CHAPTER 3: GREENWOOD PACK
Giana’s POV
“Because you’re my mate.”
Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya at narinig ko namang nagsinghapan ang lahat sa gulat. Tumitig ako sa kaniya at hinintay siyang magsalita at sabihing nagbibiro lang siya pero hindi ‘yon nangyari.
I stopped trying to find my mate because I was afraid that if he found out I couldn’t shift, he would reject me like my old pack did to me. And now that the Alpha King was here in front of me and said he was my mate, I suddenly felt the fear I felt when I was kicked out of the Olive Pack.
Kung ang dating pack ko ay hindi kayang matanggap ang isang tulad ko dahil para sa kanila ay may sumpa ako, paano pa kaya ang iba? Matatanggap ba nila na ang Luna Queen nila ay ang isang tulad ko?
Hindi ko napigilang humakbang ng isang beses paatras. Hindi niya inalis ang paningin niya sa akin at alam kong nakikita niya ang pangamba sa mga mata ko.
“No… Y-You’re not,” sabi ko at hindi nakatakas sa paningin ko na nasaktan siya sa sinabi ko pero mabilis ding naging seryoso ulit ang mukha niya.
Biglang umalis ang lahat nang nandito, mukhang sinabihan lahat ni Alpha Garred na bigyan kami ng privacy. Ngayon ay tanging ako, ang Alpha King, si Zivara at ang mate niya ang naiwan.
“What are you saying? Hindi mo ba maramdaman na ako ang mate mo?” he asked.
“How will I know you are my mate if I haven’t shifted yet?” tanong ko. “Hindi ko nga rin alam kung makakapag-shift pa ba talaga ako…” mahinang dugtong ko at hinintay kong magpakita siya ng reaksyon na hindi siya masaya na malaman na ganito ang naging mate niya.
Hinintay ko siyang magsalita pero nanatili siyang tahimik at naglakad palapit para alisin ang pagitan naming dalawa.
He suddenly touched my cheek and I was surprised when I felt a spark when his hand landed on my skin. It wasn’t as intense as what I’ve heard before that happens when your mate touches you, but it was still enough for me to know that he wasn’t lying.
The Alpha King… is really my mate.
Biglang sumakit ang ulo ko sa nangyayari. To think na ‘yong nasa unahan ng listahan ko na ayaw kong makasalamuha bilang isang rogue ay mate ko pa pala.
Ano ang plano mo sa buhay ko at siya ang itinadhana mo sa akin, Moon Goddess?
“You’re coming with me, mate,” he mumbled.
“No,” I said.
Biglang umigting ang panga niya. “You have no choice but to come with me,” he said firmly.
“I don’t want to be the Luna Queen, Alpha King,” pagmamatigas ko.
A deep growl rumbled from his throat and the color of his eyes changed from blue to black after hearing what I said. I couldn’t help but tremble with fear because I felt the intense power radiating from him. Halos nanghina ng sobra ang mga tuhod ko pero buti na lang ay nakayanan ko pa ring manatili na nakatayo.
“Giana, s-sumama ka na,” biglang sabat ni Zivara at halata sa boses niya ang takot.
Tumingin ako sa kaniya at tinitigan siya ng diretso sa mga mata.
“Kung hindi ka sasama… Hindi rin ako sasama,” sabi niya at natigilan ako. Narinig ko pa na napasinghap ang mate niya dahil sa sinabi niya.
Alam ko na noon pa man ay gustong-gusto na niyang makilala ang mate niya. Ngayon na nahanap na nga niya ang mate niya, alam ko na napakalaki ng kagustuhan niyang sumama sa kaniya. Pero ng dahil sa akin, nadadamay ang relasyon nila.
Humugot ako ng malalim na hininga at malakas ‘yong pinakawalan. Bumaling ako sa lalaking nasa harapan ko at nakitang bumalik na sa normal ang kulay ng mga mata niya at seryosong nakatingin sa akin habang hinihintay akong magsalita.
“I’m coming with you,” sabi ko. “But I’m only doing this because my friend asked me to.”
Hindi siya nagsalita at nanatili lang na seryoso. Maya-maya ay bumaling siya sa kung saan at tumitig ng matagal doon, halatang may kinakausap mula sa mind link. Hindi rin nagtagal ay ibinalik niya ang paningin sa akin.
“Let’s go,” sabi niya at nauna nang maglakad palapit sa kotse na kinasasakyan niya kanina. Binuksan niya ang pinto bago muling tumingin sa akin, hinihintay na mauna akong sumakay.
Tumingin ako kay Zivara at nakitang nakatitig siya sa akin. Mukhang naguguluhan siya sa kung ano ang susunod niyang gagawin.
Tumingin ako sa mate niya nang maglakad siya palapit sa kaibigan ko. Bigla siyang napabaling sa kinaroroonan ko at tipid akong ngumiti sa kaniya.
“Please take care of her,” I said to him and he nodded.
Ngumiti muna ako sa kaibigan ko at tumango sa kaniya para ipaalam na okay lang ang lahat bago naglakad palapit sa kotse. Binigyan ko pa ng isang tingin ang Alpha King bago sumakay sa loob at nag-adjust para may puwesto siya bago siya sumunod na sumakay.
Agad namang pinaandar ng driver ang sasakyan at nakita ko pa sina Alpha Garred at Luna Ceiana sa labas ng pack house na nakatingin sa kinasasakyan ko bago kami tuluyang nakaalis doon.
Buong byahe ay tahimik lang ako. Kahit man na mate ko ang katabi ko, siya pa rin ang Alpha King at isa pa rin akong rogue kaya nakawawalang lakas ang magsimula ng usapan kasama siya. Saka ano ang pag-uusapan namin?
Napaayos ako ng upo nang makitang papasok na kami sa territory ng Greenwood Pack. Agad kong nakita ang napakaraming royal guards na nagpapatrolya sa border at lahat sila ay tumayo ng maayos at bahagyang yumuko nang makita ang sasakyan na kinalululanan namin. Mukhang mas humigpit sila pagkatapos nang nangyari tungkol kay Zadhler.
“Zadhler is excited to see you again. Pero sa ngayon ay nasa Wureno Pack pa lang siya kaya hindi pa kayo magkikita ng isang linggo,” biglang saad ng Alpha King.
Nagulat ako sa sinabi niya. “How do you know that Prince Zadhler knows me, Alpha King?”
Bumaling siya sa akin at mataman akong tinitigan. “When he came back after leaving the pack territory just to find his pet, I smelled your scent on him.”
Kung ganoon ay alam niya na simula pa noong araw na iyon na isang rogue ang mate niya.
“Your sudden visit to the Crozzo Pack today… Is it because you want to see their situation after being attacked by rogues, Alpha King?” I asked curiously.
“Well… I really want to know their situation. But that’s not my main reason why I personally went there.” He said and he looked at me. “I learned from Warren about what happened to the Crozzo Pack earlier. My plan was to just send a royal guard to find out their situation, but when I heard that two rogues helped them, I quickly changed my mind and went right away there because there’s a possibility that they are referring to you and your friend.”
Tumango-tango ako pagkatapos kong malinawan. Pagkatapos no’n ay hindi na ako muling nagsalita o nagtanong pa at nagpapasalamat talaga ako dahil hindi na rin siya umimik pa.
Hindi nagtagal ay huminto na rin ang sasakyan namin. May nagbukas ng pinto para sa akin at agad akong lumabas dahil tila kinakapos ako ng hininga sa loob ng kotse. Dahil sa pag-uusap namin kanina ay hindi ko napansin ang itsura nang dinaanan namin, pero ngayon ay nasa harapan na ako nang nababalitaan ko lang noon na Dazellian Palace at hindi ko maiwasang mamangha.
The palace Is huge and breathtakingly beautiful. The main building and the east and west wing are built separately but they are still connected to each other because of the structure called the colonnade.
Halos hindi na ako kumurap dahil natulala na ako sa sobrang ganda ng buong paligid.
“Wow…” rinig kong sabi ng kaibigan ko na hindi ko man lang naramdamang nasa tabi ko na pala.
“Warren, I’ve already told Butler Klaide about the room my mate will be sleeping in. Please take her there because I have things to take care of that should be finished as soon as possible.” The Alpha King said. “And about your mate, it’s up to you whether you sleep together or whether she stays in the room next to yours.”
“Shouldn’t I take her to your room?” Nakataas ang kilay na tanong ng mate ni Zivara habang palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa mate ko.
Biglang bumaling ang Alpha King sa akin at hindi ako nag-iwas ng tingin. “I know for sure that my mate doesn’t want to share a room with me.”
“But-“
Hindi na pinatapos na magsalita ng Alpha King si Beta Warren at mabilis nang naglakad palayo. Narinig kong bumuntong-hininga si Beta Warren at tumingin sa aming dalawa.
“Let’s go. Ihahatid ko kayo sa mga kuwarto na tutuluyan ninyo,” sabi niya at sumunod naman kami sa kaniya.
Diretso lang ang tingin ko habang naglalakad kami at hindi pinansin ang mga maid at royal guards na yumuyuko sa tuwing nakasasalubong kami. Sa main building kami mismo nagtungo at kung ano-anong daan ang tinahak namin at ilang hagdan ang inakyat namin bago kami huminto sa isang malaki at mataas na double-door na pintuan. May matandang lalaki ang nakatayo roon at yumuko siya nang makita kami.
“Queen Luna, ito ang magiging kuwarto mo,” sambit ni Beta Warren. “This is Butler Klaide. If you need something, just tell him and he will take care of it.” Pagpapakilala niya sa matandang lalaki.
“Ikinagagalak kong makilala ka, Queen Luna. Ganoon din sa mate ni Beta Warren,” magalang na bati niya.
“Huwag niyo akong tawagin ng ganiyan,” seryosong sabi ko at nagulat siya.
Ilang segundo lang din ay ngumiti siya sa akin. “May I know how should I address you?”
“Giana.”
He nodded. “Okay, Miss Giana.”
Biglang tumikhim si Beta Warren at napatigil ako sa kaniya. Nakatingin siya sa kaibigan ko pero inilipat niya ang tingin sa akin.
“Maiwan ka na namin dito dahil ipapakita ko rin ang tutuluyang kuwarto ng mate ko,” saad niya at tumango na lang ako.
Hinawakan ni Zivara ang kamay mo na para bang ayaw niyang malayo sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya. “Go. Puwede ka namang pumunta rito sa tuwing gusto mo. Tatanungin ko na lang din sila mamaya kung saan ang magiging kuwarto mo para alam ko kung saan kita hahanapin kapag kailangan kita.”
Pagkatapos nang sinabi ko ay ngumiti siya at sumama na nga sa mate niya papunta sa kuwarto niya o kuwarto nila.
Biglang binuksan ng butler ang magiging kuwarto ko at muli ay hindi ko na naman napigilang mamangha.
“Is everything to your taste? Just let me know if there’s anything you’d like to change so I can take care of it right away,” he said.
Umiling ako. “This is more than enough.”
“Right now your walk-in closet is empty but the Alpha King has already ordered someone to buy you a lot of clothes.”
“Then please tell them I don’t want shorts and sleeveless dresses. I like clothes that cover my whole arms and legs.”
Tumango siya pagkatapos marinig ang sinabi ko. Naglibot-libot ako sa loob at talagang tiningnan ko ang bawat sulok ng kuwarto. Nang makita ko na ang lahat ng dapat na makita rito ay bumaling ako sa Butler.
“Can you take me around for a while and mind link Beta Warren later and say I want to have breakfast with my friend?”
Medyo nagulat siya sa sinabi ko. “You haven’t eaten yet, Miss Giana?” pangungumpirma niya.
I shook my head. “Your Alpha King arrived early and brought us here so we didn’t get the chance to eat breakfast.”
Hindi na lang siya nagsalita at tumango na lang. Pagkatapos nang usapan namin na ‘yon ay inilibot na niya ako hanggang sa sinabi ko na sa kaniyang i-mind link na si Beta Warren para ihatid ang kaibigan ko sa kusina. Buti na lang ay pinagbigyan niya ako at hindi ipinagdamot ang kaibigan ko sa akin.