15
Simula ng mag-aral ako ay palagi na lamang kami nag-aaway ni boss. Nagsimula rin ang inis ko sa kanya dahil sa ginagawa n'ya.
Hindi biro ang mag-aral habang nagta-trabaho, ngunit nakatulong ito upang mabago ang kainosentihan ko sa bagay-bagay. Marami akong natutuhan sa buhay, pati na rin ang pagpapahalaga sa bawat sentimo. Pati sina nanay ay tuwang-tuwa sa aking pag-aaral. Pero araw-araw akong naiinis sa aking boss na sira ulo!
"Boss! Ilang buwan na akong nag-aaral, at ilang buwan ko na rin po sinabi sa'yo na hindi mo na ako kailangan sunduin pa?! Hindi ko naman tatakasan ang trabaho ko sa'yo!" pagmamaktol kong bungad dito pagpasok ng sasakyan.
Paano ba naman, sinundo na naman ako. Hindi na tuloy ako makapag fishball kasama ng mga kaklase ko. Sa ilang buwan kong pag-aaral ay nagkaroon na ako ng mga kaibigan.
"Bakit ba palagi kang galit sa tuwing sinusundo kita? Aren't you thankful? Not all the boss doing this."
"Pero hindi ko naman sinabi boss na gawin mo 'to-"
"Because I want to," pagpuputol nito sa sinasabi ko. "And please, can you just stop being grumpy everytime I picked you up? Thank you is enough lady." inirapan ko naman ito.
Thank you mo mukha mo! Kainis! Hindi ko ma-enjoy ang pag-aaral ko, hindi ko rin ma-enjoy ang may kaibigan dahil sa ginagawa n'ya! Tapos gusto pa n'ya mag thank you ako?! Bwisit eh!
"Hey... Still mad?" tawag pansin nito sa'kin, ako naman ay nakatingin lamang sa labas ng bintana. Hindi pa rin kami umaalis. Kita ko pa rin ang mga kaibigan ko na kumakain ng fishball.
Kainggit!
"Belle..." malambing nitong tawag sa pangalan ko.
"Tara na boss, may trabaho pa tayo, hindi ba?" walang gana kong anas.
"Belle..."
"Boss please..." buntong hininga kong pakiusap.
Sa tuwing magkikita kami, o sa tuwing susunduin n'ya ako ay nawawala na ako sa mood. Pakiramdam ko kasi masyado n'ya akong pinaghihigpitan. Dinaig pa n'ya ang mga magulang ko, at ang best friend ko.
Ang bestfriend ko... Kumusta na kaya s'ya? Nag-aaral din kaya s'ya?
Napabuntong hininga ako sa aking isipin, nakaka stressed na araw-araw sa school, stressed pa sa boss kong dinaig ang gwardya!
Tahimik ang naging byahe namin patungo sa kanyang opisina. May damit akong baon palagi dahil nga sa pagsundo nito. Pagkarating ay dumiretso ako sa banyo para makapag palit. Pagkatapos ko magbihis ay gulat ako sa nakatayo sa pintuan pagkabukas ko.
"B-Boss..."
"Can we talk?" mahina nitong tugon, malungkot ang mga mata nito s a hindi ko malamang dahilan.
"Ano po iyon?"
"Why I have this feeling that you don't want to see me? That, you don't want me to pick you up. Are you ashamed of me?" tanong nito at taimtim akong tinignan sa mga mata ko.
"Hindi... Bakit kita ikakahiya boss?"
"So, why are you acting like you ashamed of me? Because Belle, I really don't understand."
"Same..." walang emosyon kong sagot na nagpasalubong sa mga kilay nito.
"W-What?"
"I don't understand you either boss. Bakit kailangan mong gawin 'yon? Bakit kailangan mo ko laging sunduin? Akala mo ba tatakasan ko trabaho ko-"
"No!" he hissed. "No Belle, I'm not thinking of that." biglang hinahon nito.
"E bakit n'yo ginagawa 'yon?"
Napapalunok ito at biglang yumuko. Naging balisa ito na akala mo may krimen na ginawa.
"K-Kasi Belle... Ano..."
"Boss? Traffic ba d'yan sa dila mo? Mabagal ba usad?" taas kilay kong tanong. "Alam n'yo namang ayaw ko nang nabibitin hindi ba?!" naghalukipkip pa ako.
"Belle, alam mo naman na hindi ba?"
"Luh! Rudy Baldwin ang peg ko gano'n? Mahuhulaan ko?" sarkastiko kong sabi.
Napakamot ito sa kanyang ulo at napabuntong hininga na animoy hirap na hirap magpaliwanag.
"Alam mo boss, hindi kasi ako natutuwa sa ginagawa mo. Hindi ako natutuwa na parang ikinukulong mo ko. Na parang wala akong laya." seryoso kong saad. Nakatingin ito sa'kin na parang may takot sa mga mata. "Boss, oo may utang na loob ako sa'yo. Pero pinagta-trabahuhan ko naman lahat, hindi ba? Serbisyo ko lang ang binabayaran mo, hindi ang buong pagkatao ko," natigilan ito sa sinabi ko.
Nilampasan ko ito ngunit natigilan din dahil sa kamay na pumigil sa braso ko. Humarap ito sa'kin at seryosong seryoso akong tinignan sa mga mata.
"I'm sorry if you think that way... I'm sorry if... If you misunderstood my actions towards you... Belle..." tumigil ito at hindi inaalis ang mga tingin. "It's not what you think." tumigil na naman ito. Tangina! Gusto ko na s'yang sigawan- "Because I like you Belle, no. I love you."
Literal akong natigilan, pati ata ang aking hininga ay saglit na natigil dahil sa kanyang sinabi.
"Since day one, there's this feeling that I couldn't understand before. But now, I'm sure of everything. I'd did that because I want to protect you Belle... I really wanna be selfish when it comes to you..." madamdamin n'yang turan.
Ako? Hindi makakilos o makapag salita manlang. Bakit? Paano? Bakit ako? Kailan pa raw?! Day one?!
Engot ka Belle? May halikan na ngang naganap hindi ba?! Noong birthday ko! Hala!
"B-Boss... Nag-aadik ka ba?" tanong ko.
"Stop making fun of my confession Belle. You have no idea how hard for us to confess, and you just making it fun? Can you atleast take it seriously?" inilapit nito ang kanyang mukha sa aking mukha. Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa bigla nitong ginawa. "Because I'm tired of pretending... Pretending that... I didn't hurt ignoring by you," sabi pa nito nang mahina sa aking mukha dahil sa sobrang lapit.
"B-Boss-" tanging nasabi ko dahil sinunggaban ako nito nang halik. Napaatras ako sa kanyang ginawa kaya ang nangyari ay napabalik ako sa banyo. Ang masama pa ay kasama s'ya! Hinahalikan n'ya ako habang umaatras ako, ipinulupot n'ya ang kanyang braso sa aking bewang at hinapit palapit sa katawan n'ya.
Isinandal ako nito sa pader nang marahan habang hinahalikan. Mas lumalalim pa ang halik nito hanggang sa bumigay na rin ako. Sinabayan ko ang halik nito, pati ang mga dila namin ay nagtatagpo na. Nakahawak lamang ako sa laylayan ng kanyang damit habang tumutugon sa halik nito.
Tumigil ito at pinakatitigan ako matapos nang mahabang halik. Habol namin pareho ang aming mga hininga.
"That was your punishment..." bulong nito sa parang napapaos na boses. "Gustong-gusto kitang ipagdamot sa lahat. Gusto kong akin lamang ang atensyon mo. Gusto ko, ako lamang Belle. But, I know I have no rights to do that. And it's fucking hurt, you know that? I'm fucking hurt Belle, you're always hurt me unintentionally."