CHAPTER 13
Katana's POV
ISANG nilalang na mayroong nagkikintabang pakpak at kumikinang ang buong katawan nito. Tumatakbo ito sa kagubatan habang puno ng galos at dugo ang katawan. Marami ang humahabol sa nilalang at tila nanghihina na ito.
"Fuck!" Agad akong napabalikwas sa 'king hinihigaan at nakaramdam ng panganib, bigla yatang nag-activate ang danger sense ko. Kailangan kong mailigtas ang nilalang na 'yon. Kaya naman tumayo ako't dahan-dahang bumaba sa hagdan at lumabas ng dorm.
"Paano ako makakalabas rito?" I asked myself when I was here in front of the huge gate. This gate is sacred, there is no guard but you can't get out because of magic. Damn! Paano na ito? Hmm... isip isip Katana!
Sinubukan kong mag tungo sa likod baka sakaling may mahanap akong daan ngunit bumagsak ang balikat ko dahil wala talaga akong maaring daanan palabas. Naiinis na sumandal ako sa isang puno na nag-iisang naka-tanim sa likod at halos mapasigaw naman ako nang bigla akong malaglag sa kinatatayuan ko.
Fuck!
May hidden passage pala rito!
Bumagsak ako sa lupa mula sa Hidden Passage na pinagbagsakan ko. Lintek naman oh! Ang sakit sa pwet!
Tumayo ako't nag umpisang maglakad. Nasan ba ako? I immediately ran when I saw some light and realized that I was inside the cave. When I got out of the cave I stopped for a moment then closed my eyes and I opened it. I was close to the place so I ran so fast, hindi man lang ako nakaramdam ng pagod at kakapusan ng hininga.
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa makarating ako kung na saan ang nilalang at naabutan kong sasaksakin na ito ng mga nilalang na itim ang buong katawan liban sa mga mata nilang pulang-pula. Napakunot ang aking noo ng mapag-alaman kong ito rin ang mga sumugod sa amin ni Dad. Naiinis na inatake ko sila ng aking nagbabagang apoy kaya 'yong sasaksak sana sa nilalang na may papak ay mabilis na natupok. Napunta sa akin ang kanilang atensyon. Argh! Damn you creepy creature! They are the reason why I've been away from Dad! I'm gonna fucking make sure that I burn them!
I just stared at them with a lot of anger, then they suddenly burned and turned to ashes. I quickly approached the woman when I saw that she was about to fall, so I quickly caught her.
"Sakay na," Dumagundong ang isang boses kaya agad akong napalingon sa bandang likod ko at nakita si Kahser sa anyo niyang liyon. Kumunot ang aking noo dahil narito ito.
"Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalamang—" Naputol ang huling tanong ko ng mag salita ito.
"I will explain later, hurry up, sumakay na kayo, marami pang katulad nila ang parating." Wika nito kaya agad-agad kong ipinatong ang nilalang na mayroong pakpak at sumakay na rin ako kaya mabalis na tumakbo si Kahser.
Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa kaniya, he's so cute parang kailan lang isa lamang siyang normal na pusa at sadyang napaka liit pa.
•••
When we got to the academy, I frowned because I saw that the gate was open and the Guardians were waiting even though the Headmistress was there too.
"Take her to the Infirmary." Utos ni Headmistress sa dalawang lalaking Guardians saka kinuha ang nilalang na may pakpak. Bumaba na ako sa likod ni Kahser saka bumalik na rin ito sa pagiging maliit na pusa.
"Thank you for saving her but hindi ko nagustuhan ang iyong pag kilos ng mag-isa, Miss Silvyria." Maawtoridad nitong sabi sa 'kin na siyang ikinangiwi ko.
"I have no time to tell you, so I decided na magtungo doon ng mag-isa, kung mag-aaksaya pa ako ng oras para sabihan kayo ay maaring wala na siyang buhay ngayon. I found her and she was about to stab, so I think it was right that I didn't let you know." Walang gana kong pag papaliwanag sa kaniya. Bumuntong-hininga naman ito saka tumangu-tango, mukhang nakuha na niya ang point ko.
K
ainis naman oh! Inaantok pa ako e!
Madaling araw pa lamang, dapat ay mahimbing pa akong natutulog ngayon, mabuti na rin palang sinunog ko silang mga bwisit!
They deserve that!
"Okay, you can go to sleep now, we'll take care of it. Tomorrow is family visiting day." Sabi nya saka umalis na sila.
Nalulungkot naman na tumingala ako sa maliwanag na buwan, hindi ko alam kung dala pa ba ito ng kakulangan ng tulog o ano dahil habang nakatingin ako sa buwan ay nakakaramdam ako ng lakas na para bang 'yon ang nagpapalakas sa akin. Napapikit ako ng maalala ang pag dalaw daw sa pamilya. I miss my Dad so much, sana kasama ko siya, sila ni Arianne, Tito at Tita.
Sila nalang ang natitira kong pamilya ngunit malayo pa ako sa kanila. I miss them so much!
"Are you okay?" Agad akong nag mulat nang marinig ang tinig na 'yon na puno ng pag-aalala. Napangiti ako ng mapait saka bumaling nang tingin sa kaniya na matiim na nakatitig sa 'kin.
"Yeah," Sagot ko saka malalim na bumuntong-hininga.
"You're not." Bigla'y naging seryoso ang tinig nito.
"Fine! I'm not okay, I miss my family." Malungkot na sabi ko, minsan lamang ako mag pakita ng emosyon sa iba at napaka swerte niya!
"You can visit them tomorrow." Sabi nito saka tumingala sa langit, ilang sandali lang ay namayani ang katahimikan sa pagitan namin, tanging kulig-lig lamang ang maririnig. Tumingala ako bago nag salita.
"Wala naman dito ang pamilya ko." Sabi ko na puno pa rin ng kalungkutan at pangungulila.
"Where are they?" Tanong nito bumuntong-hininga ako saka tumalikod sa kaniya.
"Mortal World," Tipid kong tugon saka nag umpisa nang mag lakad pabalik sa dorm.
•••
Kinaumagahan ay masakit ang ulo ko ng ako'y magising dahil na rin sa kakulangan ng tulog kaya ayaw kong na-iistorbo ang aking pagtulog.
"Good morning Katana!" Masiglang bati sa 'kin ni... ni? Annie?
"Morning too, Annie." Kamot sentido kong tugon sa kaniya, pansin ko na nakatitig ito sa 'kin nang nagtataka.
"Who's annie?" Tanong niya, kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Mukhang mungaw pa ang isang 'to a?
"You," Seryoso kong sagot sa tanong niya, bigla naman ito napahiyaw na siyang ikinangiwi ko. Ano bang problema niya?
"Ih! Hindi naman Annie pangalan ko ih!" Malakas ang palahaw nito kaya napatakip na ako ng tainga sa sobrang lakas, nakakalising.
"What the fuck is going on here?!" Galit na sigaw ni Mr. Greyish, napa dako naman ang tingin ko dito dahil naka suot siya ng sandong itim. Fuck! Fuck! He looked adorable! 'Yong muscle niya lantad na lantad, bigla'y napalunok ako, 'yong abs niya na nakakapanlaway bakat sa suot niyang sando. Damn! Mukhang masarap 'yon a! What?! What the heck?! Did I say that? Oh, crap!
"Enjoying the beautiful view?" Nakangising tanong nito, umayos naman ako ng tayo saka napa-poker face. The heck! Nakakahiya!
"Nah, mukhang ting-ting." Sabi ko at naningkit naman ang kaniyang mga mata
"What did you say?" May halong iritasyon niyang tanong na siyang aking kinangisi.
"I said, ting-ting 'yong katawan mo." Nakangisi kong pag-uulit, bigla namang dumilim ang mukha nito at mukhang na offend ko pa yata. Dahan-dahan itong lumapit sa 'kin at halos mag dikit na ang aming mga labi dahil sa sobrang lapit niya, biglang nawala ang nakakaloko kong ngisi at kinakabahang napatingin sa mukha niya.
Siya naman ay seryosong nakatingin sa akin hanggang sa nagbaba ang tingin nito sa 'king labi na siyang ikinapigil hininga ko. Fuck! Is he going to kiss me? Shit ka Katana huwag kang magpapahalatang tinatablan ka! didikit na sana ang labi nito sa 'kin, sobrang lapit na isang push nalang nang biglang mag salita ang iba.
"Ayiee! Mag-ki-kiss sila hihi!" Nakakabinging sigaw ni Anica? Basta 'yong childish.
"Hoy! Ano 'yan ah?" May halong pagkairitang tanong ni Al... Al? urgh! Basta 'yong playboy!
"Bro, wala namang ganiyanan." Inis na turan ni Alton—si Mr. Innocent.
"Hoy! Babaeng malandi!" Galit na sigaw ni Maldita, nangunot naman ang noo ko dahil tinawag ako nitong malandi.
Baka siya!
"Oy! Leader a, pumapag-ibig ka na!" Iyong akala kong matino sa kanila ay isa rin palang hindi. Napatampal ako sa aking noo dahil sa mga attitude nila.