masakit na salitang paulit-ulit na ibinulong niya sa sarili.
Theron never loved you. What he have shown is not affection, it's just part of his job. Don't assume too much, Kith. Kailanman ay hindi ka niya kayang mahalin. He's just an old best friend from Humprey University. He never loved you, straight Theron can never love you, kung magmahal lang naman ito ng katulad mo si Syd iyon. You have had your feelings for him for almost years, has he planned to love you back? No, Kith never. Tandaan mong wala sa responsibilidad niya ang mahalin ka. Kung ano man ang ipinapakita nito ay isa itong pagkukunwari at parte ng trabaho. Tanga Kith, tanga..
Habang ibinulong niya 'yon sa sarili ay nagbaha ang mga butil ng luha sa kaniyang mga mata at tila walang tigil sa pagpatak.