12

Nagising ako sa kumikiliti sa'king tenga..

"Hmmm..." Ungol ko sabay hawi sa bagay na tumatama sa'kin habang nakapikit.

"Hey..." Malambing na tinig na aking narinig.

Anghel ba 'yon? Teka?! Na salvage na ba ako ni Boss?!

"Wake up sleepyhead..." Mahina at May lambing na sabi muli ng anghel.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakangiting lalaki ang bumungad sa'kin.

"May lalaki pa lang anghel?" Ani ko.

Natawa naman ang lalaking anghel sa aking nasambit.

"Still in Dreamland huh..." Sabi nito binugahan ako ng kanyang mabangong hininga sa mukha.

Napapikit pikit naman ako at nagising ang diwa. Doon ko lamang napansin na ang boss ko pala ang nang gigising sa'kin.

"B-Boss?! Gising ka na pala?"

"Kanina pa po, at kanina pa kita ginigising..." Sagot nito.

Napaupo ako sa kama na aking hinihigaan. At nakitang bagong ligo na nga ito. Ready na talagang umalis.

"Ano po ba oras na?"

"10 am,"

"Hala!" Nagmadali akong umalis sa kama at tarantang pumasok ng banyo. Pero agad din napatigil nang maalalang wala nga pala akong baon na damit.

"Belle," kumakatok na tawag sa'kin ni boss.

Dumungaw naman ako sa pintuan.

"Yes, boss?"

"Here..."

May inabot ito sa aking paper bag kaya nagtataka ko naman s'yang tinignan. Pero kinuha rin sa kamay n'ya ang paper bag.

"A-Ano 'to boss?"

"Your things... Clothes.."

"Saan galing?!"

"Pinabili ko," simple nitong sagot.

"Pati underwear?!" Nanlalaking mata kong tanong.

"Yeah,"

"Paano mo nalaman size ko?"

Tinignan naman n'ya ako at tumigil sa bandang dibdib ko kaya napatingin din naman ako rito.

"Cute size ka lang naman kaya hindi mahirap."

"C-Cute size?! Insulto ba 'yon?!"

"Huh? Bakit? Ano ba dapat size?"

"Aba! Gusto mo pakita ko pa sa'yo para malaman mong hindi s'ya cute size!"

Naghalukipkip ito at tumayo nang maayos sa harap ko.

"Let me see then," sabay ngisi pa nito.

Napatakip naman ako sa dibdib ko.

"Bastos mo boss!"

"Ako? Sabi mo ipapakita mo, ready naman ako. Bakit ako pa naging bastos?" Inosente n'yang tanong.

"Oo nga 'no?" Sabi ko sa sarili ko.

"Ipapakita mo na ba?" Nakangising tanong nito.

"Hindi! Asawa ko lang makakakita nito.." sabi ko at pinagsarhan s'ya ng pinto.

"Oo, ako lang talaga dapat makakita n'yan!" Sigaw nito sa labas ng pinto.

Sinasabi no'n?! Bahala nga siya! Makaligo na nga lang..

Mabuti na lamang at sakto nga ang damit na binili ni boss. Dress ito na kulay beige, halter dress ito kaya parang nahiya ako bigla.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko itong hawak ang cellphone at mukhang may ka-text habang nakaupo sa sofa.

"Tara na boss..." Agaw pansin ko rito kaya naman napatingin ito sa'kin.

Nakatitig lamang ito sa akin kaya mas lalo lamang akong nakaramdam ng hiya.

Punyawa! Mukha ata akong losyang dito ah!

"P-Pangit boss? Papalitan ko na lang para hindi ako nakakahiyang kasama—"

"Who told you?" Seryosong tanong nito.

"H-Huh?"

"Who told you? It suit you well. You really stand out in whatever clothes you wear. The power of your beauty..." Napapailing nitong sabi habang tinitignan ako pababa.

"Pinuri mo ba ako boss? Baka inokray mo na pala ako hindi ko nalalaman."

"Ino—what?" Nakakunot kilay nitong tanong.

"I-NO-KRAY!"

"Inokra?"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. At nang umulit sa aking pandinig ay hindi ko na napigilan pa ang humalakhak. Tawa ako nang tawa dahil sa baluktot nitong dila.

"Hey... Are you making fun of me?"

"P-Po?" Tumatawa kong sagot. "Hindi boss," tumawa na naman ako.

"Hindi? But look at you. You're laughing out loud. What's wrong?" Mukha na itong naiinis sa pagtawa ko.

"The wrong is your tongue." Sagot ko at tumawa na naman nang tumawa.

"Will you stop laughing?!" Naiinis nitong suway sa'kin.

"Okay," nagpipigil kong sagot. "Hindi na.." huminga pa ako nang malalim.

"Now, what is inokra?" Tatawa na sana ako muli nang dugtungan pa n'ya ang sinasabi. "Laugh again Belle, I'll make your lips swollen using my lips. Try me." Seryosong sabi nito na nagpasamid sa'kin.

Sa pagpipigil ko na matawa ay inubo ubo ako at biglang sininok. Maangas naman n'ya akong nginisian dahil sa karma ko.

"Explain now..." Tumayo ito at humalukipkip sa harapan ko.

"W-Wait*hik*, iinom*hik* lang boss*hik*..." Sinisinok kong sabi at nagmadaling pumunta sa kusina upang uminom.

"Karma is real isn't it?" Tanong nito pagbalik ko sa pwesto ko.

"Tss." Sagot ko. "Okay, okray kasi 'yon boss! Hindi okra. Gulay yung okra. Yung sinasabi kong I-NO-KRAY ay nilait." Paliwanag ko. Napatingin tango naman ito.

"Did I okra you?" Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Delikado...

"Okray boss.." pagtatama ko.

"Okay. Did I did that? That was a compliment Belle," seryosong sabi nito.

"Ohh... Okay, sorry..." Napapahiya kong sagot.

"Tss. Let's go..."

Mukhang nainis. Tsk! Kagabi lang ang bait-bait ah. May toyo talaga 'yon. Akala ko babae lang tinotoyo. Lalaki rin pala.

Mabilis naman akong sumunod sa kanya pasakay ng kanyang sasakyan. Naalala ko bigla ang ginawa niyang paghalik sa'kin kagabi. Na ginantihan ko naman. Tss.

"Boss,"

Tawag pansin ko rito habang nagmamaneho, naalala ko kasi na sumakit nga pala ang puson nito. Kukumustahin ko lamang.

"Yeah?" Tanong nito. Bago pa man ako magsalita ay tumigil kami sa isang tinatawag na drive thru, at Starbucks ang pangalan. "Wait..." Pigil nito sa sasabihin ko at nagsimula nang umorder.

Mamaya na nga lang...

Nanahimik naman ako habang hinihintay ang binibili n'ya. Nang mai-abot na ito sa kanya ay inabutan ako nito at nagsimula na muli itong magdrive.

"Kainin mo na 'yan, may kape rin d'yan. Wala ka pang breakfast."

"Wala ka rin naman boss hindi ba?"

"I'm fine," sagot nito. Pero hindi ko inintindi at pinagbuksan s'ya nang pagkain n'ya. Inabutan ko rin naman s'ya ng kape.

"Thanks..."

Inumpisahan ko ang tinapay bago humigop ng kape. At nang maalala muli ang itatanong ay humarap ako nang bahagya sa gawi n'ya.

"Boss,"

"Hmm?" Sagot nito habang humihigop ng kape gamit ang isang kamay. Ang isa naman ay nakahawak sa manibela.

"Kumusta puson mo—aayyyy!!!"

Nasamid si boss sa hinihigop na kape, habang ako ay muntik nang mapasubsob dahil sa bigla nitong pag preno.

"Boss!!! Papatayin mo ba ako?!"

"Bakit kasi bigla bigla kang nagtatanong?!" Bulyaw nito habang umuubo. Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang bibig.

"Aba?! Bakit parang kasalanan ko?! Inano kita boss? Hindi ka pa nga na aano d'yan. Nang aano ka na!"

"What?!" Kunot noo nitong tanong.

"Ha? Ano ba sinabi ko?"

"Malay ko! You keep on saying 'inaano' something like that."

"Hindi ko rin gets boss. Hayaan mo na lang. Bakit ka kasi biglang nag preno?! Wala namang aso o pusa ah?"

"Nothing... Forget about that.. And... Stop asking..."

"Kinukumusta ko lang puson mo boss. Ano? Masakit pa?" Pangungulit ko.

Huminga pa muna ito nang malalim bago humarap sa'kin upang magsalita.

"Okay na. Hindi na s'ya masakit... Okay?"

"Bakit sumakit?"

"Belle..." Napapikit pa ito na animo'y nahihirapan sabihin.

Ano ba mahirap sa magkuwento? Tss!

"Gusto ko lang naman malaman..." Ngumuso ako na kunwari'y nagtatampo.

"Fine..." Sabi nito kaya napangiti ako. "I felt something when I was kissed you. And... And... That's it..."

"Yun na 'yon? Ang labo naman!"

"Lilinawin ko na lang sa'yo soon... With demo pa..." Nakangisi nitong sabi.

"Talaga?! Okay!" Nakangiti kong sagot.

"Tss! So innocent... I really need to protect this innocent angel..."