CHAPTER 10: AGENT
Lorrain P. O. V
SABI NIYA sakin pupunta raw kami sa kompanyang hawak niya. Kaya lagi siyang busy. Pakiramdam niya atah na hindi ako naniniwala kaya sinabihan niya akong samahan siya.
"Anong gagawin ko roon?" tanong ko sa kaniya.
Binatones niya ang damit niya saka niya ako nilingon at ningitian.
"Ang tingnan ako hanggang magsawa ka sa pagmumukha ko"
Kung masasawa ako. Baka nga masanay ako e.
"Pwede ko bang dalhin ang laptop ko roon?" tanong ko sa kaniya.
"Sure Babe" kumindat pa siya sakin.
Kaya nagdala ako ng backpack nilagay ko roon ang isang tablet ko yung phone at laptop ko. Ng matapos ako ay napatingin ako sa kaniya. Tapos narin siya.
Hinawakan niya ang kamay ko ng palabas kami. Hiningi niya sakin ang susi kaya binigay ko sa kaniya at siya na ang nag lock bago sinauli sakin ang susi. Sumakay na kami sa kotse niya at nahinto ito sa isnag napakalaki at napakataas na building.
Lumabas na siya sa kotse niya bago niya binuksan yung sakin at inilahad ang kamay niya. Kaya tinanggap ko ito bago ako lumabas ng sasakyan. Binigay niya sa guard ang susi bago kami pumasok sa loob.
Halos lahat ng empleyado na nandito ay napanganga ng makita ang kamay naming dalawa. Meron ring naiingit. Sorry girls but he's mine. Mine Alone!.
Sumakay na kami sa elevator hindi niya parin tinatanggal ang pagkahawak niya sakin na para bang ayaw niya akong mawala. Ito ring nararamdaman ko na ang sarap sa pakiramdam yung parang may paro paro o ano ba yan sa tyan ko may kuryente at ang lakas ng tibok ng puso ko.
"In love naba ako?" biglang tanong ni Darius.
"What?" tanong ko saka umupo sa isang sofa.
"Iba kasi yung tama mo sakin. Yung parang kiliti sa may tyan ko. Yung kuryente yung hindi masakit na kuryente kundi masarap sa pakiramdam. Lalo na ito" hinuli niya ang kamay ko at idinikit sa may dibdib niya "Ang lakas diba? Sayo lang ito ganito. Pag nasa paligid ka at pagnasa tabi kita lalo na pag nakikita ka ng dalawang mata ko. Hindi karin nawawala sa isip ko habang nagtatrabaho ako. Kaya kita dinala rito kasi ayaw kitang ma miss gusto ko nandito kalang lagi sa tabi ko kasi laging nagtatalo ang isip at puso ko pag wala ka rito"
Parang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. Ganun ang epekto ko sa kaniya? Kung ganun we're the same. Pareho kami ng nararamdaman.
"I feel your heartbeat too" nakangiti niyang sabi "You're in love. Pero kaya kung maghintay baka kasi may bumabagabag sa isip mo kaya ayaw mong sundin ang puso mo"
"Ayaw ko lang iwan ulit——"
"—Hindi ko gagawin sayo yan" pagputol niya sa sasabihin ko.
"Im sorry"
"I can wait"
Tumango naman ako saka ko siya niyakap.
"Thank you"
Ayaw kung pumasok ulit sa isang relasyon. Alam ng mga kaibigan ko kung pano ako nasira at naging bitter ng dahil sa kaniya. Minahal ko siya ng sobra sobra kahit sa sarili ko wala akong tinira. Kaya sirang sira ako nung nawala siya.
He used me. He doesn't love me. He love my sister.
Ginamit niya ako para maging malapit silang dalawa. Pinaniwala niya ako sa mga pangako niya. Hindi ko alam na palihim na pala nila akong sinisira, sinasaktan.
Ng dahil sa kaniya kaya ko iniwan ang pamilya ko. Ng dahil sa kaniya kaya nabuo si BitterNovelWrites. Ng dahil sa kaniya galit ako sa kapatid ko. At lalong lalo na ng dahil sa kaniya natatakot akong pumasok isang relasyon ulit.
Mukha lang akong masayahin pero durog na durog ako sa loob ko.
Kaya nga sa lahat ng mga nobela na nagawa ko walang nagkatuluyan sa huli. Dahil hindi naman totoo ang forever. Walang forever.
Bumalik na sa trabaho si Darius habang ako ay nanunuod ng k drama o di kaya'y anime. O di kaya'y nakikinig ng music para naman may maisip ako ulit na bagong kwentong gagawin.
Halos lahat ginawa kuna ngunit wala talaga akong naisulat kaya ang ginawa ko nalang ay ang pagmasdan siya. Naka side view ito kaya kitang kita ko yung matangos niyang ilong ang maliliit niyang labi at perpektong hugis ng panga niya.
"I love you" muntik na akong mahulog sa sinabi niya.
I love you, too.
Ngiti lang ang isinukli ko. Kasi hindi pa ako handang sabihin ang 4 word na iyon sa kaniya. Dahil ayaw kung umasa siya lalo na at hindi pa ako masyadong nakakamove on sa ex ko. Oo hindi kuna siya mahal. Pero ramdam ko parin rito sa puso ko yung sakit. Yung sakit na ginawa niya sakin. Nila.
Ngumiti rin siya. Na para bang kuntento siya kahit hindi ko sinagot yung sinabi niya sakin. Kasi alam ko na alam niyang mahal ko siya kaya lang hindi ko pa kayang sabihin sa kaniya ang mga salitang iyon.
Kaya niyang maghintay. Dahil mahal niya ko. Kahit na sa kunting panahon palang kaming nagkakilala. Tama nga naman sila pag tungkol sa love wala kang kahit na kunting masasagot sa mga tanong mo.
Bakit mo siya mahal?
Hindi ko alam. Hindi dahil gwapo siya hindi dahil mayaman siya. Hindi ko alam ang sakin lang ay sa kaniya tumitibok ang puso ko.
Anong nagustuhan mo sa kaniya?
Hindi ko rin alam. Wala akong masasagot dyan. Lalo na at hindi ko pa siya masyadong kilala.
Para kang baliw na magtatanong sa sarili mo pero wala kang masasagot kasi kahit ikaw hindi mo alam kung ano ba talaga ang tunay na sagot.
Kaya minsan nakakatakot rin magmahal. Sobrang nakakatakot. Dahil hindi mo alam kung siya na ba talaga ang para sayo o baka pagsubok lang din siya. Kaya ang kailangan mo lang gawin ay mahalin siya pero unahin mo ring mahalin ang sarili mo.
Para pag nalaman mo nalang na hindi pala kayo sa huli ay kahit masakit ay makakaahon ka parin.
Sa pagmamahal marami kang ma isasakripisyo.
Tulad nalang dahil minahal ko yung ex ko ng sobra. Nawala ako sa sarili ko. Naiwan ko sa ere ang mga pangarap ko. Tulad nalang nung pagsusulat ko. Ng maging kami hindi na ako nakakapagsulat pa dahil gusto ko nasa kaniya lang lagi ang atensyon ko.
Akala ko mahal niya rin ako pero niloloko ko lang pala ang sarili ko dahil mas mahal niya ang kapatid ko at kahit kailan hindi niya ako minahal.
Tama na toh. Masyado na akong ma drama. Ang dapat ko lang isipin ay ang ngayon. Itong lalaking kasama ko. Itong lalaking mahal ako at mahal ko rin.
Kailangan ko nalang kalimutan ang nakaraan ko para makagalaw na ako ng walang pag alinlangan sa ngayon.
"Hey babe" nag angat ako ng tingin at napatinggin kay Darius na nasa harapan kuna pala.
"Hey!"
"Lagpas lunch na tara kain tayo?" akmang tatayo rin ako ng bumukas ang pinto at pumasok roon ang dalawang gwapong lalaki na kamukha ni Darius.
"Wazzup——"
"DJ——"
Napatigil sila pareho ng makita nila ako.
"D-darius may kasama ka pala"
"S-syensa na lalabas lang kami"
"Hey" pagpapahinto ni Darius sa kanila "Mga ogag toh hali na kayo sayang naman yang dala niyo"
"Lol toh! Pagkain lang pala ang habol satin"
"Sakit sa heart"
"May puso ka pala Davy?"
"Shut up Rio!"
Napailing nalang si Darius sa inasta ng mga kapatid niya. Umupo siya sa tabi ko at sinilip ang laptop ko. Bago siya tumingin ulit sa mga kapatid niya bago niya ito pinaupo.
"Kaano ano mo si Darius? Beautiful lady!" biglang tanong ng isang ito sa pagkakaalam ko tinawag siya ng isang lalaki na Davy?
"He's my suitor" sagot ko.
"Woh! Suitor? Sa pagkakaalam ko mas gusto mo yung mabilisan. Siguro kaya ka rin iniwan ng ex mo dahil wala kang masyadong ka thrilling²——" napatigil sa pagsalita ito ng takman ni Davy ang bibig ng kapatid.
"Wala talaga yang filter yang bibig mo Rio!" saway ni Davy kay Rio raw.
May naging ex na pala si Darius? Well sabagay gwapo naman siya. Baka nga masabihan ko pa siyang bakla kung nalaman kung wala talaga siyang naging ex. Pero bakit pakiramdam ko at gusto ko ako yung una niya sa lahat?
Sumama ang timpla ng itsura ni Darius ng marinig niya ang salitang ex. Hindi parin ba siya nakakamove on?
Ako nakamove on na ako sa kaniya hindi kuna siya mahal pero hindi pa ako naka move on sa sakit na pinaranas niya sakin.
Wala ng umimik at nagpatuloy nalang sila sa pagkain. Namaalam na ang dalawa bago sila lumabas sa opisina. Bumalik sa pagtatrabaho si Darius na parang hindi niya ako nakikita.
Para akong wala rito. Naiintindihan ko siya kung bakit siya ganyan pero talaga nga bang maiintindihan ko siya e kahit nga lang dahilan kung bakit siya nagkaganyan hindi ko alam.
Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Napatingin sakin si Darius.
"Uwi na ako" sabi ko sa kaniya.
"H-hey! B-bakit? Na bobored kana ba?" saka siya tumayo at lumapit sakin.
"Inaantok lang ako"
"May kwarto ako rito sa opisina ko. Matulog ka muna dun" wala akong takas rito "Talaga bang okay kalang?"
"Hindi ka magaling magtago ng emosyon Darius, pano ka naging Agent?"
"A-agent?" gulat na tanong niya sakin.
"Nabasa ko ang email mo. May misyon ka roon kaya lang tinanggihan mo at napasa sa ibang Agent kay Agent Axe right? Bakit mo nga ba tinanggihan? Pwede pala yun? Yung tatanggi ka?" sinubukan kung hindi mautal at nagtagumpay naman ako.
"P-pinakialaman mo yung gamit ko?" takang tanong niya sakin.
"Bakit? Yung sakin pwede yung sayo hindi? Napaka unfair naman kung ganun diba? Saka aanhin ko naman ang salitang Agent yayaman ba ako dyan pag pinagkalat ko? Hindi diba? Bakit ba kailangan niyo pang itago? Para sabihing cool?"
"Para protektahan yung mga taong malalapit samin!" biglang sigaw niya sakin at hindi ko inasahan yun "Tinanggihan ko ang misyon na yun dahil alam kung napaka delikado nun. Kilala ko si Agent Axe oo naglalaro yun lagi pero alam kung sa loob loob nun ay seryoso iyon at doon pinapasa sa kaniya ang misyon ko. Kaya kami naging Secret Agent para pwede kaming mabuhay at gumalaw ng normal na walang nakakaalam sa kung ano ba talaga kami" naiinis na siya sakin "Ginawa naming Secret ang trabaho namin para protektahan ang mga tao na nasa paligid namin. Protektahan ang taong mahalaga samin at ikaw yun! Mahalaga ka sakin kaya tinangggihan ko ang misyon ko!"
"Bakit sinabi ko bang tanggihan mo?!" abah ako pa ang sinisi niya. Kaloka toh.
Naging malambot ang mukha nito "Hindi sa ganun. Ayaw kitang mapahamak kaya tinanggihan ko ang misyon na iyon. Nasa mabuting kamay na ang misyon ko... Umuwi ka muna sa inyo" pagtataboy niya sakin bago siya umupo ulit at nagtrabaho.
Pinapaalis niya ako!
Ayaw na niya sakin kasi ininis ko siya!
Mabuti! Kasi hanggat maaga pa ay pwede pa akong makaahon at maka move on sa nararamdaman ko para sa kaniya.