9: Goodnight, Lynelle

Simula nang dumating ang mga magulang ko ay bihira na lang ako makasama sa mga gala ng mga kaibigan ko. Nilalayuan ko rin si David dahil kapag nakikita ko siya ay nanghihina ang tuhod ko.

'Di pa 'ko nakakaligo kaya dumiretso ako sa cr kaso may tao pala kaya nagcellphone ako saglit. Minsan na lang ako mag-online.

Nag-update ako ng profile picture kanina, three hours ago. Nakapink ako na skirt at spaghetti black top, may hawak din akong bag na itim habang nakangiti sa camera. Bahagyang nakataas ang braso ko para sa pose.

Tahimik lang akong nags-scroll sa newsfeed ko hanggang sa biglang may nagnotify sa akin.

David Angelo Tamizen and 482 others reacted to your profile picture.

Pakiramdam ko ay lumabas ang eyeballs ko sa gulat. Akala ko ba hindi siya gumagamit ng social media?!

Tiningnan ko ulit ang profile picture ko at sinuri iyon. Baka isipin niya na pangit 'to?

Teka, ano bang paki ko? Eh nagandahan ako riyan kaya ko nga ginawang profile picture. Bakit ko iisipin na pangit 'yan sa mga mata niya?

Sa huli ay nanalo ang pag-o-overthink ko. Nagprivate na lamang ako ng profile picture. May nakita akong message request, kasunod noon ay friend request ni David kaya alam kong siya ang nagmessage.

Titingnan ko sana iyon nang kunin ni mama ang cellphone ko. May twalya siya sa ulo at bahagyang nabasa ang damit niya. Katatapos niya lang maligo.

"Puro ka cellphone! Hindi mo pa nga nahuhugasan 'yung mga urungin tapos nakahilata ka rito! Maghugas ka na at baka langgamin pa 'yon!"

Pinilit kong ngumiti kahit nagbabadya na agad ang luha ko. Hindi naman ako ganito kabilis umiyak sa iba, sa mga magulang ko lang talaga. "K-Kakain muna po ako, h-hindi pa po kasi ako nakakakain kaya hindi ko pa nauurungan---"

"Sumasagot ka na ngayon?! Itatago ko 'tong cellphone mo! Tingnan ko lang kung magamit mo pa ito ulit!" Galit niyang sabi sa akin.

"Okay lang po." pinigilan ko ang luha ko at binigyan siya ng walang emosyon na mukha kaya nagulat ako nang sampalin niya ako.

"Ikaw, napakabastos mo! Naiwan ka lang namin saglit dito nagkaganyan ka na! Iyan ang napapala mo sa pakikipagbarkada sa mga putanginang kaibigan mo!"

"Ma huwag niyo po idamay ang mga kaibigan ko!" Bahagyang tumaas ang boses ko roon. Tumulo na ang luha ko.

"Nagpakahirap ako para lang sa isang katulad mo?! Sana hindi na lang kita pinanganak! Sana hindi na lang ikaw ang nabuhay, sana si Leo na lang!"

Natulala lamang ako sa sinabi niya. Naghugas na ako ng urungin, nakapag-almusal at nakaligo na pero hindi nawawala sa isipan ko ang sinabi ni mama.

Sana nga hindi na lang ako pinanganak... Sana hindi ka nakunan, ma... Sana buhay pa si Leo at hindi ako.

Pagkadating ko sa room ay wala pa si David kaya tahimik akong nagpasalamat. Namamaga ang mata ko. Alam kong ipipilit niya na namang lumapit sa akin para magpapansin at makikita niya ako. Baka mag-alala 'yon.

Nakayuko lamang ako sa desk ko. Hanggang sa may biglang yumakap sa akin.

"I love you..." masuyong sabi ni Monica habang nakayakap sa akin.

Hindi ako nag-angat ng tingin. Pakiramdam ko ay mag-iinit na naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "I love you..." sabi ko rin.

"Nandito lang ako pag kailangan mo ng kausap ha... Kapag ready ka na." Naramdaman ko ang halik niya sa ulo ko. "Alam kong kailangan mo ng space ngayon pero hindi ako aalis sa tabi mo! Tatahimik lang ako para makapag-isip isip ka."

Sa lahat ng kaibigan ko ay si Monica ang pinaka-kaclose ko bukod kay Kahel. Siya ang lagi kong tinatakbuhan, siya ang nakakaalam tungkol sa family struggles ko. Kung hindi kasi nag-online class si Kahel last year until now, sana magkasama kaming tatlo. Isama pa si Armenia na lumipat ng school.

"S-Salamat..." mahina kong sabi.

Tinagilid ko ang mukha ko para tingnan ang pintuan, hinihintay si David. Nang pumasok siya ay binaba ko nang bahagya ang tingin ko para hindi niya makita ang mata ko. Pero napapanood ko pa rin ang ginagawa niya.

"Anong meron? Umiyak ba siya? Malungkot?" He mouthed to Monica.

Nagkibit-balikat si Monica at tumingin sa akin sabay ngiti.

"Ayaw mo ba siyang makita?"

Suminghot ako at umiling. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng kamay ko bago ako dumiretso ng tingin sa harap. Nagtama ang tingin namin ni David.

"'Di mo na 'ko kinakausap ah... Hindi mo rin kailangang itago kasi nakita ko na, umiyak ka eh... May nagawa ba ako? Pasensya ka na kung gano'n..."

Umiling ako at tumawa nang kaunti. "Hindi ah... Assumero ka, bakit kita iiyakan?"

"Pwede malaman kung bakit ka umiiyak?" Maingat niyang tanong sa akin gamit ang nag-aalalang mga mata niya. "Kung ayaw mo, naiintindihan ko ah... Kapag ako ang dahilan ng luhang 'yan, 'di na 'ko magpapakita sa 'yo kahit kailan."

Natawa ako sa sinabi niya.

"Namamaga ang mata mo oh... Ganda mo talaga kahit umiiyak ka. Hays..." bulong niya pa.

"Sira, sa bahay lang 'to. Misunderstanding lang sa bahay kaya umiyak ako pero ayos na naman ako ngayon---"

"Sus, halika rito, yakapin kita at nang tuluyang matanggal 'yang sakit na nararamdaman mo." aniya at tumawa. "Echos lang oy, pero pwede ngang yumakap?"

Umiling ako pero tinanggap ko ang yakap niya. Iyon ang unang beses na nayakap ko si David sa dalawang taon naming pagsasama bilang magkaibigan.

Hindi ko matiis na mag-open up sa kanya eh. Ang sarap kasi sa pakiramdam pag sa kanya ako nag-o-open up. Nakikinig kasi siya sa akin tapos nagbibigay siya ng advice. Parang nagawa niya na ang ilan doon dahil maingat ang pagbibigay niya ng salita. Para bang naranasan niya na ang nararanasan ko.

Nang makarating kami sa grade ten ay napuno kami ng pressure dahil sa bilis ng pagbabago ng lessons. Ang daming pinapagawa dahil graduating na sa Junior High.

Si Kahel ay naka semi face to face class na ngayong taon kaya may mga araw na amin siyang nakakasama. Ang laki ng pinagbago niya, lagi siyang pagod at mas lalo siyang bumait kaya ang daming umaabuso sa kanya.

Last month nag-away sila noong tumawag kay Marcus (na isa sa mga best friend niya) na bobo ito at ang girlfriend niya (na kaibigan din nila Monica at Armenia). Napunta siya sa guidance at walang awa ang mga salitang nilalabas ng bibig niya. Pero this week lang ni-cut off niya si Marcus sa 'di ko malamang dahilan.

Basta sa mga kaibigan niya, sobrang protective niya.

Pero pansin ko na parang naubos siya... Ang dating Kahel laging kasama sa honors ay nagkaroon ng 76 sa card. Kaya siguro pakiramdam niya ay kahiya-hiya siya sa amin ay dahil lahat kami honor student, hindi niya na kami natutulungan. Tsaka lagi pa siyang naloloko ng mga naging boyfriend niya, hays...

"Hoy alam mo ba! Iyang si Kahel may crush kay Darell!"

"Sinong Darell?" kumain ako ng chips ko.

"Si Darell Andrei Fajarez!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Kaibigan niya si Darell, ah?!

Namula agad si Kahel sa sinabi ni Monica.

"Hindi ko na nga 'yon crush!"

"Ulol! Kaya pala kung makakasalubong natin sa corridor ay nanghihina ang tuhod mo! Sabi hindi na raw gusto pero nawalan ng boses after intrams dahil naglaro ang crush niya!"

Tumawa si Kahel. Ang ganda niya talaga.

Nang makita niya ang tingin ko ay nginitian niya ako. "I love you," biglang sabi niya.

I love my friends so much.

"David, laro tayo ulit sa susunod ah..."

Napatingin ako sa likuran ko nang makita ko si David na paakyat sa third floor kung nasaan kami ngayon. Nasa likuran niya si Darell, nang makita siya ni Kahel ay napangiti agad na parang tanga ang kaibigan ko.

"Ganda ganda mo tapos magse-settle ka lang sa lalaking walang paki sa 'yo?" hindi makapaniwalang tanong ko habang kumakain pa rin ng chips.

"Sinong lalaki? Ako?" clueless na tanong ni David na palapit sa amin sabay turo sa sarili.

"Yuck!" Agad na nalukot ang mukha ni Kahel at umaktong nasusuka.

"Maka-yuck ka ah, kaya ka 'di gusto ni Darell eh."

"Paki ko sa 'yong singkit ka!" inis na sabi ni Kahel at umirap sa kanya. "May klase pa kami, maya ulit, Lychie, ah!"

"Sige." Kumaway ako tsaka tumingin kay David.

Gosh, bakit parang kada taon ang laki ng nagbabago sa kanya? Ngayon ay parang mas nagmature pa siya. Hanggang dibdib niya na lang ako ngayon.

"Malapit na magstart class natin, tara na..."

Just one blink and now we're on the last year of senior highschool. Grade 12.

Sumunod na siya sa akin papasok.

"Hindi muna ako magka-klase ngayon, may announcement ako sa inyo..." Simula ng teacher namin kasabay ng pag-upo ni David sa pwesto niya na medyo malayo sa pwesto ko.

"Ayan na!" mahinang sabi ng mga kaklase ko.

Nagkaroon na ako ng hint dahil lagi kong naririnig ang kwentuhan ng schoolmates ko sa lockers. Pakiramdam ko'y tungkol ito sa prom this year.

"We're having a prom..."

Ang daming sinabi ni ma'am pero kung isa-summarize ay magkakaroon kami ng prom at magp-practice kami ng entrance namin. Siningit pa 'yon eh susunugin nila kami sa practice namin sa field demo!

Pauwi na ako nang marinig ko ang yapak sa likuran ko. Sa tunog pa lang, alam ko na kung sino.

"Hindi naman ito ang dinadaanan mo papunta sa jeepney station ah? Bakit ka rito dumaan? May pupuntahan ka ba? Gamit na lang tayo motor." Aniya habang nakatalikod pa rin ako.

"Dami mong tanong..." nakangiti kong sabi at lumiko. Dito na ako dumadaan dahil hindi ko na kailangan pumila, marami kasing dumadaan na jeep dito.

Ngayong nakita ko na siya, napaisip ako about sa prom.

"Sinong partner mo sa prom?" Sana wala, sana wala please.

"Hindi pa sinasabi ni ma'am?" takang tanong niya sa akin.

"I mean, sa pagsayaw ganoon."

"Ikaw?" patanong niyang tinutukoy ang sarili ko.

"Wala pa akong partner..." Kunwari ay hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Gusto ko ayain niya 'ko.

"I mean, ikaw ang kapartner ko."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan mo nasagap 'yan? Bakit parang wala akong natatandaan na um-oo ako para makapartner mo?"

Tumawa siya at nagkamot ng batok. "Ay oo nga pala..."

"Hmm?" Ngumiti ako.

"Pwede kita maging partner sa prom?" tanong niya sabay ngiti. "Please?"

Um-oo naman ako agad.

I will always say yes to you, David.

"Ma, ano po 'yung sinabi ni papa? 'di niyo raw po ako pasasamahin sa prom?" Kinakabahang tanong ko kay mama sa mismong araw ng prom.

"Oo." Mabilis na sagot ni mama. "Dito ka lang. Aalis kami ng papa mo, walang magbabantay sa bahay."

I scoffed. "Sa kapitbahay po?"

"Hindi pwede, Lychie. Isang sabi lang, tumigil ka na." aniya.

Tumulo ang luha ko. "Ma ang gara! Bakit ngayon mo sinabi? Nakabili na ako ng dress ko, pinag-ipunan ko 'yon ma!"

"Kaya nga hindi ka namin binilhan ng dress dahil hindi ka sasama tapos bibilhan mo ang sarili mo? Huwag mo na kaming sisihin dahil kasalanan mo 'yan!" Galit niyang sinabi sa akin at padabog na lumabas ng bahay.

Inis kong hinagis ang mga unan sa sofa papunta sa pintuan dahil sa inis.

Ang gara! Excited na excited pa naman ako!

Sobrang sama ng loob ko, nakakainis! Ang dami naming plano ng mga kaibigan ko, ang dami naming plano ni David!

Isang oras na lang ay magsisimula na ang prom namin. Walang tigil ang luha ko habang tinitingnan ang mensahe ng mga kaibigan ko sa akin. Sa group chat namin. Hinahanap nila ako.

23 minutes ago | Kahel:

Nasaan ka, Lynelle?

4 minutes ago | Kahel:

Bakit 'di ka pumunta sa salon? Akala ko ba magpapamakeup tayo nang sabay?

Just now | Kahel:

Pupunta ako sa inyo

Tumulo muli ang luha ko dahil sa mensahe niya.

Ako:

'di pala ako sasama sa prom haha

Agad naman siyang nagreply.

Just now | Kahel:

Huh? Bakit hindi?

Just now | Monica:

Her parents for sure. Alam ko ang reason, walang magbabantay sa bahay nila. Tangina naman. :(

Tinago ko na lang ang cellphone ko. Bahala na.

Sayang, ito na ang first and last prom ko sa highschool. Hindi ko pa nararanasan ang prom dahil last year may naging problema sa school.

Narinig ko ang sunod-sunod na tawag sa phone ko. Kanina ko pa 'yon hindi pinapansin pero ayaw talaga tumigil.

David.

Siguradong maiinis 'yon sa akin. Um-oo ako sa kanya tapos ngayon 'di ko siya pinapansin. Marami naman sigurong magsasayaw sa kanya ngayon, 'di ba? Maraming nagkakagusto sa kanya.

Tiningnan ko ang dress ko. Mabuti na lang at hindi gown ang pinili ko dahil malamang hindi ko na 'yon magagamit. Simpleng blue dress na off-shoulder ang isusuot ko. Pa-partner-an ko sana ng heels ko na kulay silver pero dahil hindi naman ako pupunta magd-doll shoes na lang ako.

Gagamitin ko na lang dito sa bahay, dito na lang ako magp-party.

I opened my music collection.

♪ I used to shut my door while my mother screamed in the kitchen ♪

♪ I'd turn the music up, get high and try not to listen ♪

♪ To every little fight, 'cause neither one was right ♪

♪ I swore I'd never be like them ♪

♪ But I was just a kid back then ♪

One of my favorite songs. Nakaka-relate kasi ako.

♪ The older I get the more that I see

My parents aren't heroes, they're just like me

And loving is hard, it don't always work ♪

I slowed danced myself as I felt another tear on my cheeks. I feel sad... Extremely sad...

♪ You just try your best not to get hurt

I used to be mad but now I know

Sometimes it's better to let someone go

It just hadn't hit me yet

The older I get ♪

Napaupo na lamang ako sa sahig habang umiiyak. Ang sakit kasi. Ang dami ko talagang plano. Itutulak pa sana namin si Kahel sa crush niya, magpipicture pa sana kami sa photobooth, magp-plastic sana kami ng mga pagkain kaso wala...

Agad akong napatayo nang makarinig ako ng katok. Ang bilis nila mama bumalik!

Kinuha ko agad ang binato kong mga unan sa pinto at ibinalik sa sofa. Tumingin ako saglit sa salamin para tingnan ang itsura ko. Nakalugay ang buhok ko, nasuklayan ko na. Sana hindi halata na umiyak ako. Baka isipin nila nag-iinarte na naman ako.

Binuksan ko ang pinto.

"Ba't 'di mo sinasagot ang tawag ko?" kalmadong tanong ni David sa akin.

Nakaayos pataas ang buhok niya at naka-itim siya na tuxedo. Mas lalo ko tuloy nakita ang matapang niyang kilay at mga mata.

"Nand'yan ba ang mga magulang mo?" Tanong niya pa sa akin.

"W-Wala... Baka bukas pa umuwi... Anong ginagawa mo rito, David?"

"Hindi ka raw pupunta?"

"Oo. Bakit ka nga nandito?"

"Magpapaalam sana ako sa magulang mo na ako na ang magbabantay sa bahay niyo para makapunta ka sa prom..."

Natigilan ako sa sinabi niya. "A-Ano?"

"Kaso wala sila rito..."

"Seryoso ka ba? Paano mo naman nalaman na kailangan kong bantayan ang bahay?"

"Si Monica, sabi niya sa 'kin."

Tumango ako. "Alis na, magsisimula na 'yung event."

"Ayaw ko nga." aniya. "Boring sa prom pag walang kapartner sumayaw."

"Edi maghanap ka!" Tumaas ang boses ko. "I mean... Ang dami-daming nagkakagusto sa 'yo. Kahit sino namang ayain mo papayag na makasayaw ka..."

Kumunot ang noo niya. "Partner ko 'ka ko. Sino bang inaya ko, ikaw 'di ba? Wala ka naman doon kaya wala akong partner."

"Edi maghanap ka nga!"

"Nandito 'yung partner na gusto kong kasayaw! Ayaw ko roon kasi wala ka roon." nagtatampo ang tono niya. "Huwag mo nga akong itulak sa iba! Ikaw lang gusto kong makakuha ng first dance ko." He pouted.

Napangiti ako. "Sus!"

"Oo nga! Bilisan na natin at dito na lang tayo magprom sa bahay niyo habang nagbabantay nito. Baka gusto mo akong papasukin sa loob?"

"Sige," tumawa ako at pinagbuksan siya ng pinto.

"Sayaw tayo." sabi niya at kinuha ang cellphone niya. Nakita kong nasa Spotify siya at naghahanap ng music.

Naalala ko ang friend request niya sa akin sa Facebook. Hindi ko pa 'yon na-accept.

"Akala ko ba hindi ka gumagamit ng social media?"

Nagkibit-balikat siya. "Sabi ni Darell nagpalit ka raw ng profile picture. Ayaw ipakita sa akin kaya gumawa ako ng account."

Tumango ako at hinihintay na lang siyang matapos sa paghahanap.

"What about this? I think about this song a lot when I'm with you."

"Ano 'yan?"

♪ Wise men say

Only fools rush in

But I can't help falling in love with you

Shall I stay?

Would it be a sin

If I can't help falling in love with you?

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be ♪

"Y-You think of that song when you're with me?" Gulat kong tanong. That song is about falling in love!

"Hays. Aamin sana ako sa 'yo ngayon kaso hindi ka nakapunta. Wala 'to sa plano ko pero ayos na rin, basta makasayaw kita, hehe." Nagkamot siya ng batok. "Hindi muna kita liligawan ah? 'di pa kasi tayo tapos ng highschool."

♪ Take my hand

Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you

Like a river flows

Surely to the sea

Darling, so it goes

Some things are meant to be ♪

♪ Take my hand

Take my whole life, too

For I can't help falling in love with you

For I can't help falling in love with you ♪

"Ano naman kung 'di pa tayo tapos sa highschool?"

Syempre itatanong ko sa kanya 'yan. Kapag nanligaw kasi siya, sasagutin ko agad.

"Strikto parents mo eh, kaya ko naman maghintay. Tsaka 'di pa kita kayang dalhin sa mga restaurant kasi wala pa 'kong trabaho. After highschool naman hahanap na ako part time job kaya baka sa college pwede na..."

He held my waist, his hot gaze gave me shivers. Nilagay niya ang kamay ko sa balikat niya pero dahil mataas siya, sa dibdib niya na lang inilagay ang kamay ko.

We danced. Slow dance at party dance. It was fun. He came for me. David came for me and confessed that he likes me and he's willing to wait. I'm so happy. It could've been perfect if kasama ako sa prom, but at least I have this.

I have him.

Napaupo ako sa sofa dahil sa pagod kakasayaw namin at kakanta.

"Grabe ang energy mo ah!"

Tumawa siya. "Syempre!"

"Balik ka na sa prom, para ma-enjoy niyo ng friends mo. Nagpapapasok pa naman daw hanggang ngayon basta hawak mo 'yung ribbon."

"Pwede naman akong magstay rito..." Aniya

"Hindi pwede, David... Punta ka na... please?"

Ngumiti siya. "Okay... Thanks for tonight."

"No, thank YOU!"

"Goodnight, Lynelle." He said then hugged me. "It was fun dancing with you."