Chapter 15
Katana's POV
NGAYON ay nandito na ako sa bahay ng dalawang mag kapatid kaya agad na kumatok ako sa nakasarado nilang pinto, mayamaya pa'y bumukas na ang pinto.
"Katana!" Masaya't may halong gulat na sigaw ni Hazel saka ako niyakap ng napaka higpit, niyakap ko rin naman siya pabalik.
"Sinong pong nandyan—kyaaa~
Ate Katana!" Tumatakbong sigaw ni Abrasya, katulad ng kaniyang ate ay niyakap din ako nito ng mahigpit, sobrang higpit.
"A-ahm h-hindi n-na a-ako m-makahinga." Kinakapos ng hiningang turan ko saka naman mabilis na bumitaw sa yakap ang dalawa.
"Ayy! Sorry Katana," Sabi ni Hazel na naka ngiti, napangiti din naman ako dahil sa kanilang inasta.
"Yiiee! Patawad po, Ate Katana, namiss ka po talaga namin ng sobra." Nakangusong sabi naman ni Abrasya kaya pinisil ko ang magkabilaang pisngi niya dahil napaka cute niya.
"Namiss ko rin kayong dalawa." Nakangiting wika ko saka pumasok sa loob.
"Kumusta ka naman do’n Katana?" Tanong ni Hazel, bahagya pa akong nag isip. Kumusta nga ba ako do’n? Hmm, okay naman pero maraming nangyari na hindi maganda.
"Okay naman." Tipid kong tugon, hindi ko na sinabi 'yong mga pangit na nangyari sa 'kin doon.
"Sandali lang a, titingnan ko lang 'yong niluluto ko." Paalam ni Hazel kaya naiwan kaming dalawa na lang ni Abrasya, binaba ko naman si Kahser na naka patong kanina pa sa balikat ko.
"Kayo, kumusta naman kayo rito?" Tanong ko kay Abrasya.
"Ayos naman kami ate pero iba pa rin kapag nandito ka." Sagot nito habang nilalaru-laro si Kahser. Tumayo naman ako't nag paalam na pupunta sa kwartong ginamit ko noong nandito pa ako, hindi na ako nag dala ng damit dahil mayroon naman dito, 'yong mga binigay sa 'king damit ni Hazel.
Humiga ako sa katre ng makaramdam ako ng antok. Iidlip na muna ako, napagod din naman kasi ako sa byahe.
•••
Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kong tirik na tirik na ang araw. Damn! Ang naaalala ko na sinabi ay iidlip lamang ako pero bakit naman gano’n? Pang matagalang tulog na pala 'yon kaya naman ay agad akong kumuha ng damit at naligo at nang matapos ay saka na ako lumabas ng kwarto. Hinanap ko ang magkapatid at nakita kong nasa likod ang mga ito at naglilinis.
"Gising kana pala, Ate." Bungad sa 'kin ni Abrasya nang makita niya ako, ngumiti naman ako sa kaniya.
"Ahm, patawad kung hindi ka na namin ginising kagabi, mukhang pagod na pagod ka kasi e." Paliwanag naman ni Hazel.
"Ayos lang. Ahm, magpapaalam lang ako, pupunta ako sa bayan, do’n na rin ako kakain saka may gusto ba kayong ipabili?" Tanong ko dahil na isipan ko ngang mag tungo sa bayan para hindi naman ako maboring kung dito lamang ako.
"Wala naman Ate, ayos lang kami." Abrasya seemed shy when she said that, I didn't force it anymore so I left the house, and Kahser was in my arms, he also wanted to come with me.
I started walking. Tama maglalakad lamang ako hindi naman kalayuan ang bahay ng mag kapatid dito sa bayan kaya ayos lang.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay narating ko na ang tarangkahan papasok sa bayan.
Nang makapasok naman ako ay mga batang naghahabulan ang bumungad sa 'kin at mga taong nag bebenta ng kung anu-ano. Habanag naglalakad-lakad ay meron akong nakitang matandang babae na may buhat na malaking kahon na sa tingin ko'y ilalagay nito sa medyo may kataasang stall na naka lagay sa labas ng kaniyang store. Lumapit agad ako do’n at kinuha sa kaniya ang kahon at saka inilagay sa stall. Medyo nagulat pa ito, hindi inaasahan ang aking ginawa.
"Maraming salamat, ineng." Nakangiting pasasalamat sa 'kin ng matanda, ngumiti rin ako pabalik.
Magaan talaga ang loob ko sa mga matatandang tulad niya, naalala ko tuloy na madalas kaming mag tungo sa Foundation kung saan naninirahan ang mga matatandang hindi na kayang alagaan ng kanilang pamilya o kaya nama'y inabanduna na.
"Wala ho 'yon, huwag ho kayong magbubuhat ng mabibigat lola hindi na ho kayo bumabata." Nakangiting wika ko, tumango naman ito.
"Wala naman kasi akong katulong sa tindahan na 'to, Ineng." Malungkot na sabi ng matanda, bigla'y naawa ako sa kaniya.
"Ako na ho ang magbubuhat ng lahat ng kahon, Lola." Mungkahi ko na siya namang kinatuwa ng matanda.
As I said, I was the one who lifted all the boxes, it was heavy but I could handle it because of my ability and strength.
"Maraming salamat ineng a, malaking tulong ka talaga sa 'kin." Hindi naman magkamayaw si lola sa pasasalamat sa 'kin.
"Wala ho 'yon, maliit na bagay lang ho 'yon, kapag may maitutulong hindi ho ako mag-aatubling tumulong sa 'yo o sa iba pa ho." Sabi ko dito, nabigla naman ako nang bigla niya akong niyakap, sa huli ay napangiti na lang ako't gumanti sa yakap.
"Napaka bait mo talaga ineng. Ano nga pala ang iyong pangalan?" Tanong nito ng makatapos ang yakapan namin.
"Katana ho lola, ikaw ho ano ho pangalan niyo." Tanong ko naman dito.
"Tawagin mo nalang akong, Lola Cora." Sagot niya saka tumango na lamang ako. Nag paalam na din ako sa kaniya na mag iikot-ikot pa 'ko sa bayan.
Mayamaya pa ay matapos kong mag ikot-ikot ay napagpasyahan kong pumasok sa isang kainan dahil tanghali na rin at kumakalam na ang aking tyan.
Nang makapasok naman ako ay ancient style ang bumungad sa akin at puro wooden ang mga furniture, table and chair kahit ang floor ay gawa rin sa kahoy.
Umupo ako sa bandang gilid at saka may lumapit sa 'kin na isang babae na sa tingin ko'y waitress, bata pa ang itsura nito, siguro'y panganay yata ako ng dalawa o tatlo—ah basta.
Sinabi ko lang ang order ko at naghintay pa ako nang ilan pang minuto saka ito dumating.
"It's taste good," Komento ko nang matikman ko ang pagkain na hindi ko kilala at ngayon lamang nakita sa buong buhay ko.
Ngayon ko pa lamang nakikita ang mga pag kain rito, kakaiba lahat kahit sa cafeteria ng HSA. Walang pagkain na kapareho sa Mortal World liban sa rice.
"Ginoo, sandali! Hindi ka pa nagbabayad." Rinig kong wika ng babaeng nag serve ng order ko kani-kanina lamang, hindi ko na 'yon binigyang pansin at pinagpatuloy ko na ang pagkain dahil malapit ko na 'tong maubos.
"Sino bang nag sabing magbabayad ako?" Maangas na tanong nito sa babae at dahil do’n ay ibinaling ko ang atensyon sa dalawa.
"Pero kailangan mong bayaran ang mga kinain mo, Ginoo." Lakas-loob na tugon ng babae at saka lumapit sa lalaki, hinawakan naman ng lalaki ang braso ng babae.
"Hindi mo ba ako kilala? Oh! Mukhang bago ka rito a. Pwes, magpapakilala ako. Ako si Jano, ako ang pinakamalakas sa bayan na 'to kaya wala kang magagawa kung ayaw kong mag bayad! Naiintindihan mo ba?!" Pagkasabi niya n'on ay bigla niyang sinampal ang babae kaya naningkit ang mga mata ko.
Aba! Siraulo 'yong lalaki na 'yon ah!
Isa sa mga ayaw ko ay 'yong may nakikitang sinasaktan na kapwa ko babae. Kaya naman nang makita kong sasampalin na naman nito ang babae ay agad akong tumayo't padarag kong hinagis sa kaniya ang bangkong inuupuan ko kaya naman nanlaki ang mga mata ng mga narito sa loob ng kainan pati ang natutulog na si Kahser ay nagising dahil sa ginawa ko.
"Sino ka para hagisan ako ng bangko? Ang lakas ng loob mo a!" Nanggagalaiti na sigaw nito, hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay nginisian ko lamang ito.
"Women should not be hurt but should be loved and respected." Wika ko, binitiwan naman nito ang babae at matatalim na tingin ang binigay niya sa 'kin at saka lumapit.
"Ang mga babae ay mahihina at walang kwenta!" Sigaw nito na siyang kinainis ko.
"ANONG SABI MO?!" Inis na inis kong tanong sa kaniya kaya naramdaman ko na ang pag init ng paligid.
"Ang sabi ko mahihina at wala kayong kwen—" Hindi na niya na ituloy ang sasabihin niya nang walang pagdadawalang isip na sinuntok ko siya sa mukha. Napangiwi naman ako ng makitang tumba na agad ito.
"Your strength is worthless if you don't respect women." Walang emosyon kong sabi kahit alam kong wala na itong malay at umalis na ako sa kainan na 'yon.
•••
Matapos ang nangyari sa kainan ay kasalukuyan na akong nandito sa isang talon kung saan ang lagusan.
Balak kong mag swimming, wala lang, trip ko lang. Hanggang ngayon kasi ay mainit pa rin ang ulo ko dahil nga sa nangyari kanina kaya magpapalamig muna ako, baka kasi masunog ko ang lahat ng nakikita ko kapag hindi ako.
Hanggang ngayon talaga ay namamangha pa rin ako sa waterfalls na 'to napakaganda, napakamakulay.
I remember tears
streaming down your
face
When I said, I'll never
let you go.
When all those
shadows almost
killed your light.
My opening song. I didn't say I had talent in singing. I really love music and I'm glad that I have a beautiful voice.
I remember you said,
Don't leave me here alone.
But all that's dead
and gone and passed
tonight....
Just close your
eyes....
The sun is going
down...
You'll be alright..
No one can hurt you
now....
Nakita ko ang mga ibon na may iba't-ibang kulay na nagliliparan paikot sa kinatatayuan ko. I smiled so big because I felt like they were joining in my rhythm. I closed my eyes.
Come morning light...
You and I'll be safe
and sound...
Don't you dare look
out your window....
Darling everything's
on fire..
The war outside our
door keeps ranging
on...
Hold on to this
lullaby...
Even when the
music's gone, gone....
Just close your
eyes..
The sun is going
down..
You'll be alright...
No one can hurt you
now..
Come morning light..
You and I'll be safe
and sound....
I can relate the song and its means no matter how hard life it is, don't give up because there is always tomorrow and you always have the chance to make your dreams come true.
Ilang sandali lang ang nilangoy ko saka ko naisipan nang umahon dahil nawala na rin naman ang init ng ulo ko at pa-gabi na rin kaya magtutungo na ako sa HSA.
"Lumabas na kayo riyan." Sabi ko. And guess what? Kanina pa nila ako sinusundan at kung inaakala nilang hindi ko 'yon nararamdaman, do’n sila nagkakamali.
"Ah, shit!" Sigaw nito saka lumabas sa pinagtataguan nilang puno.
"When did you know that we followed you?" Tanong naman n'ong isa saka lumabas din ito sa pinagtataguan niya.
"Since first," Walang gana kong sagot sa dalawang nakasunod sa akin at ang dalawang 'to ay walang iba kun'di ang dalawang lalaking member ng Guardians.
"That's bad, bakit hindi mo agad sinabi?" Tanong naman n'ong Mr. Playboy, hindi ko tanda ang pangalan niya—actually lahat naman sila.
"You didn't ask, after all." Wika ko saka inirapan siya.
"We should go back to the academy." Sabi naman ni Mr. Innocent.
Lahat talaga sila ganiyan ang tawag ko at malay ko ba sa mga pangalan nila!
Makalipas naman ng ilang oras na paglalakad ay nakarating na kami sa Academy as in inabot talaga kami ng gabi buti na nga lang hindi hating gabi dahil may dinaanan kaming short cut.
"Hey, guys!" Bungad sa 'min ni childish. Ano nga ba pangalan niya? Ahm... A—urghhh fuck! Whatever!
"Hinintay na namin kayo." Pagbibigay alam ni—Oh! I remember, her name is Emaya, and Em for short.
"Why are you with them?" Tiim-bagang na tanong ni Mr. grayish eyes sa 'kin. Ano naman problema nito?
"Why do you ask?" Tanong ko pabalik saka kami nag eye contest, natigil lamang 'yon nang sumingit si Em.
"Ahm, mamaya na 'yan. May meeting kasi kami kaya mauna ka na sa dorm natin Katana, gising na kasi 'yong fairy na iniligtas mo last night, so una na kami." Paalam nito saka sila umalis na sa harapan ko, pailing-iling na nag lakad ako patungo sa dorm.