Chapter 8: Headache

Mariane POV

Napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit, nagsimula ito kahapon ng pauwi na ako galing sa Mall.

Bumili kasi ako ng mga bagong damit, dahil lahat ng mga damit ni Mariane ay puro kinulang sa tela, meron siyang oversized tshirt at pantalon kaso tig dalawa lang, alangan namang suotin ko yun ng paulit ulit baka sabihin nila naghihirap na ang pamilyang Travis, de joke lang...

"My Lady ito na po yung pinapakuha mong gamot." sabi ni emma mula sa labas.

"Sige pasok kana." sabi ko naman.

pumasok naman siya na may dalang tray na may lamang pagkain, tubig at gamot.

nagtataka ko siyang tiningnan.

"gamot lang ang pinadala ko sayo ah, bakit may kasamang pagkain?" kunot noo kong tanong.

napakamot naman siya ng ulo

"Si Lady Camille po, nalaman po kasi niya na masakit ang ulo niyo kaya angsabi niya na dapat may kasamang pagkain para lumakas daw po kayo agad." lalo namang kumunot ang noo ko.

wala naman akong lagnat masakit lang naman ang ulo ko ah,

"Ibaba mo na yang pagkain, hindi ako kakain dahil hindi naman ako gutom." seryuso kong sabi, naa-appreciate ko naman yung pagpapadala niya ng pagkain, pero hindi ako gutom at wala akong gana.

"Sige po My Lady." iniwan naman niya ang gamot at tubig sa side table at lumabas na ng kwarto.

Napabuntong hininga ako at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama, at uminom ng gamot.

Napatingin ako sa baso na ininuman ko at hindi ko alam basta nagcrave ako sa ice cream.

napatawa ako ng mahina dahil masakit na nga ang ulo ko eh kakain pa ako ng ice cream.

napatingin naman ako sa labas ng bintana at maganda ang araw ngayon, wala ding pasok ngayon ngayon dahil may meetjng daw. buti na lang at walang pasok dahil makakapagpahinga ako.

napagpasyahan ko na lang lumabas, hindi na ako nag abala na magbihis dahil naka oversided tshirt ako at naka pajama, disente naman akong tingnan atsaka nasa mansyon lang naman ako.

dala-dala ko ang baso na pinaginuman ko, at may balak din akong kumuha ng ice cream kahit pa masakit ang ulo ko.

Pababa na ako ng hagdan ng makarinig ako ng halakhakan, pagkababa ko naabutan ko doon sa sala sila camille kasama sila Luxurious na nasa tabi nito.

Silang lahat nandito

hindi ko na lang sila pinansin, may mga maid din na naglalagay ng meryenda sa kanila, at mukhang napansin ako ng iilang maid kasama na din si emma.

"My lady, bakit po kayo bumaba? masama po ang pakiramdam niyo." sabi ni emma at dali-daling lumapit sa akin, mukhang napansin din nila ako kaya napatingin sila sa akin, napatayo naman si Camille ng makita ako.

napatingin naman ako kay emma, at ipinakita ang baso ko.

"ako na lang po ang magbabalik my lady, bumalik na po kayo sa kwarto niyo," sabi ni emma

umiling naman ako at nagsalita.

"May kukunin lang ako sa kusina." sabi ko at

dali- dali akong pumunta ng kusina at hindi sila pinansin, linapag ko na lang ang baso sa lababo at dagliang binuksan ang side by side refrigerator, woah daming laman.

tiningnan ko ang loob ng ref kung may ice cream pero puro mga ulam ang nandito.

"My Lady ano po bang hinahanap niyo?" napatalon naman ako sa gulat dahil biglang sumulpot si emma, sumunod pala siya, hindi ko siya pinansin at pumunta sa isa pang refrigerator, binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga drinks, kaya hinanap ko kung may ice cream at napangiti ako dahil merong ice cream, wow naka container na pula.

kinuha ko ito at sinara ang ref, pumunta ako sa lagayan ng mga kutsara at kumuha.

binuksan ko yung lalagyanan ng icecream, nagnining ang mata ko dahil rocky road ang flavor.

"My lady hindi po kayo pwede niyan, masakit po ang ulo niyo." nagaalalang sabi ni emma pero nginitaan ko lang siya at lumabas na ng kusina habang kumakain ng ice cream,

Napatigil ako sa paglalakad dahil may naramdaman ako nakatingin sa akin, napatingin ako kay Cronux na nakatingin sa akin at sa Ice cream ko.

Siya si Charlie Havier, 21 year old, the childish one, isa din siya sa nagkagusto kay Camille, ewan ko kung bakit.

Napatitig ako sa kanya at hindi mapagkakaila na nang gwapo niya at bumagay sa kanya ang singkit ng mata.

Katulad ko rin siya na mahilig sa ice cream, mukhang gusto nya pero gusto ko rin kaso nagiisa na lang kasi ito doon.

at dakila akong maawain, lumapit ako sa kanya, ng nasa harap na niya ako tumingala siya dahil nakaupo siya sa isang sigle sofa.

ramdam ko rin ang tingin ng mga kasama niya pero hindi ko na sila pinansin.

bumuntong hininga ako at nagsalita,

"Gusto mo?" pagtatanong ko kahit alam kona ang sagot.

Isa siya sa walang galit kay Mariane, hindi ko alam kung bakit pero masaya ako doon dahil alam kong hindi siya galit sa akin.

Tumango tango naman siya senyales na gusto nga niya.

"hati na lang tayo dahil nag iisa na lang ito ok lang ba sayo?" tanong ko.

nagningning naman ang mga mata nito,

"kukuha lang ako ng isa pang kutsara." aalis na sana ng pigilan nito ang kamay ko.

umiling naman siya at nagsalita. "Share na lang tayo sa kutsara, usto ko ng kumain ng ice cream." nakanguso nitong sabi.

napakagat labi na lang ako dahil ang cute niya.

tumango naman ako at humanap ng mauupuan.

tumabi naman ako kay cloud dahil may bakante pa doon.

tumayo naman si Charlie at umupo sa sahig paharap sa akin kaya umawang labi ko sa ginawa niya. Nagsinghapan naman yung mga kasama namin dito.

"Pwede ka naman na umupo sa tabi ko, bakit dyan ka pa umupo?" tanong ko sa kanya.

"Mas gusto ko dito, dahil makikita kita." sabi niya, kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" ngumiti lang siya at ngumanga,, kaya sinubo ko na yung kutsara ko sa kanya na may lamang Ice cream.

============================================================

THIRD PERSON POV

Napaawang ang labi nila maliban kay Luxurious at Skyler ng makitang sinusubuan ni Mariane si Charlie, at ang mas nakakagulat ay....

IISANG KUTSARA ANG GINAGAMIT NILA!!!!

Alam nilang nandidiri si Mariane pag may nakikipag share sa kanya ng kutsara o inumin sa baso pero sa nakikita nila ngayon,

sarap na sarap pa siya sa pagkain hindi alintana ang mga tingin sa kanilang dalawa,

Nanood ng TV si Mariane habang sinusubuan si Charlie na nakatingin sa kanya ng nakangiti.

Ngayon lang nila nakitang ganito kasaya si Charlie, ewan nila kung bakit.

Habang ang isang nilang kasama ay nakakuyom ang kamao habang nakatingin kela Charlie at Mariane,

Naiinis siya dahil, gusto niya, siya dapat ang nasa posisyon ni Charlie.

======================

Mariane POV

Papunta NANAMAN ako Sa principal office, Hindi ko alam kung bakit?

Hindi Na rin masakit ang ulo ko tulad kahapon.

Nang nasa harap Na ako ng principal office y kumatok Na ako

At pumasok nadatnan ko naman Na sila, Luxurious at si Camille kasama ang mga kaibigan nito,

Tulad ng huli Kong punta dito doon ako umupo Sa dati kung inupuan at tahimik Na umupo.

"So kaya ko kayo ulit pinatawag tungkol Sa pagpaplano niyo tungkol Sa camp," sabi ni Mr. Romero.

Tahimik pa rin ako, ng magsalita si Abby.

She's Abby Gadon, 22 yrs. Old, tulad siya ni Jamie Na palaban.

"Kasama pa po ba namin si Mariane?" Nagtatakang tanong nito.

"Yes, kasama pa rin siya, and about don Sa gusto niyang magback out Hindi Na pwede, dahil nasa list Na siya at ng 4th year at inaasahan Na rin siya doon." Sabi ni Mr. Romero.

Tama siya nasa list Na ako ng mga kasama Sa pagpaplano Sa 4th year, kapag kasama kana kasi Hindi kana pwedeng mag back out, Hindi ko alam kung bakit.

Bakit Hindi ko ba naisip yun?

"So pipili kayo ng magiging leader niyo Sa pag paplano, kayo Na ang bahala don, alam ko naman Na alam nyo Na kung sino ang pipiliin niyo, so pwede Na kayong mag meeting ngayon, excuses Na kayo Sa isang subjects niyo dahil gusto mo ituon niyo muna ang atensyon niyo para Sa camp dahil napaka important nito this year, do you all understand?" Tumango naman kami, "So magstart Na kayo mag meeting ngayon, pwede Na kayong lumabas." Nagsitayuan naman kami at lumabas Na.

Napabuntong hininga na lang ako at sumunod Sa kanila.