Chapter 9: Threat

Mariane POV

"Ok class, you need a partner to do this project, so you can all choose who you want to be your partner, the deadline is in monday so you have 4 days to do your project class dismissed." sabi ni Prof Althea at naglakad na palabas ng Classroom.

tumayo naman ako sa pagkakaupo at tumingin kay Nathan na inaayus ang kanyang mga gamit, ganon na rin ang ginawa ko.

"Nathan, tayong dalawa na lang ang magkapartner." alok ko sa kanya, wala din naman akong makakapartner pati na rin naman siya.

"Ayos lang ba sayo?" napatawa naman ako sa sinabi niya.

"Syempre ayos lang, kaya nga kita inaaya eh." kaya napakamot naman siya sa batok dahil sa sinabi ko.

Mayroon kasi kaming project sa english, kailangan lang naman namin mag interview sa mga journalists na mga kakilala namin, magtatanong kami sa kanila kung ano ang mga lifestyles nila at kung paano sila nakakagawa ng isang magandang news sa mga websites, mga newspapers, magazines at iba pang may kinalaman sa pag susulat ng journal.

tungkol naman sa pagbintang kay nathan na nagnakaw daw siya, napatunayan na frame up siya dahil kita Sa CCTV na may naglagay ng cellphone at wallet sa bag niya, pero hindi nakita kung sino yun dahil nakaface mask ito ng itim at jacket na may hood kaya kahit mata hindi kita.

"Oum sige magkapartner na lang tayo." sabi niya at ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya pabalik.

pumunta naman siya sa locker namin dito sa classroom, kaya sumunod din ako sa kanya, ilalagay ko kasi yung mga libro na hindi ko gagamitin pabigat lang naman sa bag ko yung iba.

"may kakilala ka bang jounalist?" tanong ko kay nathan habang linalagay ang tatlong libro sa locker ko na katabi lang ng locker niya. Ako kasi wala akong kilala.

" Mayroon, yung tita ko isa siyang journalist." kaya napatango ako. sakto ah,

"Paki tanong na lang sa tita mo kung pwede ba natin siyang i-interview, kasi baka malay mo busy pala siya." sabi ko at sinara ang locker ko. tumingin naman ako sa kanya, isinara na rin niya ang locker niya at tumingin sa akin,

" Sige, mamaya itatanong ko sa kanya, atsaka panigurado papayag yun." napatango ako at palabas na sana ng may tumawag sa akin. kaya napatingin ako dito.

"Mariane..." tawag ni klein kasama sila camille.

"bakit?" tanong ko sa kanya.

" Mariane may meeting tayo ngayon, para sa camp." napakunot ang noo ko at tumango na lang, nagmeeting kami kanina pagkatapos kaming ipatawag ni principal, tungkol lang naman sa magiging leader , tahimik lang ako kanina habang nag dedesisyon sila kung sino ang magiging leader, at si Luxurious ang napili nilang maging leader tinanung din ako kung sang ayon ba ako kaya tumango na lang ako.

tumingin ako kay Nathan ng magsalita siya

"Sige Mariane una na ako i-text na lang kita kapag pumapayag na si tita." tumango naman ako sa kanya.

"sige pag pumayag siya bukas na natin siya i-interview pagkatapos ng klase." sabi ko,

"sige alis na ako ba-bye." tumango ako at nag ba bye na rin, tumalikod na siya kaya tumingin ako kela klein na nakatingin na pala sa amin.

"Saan tayo mag memeeting?" tanong ko kay klein

"May alam kaming cafe doon na lang." sabi nito, kaya tumango ako.

nagsimula na silang lumabas ng classroom kaya sumunod na ako.

habang naglalakad kami palabas ng school rinig ko naman ang mga tawanan nila camille habang nakayapos sa kanya si Luxurious.

tahimik lang akong nakasunod sa likod nila, napapatingin naman yung ibang mga estudyante na pauwi na rin,

rinig ko naman ang usapan nila addison.

"Kailan kayo magpapakasal ni Luxurious Camile?" tanong ni addison, kaya namula naman si camille, kaya naghalakhakan sila kasama ang mga kalalakihan na kasama namin. kasal agad?

Nakangiti naman si Luxurious pero walang emosyon ang mgs mata at, mukhang hinihintay nito ang sagot ni camille.

"Hindi pa nga kami eh, kaya bakit agad kami magpapakasal?" namumulang sabi ni camille.

"NGA! so may balak kang sagutin si Luxurious?" sabay sabay na sabi nila maliban kay Luxurious, Skyler, at cloud.

mas namula naman si camille.

"Yieee mukhang kayo ang magpapakasal in the future." sabi ni jamie, kaya dahil sa hiya ni camille sinubsob niya ang mukha sa dibdib ni Luxurious.

hindi ko alam pero parang nag tayuan ang mga balahibo ko sa bato dahil sa sinabi ni jamie,,

ganitong ganito yung naging usapan nila sa novel .

dati kilig na kilig pa ako habang pinaguusapan nila tungkol sa kasal thingy na yan, at kinikilig din ako sa pagsubsob niya sa dibdib ni Luxurious dahil sa hiya, dati

pero ngayon habang naririnig ko yan sa sarili nilang bibig, habang nakikita ko kung paano yumakap si camille kay Luxurious hindi ko maiwasang hindi kilabutan, dahil napaka corny nila.

napangiwi ako habang tinitingnan silang tinutukso si camille na naka baon pa rin ang mukha sa dibdib ni Luxurious.

"Corny amputa!!!" bulong ko. napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang pagtawa

kinuha ko yung cellphone ni Mariane, at binuksan ito naghanap ako ng kunwaring mababasa,

nakatingin ako sa cellphone kaya hindi ko maiwasang hindi tumawa dahil ang corny talaga nila, kunwari nagbabasa ako habang tumatawa ng mahina.

ramdam kung napatingin sila sa akin dahil na rin siguro sa pagtawa ko, mas lalo akong natawa dahil sa pinaggagawa ko,

napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ng mapansin na hindi pa rin umalis sa pag kasubsob si camille kahit kay Luxurious kaya lalo akong natawa, pota ang corny talaga. para siyang tanga.

gagu ang babaw ng kaligayahan ko.

kunwari nagtataka ko silang tiningnan,

"B-bakit?" inosenteng tanong ko,

mas lalo pa akong natawa ng may nakitang akong nahulog sa kanal dahil sa katangahan

napalobo ang pisnge ko sa pagpipigil ng tawa dahil nakakatawa talaga yung babaeng nahulog s dahil dumiretso yung kanang paa nya sa kanal, hindi nakita nila addison ito nakita dahil nakaharap sila sa akin.

"bakit ka tumatawa?" mataray na sabi ni abby. umiwas ako ng tingin at pinakita ang cellphone ko

"M-may binabasa lang, n-nakakatawa kasi." sabi ko habang tumawa, tumingin naman ako sa cellphone ko at kunwaring nagpatuloy sa pagbabasa.

puta ang babaw talaga ng kaligayahan ko.

=========================================================

Nandito kami sa isang cafe, ito pala yung sinasabi ni klein, maganda na naman siya at pwede ka talagang tumambay dito.

napatingin ako kay Cronux ng magsalita siya.

"May naiisip na ba kayong plano para sa camp?" tanong niya, sa totoo lang wala din akong maisip dahil okupado ang utak ko sa mga dapat kung gawin.

umiling sila maliban kay Luxurious, ako? wala nakatingin lang sa kanila hindi nga ako umiling eh.

"May naiisip ka Mariane?" taas kilay na sabi ni Jamie, hindi ko pa nakakalimutan yung mga sinabi niya sa Nanay ni Mariane pero ok lang nasakal ko naman na siya.

"Wala." tipid kong sabi. mukhang napansin nila ang hindi ko pag iling sa kanila.

"Hindi ba matalino ka kaya dapat may naiisip ka ng plano." sabi naman ni Addison

pansin ko bakit lagi nila akong pinag iinitan? ano sa akin nila iaasa yan, duh never

" bakit ikaw matalino ka rin naman kaya napunta ka sa section A bakit wala ka ding naisip na plano?" sabi ko sa kanya habang nakatingin sa tsaang nasa harap ko.

pansin kong tahimik lang ang mga kasama namin,

magsasalita na sana si addison ng unahan ko na ito,

"Ayaw ko ng gulo, kaya pwede ba magsimula na tayo gusto ko ng umuwi." seryuso kong sabi habang nakatingin pa rin sa tsaa ko.

natahimik naman ito sa sinabi ko, napahawak ako sa batok dahil parang sumakit.

"Luxurious may naisip ka na ba?" sabi ni Klein.

tumango naman siya at pinakita niya ang isang notebook kung saan nakasulat ang mga naisip niyang plano,

hindi naman halatang ayaw niyang magsalita.

binasa naman nila ito at napatango tango pa sila, para silang ewan.

napatingin ako sa relo ko at tiningnan kung anong oras na, 6:25 pm na.

Napatingin ako sa labas ng cafe madilim na rin, napatingin naman ako sa may isang masikip na iskinita, may napansin naman akong bulto ng isang tao, hindi ko malaman kung babae o lalaki basta ang alam ko nakatingin siya sa gawi namin.

tinitigan ko siya ng maigi, ng biglang bumukas ang ilaw ng street light malapit sa kinatatayuan niya at saktong nagtama ang paningin namin, nakatingin siya sa akin, hindi ko makita ang mukha niya mata lang dahil medyo madilim kahit may street light.

Ng bigla siyang umalis sa kinatatayuan niya kaya napatayo ako, tiningnan ko lang siya paalis hanggang sa nawala siya sa paningin ko.

napalunok ako, hindi ko alam pero kinakabahan ako.

"what's wrong Mariane?" napatingin ako sa nagsalita, napatingin ako sa kanila na nakatingin sa akin ng may pagtataka.

tumingin ulit ako sa labas

"W-wala." sabi ko habang nakatingin pa rin sa labas.

umupo na lang ulit ako at tumingin sa kanila na ngayon ay nagtataka pa rin sa kinilos ko.

"Ituloy niyo na yung usapan niyo." sabi ko at tumingin ulit sa labas ng cafe.

"Naiintindihan mo ba yung magiging plano para sa camp?" tanong ni cloud. napatingin ako sa kanya at bumuntong hininga,

sa totoo lang pinagtitiisan ko lang sila makasama, kung hindi lang sa camp toh, ay naku.

"pasensya na hindi ako nakikinig, may iniisip lang ako." honest kong sabi, alangan naman na magsinungaling , pano kung tanungin ako kung ano ang pinag uusapan sa camp eh hindi ako nakikinig edi wala akong nasagot kasi di ko alam, at wala akong pake sa camp na yun

tumingin na lang ako sa aking tsaa at bumuntong hininga Ulit.

"Mariane kailangan mong mag focus para sa camp, dahil importante ito ngayong taon." sabi naman ni klein.

hindi na ako nagsalita at walang gana na lang akong tumango.

"Alam mo wag kana nga lang kaya sumama pag nag meeting kami noh?" napatingin naman ako kay addison ng sabihin niya yun,

"Pwede?" tanong ko

"Syempre hindi, dapat nga masaya ka dahil nakakasama mo kami dahil iyon ang gusto mo." sabi niya.

"Tanga dati yun." bulong ko na mukhang narinig ng katabi ko,

si skyler kasi katabi ko kaya malamang narinig niya yun, tinaasan ko siya ng kilay ng makitang gulat itong nakatitig ito sa akin, iniwas kona lang ang tingin at tumingin kay addison.

tumahimik na lang ako at hindi pinansin ang sinabi nito.

"Oh ano tahimik ka noh, kasi yun ang totoo." gatong ni jamie,

hindi ko nalang din pinansin ang sinabi niya

"Ghe sa susunod na mag meeting tayo hindi na ako sasama," walang gana kong sabi.

"Alam mo ang parusa kapag hindi ka sumama, i eexpel ka nila." seryosong sabi ni klein.

"Edi mabuti," mukhang nagulat sila sa sinabi ko, mas mabuti na rin yun, wala naman akong balak na panoorin ang love story nila camille

"Hindi pa ba tapos gusto ko nang umuwi?" matamlay kung sabi.

"Tsk, edi umuwi kana,? " tumango ako at tumayo, at isinukbit ko ang bag ko.

"ghe ingat!" iniwan ko silang nakanganga maliban kay Luxurious na nakakunot ang mga noo.

tinext ko na rin si manong ronald na sunduin ako,

===========================================

pagpasok ko pa lang ng kwarto ko ay humilata na agad ako sa kama dahil sa matinding pagod.

naalala ko nanaman yung taong yun kanina.

sino siya?

bakit siya nakatingin sa pwesto namin kanina?

anong kailangan niya?

umupo ako at sinabunutan ang sariling buhok, hindi ko alam kung bakit ako kinabahan kanina,

napakamot ako ng leeg, sa inis

kumunot ang noo ko ng may napansin ako sa side table,

linapitan ko ito at lalong kumunot ang noo ko dahil may nakita akong sulat.

ano toh love letter?

kinuha ko ito at tiningnan kung ano ang nakasulat,

nabitawan ko ang papel dahil sa nakasulat doon,

napaupo ako sa sahig dahil sa matinding gulat,

"DIE MARIANE..."

yan ang nakasulat sa papel,

May duho pa ito.

may gustong pumatay sa akin.....