6: In Exchange
"Bakit nakasimangot ka ryan?" Nagsalubong ang kilay ni David. Mas lalo akong napasimangot dahil sa tanong niya pero nahaluan iyon ng pagkairita. Pag nakikita ko talaga ang mukha niya ay gusto ko siyang burahin sa mundo.
"Huwag ka na ngang magsalita... Bad mood na nga ako tapos nambubusit ka pa..." Mahina kong sabi.
He scoffed and pointed at himself. "Ako? Nambubwisit sa 'yo? Nagtatanong lang ako kung bakit ka nakasimangot! That is not pambu-bwisit!"
Tumawa ako, nakakatuwa talaga ang baluktot niyang dila.
"May facebook ka ba? Gagawa raw tayo ng group chat sabi ni ma'am. Wala ka pa sa gc."
Kumunot ang noo niya. "Hindi ako gumagamit ng social media. Nand'yan ka naman, update mo na lang ako pag may pinapagawa sa atin."
Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya.
Nagulat ako noong malaman kong tatakbo si David bilang grade eight councilor ng SSG dahil transferee siya at bago lamang siya rito sa school. Siya ang inirekumenda ng pa-graduate na Presidente nitong si Klein Dameian Fidel at ng kanyang Bise Presidenteng si Kamryn Dabhneah Ortega pero may ilang tumututol dahil may history raw si David sa dati nitong school na hindi ko naman alam kung ano.
Ngayon ay kasalukuyan kaming naglalakad pareho, papunta kami sa room ng organization ni Armenia para sabihin sa kanya ang balita.
Hindi pa man kami nakakalapit doon ay may nakita akong batang babae sa peripheral vision ko, nakataas ang kanyang buhok na pa-ponytail. Grade six 'ata siya dahil sa kulay orange niyang ID lace.
"Patingin na kasi..." Pamimilit noong pamilyar na mukha ng lalaki roon sa babae, kilala ko ito dahil kapag pumupunta ako sa section nila ay siya ang sisiga-siga roon. Same grade level lang kami.
"B-Bastos ka! Isusumbong kita kay mommy!" Paiyak na 'yong babae.
"Gusto mo rin naman eh! Nagde-deny ka pa! Itaas mo na ang palda mo, ngayon na!" Galit na sigaw nito. Napatingin ako sa paligid, maraming nakatingin sa kanila pero walang nagpapahinto.
Nanliit ang mga mata ko. Bakit hinahayaan lang nilang bastusin ng gagong 'yan ang elementary student? Wala manlang silang gagawin?
"Isa!" Bilang noong lalaki sa batang babae.
Galit kong kinuha ang aking sapatos mula sa aking paa. Narinig ko ang pagtawa ni David sa likod na mukhang alam na ang gagawin ko, taliwas sa naisip kong pipigilan niya ako.
Bumwelo ako at tinatsa ang layo noong lalaki para hindi matamaan ang elementary student. Pagkatapos noon ay malakas kong binato ang sapatos ko na tumama sa mukha nito. Sa lakas no'n ay napaupo siya sa sahig. Agad niyang hinanap ang gumawa nito habang nakahawak siya sa kanyang pisngi at ilong kung saan ito tumama. Nang makita niya ako ay napuno ng galit ang mga mata niya.
Nagmartsa siya palapit sa akin. Galit na galit. Tinaasan ko siya ng kilay, naghahamon. Hindi ko siya uurungan.
Nang makalapit na siya ay inambahan niya ako ng suntok pero naunahan ko agad siya ng isang malakas na sampal. Narinig ko ang pagtahimik ng paligid dahil sa ginawa ko. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang paglaglag ng mga panga ng mga estudyanteng nanonood sa amin.
"Hindi ka ba pinalaki nang maayos ng magulang mo at pati inosenteng babae binabastos mo? Pinag-aral ka ng mga magulang mo para matuto ng mabuting asal at kaalaman para sa future tapos mambabastos ka lang?" Matigas kong tanong dito. "Kabataan daw ang pag-asa ng bayan pero kung lahat ng bata kagaya mo, mga salot kayo sa lipunan."
Binangga ko ang braso nito at nagsimula nang maglakad. Natahimik ang lalaki dahil sa sinabi ko.
Magsasalita pa sana ito ng biglang sumabat si David. Napalingon tuloy ako sa likuran ko.
"May araw ka sa 'kin---"
"Subukan mo lang. Pag nakita kong hinawakan mo siya o nambastos ka ulit ng babae, itatapon kita sa basurahan."
Nakapamulsa siya sa slacks niyang kulay light brown. Nanliliit ang bastos na lalaki sa kanya dahil sa tangkad ni David. Seryoso ang mukha niya nang sinabi niya iyon pero sumilay ang ngiti sa labi niya ng magtama ang tingin namin. Lumapit siya sa pwesto ko at umambang aakbayan ako pero nagsimula na akong malakad nang mabilis.
Narinig ko na naman ang tawa niya sa likuran ko habang sinusundan niya ako. "That was so satisfying..." Puri niya habang namumungay ang mga mata. "I could play that scene a hundred times in my head."
"Bakit hindi mo na lang nilapitan? Nababastos na nga iyong babae eh." inis kong sabi at umirap.
"I don't like to interfere on someone's business but I was about to say something when I saw you taking your shoes off." he says and leaned on the wall while looking at me when we stopped walking for awhile. "I love that."
"Ate! Ate!"
Napalingon ako sa likod nang may narinig akong sumisigaw sa likod ko. Nang makita ko ito ay ito ang nakaponytail na elementary student kanina. Hinihingal pa siya nang makalapit sa akin.
"Salamat po sa ginawa niyo sa akin... Binili ko po kayo ng burger. Thank you po talaga..." Ninenerbyos siyang ngumiti sa akin. "A-Ako po pala si Antalodia Severa... Transferee lang po ako rito galing sa Tamizen International School."
Tiningnan ko lamang ang burger na binibigay niya sa akin. Nagsalit-salitan ang mata ko sa mata niya at sa ibinibigay niya sa akin.
"Hindi mo na ako kailangang bigyan ng kung-ano para magpasalamat, kainin mo na lang 'yan."
"Marami pa naman po akong pera eh."
Wow.
"Okay," ngumiti ako at tinanggap iyon. "Thank you rito ha."
Ngumiti siya at tumango.
"You went to Tamizen International School?" David asks.
Tumango lamang ito. "Kilala po kita eh, ikaw 'yung nanapak ng security guard noong hindi ka pinapasok sa school."
Nanlaki ang mga mata ni David sabay tumingin sa akin. "H-Hindi totoo 'yon ah!"
"Muntik na nga po mapunta sa balita ang video no'n eh kaso may nagpabura kaya hindi napost." Pagpapatuloy nung bata na halatang natutuwa sa reaksyon ni David.
"May dahilan ako roon! Exam kasi iyon tapos ayaw akong papasukin eh isang beses lang pwedeng magtake ng exam, pag hindi nagtake automatically zero agad. Magagalit ang mga magulang ko pag bumagsak na naman ako." sabi pa niya, nangungumbinsi at tila nagsasabi naman ng totoo.
"Hindi ko naman tinanong, ah," tumawa ako.
"I-I'm just saying!"
Naging curious tuloy ako sa buhay ni David sa dating school niya. Totoo kaya ang balita na basagulero ito? Malamang! Nakita ko nga siyang bugbugin ang manyak na tricycle driver na 'yon na doble ang edad sa kanya eh!
Natigil lamang ako sa pag-iisip nang makita ko si Armenia na may hawak na libro at palabas na ng room. Nang magtama ang tingin namin ay agad siyang nag-iba ng daan.
"Armenia! Wait lang please!" Tinakbo ko na lang para makalapit ako sa kanya. "May sasabihin lang ako, saglit lang 'to..."
"Ano?" Mahina niyang tanong habang walang interes ang kanyang tingin sa akin. Mukhang nagtatampo pa rin siya. "Hindi ako galit sa 'yo... Wala lang talaga ako sa mood nitong mga nakaraang araw. Hindi mo naman kasalanan na insecure ako sa sarili ko. Nasa sa akin na naman kung iisipin kong pangit ako o hindi."
Alam kong mayaman ang pamilya ni Armenia pero hirap siyang kumbinsihin ang mga ito na ilipat siya ng school dahil dito rin nakapagtapos ang mga ito. Pero ngayong may dahilan na, malaki ang tsansang payagan siya ng mga ito. Iyon nga lang, mami-miss ko siya ng sobra, alam ko 'yon...
Natahimik ako saglit at ngumiti sa kanya. "Hindi ba't gusto mong mag-aral sa Tamizen International School?"
Napuno ng interes ang kanyang mga mata pero nanatiling tiklop ang kanyang bibig.
"May pinag-aral silang estudyante rito, exchange student kaya kailangan nila ng kapalit nito. Gusto mo ba?" Diretsahan kong tanong sa kanya.
Natahimik siya saglit pero unti-unti ring napangiti. "Talaga?"
"Oo!" Napangiti ako.
"Sige..." Nakangiti niyang sabi sa akin. "Sino ang estudyanteng tinutukoy mo?"
"Si David."
Tumango-tango siya. "Ahh... Close na pala kayo." aniya. "Pasensya na at hindi kita pinapansin nitong mga nakaraang araw. Noong araw na 'yon ay gusto agad kitang kausapin ulit kaso nahihiya na ako dahil may kaibigan kang insecure sa sarili at inggit sa 'yo. Pero salamat at binigyan mo ako ng chance na makuha 'to... Pangarap ko iyon eh, salamat talaga..." Napayakap siya sa akin.
While I was hugging her, I side eyed David who's widely smiling. His eyes were sparkling like it's filled with diamonds.
Ngumiti rin ako sa kanya, agad naman siyang nag-iwas ng tingin dahil sa ginawa ko.
I hate him so much, but I have so much to thank him for. But that doesn't change the fact that I hate this innocent man for nothing. It's just his so called handsome face that makes me feel irritated to him.
But I want to know about his past. I'm really curious.
Dahil curious din ako sa itsura ng Tamizen International School at ito ang pinapangarap na school ng karamihan, sumama ako kina Armenia at David papunta roon. Sabi sa akin ni David ay ihahatid lang namin si Armenia pero hindi siya lalabas ng tricycle. Ewan ko kung bakit.
"Grabe, ang ganda... Ang lawak pala ng school na 'to!" Manghang sabi ko habang nakatingin dito. Triple ang laki nito sa school namin na pangalawa sa pinakamalawak na school sa lalawigan namin. "Ang yaman na siguro nung pamilya nung may-ari."
Narinig ko ang pagtikhim ni David dahil sa sinabi ko. "Pakisabi kay Armenia sa kaliwang daan siya pumunta, baka matamaan siya ng bola dahil may naglalaro sa quadrangle." Aniya.
Ipinarating ko naman agad iyon kay Armenia na nasa tabi ko lamang. Nasa likuran naman ng tricycle driver si David na halatang hindi sanay sumabit sa mga tricycle.
"Toy, 'yung paa mo baka mapaso ka sa tambutso, itaas mo..." sabi noong driver.
"Toy?" Hindi makapaniwalang ulit ni David sa itinawag sa kanya ni Manong.
Mahina akong tumawa bago bumaba pagkatapos ni Armenia. Hinatid ko siya hanggang doon lang sa isang classroom tapos nagpaalam na ako para bumalik sa tricycle.
"Tara na," sabi ko.
Paupo na sana ako sa tricycle nang mapansin kong wala roon si David.
"Manong, nasaan po 'yung lalaking nasa likod niyo kanina?"
"Ewan ko lang. Basta may grupo ng mga estudyante na lalapit dapat sa 'yo pero hinarang niya. Ang narinig ko lang ay tinatanong siya ng mga ito kung girlfriend ka ba niya..." sagot nito sa akin.
Huh?
"Wait lang po manong, hahanapin ko lang siya," paalam ko rito.
Naglakad ako papunta sa hindi ko alam na direksyon. Basta sa pinakamalapit, doon sa pinagdaanan namin ni Armenia kanina dahil sabi lalapitan dapat kami.
May nakita akong makipot na sulok doon. Ngayon ko lang ito napansin dahil diretso ang tingin ko sa likod ni Armenia, marami kasing nakatingin sa amin na estudyante na halatang judgemental sa tingin pa lamang nila.
Nagulat ako nang biglang may napahiga sa harapan ko. Duguan ang labi ni David nang makilala ko kung sino ito. Maya maya ay nakita ko na ang lalaking sumuntok sa kanya. Nakatanggal ang ilang butones ng uniform nito.
"Boyfriend mo ba 'yan?" Nakangiting tanong nito sa akin. "Nawala na angas niyan noong lumipat ng school ah. Himala, babae lang pala magpapatino sa 'yong tarantado ka." Tumingin naman ito kay David.
"Keep her out of this, mother fucker..." mahinang banta ni David.
"David, huwag kang magmura, nasa school tayo! Anong nangyari sa mukha mo?!" Taranta kong sabi, hindi ko na sinagot ang tanong noong lalaki.
"Uwi na tayo," nakatayo na siya, hihilain niya sana ang kamay ko palayo nang isang malakas na suntok na naman ang tumama sa mukha niya.
"Hindi pa tayo tapos," galit na sabi noong lalaki. "Umalis ka ng school na 'to para sa mahirap na babae? Ang taas pa naman ng tingin mo sa sarili mo dahil anak ka ng may-ari ng school na 'to tapos sa babaeng mahirap ka lang mapupunta?" Humalakhak ito, halatang iniinis talaga si David.
Ano? Anak siya ng may-ari ng school na 'to? Oo nga pala! Tamizen ang apelyido niya!
David gritted his teeth, controlling his patience. "Don't make me lose my temper, Victor,"
"You fucking messed with me first!"
"I didn't! Your brother was disrespecting a teacher!"
"You almost killed him!"
"But I didn't!"
This time ay napanganga na ako dahil mas malakas na suntok ang dumapo sa mukha ni David. Talagang hindi siya lumalaban.
"I-Iuuwi ko lang 'to, magtutuos tayo." kalmadong sabi niya at sinubukan muling hawakan ang palapulsuhan ko.
"Bakit? Ayaw mong makita niya na halimaw ka? Demonyo ka, eh... Takot kang matakot siya sa 'yo?" tanong nito tsaka tumingin sa akin. "Be careful, lady, you're playing with fire. You're in Hell with this demon and you'll burn to death."
I nervously held David's hands. I'm scared. When he found my eyes, I saw how his angry eyes softened as his tears fell.
"At least let me take this girl home..." humarap siya roon sa lalaking handang-handa nang patayin siya. "Please."