Chapter 11: Locked Into Your Arms
"This is where I first saw you. Now, I'm here with you again while holding your hand."
Dk's POV
"Grabe, hindi parin talaga ako makapaniwala na ikakasal ka na. Naunahan mo pa kami." sabi ko kay Minghao
"Paano mo ako mauunahan, wala ka namang jowa." sagot niya
"Jeonghan hyung oh."
"Totoo yung sinabi niya Dk." -Jeonghan hyung
"Ikaw rin hyung, baka nakakalimutan mo, wala ka ring jowa. Diba Mylene?" ganti ko
"Dokyeom nakakarami ka na." napa peace sign nalang ako sa kanya.
"Pero Kyeommie? Wala ka bang past or something na makakapagdetailed sa lovelife mo?" -Ciarra
"Hmmm? Meron?" sagot ko
"Weh? Ba't di ko alam?" -Jeonghan hyung
"Bakit hyung? Natatakot ka na noh? Baka maunahan pa kita magkajowa. Hahahah!"
"Tinatanong ka ng maayos Dokyeom." -Jeonghan hyung
"Eto na nga. Matagal naman na kasi yun hyung. Pero hindi naman siya totaly past gaya ng meron sa past ni Woozi, Minghao at Vernon. Naniniwala kasi ako na, somewhere and sometime in our past, nakilala na natin yung taong para sa atin."
"Ang cheesy mo pala?" -Wonwoo
"What do you mean?" -Coups hyung
"Buti pa si Coups hyung nakikinig." sabi ko
"Ano na nga?" -Jeonghan hyung
"Eto na nga. Noon kasi, nung hindi pa tayo nagkakakilala, may event sa buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan. Yun yung once na may nailigtas akong babae na nagtangkang mag-suicide."
"Oohhh." -reaksyon nilang lahat
"Alam kong iisipin niyo na pwedeng co-incidence lang ang lahat pero para sa akin, parte siya ng past ko at may pakiramdam ako na magiging part din siya ng future ko."
"Alam mo, ngayon lang kita narinig na magkwento ng gaya niyan. Kaya suportahan na kita. Minsan nga siguro, may pagkakataon na sa buhay natin na nakasalubong or nakaencounter na natin yung taong nakatadhana sa atin. Hindi lang tayo nabigyan ng pagkakataon that time because destiny knows that it is not the right time. Destiny itself will make a way for you to see each other again." -Jeonghan hyung.
"Tama Jeonghan hyung. Pero mauunahan parin kita magjowa." pabiro kong sabi kaya naman nagtawanan lang sila. Masyado kasing sumeryoso yung ambiance.
"Wala ka talagang kwenta."
―--―--―--―
Humilata agad ako sa kama pagkapasok ko ng kwarto namin ni Shua hyung dito sa Mansion nina Minghao. Pagkatapos kasi nung engagement party ay nagkayayaan na magovernight dito.
Dinukot ko ang susi sa bulsa ko saka tinitigan ang keychain nito.
"SVT" basa ko sa mga letrang nakalagay sa keychain na hugis diyamante.
"Ilang taon na din ang nakalipas simula nung makilala kita. Sigurado akong sayo itong keychain na 'to."
Sumisipol-sipol lang ako habang naglalakad sa gilid ng tulay. Para akong bata na patingin-tingin sa paligid habang kumakanta-kanta. Hindi inaasahang may nahagip ang mga mata ko. Dali-dali akong pumunta palapit sa kanya.
"Miss!!" sigaw ko saka niyakap ang baywang niya at hilahin pababa sa kinatatayuan niya.
Pareho kaming bumagsak sa semento pero nakayakap parin ako sa kanya. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan niya.
"Ok ka lang ba miss?" tanong ko saka inalalayan siyang makatayo.
"Ano ba?! Ba't mo ko pinigilan?!" sigaw niya sa akin. Pero kahit na ganoon ang sinabi niya ay ramdam ko ang takot niya. Tuloy-tuloy rin sa pag-agos ang kanyang mga luha.
"Miss? Natural lang na pigilan kita! Nagtangka kang kitilin ang sarili mong buhay na alam mo namang mali! Sinasayang mo ang buhay mo." mahinahon ngunit nangangaral kong sabi.
"Kahit na. Sana hindi mo nalang ako pinakialaman." sabi niya at akmang hahakbang muli siya sa hawakan ng tulay pero agad ko siyang pinigilan. Sa pangalawang pagkakataon ay niyakap ko ang baywang niya mula sa likod.
"Alam kong hindi mo ako kilala. Pero sana makinig ka. Hindi tamang sayangin mo ang buhay mo. Maraming tao ang pinagkakaitang mabuhay. Maswerte ka dahil humihinga ka. Kaya wag mong sayangin yung buhay na pinahiram lang rin naman sayo." kahit papaano ay naramdaman kong huminahon siya. Pero tuloy-tuloy parin siya sa pag-iyak.
"Pero paano ko pa masasabing maswerte ako? Kung lahat naman ng taong mahal ko, iniwan na ako?" doon ako hindi nakasagot. Hindi ko siya kilala, hindi ko alam ang pinagdadaanan niya. Kung tutuusin ay wala naman dapat akong pakialam sa kanya dahil hindi ko naman siya kaano-ano. Pero kahit na ganoon ay narito parin ako. Dahil isa lang ang alam ko.
Kailangan niya ako.
"Sabihin mo. Ano pang silbi ng buhay mo kung wala na yung mga magulang mo na sinabing nandyan lang sila para sayo? Para saan pa yung buhay ko kung pati boyfriend ko ipinagpalit ako?" nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Pinapakinggan ang bawat hinaing niya.
"Pero hindi ibig sabihin non ay wawakasan mo na ang buhay mo. Maraming pwedeng maging dahilan ng pagbangon mo. Ka--"
"Babe." agad akong napahiwalay sa kanya
"Leo." bigkas nito na siguradong pangalan ng lalaking ito.
"Bumalik ka...." bakas sa boses nito ang pagkasabik sa lalaking iyon. Tumakbo siya palapit rito at niyakap ito.
"At hindi na kita ulit iiwanan pa." sabi naman nito at sumukli rin ng yakap sa kanya. Binaling naman ng lalaki ang atensyon sa akin.
"At sino ka naman?" nabigla ako sa tono niyang iyon.
Sakin ka pa galit?! Eh kung hindi nga dahil sakin baka sinundan mo na yan sa ilalim ng tubig eh!
"Ah... niligtas niya ako." paliwanag ng babae. Lumapit siya saka hinawakan ang kamay ko.
"Salamat.." yun lang ang tanging sinabi niya saka na ako tinalikuran at lumapit na sa nobyo niya. Pinanood ko lang sila hanggang sa makalayo sila.
Ano yun? Naging superhero ba ako o props?
Akmang aalis na ako nang may mapansin akong bagay sa semento. Pinulot ko ito saka pinagmasdang mabuti.
"SVT" basa ko sa nakalagay na mga letra sa hugis dyamanteng keychain. Napatingin ako sa daang tinahak ng magnobyo. Sigurado akong sa kanya ito.
"SVT...."
Humilata ako sa kama saka muling tiningnan ang hawak kong keychain.
"Bakit ba ikaw yung naiisip ko sa tuwing lovelife namin ng barkada ang usapan? Samantalang noong una't huli nating pagkikita, alam kong may boyfriend ka na. Pero bakit parang may parte sa puso ko na hinihintay kita?"
"Hoy Dk! Ba't nagsasalita ka dyan mag-isa? Tara na sa baba! Movie marathon na daw tayo." napatayo ako ng marinig ko ang boses na yun ni Jeonghan hyung
"Sige na hyung. Susunod na ako."
―--―--―--―
"Hello Jeonghan hyung?"
"Nasaan ka? Ba't bigla kang nawala? Yung jacket ko?! Ikaw ang dumekwat noh?!"
"Hahaha! Nasa akin nga hyung. Balik ko nalang mamaya. Pumunta lang ako ng mall hyung. Parang gusto ko ng Ice cream."
"Ice cream? Meron dito kina Minghao ah!"
"Wala, naghanap ako eh."
"San ka naghanap?"
"Sa ref malamang."
"Kaya naman pala eh. Nakalimutan mo ba na may sarili silang freezer? Tag-hirap ka kasi wala kang ganon."
"Ay takte oo nga pala! Rich kid nga pala si Hao! Sige na hyung balik nalang ako. Magnum pa naman ice cream nila dyan."
"Hep! Wag ka magmadali. Ibili mo muna ako ng photo paper dali! Naubusan na ako eh. Salamat Dk. Mahal na mahal kita. Mwah!"
"Sandale! Hyun--binabaan ako. Ang galing." ibinulsa ko nalang ang cellphone ko at saka naglakad na.
Habang naglalakad ako sa loob ng mall ay tumitingin tingin ako sa mga display sa labas ng mga store. Napadaan din ako sa food court kaya naman minabuti kong bumili ng tubig.
Habang pumipila sa counter ay hindi inaasahang may nahagip ang mata ko na kapuna-punang bagay. May isang babaeng biglang tumayo mula sa kinauupuan niya. Naka puti itong pantalon kaya't kitang ko ang red-stain niya.
Gusto ko sanang matawa pero nakita ko kung paano siya pagtinginan ng mga tao. Samantalang wala siyang kaalam-alam. Wala sa sarili akong umalis mula sa pila at hinubad ang jacket na suot ko. Lumapit ako saka payakap na itinali sa beywang niya ang jacket na hawak ko.
"Hoy! Aba't manyak ka ah!" sigaw niya saka pinaghahampas ang braso kong nakapilipit sa beywang niya.
"Ano ba! Wag ka ngang magulo. Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin eh!" bulong ko sa kanya.
"Magpasalamat?! Magpasalamat na minamanyak mo ako?! Ano ba! Sabing bitawa--"
"May tagos ka miss." napatigil naman siya nang sabihin ko iyon. Ang kanina paghahampas niya sa braso ko ay natigil at mas iniyakap niya pa ang mga braso ko sa kanya.
"Totoo? Whaaaa nakakahiyaaaa!!" sabi niya saka pilit na yumuyuko
"Ok na. May jacket nang nakatakip." sabi ko kaya naman tiningnan niya. Bahagya niya akong itinulak nang masigurong may nakatakip na nga sa kanya.
"Eh bakit nakayakap ka pa?!" sabi niya pagkaharap niya sa akin
"Ikaw tong naghigpit lalo ng braso ko sayo." pagkasabi ko non ay namula siya.
"P-pero teka... p-paa--"
"May kasama ka ba?" tanong ko at umiling naman siya.
"Hayy... sasamahan na kita sa ladies room." sabi ko. Nauna akong naglakad sa kanya pero nang mapansin ko ang pagkailang niya ay sinabayan ko nalang siya sa paglalakad.
Pagkadating namin sa labas ng ladies room ay parang ayaw niya pumasok.
"Oh? Ba't ayaw mo pang pumasok? Siguro naman may sanitary napkins na dyan sa loob diba?" namula naman siya.
"W-wala akong..... pamalit na pants." naibagsak ko ang magkabilang balikat ko ng marinig iyon. Anak ng tokwa nga naman oh! Tumulong na nga ako eh! Ba't parang andami naman yatang follow up orders nung pagtulong ko?
"Sige na.... ako na yung bibili. Ano bang size ng waistline mo?"
"29."
"Anong name mo? Para ipadala ko nalang sa loob?"
"Viviana. Viviana nalang ang itawag mo sa akin."
Pagtapos ng tagpong iyon ay iniwan ko na siya para bilhan ng pants. Gaya ng sabi ko ay ipinadala ko nalang sa loob ang nabili ko. Kasalukuyan akong nasa labas ng ladies room para hintayin siya. Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit ko ba siya hinihintay
*phone rings*
"Hello hyung."
"Oyy! Asan ka na?! Yung photo papers ko? Kailangan ko na yun buang ka ba? Hinihintay na ako ng client ko sa shop."
"Whaaa oo nga pala hyung! Sorry na--teka! Ba't ako nagsosorry? Ikaw dapat bumili ng sarili mong photo paper! Negosyo mo yan eh! Magpophotographer ka tapos wala kang photo paper?!"
"Eehh sorry na. Ako naman sana talaga bibili kaso nandyan ka na eh. Kaya bilisan mo na!!"
"Oo na, oo na, ito na." sabi ko habang papalayo sa ladies room.
―--―--―--―
"Oh ayan na." iniabot ko sa kanya ang photo papers na dala ko saka pasalampak na umupo sa couch
"Galit ka?"
"Hindi." sabi ko saka isinandal ang ulo ko saka ipinikit.
Hindi naman ako galit hyung. Istorbo ka lang talaga. May kasama na akong chix kan--
"Oh Fudge!!"
"Dokyeom?! Wag ka ngang sisigaw nalang bigla! Muntik ko nang mabitawan yung camera ko--hoy teka san ka pupunta!" hindi ko na hinintay pang matapos ang sermon ni hyung at dali-dali na akong sumakay sa kotse ko.
Ba't ko ba nakalimutan na may kasama pala ako!
Kasalanan to ni Jeonghan hyung.
Pagkarating ko sa mall ay dumiretso agad ako sa ladies room. Pero agad din akong umalis nang marealize na maaring nakalabas na siya don. Bumalik ako sa Food court kung saan kami unang nagkita. Pero wala siya don.
"Hayy. Ba't ko pa ba kasi siya hinahanap. Baka nakauwi na yun."
"Viviana. Viviana ang itawag mo sakin."
Viviana....
*phone rings*
"Hello hyung!"
"Saan ka nagpunta ha? Saka yung jacket ko? Ba't parang wala kang suot kanina."
Naku patay. In-end ko na yung tawag saka nagmamadaling umuwi.
Yari ako.
―--―--―--―
"Huy! Lalim na iniisip ah!" nagulat ako nang may kung sinong tumulak sa balikat ko.
"Faith." bigkas ko sa pangalan niya.
"Anong meron? Himala at hindi ka nag-iingay ngayon." pang-aasar niya
"Alam mo? Jinowa mo lang si Shua hyung, dumaldal ka na." ganti ko sa kanya.
"Hindi pa kami!"
"Dun na din papunta yun." sabi ko saka nagsulat-sulat sa notebook ko.
"Viviana?" tanong niya nang mabasa ang sinusulat ko sa notebook ko.
"Alam mo ba kung anong meaning niyan?" tanong niya ulit
"Pangalan to."
"Alam ko. I mean kasi, may meaning yang name na yan. Well, lahat naman siguro ng pangalan may meaning. Nasa research namin yan noon eh. Ang topic kasi namin, about suicide." parang nagpantig naman ang tenga ko nang marinig ang salitang suicide. Naalala ko yung babaeng may-ari nung keychain.
"Tapos since suicide yung topic namin, syempre related kami sa life. Tapos kasama sa naging mga related literature namin, yung mga pangalan na ang meaning ay Life. Minsan daw kasi, yun yung pinapangalan ng mga taong minsan nang nakalampas sa mga suicide attemps sa mga nagiging anak nila. At yung Viviana, it means a person who is full of life." paliwanag niya.
Tumango-tango naman ako.
"Nakalibre pa ako ng lecture." biro ko.
"Oy! Anong ginagawa mo sa Faith ko?" biglang sulpot naman ni Shua hyung.
"Hoy hindi pa sayo yan. Faith ko ka dyan." sabi ko.
"So aagawin mo na. Lah maghanap ka ng sayo." sabi niya saka inakbayan si Faith
"Shua ano ka ba. Nilelecturan ko lang si Dk. Mukhang la-love life na rin eh. Sino nga pala si Viviana?" tanong niya saka tiningnan ako ng mapang-asar na tingin.
"Wala! Dun na nga kayong dalawa! Ihulog ko kayo dito sa rooftop eh!" reklamo ko
"Ikaw ang ihuhulog ko Dokyeom! Binigay mo kung kanino yung jacket ko!" sulpot din ni Jeonghan hyung
Ba't ba sila nagsusulputan?! May lahi ba silang kabute?!
"Kanino binigay? Kay Viviana?" pang-aasar ni Faith.
Tingnan mo tong babaeng to! Ito ba yung nabubully? Eh ang lakas mang-asar!
"Sinong Viviana?" tanong ni Jeonghan hyung
"Wala wala wala wala kasi dyan na nga kayo!" sabi ko saka padabog na umalis sa rooftop. Lakas nila mang-asar
Naglakad lakad lang ako nang biglang sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Faith. Viviana. A person who is full of life. Paano nga kaya kung yung babaeng may-ari ng keychain at si Viviana na nakilala ko kahapon ay iisa? Ilang taon na rin kasi yun kaya nakalimutan ko na ang hitsura niya.
Dinukot ko ang susi ko at pinagmasdan ang keychain nito.
"Sino ka ba talaga? Kailan ba ulit kita makikita?"
―--―--―--―
"Asan na ba yung librong yun?" bulong ko habang hinahanap yung librong kailangan ko dito sa library.
"Aha!" akmang kukuhain ko ang ang libro nang umurong ito. Hinila ko ulit ito pero muli itong umurong.
May humihila?
Muli ko itong hinila pero hinihila rin ito sa kabila. Kita ko mula rito ang mata ng humihila sa kabila. At tulad ko ay nakatingin din siya sa akin.
Hinila ko ulit ito pero hindi siya nagpapatalo at hinila rin ito pabalik.
Ano ba naman tong babaeng to!
Ibinagsak ko ang libro at ramdam kong ganun din siya. Pumunta ako sa bungad para sana harapin siya pero ganun din pala ang gagawin niya. Hindi ko lang inaasahan siya pala ang taong gumagawa non.
"Viviana?"
"Kuyang nagpahiram sa akin ng jacket?!" halos sabay namin sabi.
"SSHHHH!! GET OUT!" pareho kaming nagulat nang bigla ring sumigaw ang librarian. Nang tatayo na ito ay hinawakan ko na siya sa kamay at hinila na palabas ng library.
Tatawa-tawa kaming huminto sa garden. Kapwa kami hinihingal pero napagtanto kong nakahawak pa pala ako sa kamay niya at mahigpit rin siyang nakahawak sa kamay ko. Kahit huli na ay bigla akong nakaramdam ng kuryente na dumaloy sa katawan ko.
"Grabe! Ang bilis mong tumakbo Hahaha!" pagkasabi niya non ay siya na mismo ang bumitaw sa kamay ko para hawakan ang dibdib niya.
"Ikaw naman kasi, ba't ka bigla bigla nalang sumisigaw? Alam mong nasa library tayo. Ayan tuloy napatakbo tayo nang wala sa oras." natatawang sabi ko
"Eh naexcite kasi ako nung makita kita."
"T-talaga?"
"Oo! Iniwan mo ko sa mall diba nung nakaraang nakarang linggo diba? Ngayon lang ulit tayo nagkita. Akalain mong same school lang pala tayo?" nakangiting sabi niya
"Oo nga pala. Sorry iniwan kita. Tumawag kasi yung kaibigan ko. May ipinapabili talaga siya sakin kaya nandun ako sa mall. Kailangan niya na talaga kaya nagmadali na akong umalis. Nawala ka sa isip ko."
"Ang sakit naman nung nawala ako sa isip mo. Ganon ba talaga ako kadaling kalimutan?" hindi naman ako nakasagot. Hugot ba yun o real talk?
"Hahaha biro lang. Yung jacket mo pala---"
"Oo nga. Yung jacket pala. Hindi akin yun. Sa kaibigan ko yun." pagpuputol ko sa sinasabi niya
"Ha? Ganon ba? Hindi ko kasi dala eh. Ganito nalang. Ibibigay ko sayo yung address ng boarding house ko, tapos puntahan mo ko bukas para maibalik ko yung jacket mo."
"Huh? Hindi ba pwedeng dalihin mo nalang sa monday?"
"Pwede naman pero gusto ko sanang ipagluto ka. Way of giving thanks. Saka movie marathon na din tayo."
"Hindi ba ang awkward? Kakakilala lang nat--"
"Hahaha ano ka ba. Birthday din kasi nung boardmate ko. Ako yung magluluto kaya iniimbitahan na din kita. Ano game ka?" tanong niya kaya tumango nalang din ako.
Ngumiti siya pagkatapos non. Wala sa sarili kong inaalala ang mukha nung babaeng may-ari ng keychain. Inaasahan ko talaga na siya at ang babaeng kaharap ko ngayon ay iisa.
Pero parang hindi. Kasi kung oo edi sana namukhaan niya rin ako diba?
Pero kasi matagal na din yun. Baka hindi niya na ako naalala.
Hayy ewan. Siguro ng dapat ko nang kalimutan ang babaeng yun. Masyado lang yatang malawak ang imagination ko para umasa sa ganoong pag-asa. Yung kuryenteng naramdaman ko kay Viviana kanina, ngayon ko lang naramdaman yun. Totoo pala ang ganoong pakiramdam? Akala ko sa mga libro at teleserye lang yun.
Magkakalove-life na ba ako?
―--―--―--―
Narito na ako ngayon sa tapat ng boarding house nina Viviana. Malapit lang ito sa University at kayang-kayang lakarin.
Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto.
"Ciarra?" gulat na tanong ko
"Oh, Kyeommie! Anong ginagawa mo dito?" tanong rin niya.
"Dito pala boarding house mo? Ba't di ko alam?"
"Si Woozi lang naman nakakaalam." sagot niya
"Ciarr--oh? Dk! Nandyan ka na pala. Pasok ka."
"Magkakilala kayo?" tanong ni Ciarra
"Oo..... magkakilala kayo?" si Viviana naman ang nagtanong.
"Kaibigan siya ni Woozi.... uyyy Kyeommie ah. Jowang-jowa talaga?"
"Huy hindi! Ciarra naman wag mo naman ako ipahiya." pasimple kong sabi sa kanya.
"Oh siya sige na. Pasok na dun. Viana, una na ko ah." paalam niya
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ko
"Saan pa, edi kina Minghao. Nandun ulit sila diba? Kulang na nga lang dun na rin ako tumira eh. Sige na, inaantay na rin ako ni Woozi sa parking lot ng school. Enjoy." sabi niya na may kasamang pang-aasar
"Ciarra." saway ko
Pumasok ako sa loob at doon ko nakita ang dalawa pang babaeng nasa sala.
"Whaaaa Dk!" sigaw ng isa sa kanila.
"Ahh.... Hi?" hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi naman kasi ako sanay sa mga ganito na may bigla nalang titili at isisigaw ang pangalan ko. May fans din pala ako?
"Kilala mo si Jun diba? Kaibigan mo rin siya diba? Whaaaa Audrey! Dalawa na sa kaibigan natin ang may jowa sa barkada nila! Mukhang ako na sunod kay Jun Whaaaa!"
Binabawi ko na. Akala ko fan ko. Bwiset.
"May girlfriend na si Jun. Hehe." sumimangot naman siya pagkasabi ko non.
Hindi ko nalang siya pinagtuunan pa ng pansin lalo pa't natanaw ko mula sa kinatatayuan ko si Viviana na abala sa kusina. Pinuntahan ko siya saka pinagmasdan kung paano siya magluto.
"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko
"Ah hindi na. Malapit na rin naman maluto to." pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siyang magluto. Hindi ako mahilig magluto pero marunong naman ako. Sa buong barkada kasi, si Mingyu ang nagluluto kaya hindi na ko nag-aabala pang magluto.
"Happy birthday." bati ko kay Audrey. Siya yung may birthday ngayon. Hindi ko siya nabati kanina dahil sa Maddie na yun.
"Salamat. Pupunta din dito sa Anton. Magdadate kami." sabi niya
"Ay ako rin gogora ako." si Maddie naman ang nagsalita
"May date ka din?" tanong ko
"Wala yang jowa." -Viviana
"Wala pala eh." sabi ko
"Close tayo?" -Maddie
"Hoy tama na yan. San ka ba pupunta Maddie?" -Viviana
"Group project. Kaya kayong dalawa ang magsosolo dito." sagot niya
Magsosolo dito....
Magsosolo dito....
WTF!
―--―--―--―
"Ahhmmm..... uwi na lang kaya ako?" pagbasag ko sa malawak na katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa
Pagkaalis nina Maddie at Audrey ay siya namang pag-alis rin yata ng katinuan jo.
Bakit ba ako nandito?
"Ha? Ayaw mo ba magmovie marathon? Magsasalang na sana ako ng movie. Saka yung jacket nga pala."
Naalala ko na kung bakit ako nandito.
Iniabot niya sa akin ang malinis at nakatuping jacket. Kinuha ko ito saka isinuot.
"Salamat talaga dyan ah." nakangiti niyang sabi. Nginitian ko nalang siya saka pinanood na siyang magsalang ng DvD
"Anong movie yan?" tanong ko
Sana wag horror
"Comedy." sagot naman niya kaya nakampante ako.
Pero habang nanonood kami ay parang may nakikita na akong kakaiba.
"Horror ata yan eh." sabi ko saka dahan-dahang nagtakip ng unan.
"Ha? Hindi ah."
"Horror."
"Hindi....."
Unti-unti ay dumadausdos ako pababa ng sofa
"Hor--"
*Kling*
"WHAAAAAAAAAAAA!!" patayo kong sigaw
"Hoy! Wala pa! Ano ba yun?" napatigil ako nang sumigaw rin siya. Dinampot ko ang mga susi kong nalaglag
Pahamak tong mga to. Pero bago ko pa man ibalik ito sa bulsa ko ay hinablot niya na ito.
"Akin to ah?" pagkasabi niya non ay hindi ako nakapagsalita. Hawak-hawak niya ang keychain na may SVT na nakalagay.
Tiningnan niya ako nang may pagtataka
"Ikaw si SVT?" tanong ko
"Oo. Serenity Viviana Tercellio. Yun ang real name ko. SVT. Paano napunta sayo to?"
T-totoo ba to? Parang kahapon lang nung hinihiling ko na sana iisang tao nalang sina Viviana at yung babaeng palihim kong hinihintay.
At ngayon.....
"Bumalik ka nga." pabulong kong sabi
"Ha?"
"Hindi mo ba ako naaalala?" tanong ko
"Nagkita na ba tayo noon?"
"Sa tulay, nung muntik ka nang magpakamatay." tila malalim naman siyang nag-isip pagkatapos kong sabihin yun
"I-ikaw si Mr. Sunshine?" namamanghang tanong niya
"Mr. Sunshine?" natatawa kong tanong
"Oo...... hindi ko kasi natanong ang pangalan mo. Sunshine kasi binigyan mo ng liwanag ang isip ko noon kaya hindi ko tinuloy yung balak ko."
"Hindi mo tinuloy kasi bumalik yung boyfriend mo." pagtatama ko
"Noong araw na nakita mo ako, oo nga at bumalik siya. Pero iniwan niya ulit ako. Nasaktan ulit ako. Nagtangka ulit akong wakasan ang buhay ko. Pero tanging boses mo ang naririnig ko ng mga oras na yun. Dahil sa mga tinuran mo sa akin, sumubok ulit akong sumabay sa takbo ng buhay. Bumangon at muling lumaban, kahit mag-isa lang."
Nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga salitang iyon. Bigla ay parang may kaunting naging kirot sa puso ko. Hindi dahil sa sakit kundi dahil sa katotohanang minsan din pala ay nakatulong ako at naging inspirasyon ng isang tao para mabuhay.
"Nakakatuwa naman, since our first met and another, I was then locked in your arms." nakangiti niyang sabi
Napatawa naman kaming pareho. Tama siya. Simula noong unang nagkrus ang landas namin, hanggang sa muli kaming pagtagpuin, laging ang pagkakataon ay ang kinakailangan ko siya yakapin at ikulong sa aking mga bisig.
Na siyang dapat ko yatang gawin sa pangmatagalan. Ang yakapin ka hanggang sa umabot tayo ng walang hanggan.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya at nang mailang ay inilipat ko ang paningin sa T. V---
"WHAAAAAAAAA SABI NA HORROR EHH!!!"
―--―--―--―
"Ano Dino? Kamusta ang training sa Company niyo?" -Mingyu
"Nakakastress. Ewan ko ba kay Dad. Hirap na nga ako sa lessons sasabay pa sa schedules ko." -Dino
"Para sa future mo naman yan bunso. Soon, siguradong ikaw na rin naman ang mag mamay-ari ng company niyo." -Coups hyung
"Alam ko naman hyung. Hayy buti nalang nandon si Euna." -Dino
"Euna?" sabay-sabay naming tanong
"H-ha? May s-sinabi ba ako?" kakaba-kabang tanong niya
"Oo. Sabi mo buti nalang nandon si Euna. So sino si Euna?" -Shua hyung
"Ah..... Hahahah ano. Yung secretary ni Dad. Tinutulungan niya lang ako kapag, ano..... nahihirapan ako."
"Ah Secretary....." sabi ko
"Ah Tinutulungan....." -Jun hyung
"Hoy...... kung ano ano iniisip niyo ah!"
"Ang defensive Dino. Sabi ko diba wag muna magjowa. Baby ka pa." biglang dating naman ni Jeonghan hyung
"Hyung! Hindi ko naman siya girlfriend."
"Pero mukha Hyung." sabat ko
"Anong mukha? Mukhang jowa niya na?"
"Oo, saka mukhang mauunahan ka na namin ni Dino."
"Mukha rin. Mukhang puputulin ko na yang dila mo Dokyeom." tinawanan ko naman siya
"Tama ba yung narinig ko Dk? Namin? Magkakajowa ka na din?" -Jun hyung
"Hahahahahahah oo naman! Ako pa ba hyung?" sagot ko
"Oyyy pasagap ng chismis! Kayo na agad ni Viviana?" -Ciarra
"Sinong Viviana?" sabay-sabay nilang tanong
"Mamaya na kayo!" sabi ko saka tumakbo sa tabi ni Jeonghan hyung
"Hyung. Tara." sabi ko saka hinila siya paakyat sa kwarto namin ni Shua hyung sa mansion nina Minghao.
"Ano ba yu--Oy teka. Jacket ko na to ah?"
"Ah oo nga pala." sabi ko saka hinubad at binigay na sa kanya yung Jacket niya
"Hyung..... nakita ko na siya." bungad ko
"Sinong siya?"
"Yung may-ari nung keychain!"
"Keychain? Anong keychain?"
"Hindi ko ba nasabi sayo?" tanong ko saka pinakita sa kanya yung keychain.
"Yan yung kaisa-isang bagay na naiwang alaala sakin nung babaeng muntik nang magpakamatay." sagot ko
"Nakita mo siya? Paano?"
"Naalala mo nung nagmall ako diba? Yung nagpabili ka ng photo cards kaso natagalan ako? Siya ang kasama ko nun. At sa pangalawang pagkakataon na nagkita kami, mga braso ko nanaman ang nagligtas sa kanya. Well, girls stuff. Tinagusan siya kaya ayun, naipahiram ko ang jacket mo. Hehe."
"Anak ng tokwa! Ipinulupot mo to sa..... sa..... Oh! Ayan sayo na yan!" binato niya sa akin yung jacket na kani-kanila lang ay atat na atat na siyang kunin.
"Hahahahah nalabhan naman to hyung!"
"Kahit na. Oh sige na. Proceed to the story."
"Tapos ayun na nga, nung tumawag ka, nagmamadali naman akong umalis kaya nakalimutan ko na kasama ko pala siya. Kaya nga pagbalik ko nagkukumahog akong umalis ulit diba? Kaso lang pagdating ko sa mall, hindi ko na siya nakita ulit. Pero mukhang pinagtatagpo talaga kami ng tadhana. Nagkita kami sa library at yun nga nung weekend, inaya niya ako sa boarding house na tinutuluyan niya para nga maibalik tong jacket. At akalain mong, boardmate niya pala si Ciarra? Tapos dun ko na nga nalaman na si SVT na may-ari ng keychain na yan at si Viviana na nakilala ko sa mall ay iisa."
"Nakilala ka ba niya? Naalala ka ba niya?"
"Hindi lang yun hyung. Mr. Sunshine ang tawag niya sa akin. Kasi nung araw na magtangka ulit siyang magpakamatay, yung mga sinabi ko sa kanya ang nagbigay liwanag sa kanya. Kaya kahit wala ako, napigilan niya ang pagpapakamatay."
"Anong balak mo?"
"Anong balak? Basta may alak may balak?"
"Alam mo minsan wala kang kwentang kausap."
"Ano nga kasi?"
"Nakita mo na yung babaeng nagpapatunay sa paniniwala mo na minsan nang nagdaan sa buhay natin ang taong totoong nakalaan para sa atin. Ngayon na natagpuan mo na siya? Anong susunod mong gagawin?"
"Ano bang dapat kong gawin hyung?"
"Ano pa! Edi wag mo nang pakawalan pa. Lock her into your arms. Wag mong hayaan na pagkakataon pa mismo ang makapagpahiwalay uli sa inyo. Gamitin mo yung pagkakataon na to para mayakap mo siya nang pangmatagalan."
"Paano ko gagawin yun?"
"Ikaw lang ang makakagawa non. Kaya ikaw lang rin ang nakakaalam ng sagot sa tanong mo."
Gusto kong mayakap siya gaya nang sinasabi ni Jeonghan hyung. Ayokong mangyari ulit na maging pagkakataon lang ito na pagtatagpuin kami saka paglalayuing muli.
Pero paano nga kaya?
―--―--―--―
"Anong ginagawa natin dito?" pareho lang kaming nakatanaw ng malayo mula sa tulay na kinatatayuan namin. Ito yung lugar kung saan kami unang beses na nagkita.
"Naalala mo rito?"
"Oo naman. Dito nag-umpisa ang katangahan ko. Na tinapos mo." lumingon ako saka nginitian siya
"Alam mo ba yung meaning ng pangalan mo Viviana?"
"Meaning? Ano?"
"Viviana, a person who is full of life. Kung nagpakamatay ka, hindi bagay sayo yung name mo."
"Ngayon bagay na? Kasi punong puno na ako ng buhay. Kasi nandyan ka na." pakiramdam ko naman ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko. Bakit ba ganyan siya magsalita?
"Teka nga? Bakit ba ikaw yung bumabanat? Ako dapat eh."
"Oh sige. The mic is yours." natatawang sabi niya
Siniringan ko nalang siya saka mahinang tinawanan. Bahagya pa akong huminga ng malalim
"Wow nagpe-prepare. Speech?" pang-aasar niya
"Wag ka magulo." saway ko pero tinawanan niya lang ako.
"This is where I first saw you. Now, I'm here with you again while holding your hand." pagkasabi ko non ay hinawakan ko ang kamay niya
"Maybe it's a way too fast. But I want to grab this chance. I want to be part of your life and you to be part of mine as soon as possible. I don't want let this moment passed again just like before. You and I, walking together to reach eternity. You, in my arms." nakangiti kong pahayag.
"Ang...... ang hirap mag-english."
"Ano ba?! Patulo na yung luha ko umurong pa eh!"
"Pasensya na. Wala akong future sa english eh."
"Nadala naman ako eh. Wag ka mag-alala, kahit ako, gusto kong maging parte ng buhay mo. Alam mo bang matagal na kita hinihintay My Sunshine?" nakangiti niyang sabi
"Kahit ako, hinihintay rin kita. My sweetest thing."
At ngayon. Nasa harap na kita. Yung taong parang kailan lang ay pinapangarap ko palang. I can't tell you I love you Immediately but I'm sure already, that you are my only sweetest thing.
~End~