Chapter 12: 2

Isang babae ang nakita niyang pinagtutulungan ng ilang lasing na mga kalalakihan. "Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" sigaw pa ng babae.

Nakita niyang hinihila ng mga ito ang kamay ng babae. Naiinis siya sa mga ginagawa ng mga ito, iyon kasi ang pinaka ayaw niya sa lahat, ang nanakit ng babae. Gaano man kahalang ang bituka niya sa kanyang pagiging mafia, ayaw niyang nakakakita ng babaeng umiiyak. Ang alam lang kasi niyang gawin ay magpaligaya sa kama ng mga Eba.

"Hoy! Ano ba naman kayo, bakit niyo naman sinasaktan iyang babae, ang lalaki ng tawan niyo, tapos isang patpating babae ang sinasaktan niyo?" galit niyang salita sa mga lalaki. Sabay duro sa mga ito.

Kalmado lang siya, at halatang walang takot na nararamdaman sa mga lalaki, kahit pa nga marami ang mga ito, at siya ay nag-iisa lang.

"Hum! Ang yabang ah! Sino ka ba?" nakangising tanong ng lalaki. Hinugot pa nito ang sigarilyong nakasuksok sa sariling bibig. Sumenyas sa mga kasama na sugurin siya. Kaya naman inilabas ng mga ito ang mga balisong na hawak nila, habang tumatawa na para bang mga asong nauulol, sumugod ang is, kasabay ng isang suntok, na may kasamang pagindayog ng saksak. Ngunit nailagan niya.

Mabuti na lang at nahasa rin siya sa pakikipaglaban, mabilis niyang naiilagan ang bawat pag-atake ng lalake sa kanya, nang magkaroon siya ng pagkakataon isang malakas na sipa ang pinawalan niya at tinamaan ang lalake sa tiyan, tumalsik ito sa mga kasamahan. Kaya naman sabay-sabay nang naglusuban ang mga kalalakihan sa kanya. Nakita niyang mabilis na tumatakbo ang babae, at nagtatago sa isang nakatayong mga drum na nasa may gilid ng pader.

"Ano! Hala sige, lapit lang kayo, isa-isa lang, tamang-tama hindi pa ako nakakapagpainit!" Sabay suntok sa isang lalake na naabot ng kanyang kamao. "Wow! Ang saya naman! Ganito pala ang piling ng nagtatanggol ng babae," sabi pa niya habang hawak ang isa sa mga lalake at sunod-sunod na suntok ang pinakawalan niya. Hangang sa mabugbog na nga niyang ang mga kalalakihang tila nasa sampung katao.

Nagtayuan ang mga ito at isa-isang nagtakbuhan.

"May araw ka rin sa amin!" sigaw pa ng pinuno ng mga ito.

"Sige lang! Hihintayin ko ang araw niyo!" sabi pa niya. Habang pinapagpag ang mga kamay, nakita niya ring nabahiran ng kaunting dugo ang mga kamao niya. Nagpalinga-linga siya at hinanap ng mga mata niya iyong babae, naroon ito at nakatalungko sa likod ng mga drum. Nilapitan niya ang dalaga, habang nagsisindi ng sigarilyong nakasubo na sa kanyang bibig.

"Okay ka lang?" tanong niya sa babae.

Tumingala ito upang titigan siya, nakaarko ang mga kilay nito na bigla na lang tumayo, nagulat pa siya nang bigla na lang lumipad ang isang palad nito at mabilis na dumapo sa isang pisngi niya.

Salakas ng impact ng ginawang sampal nito kulang na lang magtalsikan na rin ang mga ngipin niya. Naiinis siyang napalingon uli sa babae, at nakita niyang bigla na lang itong tumakbo.

Iniling-iling niya ang sarili niyang ulo, para mawala ang panandaliang pagkahilo niya, "Ang lakas sumampal ng babaeng iyon, daig pa ang sapak ng isang lalake!" naibulalas na lang niya.

Sinabayan niya ng takbo upang sundan ang babae, nang sa ganon ay masiguro niyang hindi na nito makakasalubong ang mga lalaking nang bastos sa dalaga. "Ako pang sinampal! Tinulungan ko na nga siya!" nasabi niya sa kanyang sarili.

Napahinto siya ng makita ang babaeng nakahinto na rin, nakayuko itong nakatukod ang mga kamay sa tuhod. "Ano napagod ka na no? Ikaw naman kasi, takbo ka nang takbo, wala ka namang ibang tatakbuhan, iyon at iyon lang din, eto ako pa rin naman ang mahihingan mo ng tulong!" sigaw niya sa babae.

Humihingal din siya ng makalapit sa dalaga, ngunit sa pagkakataong iyon ay naging alisto na siya.

"Sino ka ba? Bakit ba sunod ka nang sunod?"

"Kasi kailangan mo ng tulong, isa lang akong mabuting mamamayan dito sa ating bansa," sabi pa niya.

"Hindi ako tagarito, sorry... ang akala ko kasi masamang tao ka rin na nais akong pagsamantalahan," sagot pa nito sa kanya. Namangha naman siya sa uri ng pananalita nito.

"Ano? Itong mukhang to? Sa g’wapo kong to, napagkamalan mo pa akong rapist? Excuse me, may pambayad ako sa mga babaeng gusto kong ikama!" Napahalukipkip pa siya ng mga kamay niya sa tapat ng kanyang dibdib. Nakita niyang muli na namang umarko ang mga kilay nito katulad kanina.

Kaya naman agad na siyang umatras. Ayaw na niyang dumapo muli sa mukha niya ang isang palad nito. "W-wala kasi sa itsura mo, pasensiya na, sige aalis na ako," sabi nito na walang ano-anong lalakad na naman sana palayo.

Ngunit mabilis niya itong nahawakan sa braso.

"I can help you kung gusto mo, kahinaan ko kasi kayong mga babae, kahit na hindi ka naman kagaya ng mga type kong babae, na madalas kong ikama, okay na rin tutulungan pa rin kita."

"Alam mo ang kapal ng mukha mo no!" mabilis na bawi ng babae sa isang braso na hawak niya.

"Bakit? Totoo naman, iyang nipis ng katawan mo, hindi ka sexy, kahit nga iyang dibdib mo, maliit, hindi kasing lusog ng mga naikama ko na, so ano pala mapapala ko sa iyo?" napapahawak sa baywang ang isang kamay niya, habang tinititigan ang dalaga mula ulo hanggang paa.

"Hindi mo ko type no? Pero na-describe mo na ang buong katawan ko sa isang tingin mo lang! Baka in a few second ay nakahubad na ako sa paningin mo!" Sarkastikong singhal ng babae sa kanya.

“Sige na, tara na, ako nang bahala sa iyo, bahala na rin si batman kung padala ka ng kalaban," nasabi pa niya sa babae.

Nauna nasiyang lumakad, hindi na lang niya inintindi kung sumusunod ba sa kanya iyong babaeng. Hindi niya alam kung saan ba nanggaling ang babaeng ito. Kung sino ito, isa lang ang alam niya, isa itong babae na hindi niya pwedeng pabayaan.