Chapter 24
Sinikaran ng lalaki ang pinto para maisara at inilapag si Daneris sa kama. Naghubaran sila sa isa’t isa hanggang sa wala nang natirang saplot sa kanilang katawan. Inihiga siya ng binata at tumabi ito sa kanya habang hinahalikan siya sa labi pababa sa kanyang leeg patungo sa dibdib.
Kumurba ang kanyang likod at napahawak siya sa ulo nito. Hinimas at ibinaon niya ang mga daliri sa malambot na buhok ng binata. Napasambit siya nang paulit-ulit sa pangalan nito habang ramdam niya ang kakaibang kasiyahan na dulot ng mga labi nitong naglalaro sa bawat dunggot niya. Napaliyad siya at hiningal.
Kusa niyang ipinaghiwalay ang mga binti at hita nang maramdaman niya ang paghimas nito sa pinakasentro ng katawan niya. Napahalinghing siya at napakagat sa balikat nito.
Humaluhoy rin ang binata at sinambit ang pangalan niya. Lalong kumabog ang puso ng dalaga dahil dito. Nadarama niya ang pagmamahal nito sa kanya. Hindi niya mapigilan ang sariling huwag mapaluha nang tahimik.
Pumihit ang dalaga at dumapa upang hindi makita ng nobyo ang kanyang mga luha. Hinaplos nito ang kanyang likod, ang kanyang gulugod, at ang kanyang pang-upo. Naramdaman niya ang pag-iba nito ng posisyon at lumuhod. Ikinulong ng mga tuhod nito ang kanyang katawan saka unti-unti ay naramdaman niya ang bigat ng binata nang idiin nito ang sarili sa kanya.
Napaungol siya nang pumasok ang pagkalalaki nito sa kanya. Padapa rin itong bahagyang nakapatong sa kanya habang nakahawak sa kanyang mga kamay na nakadiin sa ibabaw ng kama. Patuloy ito sa paghagod sa kanya sa loob nang maglabas-masok ang binata.
Hinalikan nito ang kanyang balikat at likod bago ibinaon sa gilid ng kanyang leeg ang mga labi nito saka nagpatuloy sa pagbayo sa kanyang katawan. Pareho silang humahangos at umuugong habang magkaugnay ang kanilang katawang namamasa na sa pawis.
Nakalimutan na ng dalaga ang pag-iyak. Pumalit ang pagnanasang nangingibabaw sa kanya ngayon habang kaniig ang nobyo. Gayunpaman ay mabigat pa rin ang kalooban niya habang paulit-ulit na ibinubulong ang pagmamahal niya sa binata.
Bawat galaw ni Callum ay sinalubong iyon ni Daneris. Inangat niya ang kanyang balakang maya’t maya. Para siyang mababaliw sa sarap na dulot ng paglabas-masok nito sa kanya.
Napadaing siya nang dumako ang isang kamay ng binata sa kanyang harapan habang patuloy ito sa pag-iindayog sa kanyang katawan. Pumaikot nang marahan sa kanyang maliit na sensitibong talukbong ang mga daliri nito. Lalong namamasa ang kanyang pakiramdam at dinig nila ang tunog na likha ng kanilang pagniniig, kasabay ng kanilang maya’t mayang mga haluyhoy at paghangos.
Inangat ng binata ang kanyang balakang kaya bahagya na siyang nakaluhod ngayon pero nakadapa pa rin. Pumasok itong muli sa kanyang katawan at muli siyang napaungol. Pakiramdam niya ay baon na baon ito sa kailaliman niya. Paulit-ulit.
“Ahh! Callum!” bulalas pa niya at napaigik.
Hinawakan ng kanyang nobyo ang magkabila niyang dibdib at hinimas iyon saka patuloy itong naglabas-masok sa kanyang katawan. Malakas at malalim, bagay na halos nagpapatirik sa kanyang mga mata at nagpaawang sa kanyang mga labi.
“Ugh! Dani…” bulong ng katipan at bahagya nitong binilisan ang pagbayo sa kanya.
Yumugyog ang kanyang katawan at hindi siya magkamayaw sa pagdaing. Pansin niya ang mahinang paglangitngit ng kama at ang paggalaw ng mattress kasabay ng binatang nag-urong-sulong sa loob ng kanyang katawan.
Sinalubong muli ng dalaga ang pabilis na pabilis na galaw ng binata at naramdaman niyang tila may namumuong kung anong bagay sa kanyang sinapupunan. Dahil dito ay humigpit ang kanyang lagusan na lalong ikinasiya ng binata. Narinig niya ang masarap pakinggan na ungol nito maya’t maya. Hinihingal din ito.
“Oh, God! Dani, you’re driving me so crazy!” wika pa nito habang abot-abot ang hininga.
Patuloy ito sa paglabas-masok sa kanya at muli na namang inabot nito ang kanyang sensitibong butil at hinimas-himas iyon saka kinuskos.
Napasinghap at napaungol siyang muli. Nakapikit ang mga mata dahil kung hindi, baka tumirik na ang mga ito. Nakaawang ang bibig niya at hindi siya makahinga nang normal. Wala na siyang ibang masambit pa kundi ang pangalan ng kanyang mahal na nobyo.
Hindi na niya mapigilan pa ang sarili. Gusto nang sumabog ng kanyang katawan. Napakapit siya nang husto sa bedsheet, kinuyumos ito at noon ay napaungol na siya nang paimpit nang marating ang pinakatuktok ng kanyang kaligayahan. Patuloy naman siyang napahalinghing dahil sa patuloy na pagbayo sa kanya ng binata hanggang sa bumaon na lang ito nang sobrang lalim sa kanya at umungol din ito nang sumunod itong makarating sa kinaroroonan niya.
Kapwa sila humihingal at ramdam niya ang lalong pamamasa ng kanyang pagkababae. Hinalikan siya ng binata sa balikat at leeg at marahan nitong idiniin ang isang daliri sa kanyang nabasang butil at marahan itong pinaikutan na siyang dahilan ng panginginig ng katawan niya. Sobra pang sensitibo niyon pagkatapos ng kanilang pinagsaluhan.
Hindi agad hinugot ng binata ang kahabaan nito. Sa halip ay idiniin nitong muli ang katawan sa kanya na ikinaigik niya.
“I love you so much, Dani,” bulong sa kanya ng katipan.
Ipinihit niya ang kanyang mukha at tiningnan ang binata saka hinalikan ito sa labi.
“I love you so much, too. Hindi mo lang alam, Callum,” ang mahinang wika niya rin.
Ngumiti ito sa kanya at marahan siyang inihiga pero magkaugnay pa rin ang kanilang katawan. Marahang kinagat ni Daneris ang kanyang pang-ibabang labi. Ang sarap ng pakiramdam niyang nakakulong sa mga bisig ng kanyang mahal na lalaki.
Ilang minuto ang lumipas ay naging normal na ang kanilang paghinga at marahang nagbawi ang binata. Naramdaman ng dalaga ang pagdaloy ng likido sa kanyang hita. Napalunok siya at naisip kung paano kaya kung mabuntis siya?
Humigit siya ng hangin at ipinikit ang mga mata.
‘Kahit na tatalikuran mo ‘ko, Callum, pupunuin ko pa rin ng pagmamahal ang magiging anak natin. Kahit hindi mo siya kilalanin, sasabihin ko pa rin sa kanya na ikaw ang ama niya at sasabihin ko rin sa kanyang intindihin ka dahil kasalanan ko ang lahat…’
Tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi. Buti na lang at nakadikit pa rin ang likod niya sa harap ng katawan ng binata at hindi nito nakikita ang mga likidong dumaloy sa kanyang mga mata.
Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ng binata.
“Do you want to take a shower?” bulong na anito ngunit hindi siya umimik.
Inakala na lang ng binata na nakatulog na siya kaya sa halip ay hinalikan na lang nito ang kanyang buhok.
“Sleep well, my love. I love you so much,” anito at pinigilan ni Daneris na huwag mapahagulhol.