10: Tell me, David... Will things get better?

Ang tagal niya. Kanina ko pa siya hinihintay. Nasaan ka na, David? Naghihintay lang ako sa gate ng school. Uwian na pero ngayon wala pa rin siya, may nangyari kaya?

Tumingin ako sa aking relo. Sampong minuto na siyang late. Hindi naman siya ganito dati, ah? Ayaw niya nang pinaghihintay ako.

Pagtaas ko ng aking ulo ay sumalubong sa akin si Darell na may hawak na bag pero isang strap lang. Tinaasan niya ako ng dalawang kilay niya para simpleng bumati. Katatapos lang pala ng klase nila. Kanina ay nakita ko si Kahel na seryosong seryoso ang mukha pag-alis kaya hindi niya ako napansin sa gate. Maaga siyang umuwi. We're currently on our last year, Grade 12.

Tinaasan ko rin siya ng dalawa kong kilay para bumati pabalik.

"Ingat," sabi ko.

"Ingat din," sabi naman niya. "Si Kahel, nakauwi na ba?"

Hindi ko mapigilang mapangiti sa tanong niya. Bago 'yan, ah? This guy is nonchalant. Can't believe he's asking where my best friend is. Sila ang magka-klase pero sa akin nagtatanong.

Kapag nagkaroon ng relasyon 'yang si Fajarez at Kahel, sigurado akong sila ang pinaka-inosente. Paghawak nga lang sa bag ng isa't isa nagkakahiyaan pa sila.

Nagkibit-balikat ako. Kumaway na lamang siya at nagsimula nang maglakad paalis.

Iku-kwento ko ito kay Kahel. Siguradong kikiligin ang gagang 'yon. Move on pala ah? Tingnan ko lang kung hanggang kailan tatagal ang anti-marupok pill niya.

Ako:

Kahel, nakita ko si Darell

Umabot pa ng isang minuto bago niya iyon na-seen. Agad naman siyang nagtipa.

Kahel:

Ano naman? Sinabi ko na sa inyong wala na akong paki sa kanya. Nagmoveon na ako.

Ngumisi ako. Talaga lang ah?

Ako:

Tinatanong niya kung nakauwi ka na

Nagreact siya ng nagulat na emoji sa message ko. Natawa ako. Ang bilis niya magreply pag si Darell ang topic naming dalawa.

Kahel:

Weh

Kahel:

Paano pagkakasabi? Like exact

Kahel:

Screenshot mo nga patingin

Ako:

Wala raw paki

Kahel:

Curious lang naman ako???

May biglang tumabon sa paningin ko. Kapag napupunta ako sa dilim ay kinakabahan agad ako, pero kahit 'di ko pa nakikita ang mukha ng gumawa noon o iyong boses man lang ay alam ko na kung sino ito.

"You're late," sabi ko habang nasa mata ko pa rin ang kamay niya.

Tinanggal niya naman ang kamay niya sa mata ko. "I'm sorry for that... Something just came up."

Umikot ako para magsalubong kami ng tingin bago siya tinaasan ng kilay. "Something? You mean your dad, is that right?"

Bumuntong hininga siya at tumango. "You know me to well, doll..."

"Stop calling me doll!" Nalukot ang mukha ko.

"What?" Tumawa siya. "It's cute."

Inismiran ko siya. "You can just call me by my name. I prefer that, okay?"

Tumango siya.

"So what happened?" tanong ko.

"He wants me to study abroad, you know... We're almost finished in highschool so he's thinking how could he take advantage of me." tumawa siya pero hindi iyon umabot sa mata niya. "Hindi naman ako papayag, don't worry... I don't like business."

"Ano bang kukunin mong kurso sa college?"

"Uhh... Law. I want to study law."

Ngumiti ako. "You want to be a lawyer, huh?"

"Prosecutor to be exact..."

"Ano bang pinagkaiba no'n?" tanong ko at nagsimula nang maglakad. May date kami ngayon, hehe.

Kahit wala kaming label.

"What I know is lawyers usually works on law firms while prosecutors work for the government and I love the idea of that..."

Habang naglalakad kami ay patango-tango lang ako sa sinasabi niya tungkol sa pangarap niya. I like hearing about his dreams, wala lang talaga akong masabi pero ang sarap sa tenga dahil nagsh-share siya sa akin ng ganito.

"Ikaw, anong gusto mo?"

"Lawyer din." ngumiti ako. "Or psychologist."

Namungay ang mga mata niya. "Really?"

Nakalabas na kami ng school. Isang kanto pa ang lalakarin namin bago kami makapunta sa jeepney station.

"Yup."

He smiled. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko rin mapigilang mapangiti. Para akong baliw. I imagine us being in the same law firm, pursuing our dreams with each other.

I saw how he stared at my hands while we're walking. He's too tall, alright... I can see what he's looking at.

Does he want to hold my hands?

Hindi ko ginalaw ang aking kamay habang naglalakad. Maya maya ay naka-tyempo siya at hinuli ang kamay ko pero agad niya ring tinanggal.

"'Di pa pala pwede, hehe..."

"Anong hindi pwede?" Parang nawala ako sa mood dahil sa sinabi niya. Gusto ko ring hawakan ang kamay niya!

"Bawal pa tayo magholding hands... Wala pa ngang tayo tsaka 'di pa kita nililigawan."

Tinaasan ko siya ng kilay at inilagay ko ang kamay niya sa kamay ko bago pinagsiklop iyon. "So what? Dinadala mo nga ako sa dates kahit walang tayo. Ikaw pa ang nagbabayad lagi."

He smiles and covered his face with his other hand. "You're making me blush. Stop."

Tumawa ako. Pati ako ay ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

Gosh, highschool love is the best... They say. And I couldn't agree more.

Ganoon na kami lagi pag-uuwi kaya hindi na ganoon karaming babae ang nagmemensahe sa kanila. Ang alam ng iba ay kami na. Pati nga ang mga kaibigan ko ay duda na sa mga sagot kong 'kaibigan ko lang 'yon' pero ang totoo ay pumupunta kami sa dates nang 'di nila alam dahil baka itapon nila ako sa bangin pag nalaman nila ito.

Pagkagraduate namin sa grade eleven ay si David ang nangungunang estudyante sa strand niyang ABM. Napilitan lang siya roon dahil iyon ang strand na gustong piliin ng ama niya para sa kanya para manatili siya rito ng isa pang school year. Samantalang ako ay nasa Humanities para ma-ready ko ang sarili ko sa college kung saan ang kukunin kong kurso ay pag-a-abogado.

"Labas tayo..." Aniya pagkalabas ko sa room ko. Naghintay siya sa labas.

"Huwag muna, mukha kang pagod..." Tinanggal ko ang kamay niyang umambang kukunin ang strap ng bag ko.

Ngumiti siya sa akin. "Iyon nga... Kaya nga gusto kong lumabas tayo para 'di na 'ko pagod."

"Tae mo." I rolled my eyes. "Nas-stress ka na. Hindi ba talaga pwedeng pakiusapan ang daddy mo na rito ka mag-Humanities next year? O kaya naman..." pwede kang bumalik sa dati mong school.

"Ayaw ko, Lynelle... That's final."

"I heard the news..." I swallowed. “Sa Ateneo ka na mag-aaral?”

“Hindi naman ako makakapasa roon..."

“David that's impossible, you're the top student. I know you could do it if you want to.”

“Ayoko sa Ateneo.”

“Bakit naman? maraming maganda roon.”

“Maganda? wala ka nga roon.”

“Sus! basta papasa ka, sure ako, goodluck!” nagpilit akong tumawa.

“Ibabagsak ko ’yon.”

Kumunot ang noo ko. “Huh? bakit naman? that's a good opportunity!”

“I want to go to a university with you. There I assure you I’ll pass.”

"David!" tumaas ang boses ko pero agad ding bumalik sa normal nang pinagtinginan ako ng mga kaklase ko. Baka isipin nilang nag-aaway kami. Hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa fire exit. Doon kami mag-uusap. "Do you even know what you're thinking?"

"Yes... I have plans for us, you know..."

Mariin akong napapikit. "Alam ko. Pero dapat unahin mo ang sarili mo. Seryoso ang college, David... Huwag kang padalos-dalos."

"Hindi padalos-dalos para sa 'kin 'to kasi kasama ka sa bawat pangarap ko, Lychie..." He stared at me with his tired eyes and gave me his reassuring smile. "Huwag kang mag-alala, magagawan ko naman ng paraan."

Bumuntong hininga ako. "Do what makes you happy, David."

"Satisfying my parents makes me happy even some part of me feels hurt thinking what they did to me when I was young. I'm okay with it... After I get a job, they will never see me again. Tutuparin ko ang mga pangarap ko, natin... Magtatapos tayong dalawa. I'll make you proud, you'll get what's best for you, me. Tapos papakasalan na kita."

My tears fell as I hugged him. I know he's struggling right now. He needs me.

Pinahinga niya ang kanyang ulo sa balikat ko. He cried there. I can feel his tears... his sorrow. The longing for his parents...

"I love you," I whispered as I caressed his hair.

"I love you, Lynelle..." he says.

Sabay kaming naka-graduate nang hindi alam ng magulang ko na may kami. Sa college gusto kong umamin sa kanila, ayaw kong magsinungaling sa kanila. Naku-konsensya ako pero ayaw kong magalit sila sa akin.

Sabi ni David, sabay kaming aamin sa parents ko.

Nagpicture kami noong graduation namin.

"First graduation together. Next, sa college naman!" Niyakap ako ni David. "Promise me, through thick and thin, we're in this together!"

I smiled as I hugged him back. "I promise! Through thick and thin, we're in this together!"

That day we have fun. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Nandoon na rin si Armenia. Sina Kahel, Monica at iba pa naming mga kaibigan.

I was happy not until I got home.

Pagkahawak ko sa door knob ay umiikot ang pakiramdam ko. Sumakit ang lalamunan ko, nagsimulang umubo. Ang sakit-sakit, 'di ko mapigilan ang pag-ubo ko. Pakiramdam ko nalalasahan ko na ang dugo ko dahil ilang beses ko nang nakagat ang dila ko.

"Lynelle!" sigaw ni mama at dinaluhan ako. "Anong nangyari sa 'yo?" Nag-aalala niyang tanong.

Ngayon lang siya naging ganyan.

Nagtuloy-tuloy ang pag-ubo ko, minsan may dugo na. Hindi na ako nakakatulog o nakakakain nang maayos.

"Ma! Ang kati!" Umiiyak na ako habang kinakamot ko ang balat ko. Nagdudugo na iyon at pulang-pula. Hindi ako matigil sa ginagawa ko. "Ma ang hapdi na! Ayaw ko na!"

Dinala nila ako sa Ospital. Ang sakit-sakit ng buong katawan ko. Pakiramdam ko napapagod ako kahit wala naman akong ginagawa.

"Nak... may breast cancer ka raw. Stage two."

"Do it again... Things get better. Always. Yesterday you can't sleep because of doubts in your head but trust me, tomorrow will get better..."

Tell me, David... Will things get better?