23
"Sigurado ka bang okay ka na? Na kaya mo nang pumasok?" tanong sa'kin ni Rustom.
"Oo naman, tagal ko na ngang pahinga. Baka pagpahingahin na ako nang tuluyan ng mga prof," natatawa kong sagot.
Sakay ng kanyang Honda Civic na pula, ay magkasabay kaming papasok ng kaibigan ko. 'Yon ang napag-usapan namin bago kami umalis. Sabay din daw kaming uuwi, kung sino ang naunang na dismissed ay s'ya ang maghihintay.
Pagka-park ng kanyang sasakyan ay sabay kaming lumabas. Napabuntong hininga pa ako dahil sa kaba na baka mabengga ako ng mga prof namin.
"Let's go, hatid muna kita sa building mo."
"Bakit? Palagay mo sa'kin? Kinder?!" inirapan ko pa ito habang sabay kaming naglalakad sa hallway.
"Tss. Sinabi ko ba?! Ihahatid kita para alam ko kung saan ka pupuntahan kung sakaling ako ang mauna," paliwanag nito.
"E paano kung ako naman ang mauna sa'yo?"
"Oh, edi ako ang hihintayin mo."
"Shunga! Alam ko, ibig kong sabihin saan kita hihintayin!"
"Ah! Sa HRM building, kasunod lamang 'yon ng Library."
"Ah, okay sige," sagot ko naman dito.
"Pero i-te-text pa rin kita, at i-te-text mo pa rin ako para hindi magkasalisi. Gets?" tumigil kami sa educ building at hinarap ako nito.
"Oo na! Sige na..."
"Sige, behave lang Ivory ha," pagpapaalala pa nito sa'kin kaya sinamaan ko ito nang tingin.
"Anong palagay mo talaga sa'kin ha, Rustom! Bibigwasan na kita d'yan!" tinawanan lang ako ng gago.
"Relax... Aga-aga pa parang gabi na sa'yo, stress na agad. Sige na. Bye!" inismidan ko lamang ito bago n'ya ako talikuran.
Pagkaalis ni Rustom ay huminga muna ako ng malalim bago umakyat sa pangalawang palapag ng building. Napatigil ako sa pinto dahil nakatambay doon si Travis habang nakatingin sa kanyang cellphone.
"Hoy!"
"Fuck!" habol nito ang kanyang cellphone na muntik nang malaglag. "Jesus! I. B! Muntik na cellphone ko do'n."
Tawa naman ako nang tawa dahil mukha talaga siyang kabado. "Sorry Travis ha, ano ba kasi ginagawa mo d'yan?" natatawa ko pa ring tanong.
"Tatawagan sana kita kaya lang baka patay na naman cellphone mo. Tatanong ko sana kung papasok ka na," mahabang paliwanag nito.
"Ah... Oh! Nandito na ako, pumasok na ako."
"Obviously I. B, kaya nga muntik na malaglag cellphone ko, hindi ba?" sarkastiko nitong saad.
"Sorry na nga... Tara, pasok na.." nauna akong pumasok sa loob, pero ramdam ko naman na nakasunod s'ya.
"Ay! Ang taray! Nabuhay ang dyosa ng mga pagong!" maarting sabi ng kaibigan kong beki na si Francis.
"Oo nga, buti buhay pa you?" tanong ng isa pa sa mga kaibigan ko na si Lani.
"Pinatay n'yo na ako agad?! Grabe kayo sa'kin! " bulyaw ko sa mga ito at pinagtawanan pa ako.
Naging kaibigan ko sila isang linggo matapos kong makilala si Travis. Simula rin noon ay palagi na kaming magkakasama, lalo na kapag oras ng aming tusok tusok.
"So, ano na nga kasing happenings sa'yo bakla ka! Akala namin na tegi ka na! My gaaaddd! Wit namang tell sa amin ang iyong pagyao!"
Minsan gusto ko nang sungalngalin ang nguso nito, nahihirapan ako minsan intindihin e.
"May... Nangyari lang na kailangang asikasuhin," nag-aalangan kong sabi sa mga ito.
Pare-pareho na kaming nakaupo sa aming pwesto, magkatabi kami ni Travis. Si Lani at si Francis naman ang magkatabi sa harapan namin.
"Ayy! President ang peg mo bakla ka?! Taray sa aasikasuhin churva ha!" sabi nito, tawa naman nang tawa si Lani sa tabi n'ya. Parehong nakaharap sa gawi namin ang kanilang upuan.
"Tss. Tigilan mo muna s'ya Cess, kababalik lang interview agad?" saway ni Travis kay Francis.
Bigla na naman itong nagpabebe ng kilos, maarti at malantik ang mga daliri nito na inilalagay sa tenga ang kanyang buhok habang nakalawit ang dila. Malagkit na naman ang tingin kay Travis.
"Ekey pe Papa Travis, sere ha..." para na namang napilipit ang dila nito, "ang gorgeous ko telege kapag ikaw ang natawag sa'kin. Ehe. Kalmahan mo leng.."
"Hoy! Francisco Santiago! Tigilan mo 'yang kaharutan mo! Hindi bagay!" bulyaw ni Lani rito, kaya nanlisik na naman ang mga mata nito sa katabi.
"Minsan Lani, kailangan mong tanggapin ang trulalu na mas gandara ang ganitong peslak compare sa mga peslak n'yong pa expired na!" pambawi nito kay Lani.
"Gaga! Palagay mo sa'min, gamot?! May expiration?! Gaga ka!"
Magsasalita pa sana ulit si Francis nang biglang pumasok ang prof namin. Kaya nagmadali ang dalawa na ibalik sa tamang pwesto ang upuan nila.
"Good morning!" bati ng prof namin na si Prof Macalunod.
"Good morning Ma'am!" sabay-sabay na bati naming lahat.
Naging busy na kaming lahat sa pakikinig sa mga prof na nagtuturo sa'min. Mabuti na lamang at hindi ako natatanong sa aking pagliban.
"What are at least two cognitive changes that occur during adolescence?" tanong ni Sir Paradero. Ang beki naming prof.
Tumaas naman agad ng kamay si Francis, dahil wala namang ibang nataas ng kamay ay s'ya ang natawag.
"First, adolescents develop more advanced reasoning skills, including the ability to explore a full range of possibilities inherent in a situation, think hypothetically, and use a logical thought process. Second, adolescents develop the ability to think abstractly." Mahabang sagot ni beki sa kanyang tropang prof.
"Very good. Study, tomorrow we will have a short quiz. Dismiss!"
"Ang taray! Iba talaga kapag magkadugo!" sabi ko agad kay Francis pagkalabas ng Prof.
"Ha? Bakla ka! Wit kaming magka-family! At kahit magka-puso, wititit!"
"Tss. Magkadugo kayo!" pamimilit ko naman habang nag-aayos kami ng mga gamit namin.
"Sa takbo ng utak ni Ivory, hindi na ako aasa..." saad ni Lani habang umiiling pa.
Nagpipigil naman nang tawa ang katabi kong si Travis.
"Oo nga pala! Kakaiba nga pala ang brainlalu ng bakla! Hindi katiwa-tiwala!"
"So, bakit mo nasabi na magkadugo sila?" biglang tanong ni Travis pagkatapos tumikhim.
Tinignan ko naman sila isa-isa gamit ang inosente kong mga tingin.
"Pareho sila ng kulay ng dugo... Berde..."
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming apat. Wala na ang mga kaklase namin kaya naman kami kami na lamang ang nasa loob.
"Pfffttt!" lumolobo na ang pisngi ni Lani.
"Ehem!" tikhim naman nang tikhim si Travis.
"Okay ka na ba talaga bakla?" tanong naman ni Francis.
"Oo naman!"
Ang nagpipigil na si Lani ay bigla na lamang humagalpak nang tawa na sinundan pa ni Travis.
"Ivory is always be Ivory!" Tumatawang sabi ni Lani.
"So innocent!" ang nagpapakalmang si Travis.
"Hay... Friend, payo lang... Mag vitamins ka para sa brainlalu mo na kulang sa nutrients ha. Tss. Tara na! Baka 'di ko matantya 'to!"
"Tss. Ewan ko sa inyo! Ang slow n'yo!" at kinuha na rin ang bag ko at sumunod sa kanila palabas.
"Nahiya naman kami sa'yo!!" sabay-sabay na sigaw nila sa'kin.
"Luh! Mga bastos na nilalang! Mabilaukan sana kayo ng buong itlog ni manong!"
"Hoy bakla ka! Ayoko ng itlog ni manong! Kulubot na! Gaga ka!"
"Ayy mali! Itlog ng kwek-kwek ang ibig kong sabihin!"
"Tangina Ivory! Magaling na lang bumalik ka na. Hindi na boring ang araw ko!" natatawang sabi ni Lani, nagpupunas na ito ng gilid ng kanyang mga mata.
"Ginawa mo pa akong clown!"
"Enough, let's go. Baka maubusan tayo," aya sa'min ni Travis.
"Oo nga, baka wit na maabutan ang itlog ni Manong-ay ng kwek-kwek pala! Pasmado ang bibig, parang kay Ivoryng bakla!"
Mabuti na lamang at kakaunti na ang tao sa pwesto ni manong na suki namin sa tusok tusok. Kumuha kami ng tig-iisang baso at stick at nag kanya-kanya kaming tusok sa kawali.
"Manong... May itlog ka ba?" nasamid naman kaming tatlo dahil sa tanong ni Francis kay manong. Pati si Manong ay natatawa at parang nahihiya naman.
"Oo naman!" sagot ni Manong.
"Ako rin po e," sagot ni bakla. Sira ulo talaga 'to.
"Gago ka Cess!" sabi ni Travis.
"Ikaw Lani?" bumaling naman ito kay Lani na umiinom ng palamig.
"Wala akong itlog Cess..." sagot naman nito at uminom ulit.
"Mani?" nasamid naman ito at sinamaan nang tingin si Francis.
"Malamang! Gago ka ba?!"
"Sana all sis! Sana all!" saad ni Francis na parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi.
Nakailang tusok pa kami bago napagpasyahan na mag-uwian.
"May sundo ka ba I. B?" tanong ni Travis. Nakasanayan ko na ang tawagin n'yang aybi.
"Oo, te-text ko lang kaibigan ko na papunta na ako sa building nila. 'Yon kasi usapan namin."
"Oh s'ya! Gora na Akes mga bakla! Bawal gabihin sa daan ang majonda, baka ma-rape! Jusko! Magwawarlalu ang mudrakels!"
"Ako rin, nand'yan na sundo ko e. Ingat kayo!" pagpapaalam din ni Lani.
"Sige, ingat kayo!" sagot ko naman sa dalawa.
"Ingat.." simpleng sabi naman ni Travis sa mga ito. "So, una na rin ako? May sundo ka pala, ingat ka." nakangiting baling nito sa'kin.
"Oo, sige. Bye... Ingat din.." nakangiting sabi ko at kumaway pa bago n'ya ako talikuran.
Pabalik na sana ako sa campus at handa na sana i-text si Rustom, pero natigilan ako sa kotseng tumigil sa harapan ko.