22

Dalawang araw pa akong hindi lumabas sa apartment ni Rustom. Tatlong araw na akong hindi na-attend ng klase ko, pero tinext ko naman si Travis na gumawa ng dahilan.

"A-Ano 'yan?" Gulat kong bungad sa kapapasok lang na si Rustom. May dala itong maleta at isang malaking bag pack.

"Gamit mo kinuha ko sa Tita mo dahil mauubusan ako sa'yo ng damit."

"Tss. Dami-dami mo namang damit ah! Napaka damot mo!" reklamo ko rito.

"Eto naman galit na naman para binibiro lang e," umupo ito sa tabi ko sa sofa at inakbayan ako. "Kinuha ko para makapasok ka na bukas. Ilang araw ka na absent."

Bumuntong hininga naman ako at tumango bilang sagot.

Sa totoo lang ay masama pa rin ang loob ko kay Tita, simula rin nang tawagan ako ni Lucas ay hindi ko na muli binuksan pa ang cellphone ko. Maliban lang no'ng i-text ko si Travis na block mates ko, para ipaalam na absent ako. Three days ko na s'yang hindi nakikita at nakakausap, wala akong balita tungkol sa kanya.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ng aking kaibigan.

Ngumiti naman ako nang tipid para hindi ito masyado mag-alala. "Oo, salamat pre ha."

"Tss. Wala 'yon! Ikaw pa ba? Lakas mo sa'kin e!" Nakangiti nitong anas sabay gulo sa buhok ko na akala mo ay naglalaro sa aso. Tss.

"Papasok na ako bukas, nakakahiya sa mga prof ko."

"Ikaw bahala, sabay naman tayo e," sagot nito na ikinagulat ko. Bigla akong napatingala sa mukha nito dahil mas mataas s'ya sa'kin kahit nakaupo.

"Anong sabay?"

"D'yan na rin ako nag-aaral kung saan ka nag-aaral. Kaya sabay na tayo lagi pagpasok."

"Seryoso?!" nanlalaking matang tanong ko at mas humarap pa sa kanya nang pagkakaupo.

"Hindi! Joke joke lang 'yon. Kasasabi ko lang 'di ba-aray naman! Bakit nananakit?!"

"E gago ka kausap e! Nagtatanong ako ng maayos dito, balasubas ka sumagot!" Inis kong sabi matapos ko s'yang batukan.

"Sinabi na kasi tapos tatanongin mo pa. Syempre seryoso pre, mag-aaral na ko sa school mo."

"Naks! Nagbabait ka na?" Pagbibiro ko.

"Naman! Baka mamaya ako na ang palanguyin nina Mama sa laot para mangisda ng mano-mano. Sayang ka-gwapuhan ko pre." Mayabang nitong sabi habang nakahawak pa sa kanyang baba.

Pinagtaasan ko naman s'ya ng aking isang kilay. "Dapat nga sa'yo nilulunod na do'n e! Baka mawawala 'yang kahanginan mo kingina ka!"

"Grabe ang bibig mo Ivory Belle Suarez! Wala ka na sa Lemery oy! Nasa Manila ka na, balasubas pa rin ang tabas ng dila mo?!" panenermon ng mokong sa'kin.

"Ganito lang naman ako kapag ikaw ang kausap ko, para naman match."

"Match?"

"Oo, balasubas sa balasubas! O 'di ba match? Tss. Boplaks neto!"

Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo habang napapailing. "Ewan ko sa'yo pre, late development talaga ang utak mo. Hindi makasabay sa edad mo."

"Abay bastos kang bata ka ah! Ni aano kita?!" Bigla itong tumakbo palayo sa'kin.

"Hindi mo ako ni aano, kaya hindi rin kita ni aano. Aanohin ba kita?" tanong nito na nagpagulo sa isip ko.

"Ha?"

Bigla naman itong tumawa nang malakas, tawa na akala mo walang bukas.

Luh! Ay sira ulo amputa!

"Oh? Naguluhan ka rin 'no? Ako rin e! HAHAHAHA!"

Pinanood ko s'yang tumawa habang naka-halukipkip at walang emosyon. Nakahawak pa ito sa kanyang tiyan at talagang masayang masaya. Nang mapansin n'ya ang tingin ko ay napa tikhim ito at pinilit mag-seryoso.

"Tapos na?" Tanong ko.

"O-Oo, tapos na."

"Good. Dahil mukha kang tanga, ikaw lang natatawa sa sarili mong joke. Minsan sabihan mo ko na joke pala ang sasabihin mo ha. Para naman may karamay ka."

Tinalikuran ko ito dala ang aking mga gamit at dumiretso na sa kwarto.

Ako yung may problema pero s'ya 'tong nasiraan ng ulo. Tss.

Inayos ko ang mga damit ko, pati uniform ko sa school ay ini-hanger ko na rin. Natigilan pa ako nang makita ko ang mga damit na madalas kong gamitin sa opisina.

Nakaka-miss din pala mag-trabaho do'n, kahit na halimaw ang kasama ko at ang boss ko.

Napailing-iling ako sa aking naiisip.

"Sila ang dahilan kung bakit ka nasasaktan Ivory, kaya hindi mo dapat na-mimiss ang lugar na 'yon. Lalo na ang taong 'yon, na naging dahilan ng lahat," pagkausap ko sa aking sarili.

"Pre, kakain na!" Sigaw ni Rustom at kinatok pa ang pinto ng dalawang beses.

Nag-inat muna ako bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan kong naghahayin ng aming pagkain si Rustom.

"Nagluto ka pala hindi mo ko tinawag para natulungan kita."

"Tss. Hindi naman pang pyestahan ang lulutuin, kaya ko."

"Edi wow!"

Sinamaan naman ako nitong nang tingin dahil sa naging sagot ko.

"Mukha mo!" bawi nito pabalik at naupo na katapat ko.

"Maganda!"

"Sinong may sabi?"

"Ako!"

"Asa-"

"At ikaw. Hindi ba?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Luh! Kelan ko sinabi?"

"Luh! Kelan daw?! Araw-araw mo sinasabi sa'kin nang nasa Batangas tayo pre. Huwag kang talk shit!" Tinuro ko pa ito gamit ang tinidor.

"Sorry. Pero wala akong maalala," kibit balikat nitong sagot.

"Problema mo na 'yon!"

Hindi ko na ito pinansin at pinagpatuloy na lamang ang pagkain ko. Kaya gano'n na lang din ang kanyang ginawa. Matapos kumain ay ako na ang naghugas dahil siya naman ang nagluto. Ayaw pa nga n'ya pumayag pero wala rin nagawa.

"Papahinga na ako pre, papasok ako bukas."

"Sige sige. Gisingin na lang kita bukas huh."

"Oo, sige. Good night."

"Good night pre."

Nag half bath lamang ako bago humiga sa kama. Natulala pa ako sa kisame at makikipag talo sa sarili kung bubuksan ko ba ang cellphone ko. Maya-maya pa ay nakita ko na ang aking sarili na nakatingin sa cellphone ko na ini-on ko.

Sunod-sunod na text message ang dumating kaya agad ko itong na i-silent. Mga text galing kina Travis at sa ilan ko pang ka blocks. May text din si Lucas pero hindi ko binubuksan.

Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone sa gulat dahil sa bigla nitong pag ring. Tumatawag si Lucas.

Pinanood ko itong ilang beses mag ring at ilang beses mamatay ang tawag. Pero napagpasyahan ko rin sagutin pero hindi ako magsasalita.

[Belle...]

Napapikit ako dahil sa malambing na pagkakatatawag nito sa pangalan ko. Hindi ako nagsalita, gusto ko lang marinig kung ano ang sasabihin niya.

[I missed you...]

Bawat salita n'ya ay natigil s'ya ng ilang segundo at hindi nagsasalita. Siguro ay pinapakiramdaman kung sasagot ba ako. Pero pinanindigan ko na makikinig lamang ako. Rinig ko ang buntong hininga nito mula sa kabilang linya.

[I really missed My Belle....]

Napatakip ako sa aking bibig, naramdaman ko na lamang ang mainit na likido na lumalandas sa pisngi ko.

[Hindi ko alam kung.... Kung kakayanin ko pa ang hindi ka makita o makausap ng ilang araw pa. Belle... Please.... ] Nagsusumamo nitong sabi.

Umiyak akong nang tahimik, walang kahit anong ingay. At napagtanto na, ito pala ang pinaka masakit. Yung umiyak ka nang walang ingay, ang masaktan nang patago.

[We can still fix this, right? We can still continue what we were started, right my Belle?] Napapaos na tanong nito, para itong nagpipigil na maiyak sa tono n'ya. [Don't forget that... I'll always love you, everyday... Please... Don't forget that, okay? I'll wait for you... I will wait until you'll ready. Ikaw lang araw-araw Belle, I know that... You're still in pain, but I want you to know that... I am here, I'm always here... Gaya mo, nasasaktan din ako. Nasasaktan ako na hindi ka nakikita, na nasasaktan ka dahil sa'kin at sa pamilya ko.] Mahabang sabi nito na mas ikinaiyak ko. Rinig ko ang pagsinghot nito sa kabilang linya bago huminga ng malalim.

[I love you My Belle, kung pwede lang na akuin ko ang sakit na nararamdaman mo. Kung pwede lang... Take care of yourself, soon... I'll be the one who taking care of you. I missed you, I love you... I'm sorry...]

Iyon ang huling sinabi nito bago matapos ang tawag. Napatakip ako sa aking mukha at doon umiyak nang umiyak. Napaupo ako sa sahig at dumukdok sa kama para umiyak nang tahimik.

"B-Boss... Bakit? Bakit ako nasasaktan ng ganito? E kayo naman ang may kasalanan nito. Pero nasasaktan ako ngayong nasasaktan ka rin... Bakit!"

Bakit masakit? Bakit kailangang masaktan din ako dahil lang nasasaktan ka?

Sa aking pag-iyak ay nakaramdam ako nang pagod. Kaya hinayaan ko ang sarili na makatulog sa pag-iyak sa ganoong posisyon. Nagbabaka sakaling bukas, pag gising ko, wala na ang sakit...