CHAPTER 10.1

Naka-Costume pa si Jerome, habang may dala-dalang malaking bag na kulay pula. Mistulan siyang si Santa Clouse, para mamigay ng napakaraming regalo sa lahat ng mga bata sa isang bahay ampunan, kasama ng tatlo pa niyang tauhan na nakasuot rin ng ganoong kasootan.

“Ho! Ho! Ho!” malakas na sigaw ni Jerome, kasunod niya pa sa kanyang likuran ang mga tuhan niya.

“Ho! Ho! Boss, ganito lang ba palagi ang dialog namin dito?” napapakamot na bulong ni Dong sa kanya.

“Oo, hanggang sa maipamigay na natin lahat ang mga regalo na dala natin,” nakangising sagot niya sa tauhan. Habang isa-isa ring iniaabot ang mga regalo sa bawat batang nakapila sa kanilang harapan.

“O eto para kay Neneng,” sabi niya sabay abot sa bata ng laruan. “Ito naman kay Sarah, at siyempre hindi mawawalan si Buboy!” dugtong pa niya habang binabanggit ang mga pangalan ng ilang pang kabataan.

“Yehey! Merona akong laruang kotse-kotsehan, galing kay Idol!” masayang bigkas ni Buboy, na noon pa man ay parati siyang tinatawag na Idol.

“Oo para sa iyo talaga iyan, para mag-aral ka pang mabuti!” Sabay himas pa niya sa ibabaw ng ulo ng batang si Buboy.

“Yeheyyy! Meron din akong laruang manika,” sigaw rin ni Neneng.

“Oyy! Ako rin po o, meron din, salamat po Kuya Jerome!” si Sarah naman ang isa sa mga sumigaw, habang masayang inihahagis ang manika.

Nang makita ng iba pang mga bata ang dala-dala nilang iyon ay halos dumugin na sila ng mga ito habang may hawak silang mga regalo, ang iba naman ay ipinabibigay na rin niya sa mga stuff na naroon. Masaya siyang nakikita ang bawat ngiti sa mga labi ng mga bata.

Matapos nilang ipinamamahagi ang mga laruang dala nila ay nag-host na rin sila ng ilang palaro na may mga pa premyo. Kung kaya nadagdagan ang saya ng mga kabataang naroon.

“Nako maraming salamat talaga Sir Jerome, kung di sa inyo saan na kaya pupulutin ang lahat ng mga tao sa bahay ampunang ito,” naibulalas ni Aling Chanda sa kanya.

“Nako, wala ho iyon, karangalan ko pong makasama kayong lahat, at makatulong sa mga kabataang iyan, sa mga susunod na araw ay sa bahay naman ng mga matatanda kami pupunta,” saad naman niya sa matanda. Naluluha itong napatingin sa kanya.

“Salamat talaga Sir Jerome, ang hiling ko lang ay makakuha ka nang babaeng magmamahal sa iyo at mag-aalaga,” sabi ng ginang.

“Nako Aling Chanda, imposible po yata, napaka pihikan nitong si Bossing!” pabirong bulalas ni Dong, nang marinig ang sinabi ng matanda sa kanya.

“O, sumingit ka na naman! Intindihin mo na lang ang sarili mo,” pabirong binatukan na lang niya ito.

“Aray! Si Bossing talaga o,” sabay tawa dahil nabatukan na naman niya ito.

Nakilala nga si Jerome bilang isang mabuting pilantropo na nagbibigay tulong sa mahihirap na tao at sa marami pang organisasyon sa buong bansa. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, si Jerome Montecillo, ay isa ring Mafia Boss.

Isang lihim na katauhan, sa likod ng maamo at mabait na pagkakakilala sa kanya ng karamihan. Hindi alam ng ibang tao na ang mga nakukuha niyang salapi, at ang kayaman niya ay nanggaling sa iba’t ibang ilegal na transaksiyon ng mga kapwa niya Mafia Boss.

Pananabotahe, at pagnanakaw sa mga ilegal nilang gawain ang ginagawa niya, bukod pa ron, palihim rin niyang inire-report sa mga pulis ang mga ilegal na gawain ng mga ito.

Kaya alam niyang mainit na siya sa mga mata ng mga sindikato, maging ang pinuno ng mga sindikato sa ibang bansa ay labis na rin siyang pinag-iinitan. Ilang beses na kasi siyang nakaengkwentro ng mga assassin na inutusan ng mga iyon upang patayin siya. Ngunit parati niyang nalulusutan ang mga panganib na iyon.

Kahit na hindi siya tulad nang iba na parating may mga nakabuntot na mga tauhan, sina Andress, Dan, at Dong lang ang mga pinagkakatiwalaan niya at ang palagi niyang kasama. Kat’wiran niya, kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili, at alam niyang isang tawag lang niya sa mga tauhan niya ay agad nang may tulong na darating para sa kanya.

“BOSS mabuti na lang at malaking halaga rin ang nakuha natin mula sa mga sindikatong iyon!” malakas na sambit ni Dan.

“Oo nga, ayan nakapamigay na tayo ng mga laruan para sa mga bata, at iba pang tulong Boss, baka naman….” matutsadang sabat ni Andress. Alam niyang sa kabila ng pagsunod ng mga ito sa kanya ay marami ring pangangailangan ang tatlo, at gusto rin ng mga itong magsaya, tutal ay magpapasko naman na.

“Okay! Dahil tagumpay ang misyon natin ngayon, maganda ang magiging parte niyo, naungusan na naman natin si Don. Mucho!” nakangising salita ni Jerome, habang binabanggit ang pangalan ng mga kalabang Mafia Boss ding tulad niya. “Bukod pa diyan, good job rin kayo sa pagsama niyo sa akin sa mga bata para mamigay ng mga regalo, kaya naman may bonus pa kayo sa akin!”

“Yesss! Alam ko na iyan Boss! Yes, doon tayo sa maraming magagandang katawan,” sabay ikinumpas pa nito ang mga kamay upang maglarawan ng isang sexing babae.

“Nako umiral na naman ang kamanyakan nitong si Dong!” sigaw ni Dan sa kapatid niya.

“Nako, pareho lang naman kayo niyan, pasimple ka nga lang, siya brutal!” sabat naman ni Andress na parehong nagkatawanan.

“E si Boss, paano naman kaya siya dumiskarte sa mga chickababes? Hindi ko makalimutan iyong dati e,” singit ni Dong sa pangalan niya.

Natatawa na lang siyang napatabingi ang ulo, at naiiling sa mga kasamahang masaya ng mga oras na iyon. “Ako na naman ang nakita mo Dong, alam mo naman ang hilig ko sa babae e, simple lang pero rock!” sambit niya na sinundan rin ng tawa.

Hindi na naiilang na makipagbiruan sa kanya ang mga ito, para na kasing kapatid ang turing niya sa mga kasama, at alam na alam rin ng mga ito kung ano ang hinahanap niya sa babae, isang babaeng hindi na mananakit sa puso niyang sugatan. Para kasi sa isang tulad niyang Mafia Boss, napakahirap makakuha ng babaeng karapat-dapat seryosohin.

NAGTUNGO nga sila sa isang club sa Buendia, isang bagong club na marami raw mga bagong babae, at iyon ang kailangan niya.

Kailangan niya ng isang babaeng magbibigay sa kanya ng aliw, matapos ang mahaba at nakakapagod na araw sa kanyang buhay. Isa lang naman siyang lalaking naghahangad din ng ligaya, o pagmamahal kahit na sandali nga lang sa piling ng sinumang babaeng nakahandang sumama sa kanya sa gabing iyon.

"Bosing nakapili ka na ba? Ang daming chickababe dito o!" nanlalaki pa ang mga mata ni Andress ng ituro ang isang babaeng may malaking dibdib na dumaan sa harapan nila.

"Hindi pa Andress, ikaw na muna ang bahala rito, pupunta lang muna ako sa likod para mag yosi!" sigaw niya kay Andress dahil maingay sa loob ng buong lugar na kinaroroonan nila. Hindi kasi niya ugali, at ayaw na ayaw niyang naninigarilyo sa harap ng isang babae, para sa kanya kung may kasama siyang babae, dapat niya iyong respituhin at hindi palanghapin ng usok mula sa sigarilyo.