Chapter 17
Simula nang mangyari 'yon ay palagi kong tinatanong ang sarili ko. Ano ba kami? Bakit naghahalikan na kami? Bakit ako pumapayag?!
"Argh!!!" Nagpagulong-gulong ako sa aking kama dahil sa inis. Kahapon pa nangyari 'yon pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Buti na lamang at Linggo ngayon hindi ko s'ya makikita.
Napabalikwas ako nang bangon dahil sa tunog ng cellphone ko.
Nanlambot naman ako sa pangalan na bumungad sa'kin kung sino ang caller.
Linggo ngayon, pahinga ko dapat pero eto s'ya at tumatawag! Jusko!
Napabuntong hininga muna ako bago sinagot ang tawag niya.
"H-Hello?" Bakit ako kinakabahan?!
[Hey. Good morning.] Bruskong bati nito sa kabilang linya.
"G-Good morning boss, bakit po kayo napatawag?"
[Pack your things for two days. We're going somewhere.]
Nanlalaki naman ang mata ko sa pinagagawa n'ya.
"S-Sandali boss, sandali ha. At saan na naman 'yan? Pahinga ko ngayon boss! At... Kung makautos ka naman, hindi mo muna ako tinanong kung pwede ako ngayon." Pagbagsak akong naupo sa kama at napahilot sa aking noo.
Nakaka-stress talaga itong boss ko! Ang sarap isako kung hindi lang s'ya masarap-tangina mali!
[May lakad ka ba ngayon?]
"W-Wala,"
[May gagawin ka ba d'yan sa inyo ngayon?]
"W-Wala rin naman..."
[See? So, it's a yes. I'll be there in an hour. See you.]
"Pero-" namatay na ang tawag.
"Arrgghh!!! Bwisit ka talaga! Desisyon ka masyado!" Pinagsusuntok ko ang unan ko habang iniisip na mukha 'yon ng boss ko.
Pero ilang minuto lamang ay nakita ko na ang sarili kong naglalagay ng mga damit sa Duffel bag ko. Naligo na rin ako at nag-ayos bago bumaba upang magpaalam kay Tita.
Natagpuan ko itong nag-aalmusal sa kusina habang may binabasa sa laptop nito.
"Good morning tita," bati ko at bumeso pa rito.
"Oh! Good morning iha. Join me here, wala kang trabaho 'di ba? Bakit nakabihis ka?" Tanong nito habang nagsasandok ako ng aking pagkain.
"Ah... Tita, ano po kasi..."
"You're going out with Lucas, am I right?" Nakangiti nitong tanong.
"O-Opo. Ngayon ko lang din po nalaman, ngayon lang po n'ya sinabi."
Natawa naman ito, botong-boto talaga s'ya kay boss. Ramdam ko rin na ipinauubaya n'ya ako sa lalaki.
"Si Lucas talaga, strategy n'ya 'yon para hindi makatanggi sa kanya." Nakangiti nitong ani.
Nagtataka man ay hindi ko na inusisa dahil wala naman akong pakialam sa nakaraan ng boss ko.
Matapos namin kumain ay nakarinig na kami ng doorbell.
"Baka po s'ya na 'yan. Kunin ko lang po gamit ko."
"Sige,"
Umakyat ako sa kwarto ko para kunin ang bag ko at ang cellphone ko. Bago makalabas ng kwarto ay nakarinig muli ako ng doorbell.
"May bisita siguro si tita," sabi ko sa sarili ko at tuluyan nang bumaba sa sala dahil baka mainip ang napaka bait kong boss.
"Tara na bo-" natigilan ako dahil dalawang lalaki ang nakatalikod sa gawi ko na kinakausap ni tita. Natigilan rin sila dahil napatingin sa'kin si tita.
Tumayo si boss at nakapamulsang tumingin sa'kin ng seryoso. Pero mas hindi ko inaasahan ang isa pang lalaki na tumayo rin at humarap din sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat, at hindi talaga inaasahan na makikita ko s'ya ulit.
"Kumusta ka na?" Baritong tanong nito. Gwapong gwapo sa suot nitong fitted white shirts at denim pants. Kahit Naka Ray-Ban ay kilalang-kilala ko ito.
"Oh. My. God." Unang nasabi ko. Natawa ito sa naging reaksyon ko, ang katabi nito ay madilim na ang tingin.
"Rustommmmmm!!!!" Sigaw ko at tinakbo ang pagitan namin, tinalon ko s'ya nang yakap. Tumawa ito at niyakap ako pabalik.
"Ako nga. Na-miss kita. Sobra." Sabi nito habang nakayakap sa'kin.
"Sobrang miss na rin kita, buti napadpad ka rito."
"Ehem!" Tikhim ni boss na nakatingin pala sa'kin dahil nasa likod na s'ya ng best friend ko. Inirapan ko lamang ito at hinarap si Rustom.
"Kumusta ka? Ang gwapo mo lalo!" Nakangiti kong usal.
"Tss! Matagal na, ngayon mo lang nakita?! Ang sama mo!"
"Eto naman! Syempre matagal na pre, mas lang ngayon. Ay! Oo nga pala, tanda mo pa ba si tita?" Tanong ko at humarap kay Tita Merly.
"Oo naman, nagkausap na kami kanina." Nakangiting saad nito, ngumiti lang din si Tita.
"Pakilala mo boss mo, Ivory." Utos ni Tita.
"Pre, boss ko nga pala. Si boss Lucas, boss si Rustom. Best friend ko na kababata ko sa Batangas."
Pareho silang nakatingin sa mata ng isa't-isa na tila nag-uusap. Ilang segundo silang gano'n bago nagkamay.
"Nice to meet you," saad ng best friend ko.
"Yeah," tanging sagot ng boss ko na wala manlang emosyon. Ang bossy talaga!
"Paalis pa kayo hindi ba Ivory? Nakakahiya naman sa boss naghihintay." Bilang singit ni tita.
"Paalis ka?" Tanong ni Rustom sa tabi ko. Tiningala ko naman ito.
"Oo eh. Pasensya ka na. May tinitigilan ka ba rito?"
"Oo, rito na ako magtutuloy ng pag-aaral e." Sabi nito at ngumiti pa.
"Talaga?! Wow! Sige, kita ulit tayo pagbalik ko ha!" Masigla ko namang sabi.
"Oo ba!" Inabot nito ang cellphone niya sa'kin. "Number mo."
Bago matapos ay narinig ko na ang naiiritang boses ng boss ko.
"Let's go Belle, ma ta-traffic tayo."
Kaya mabilis kong tinapos ang pagta-type ng number ko at inabot ito kay Rustom.
"Magpakilala ka ha! Bye!" Sabi ko at niyakap ko pa s'ya ulit bago lumabas ng bahay dahil kakausapin pa raw n'ya si Tita.
Naging magaan ang awra ko paglabas ng bahay dahil sa pagkikita namin ng best friend ko. Kabaliktaran naman sa awra ng boss ko na parang nagdikit na ata ang kilay sa sobrang salubong nito.
Sumakay ako sa sasakyan n'ya, gano'n din naman s'ya pero padabog na sinara ang pinto.
"Mainit ulo mo boss?"
"Ha? No." Malamig nitong sabi.
"Talaga ba?" Pang-iinis ko pa lalo rito.
"Tss. Miss na miss, akala mo ilang taon hindi nagkita ah!" Bulong nito na naririnig ko naman dahil tahimik. O sadyang pinaparinig n'ya?
"Luh! Matagal na rin ang mag-iisang taon boss."
"Seatbelt." Turo nito sa seatbelt ko kaya kinabit ko agad ito. "Mag-iisang taon pa lang Belle. Makalingkis ka naman akala mo walang bukas." Pagmamaktol pa rin nito.
"Gano'n naman talaga kapag miss mo ang tao hindi ba? Ikaw ba boss?"
"I'm not like that, and I didn't missed someone, ever. Kung magkakaroon man, hindi gano'n katulad ng ginawa mo."
"Syempre, lalaki ka e. Gano'n naman talaga ang mga babae boss." Sagot ko.
"Tss. Required ba na lumingkis ng gano'n kapag nakita ang taong na-miss?"
Pinaglalaban nito? Parang batang naagawan ng lollipop kung magmaktol.
"Teka nga boss... Bakit ka nagagalit? Anong pinaglalaban mo?"
"Why not? It's you Belle, we were talking about you hugging someone. And, in front of me." Parang stress na naman s'ya, halata kahit sa daan lamang s'ya nakatingin.
"Oh? Tapos? Best friend ko 'yon boss, anong problema do'n?"
Napabuntong hininga ito at napakamot sa ulo na parang naiinis. Hinawakan pa ng kaliwa n'yang kamay ang buto ng kanyang matangos na ilong.
Parang galit na galit naman 'to. Tss.
"I don't know what to do... Really..." Sumulyap pa ito sa gawi ko pero mabilis lamang. "What will I do to you? For you to feel what I really felt everytime you did something to someone." Seryosong seryoso ito sa kanyang mga sinasabi. "Paano ba paalalahanan ang sarili na... Wala akong karapatan? Na... Hanggang d'yan lang dapat ako? Kasi Belle, ang hirap para sa'kin na balewalain ang mga ginagawa mo. Lalo na at nakakaramdam na ako ng sakit dito." Turo nito sa dibdib n'ya.