7: He's a softie

Time was flying too fast like it just slipped through my fingers. I can feel the weird stomach feeling... It feels weird to grow up.

Have you ever thought that it's scary to grow up?

I never opened up to any about my past and about my parents. Never in my life I would ever think someone deserves to know me. Like everything. When I was a child, my parents taught me to be quiet about my thoughts and secrets... They say, 'don't you ever cry'...

"Y-You're crying... It scared you, I'm sure... I'm sorry... I-I'm sorry..."

I sobbed louder as I hear him apologize again and again.

Ikinulong niya ang mukha ko gamit ang kanyang kamay. He started crying too. "I-I promise you won't witness me like this again... My demons... I'm really sorry, Lynelle..." He says. "I'm sorry you met me." His voice was almost a whisper.

"Y-You're not a demon," pinigilan kong matawa habang umiiyak dahil nalasahan ko ang sipon ko. "They are the demon! They hurt you! Look at those bruises you have! It'll scar you... Okay ka lang ba? Talaga?" I cried again.

Nakayakap lang ako sa aking tuhod. Siya ay nasa harap ko at nakatingin lang sa akin na para bang may sinabi akong hindi kapani-paniwala.

"I love my scars... It reminds me of how I was hurt but still managed to survive." He says. "T-Thank you for asking me if I'm okay... It's good to hear."

Hindi niya pinatulan ang mga lalaking iyon, hinayaan niyang bugbugin siya tapos sasabihin niya siya ang demonyo?

He showed me a video of him beating up guys a year ago. They were so big and he's just in his first year on highschool. I don't know how the fuck he managed that...

Never thought that guy who beats up everyone for justice never got his self justice. He's still waiting for that justice, to at least receive his peace but I know no matter how much he tries to keep that peaceful life he just can't. Because he grew up giving people justice and wish he will receive his someday too.

Ang sarap pala pakinggan ang isang tao na mag-open up sa 'yo 'no? Nakakapanibago dahil siya lang ang lalaking nag-open up sa akin. Hindi ko alam ang iniisip ng mga lalaki pero napakasaya sa dibdib.

Parang hindi normal.

He's a softie inside trying to look tough.

"Quiet, class! Grade eight na kayo, ang iingay niyo pa rin! Mas malala pa kayo sa elementary students!" Napahilot ng sintido si ma'am. Napangisi ako, pinipilit na hindi matawa sa naiinis niyang ekspresyon. Tumingin siya sa kanyang relo. "We still have a few minutes, bring an intermediate pad in your desks. Answer page 252, test two only."

I groaned.

"Do you have a problem with that, Lynelle?" Tinaasan ako ng kilay ng teacher ko.

Agad akong umiling. "Wala po ma'am!"

Narinig ko ang tawa ng katabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas lalo lang lumapad ang ngiti niya nang makita ang reaksyon ko.

"You're so cute," natatawang sabi ni David.

Hindi ko na siya pinansin at nagbukas na lamang ako ng bag para maghanap ng papel pero wala akong nakita roon. Hala? Parang kakabili ko lang noong nakaraang linggo ah? Wala na naman akong papel?

"Oh," tumawa si David at inabutan ako ng isang pad ng papel. "You're welcome, doll," kumindat pa ito kaya napangiwi ako.

"I didn't say thank you!"

"In exchange, you will go home with me later." ngumiti siya. "Sabay tayo umuwi mamayang uwian!"

"Lagi naman talaga tayong sabay umuwi kasi pinipilit mo ako!" Tumawa ako. "Sagot ka na, pakopya ako!"

"Sure, you'll buy me a bottle of water tomorrow."

"Pakopya rin ako," biglang sumulpot si Monica sa gitna naming dalawa. Nasa likuran lang kasi namin siya.

Tumawa na lang si David. Alam niyang wala siyang magagawa.

Naging magkaibigan kaming dalawa. Tinupad niya ang pangako niya, kailanman ay hindi ko na siya nakitang makipag-away ulit sa kahit kanino. Kahit ito pa ang tamang gawin sa ibang sitwasyon. He learned to control his temper.

"Buh-bye sa inyo! Sawang sawa na ako maging third wheel!" Padabog na paalam ni Monica at nagmartsa palayo.

Tumawa ako. "Anong third wheel ka riyan? Ang issue mo naman!"

Pagkaharap ko kay David ay nakita ko ang tingin niya sa bag ko. Agad ko naman iyong niyakap at inilingan siya. Alam ko ang iniisip niya, alam kong iyon ang dahilan kung bakit lagi kaming nai-issue sa school. Lalo na't maraming nagkakagusto sa kanya dahil gwapo siya tapos ako, maputi lang. Punyeta.

"I'll carry yours," aniya.

"No. You carry yours. I can carry mine."

"It's heavy,"

"Ano naman? Tsaka mabigat syempre, puro libro eh! Mabigat na nga 'yong sa 'yo tapos idadagdag mo pa 'to!"

"Hindi naman mabigat para sa akin, maliit lang ang katawan mo kaya nabibigatan ka." He smiled with his eyes, hindi ko na makita ang mga mata niya dahil sa kanyang kasingkitan. He tapped my head. "Come on, doll, give me yours."

Kunwari pa akong labag pa sa loob ang pagbigay ko sa kanya no'n. Mabigat kasi talaga. Pakiramdam ko buntis ako na may dala-dalang batang mabigat pero hindi sa tiyan nakalagay, nasa likuran ko! Ito ang literal na 'nagkanda-kuba kuba ako sa pag-aaral' na galing sa linya ni mama noon na 'nagkanda-kuba ako kakatrabaho' na ginagamit niya kapag nakakalimutan kong mag-urong.

He always do this. Lagi niyang kinukuha ang bag ko. Then he'll walk with me until we reach the jeepney station tsaka siya magpapaalam dahil maglalakad pa siya papunta sa bahay nila. Duda nga ako roon eh, alam kong may motor siya o kotseng naghihintay at ayaw niya lang magmayabang sa akin.

Kinapa-kapa ko ang bulsa ko para i-check ang pera ko. Para kasing ang gaan ng bulsa ko ngayon eh. Kasalukuyan akong nakapila. Kasama ko si David at ang nakaiilang niyang tingin sa akin, pero sanay na ako roon. Isang taon ko na siyang kasama.

"Anong hinahanap mo?"

Binilang ko ang pera ko at napabuntong hininga. "Wala." Ibabalik ko na sana sa bulsa ko ang kulang-kulang na pamasahe ko nang kunin niya ang kamay ko.

"Kulang ng dos? Saan napunta?" takang tanong niya.

"Hindi ko rin alam!"

Tumawa siya. "Lagi ka na lang nawawalan ng pera! Tingnan mo, pati pera tinatakbuhan ka na kasi natatakot na mahulog din sila sa tae!"

"Gagong 'to!" Tumawa ako.

May kinuha siya sa bulsa niya at ibinigay sa akin. "Oh, wala akong barya rito eh!" Ibinigay niya sa akin ang isang daang piso.

Nanlaki ang mga mata ko at ibinalik iyon sa kanya. "Baluga ka ba? Alam kong may barya ka, gusto mo lang ako bigyan ng marami! Kahit mukha akong pera, hindi naman ako manggagamit! Grabe!" Gulantang kong sabi. "Iyo na 'yan! Maglalakad na lang ako!"

"Wala nga!" Pinakita pa niya sa akin ang wallet niyang puro isang libo at limang daan ang laman.

Tumawa ako. "Yabang neto oh! Edi ikaw na may 1k!"

"Kung ayaw mong tanggapin, 'yan na lang gamitin mo bukas pambili ng tubig at burger para sa akin. Okay?" Aniya. "Take care."

Ang akala ko ay aalis na siya pero nang lumipas na ang ilang minuto at naroon pa rin siya, tinaasan ko siya ng kilay. "Ba't 'di ka pa umaalis?" tanong ko at naglakad ng ilang hakbang dahil umusod ang pila.

"Kasi hindi ka pa umaalis?" Parang sinasabi niya sa akin ang salitang 'obvious ba?' pero ibang term ang kanyang gamit.

"Malapit na ako, alis na. Ingat ka."

"I don't want to, you go home first then I'll go home. That's final." He says.

Nanliit ang mga mata ko. Ako lang ba o ang clingy niya lately?

Simula noong nag-open up ako sa kanya tungkol sa mga problema ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Sa tanang buhay ko, siya lang ang sinabihan ko ng mga problema ko at mga sikreto ko. Para bang ang bilis naming nagconnect, ganoon?

Nang makasakay na ako sa jeep ay nagpaalam na ako sa kanya. Paandar na noong nagbalik ang tingin ko sa pwesto niya at nakita kong nandoon pa rin siya at nakatingin sa akin. Nang makita niya ang tingin ko sa kanya ay nginitian niya ako. Ngumiti rin ako pabalik at kumaway.

Noong makaalis na ang jeep ay lumapad ang ngiti ko. I shook my head. Bakit ako ngumingiti? Wala na nga akong nginingitian!

Doon ako nagsimulang kabahan para sa sarili ko. Alam ko ang haka-haka ng mga kaklase ko tungkol sa ganitong pakiramdam dahil nagkalat na ang mga PDA student couples sa school namin na karamihan ay highschool lang din.

Aba! Hindi ko na gusto ang lalaking iyon pero hinding-hindi ko itatanggi na hindi siya gwapo kasi sinasabi ko talaga sa lahat ng tao sa mundo, isinusumpa ko kay Satanas, makalaglag panty ang kagwapuhan ni David!

Lalo na ngayon na may kaunting pagbabago sa kanyang mukha at pangangatawan. Tumangkad siya at tinutubuan na ng balbas. Mahaba rin ang buhok niyang umabot na sa kanyang makapal na kilay. Maging ang teachers namin ay hindi makapaniwala na second year highschool lang ang lalaking 'yon.

Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na hinding-hindi na babalik ang pagkakagusto ko sa lalaking iyon pero ngayon ay kahit anong gawin ko, talagang 'di ko mapigilan!

Napakagat ako ng labi at tumingin sa kawalan.

Tangina naman, huwag niyong sabihin sa akin na may gusto pa rin ako kay David Angelo? Hindi ako papayag. He's out of my league and I'm out of his.

But how the hell would I stop my feelings if he literally does small things that makes me tremble?!